ANG BATA AT ANG SAGING

Eric's picture

Minsan, pumasok ako sa isang convenient store malapit sa amin. Parang lutang ako nung time na yun. May mabigat kasi akong iniisip tungkol sa ilang bagay sa buhay ko. Magulo ang utak ko nun. Sa bigat ng problema ko nung time na yun, halos ang laman lang ng utak ko ay puro tanong at paninisi. Inis na inis ako sa mundo at siguro sabihin na nating pati sa Diyos na rin. Tapos umupo ako sa isang corner. nilapag ko sa mesa yung dala kong face towel at cellphone. Tapos bumili ako ng sipao at softdrinks. Habang kumakain ako, may pumasok na isang batang pulubi. Nakasuot sya ng isang maduming sombrero, tapos naka-tshirt na black na butas tapos naka-paa. Pinapasok sya ng guard ng convenient store. Siguro kilala na nila yung bata na di naman gumagawa ng kabulastugan sa loob. Nakangiti pa nga yung bata sa guard at dun sa dalawang nasa cashier nung pumasok sya tapos umupu sya sa lamesa na nakaharap sa labas ng store. palinga-linga lang sya dun habang nakaupo tapos ngingiti-ngiti lang sa mga taong napapansin nyang nakatingin sa kanya. Di naman masyadong matao dun nung hapon na yun. Sa may bandang kanan ng mahabang lamesa kung saan nakaupo yung bata ay may nakaupong dalawang binatang parang galing lang sa trabaho. May dala silang baunan tapos dun sila kumakain sa loob. Bumili lang sila ng inumin para di siguro palayasin o mapagsabihan ng guard. Nung mapansin nila yung bata, may halong panunuyang inalok nila ito ng pagkain na kinakain nila. Kita ko yung reaksyon ng bata. Ngumiti lang sya tapos may kinapa sa bulsa. Pinanood ko kung anong gagawin nyang sunod. Maya-maya, binunot nya yung laman ng bulsa nya--dalawang piraso ng hinog na saging. Tapos, inalok din nya habang nakangiti yung dalawang binata. Sabay nagtawanan yung dalawa.Napangiti din ako.

 

Pagkatapos nun, ipinatong nung bata yung dalawang saging na hawak nya sa lamesa. Luminga-linga muna sya tsaka dinampot yung isang piraso at binalatan. Pansin ko na umunat yung likod ng bata. Halatang tipong isang taong biglang sinapian ng lakas ng loob kumbaga. Kinagat nya yung saging at lumilinga sa paligid habang ngumunguya. Sa pakiwari ko, gusto nyang magpapansin talaga sa mga andun at sa loob na kumakain sya ng saging. Pero kakaiba kasi malinaw marahil sa kanya na isa syang pulubi at isang pribilehiyo na nakapasok sya dun at kasalukuyang nakaupo habang kinakain ang kanyang saging. Ganun ang datingan nung bata kung pagmamasdan.

 

Napalunok ako ng siopao na nginunguya ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Ewan ko ba. parang may kung anong aura ang batang pulubi na yun na biglang nakaantig sa akin. Siguro iisipin nyo awa ang naramdaman ko para sa batang yun, pero this time, awa sa sarili ko ang naramdaman ko.

 

Nasa harapan ko ang batang yun nung hapon na yun, proud na kinakain yung dalawang pirasong saging. Ako nasa  bandang likod lang nung bata, nakapatong sa lamesang kinakainan ko ang isang towel na pamunas ng pawis ko, dalawang cellphone, isang siopao at isang softdrinks. Nakasuot ako ng maayos at malinis na damit. May suot akong sombrero na binili ko pa sa Hong Kong nung minsang isinama ako dun ng mga Lola ko. Nakasuot din ako ng matinong tsinelas na hindi man pang mayaman pero siguradong kahit yung batang pulubi na yun, di kakayaning bumili, maliban na lang kung maka-ipon sya ng 300 sa panlilimos sa loob ng limang araw. Pero syempre kahit naman makaipon yun, di bibili yun kasi uunahin nun ang candy marahil at panlaman sa sikmura.

