Ang Alak

dmagsalita's picture
| | |
    Sino ang umiinom ng alak?ah,
mangmang ang taong yaon!
Ibinababa niya ang kanyang sarili
sa pinakamababang uri ng hayop sa lupa.
    Sino mang may pinag-aralan
ay hindi gagawin ang gayon.Napaiilalim
siya sa kapangyarihan ng alak at
pumapayag siya na lukubin ang kanyang
katauhan nito.
    At kung gabi,siya'y naglalasing,
kaniig ng kapua niya manlalasing at
mang-iinom.Pinag mamasdan sila ng
kanilang kapitbahay at maging
ng kanilang sambahayan.
    Ang pantas at paham ay
nagiging mangmang dahilan
sa alak.Nawawala ang kanilang
pagkahinhin,nawawala ang kaamuan.
    Siya'y nakikisalamuha sa kapua niya
mga mangmang,at inuumaga sila
kakainom.
    "Kaunting kasiyahan lamang iyan!"
ang kanyang tugon.Ngunit isang kasiyahang
hindi kasiya-siya.
     Ang alak na lunas sa suliranin  sa
buhay.Di yata'y laong problema ang hatid nito.
Ikinukubli ang pagtawag sa Maykapal,at sa 
dios ng alak:siya'y tatawag ngunit walang sasagot.
     Ang alak ay manunuya,ang alak
ay manggugulo.Isang delubyo't mangwawasak
ng tahanan't kaibigan.Kaya isang kaululan
ang magpakalulong dito.
     O kayong maibigin sa alak!
at lisyang kaibigan, darating ang araw
kayo'y magdaramit basahan.
     Ang wika'y "Sabihin mo sa akin kung
sino ang iyong mga kaibigan,
at sasabihin ko naman sa iyo kung
sino naman ikaw". At wika pa,
"sa putik ma'y wala kang maiinom
na malinis na tubig".
     Sa tiyan daw dalhin ang alak,at
huag sa ulo.
 
Ngunit sinong makapipigil sa hangin?
dmagsalita

bhelle's picture

tama po iyan.. kaya bilib

tama po iyan..

kaya bilib ako sa daddy ko eh, walang kabisyo-bisyo, na para bang hindi kapanipaniwala para sa isang lalaki. Walang alak!! Walang sigarilyo!! Walang babae!!

kami, lang ang bisyo na kanyang hindi mabitawan.!!!

 

luv it!!!!InnocentInnocent

yolak69's picture

cheers!!!!

dude cheer up! wag masyadong isisi sa alak ang problema sa mundo...minsan kakailanganin mo din yan. wag lang papakulong sa ispirito.

basta ko, im doing humanity a favor, im trying my best to consume 'em all that my kids won't suffer. Lolz

 

Cheers!!!

baby star's picture

Alak...

Alak po ang pinakaunang pagpapakita ng kapangyarihan ni Hesus. Ginawang alak ang tubig. (John 2:1-11) Bakit niya pinayagan uminom ng alak ang mga bisita sa kasalanan sa Cana? Sapagkat ang alak daw po ay ang sumisimbulo noon sa kaligayahan ng tao. At ang pagbibigay ni Jesus nito ay sumisimbulo din sa kababaang loob niya sa tao sa pagbibgay ng ikaliligaya nito.

Hindi po siguro masama ang alak kung ilalagay lamang ito sa tiyan at hindi sa ulo.Sabi nga po noon ni Kabayan sa isa nitong endorsong alak ay "drink moderately". Minsan ay sinasamahan ko ang Papa ko uminom ng alak kapag may problema siya. Pampatulog nya lang po. X:o)

dmagsalita's picture

bata

Ang nais kong ipapansin ay ang masyadong pagkadumog sa alak.

Diyata't nagbabasa ka pala ng Biblia?

pakibasa mo yaong Kawikaan 20:1

Smile

rbolsqp's picture

Ang paginom ng alak ay di

Ang paginom ng alak ay di kamangmangan.  Mayron ding magandang epekto ang paginom ng alak.

Ang mga nagpapakalunod sa alak ay di rin mangmang, higit pa sila roon. Sapagkat alam nila ang epekto ng SOBRANG alak subalit hinahayaan nilang paalipin sa ispiritu ng nasabing inumin.

 

jonsdmur's picture

Sang-ayon po ako

Sang-ayon po ako dito....

Jonsdmur