Ang Babaeng Hindi Mahilig Makipag Beso-beso(Isang kwento hango sa tunay na karansan para sa Alonzo 2005)

Marienel Magno's picture

May problema ba ako sa aking pag-iisip? Bakit hindi ako mahilig makipag beso sa mga kaibigan ko? Ewan ko ba, pero simula nung high school ako, hindi talaga ako mahilig makipag beso-beso. Mahal ko naman ang mga kaibigan ko pero hindi ko talaga feel yun eh. Sukatan ba ang beso-beso kung gaano kayo kahalaga sa isa't isa?

Kaibigan, isang simpleng salita lamang subalit may malalim na kahulugan. Ang kaibigan ay hindi lamang isang ordinaryong tao. Ito ay ang taong nandiyan palagi para sa iyo. Natatakbuhan, naiiyakan, kasama sa katuwaan at inuman, minsan rin nama'y nauutangan. Masarap magkaroon ng kaibigan kasi pakiramdam mo'y hindi ka nag-iisa sa mundo. Ano na lang ang buhay ng isang tao kung walang kaibigan hindi ba? Siguro boring ang buhay at walang happiness. Buti na lang nariyan ang mga kaibigan ko. May happiness tuloy ang buhay ko.

Si Alonzo ang pinakamatalik kong kaibigan. Masaya ako kapag kasama ko siya. "No dull moments", ika nga ng marami. Halo-halo kasi ang mararamdaman mo kapag kasama mo siya. Naiiba rin siya sa lahat ng nakilala ko. Kung kailangan ko siyang i-describe in one word "MATIBAY" ang salitang iyon. Matagal ko na kasi siyang kilala at nakasama.

Classmate ko siya nung fourth year high school. Food trip ang hilig naming gawin kapag wala kaming teacher. Minsan sa kanya ako nangongopya ng assignments ko. Pinagtatakpan niya ako sa mga kasalanan ko nun. Mahilig siya kumanta at mag-gitara. May pagka-punk siya noon. Magaling sa lahat ng subject. Kasama ko lagi sa mga competition. Magaling din siya sa recitation. Minsan napapagalitan ng guro kasi mahilig magpapansin sa klase. Minsan suplado at mahilig mag walk-out pag napipikon. Minsan naman babaero. Mahilig sa sports lalo na sa basketball. Nakakainis siya minsan kasi mahilig siya mamburaot sa pagkain tuwing recess at pati papel sa akin inaasa. Naging make-up artist siya kahit mas maganda siya sa modelo niya. Kinikilig din siya kapag kinikilig ako. Kasama niya ako kapag sisilip siya sa classroom ng crush niya. Ako ang hinahampas niya kapag nagba-blush siya .Minsan naman trying hard, maarte at plastic siya.

Pero kahit ano pa ang ugali meron si Alonzo, mahal ko yan. Nakatatak at nakabaon na yan sa puso't isip ko. Taon ba naman ang pinagsamahan namin eh. Kahit nagkatampuhan, nagkakabati pa din naman kasi magkadugtong na ang mga bituka namin. Ang problema nga lamang, wala akong inisyatibo makipag beso sa kanya. Pero kahit magka ganoon pa man, lagi mong tatandaan, malaya na ako sa inuman para samahan ka sa anumang problema o okasyong kakaharapin mo. Isang facebook message lang, siguradong nariyan na ako sa tabi mo. Salamat sa happiness na dinulot mo sa buhay ko. Ikaw ang nag bigay kulay sa high school life ko.