Ang Aral Mula sa mga Timba sa Balon

Ang Aral mula sa mga Timba sa Balon
Maikli lamang daw ang buhay at kung papaano mo ito papatakbuhin ay nasasayo, kung ang isang “mapaghanap at matamlay” na ikaw o ang isang “masaya at masiglang” ikaw.
Habang nabubuhay ang isang tao ay may siguradong kaakibat itong sariling suliranin dahil ang lahat lahat ng nilalang ay may kanya-kanyang pangangailangan. Sa pangangailangang ito nagsisimula ang problema, tulad ng kung papano kakamtin ang lahat ng ito. Sa pagkabigong makuha ang mga bagay na ito ay doon nag-uugat ang pagiging matamlay at malungkot ngunit masasabing normal pa rin ito. Ang hindi normal ay magpatalo at magpadala sa pagkabigo at ang Hindi nararapat ay ang maupo na lamang sa isang sulok at magmukmok dahil gawin mo man ito ay patuloy na iikot ang mundo sa iyo, maiiwan ka lang at mauubusan ng panahon. Mauubos ang panahon na dapat ay masaya na ginagamit ang nalalabing oras. Naalala ko yung kwento/parable ng “dalawang timba sa balon”.
Maaaring nabasa mo na ito (ngunit hanggang basa na lamang at ipinagkibit-balikat lamang).Ngayon alalahanin natin ng sabay ito at baka makatulong para sa atin sa pang-araw-araw na pagtingin sa ating buhay.
ooOoo
May dalawang timba na nakasabit sa isang malalim na balon ang nag-uusap. (Hindi pa noon uso ang poso o ang gripo sa lababo.) Ang dalawang timbang ito na panalok ng tubig ay parehong-pareho sa lahat ngunit magka-iba ng pananaw sa buhay.
Unang Timba: Ayaw ko ng ganitong buhay, ang bigat ng pakiramdam ko at nakakabagot. Sa tuwing sasalok tayo ng tubig sa ilalim ng madilim na balon ay pagod na bagod akong bubuhatin ito papataas. Kapag narating na ang taas ay mauubos na muli ang laman. konting panahon ko lamang naramdaman na napupuno ako. Kakasawa na.
Hinagpis at puno ng pagdaramdam ang buong buhay ng unang panalok na timba sa balon samantalang ang pangalawang timba ay kabaligtaran sa kanya.
Pangalawang Timba: Ako gustong-gusto ko ang buhay ko, masaya ako na sa tuwing nauubos ang laman ko ay sasalukin ko lamang muli ang tubig sa ilalim ng balon ay napupuno na ako. Mahirap man ang buhatin ang bigat-bigat na dala natin ay okey lang dahil alam ko na may halaga pa rin ako para sa iba.
ooOoo
Nasasayo kung aling timba ang magiging batayan mo . Sasayangin mo ba ang pagkakataong ibinagay sa iyo na maging masaya rin sa iyong buhay... Ikaw? Nasasayo yan.Ako lamang po ito.
dyeppri
salamat fhearl...
salamat fhearl at blog lang nman ito matapos kong mabasa ang blog din ni Nikol kung ano siya at ang kinahaharap niya ngayon. Naalala ko lamang naman itog kwentong ito matapos ko basahin yung "who is nikol?" sana mabasa niya rin ito. Naantig kasi ako sa nasulat niya,,,
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."



Comment lang naman...
Sa kalagayan ni Timba-1 ay talagang nababagot na siya sitwasyon na araw-araw na lang ganun ang nangyayari sa kanya pakiramdam ba ni Timba-1 na wala na ba talga siyang pag-asa sa ganung sitwasyon? Ipalagay natin ito sa kalagayan ng mga taong naghihirap, pakiramdam kasi nila ay wala na silang pag-asa pa para matakasan ang kanilang estado ng pamumuhay, kahit anong tiyaga at pagsisikap nila ay wala pa ring nangyayari hanggang pangtustos lang sa pang-araw-araw na pangangailangan nagkakasya ang kinikita niya, pakikiramdam niya’y tila pagod na siya sa kanyang pagsisikap na wala naman palang kabuluhan at lalo lang siyang naghihirap, pakiramdam niya’y gusto na niyang sabihin sa sarili niya na “Ayoko na! Sawa na ako sa ganitong buhay! Mabuti pang tapusin ko na ito para di na ako maghihirap!” Sa pagpapakamay kia niya natatapos ang problema o lalo niya itong dinadagdagan?
Kung pagpiliin ako sa dalawang Timba, I must prefer Timba-2, para kay Timba 2 ay mas mahalaga ang masaya ka at may pakinabang, sa mundong ito, hindi mo alam kung saan ka lulugar, mahirap mang ipaliwanag pero kailangan mong makaintindi na hindi mo basta makamit ang isang bagay kung walang kaakibat na sipag, tiyaga, pagpapasenysa at higit sa lahat ang pananalig mo sa Diyos na sanay huwag ka Niyang pabayaan? You can make imposible things to make it possibly happen if you believe in yourself di ba? I guess, hard work is worthless for those that don’t believe in themselves. Sometimes nga, mas marami pa ang failures and mistakes keysa success eh! Pero ‘ika nga nila “Failures makes us better and stronger person.” Kaya di tayo dapat sumuko, basta mahal ka nila at may pagpapahalga sila sayo, just keep on trying, malay mo diba, ngayon TIMBA ka sa balon bukas ay TIMBA ka na sa GRIPO! Waheheh! May pagkakaiba pa kia yun?

Yun lang Sir Dyepp, pero kung ikaw ang pagpipiliin, saan ka rin sa dawalang TIMBA?

Bye2 po, just keep on posting and writing to inspired every filipinowriter...