 

Pero, inabot ako ng hiya habang minamasdan ko yung bata. May isang bagay akong hinanap sa sarili ko na malinaw na meron yung batang yun nung mga oras na yun pero wala sa kahit saang sulok ng pagkatao ko. Nakakainis pero wala akong pride nung hapon na yun. Pride na tipong magiging positibo ang pananaw sa sarili.

 

When I saw that poor boy that afternoon, I sensed how proud he was for having had the opportunity of just sitting inside that convenient store while eating his two banana. I felt so ashamed of myself because there I was, full of pride telling God how could He do such misserable things to me. Puno ako ng paninisi at pagtatanong nung hapon na yun. Pero yung bata, pulubi at for sure walang pera at walang cellphone, walang face towel at walang tsinelas pero malinaw na nakita ko na kuntento na sya nung hapon na yun sa pagkain ng dalawang saging nya.

 

Nakakahiya! Ang nakikita ko malimit sa buhay ko ay puro ang kulang at pagkakamali. Pero ang mga bagay at biyaya na ipinagkakaloob sa akin ay di man lang maging matingkad sa ala-ala ko.

 

"Why can't I be contented with the things that I have?" Yan ang naitanong ko sa sarili ko that afternoon. I was moved with tears when I left that convenient store after I found out na hindi lang pala isang pulubi ang batang yun. Isa pa pala syang pipi. I couldn't help but to think how stupid I was for being so knowledgeable about some things in this world and yet so unwise when it comes to the Love of God for me.

 

I never saw that poor boy again. Ang huling alam ko, pagkatapos ko syang bilihan ng sarili nyang siopao at ibigay sa kanya ang softdrinks na iniinom ko pero di ko na naubos, ay nauna lang akong lumabas sa kanya tapos paglabas nya, dun sya nawala sa paningin ko sa eskinita papunta sa palengke. Pero kapag naaalala ko yung tagpo na yun, naiisip ko, siguradong andun ang Espiritu ng Diyos nung hapon na yun para gisingin ako. 

 

Mahirap man pero patuloy kong pinagsusumikapan na maging mapag-pasalamat sa Diyos para sa mga biyaya na binibigay nya sa akin. Di man sobra pero palaging perfect timing. Yung tipong andun na ako minsan sa edge at sinasabi ko na lang "Shit! I'm doomed!" tapos bigla na lang may tulong na darating.

 

Salamat sa isang batag yun at sa kanyang dalawang pirasong saging... Minsan talaga, mas nakakapagpaluha sa tao ang isang piraso ng maliit na buhangin na pumuwing sa mata kesa sa isang suntok na batong tatama sa likod nya...Haay!!!


SSShh.. Secret lang natin

SSShh.. Secret lang natin toh

Touched ako. Christ Object Lesson ang tawag po dyan.

medyo tinamaan din ako sa kwento. Pero infairness sa convenient store na napuntahan mo ay maayos ang trato sa mga "mukhang Pulubi" unlike sa napupuntahan kong store.

 

Eric's picture

Tama ka... Nagulat din ako

Tama ka... Nagulat din ako at hindi sila matapobre dun sa convenient store na yun... Sana ganyan lahat ng mga store lalo na ang mga kainan. I don't know if you've tried doing this, but give it a try minsan, yun bang kumain ka sa loob ng isang food chain then suddenly you see a street kid begging sa labas. Try mo papasukin sa loob at ibili ng food at dun mo isabay ng pagkain sa loob. Ang sarap ng pakiramdam. Hindi yung dahil sa pinakain mo o nilibre mo o dahil feeling mo mas swerte ka kesa sa pulubi. The miracle happens within when you felt that Jesus was there within that very person of the beggar in fron of you. Ako, I felt blessed kasi for a couple of times naramdaman ko na kasama ko kumain sa isang food chain si Jesus... Isa pa, kahit paano naipapadama ko sa kanila na kabilang sila sa lipunan ng mga tao at hindi sila mga basahan lang sa kalsada na binabalewala ng mga nag-aral at mga may pera... Ginagawa ko yun minsan kapag may pagkakataon at paulit-ulit kong gagawin yun at di ako nahihiya... Try mo... God bless...

SSShh.. Secret lang natin

SSShh.. Secret lang natin toh

Uhm I tried na. Sabi ko pa nga sa kanya utusan nya yung waiter kumuha ng water niya e. yung tipong with iced pa ata yun. hehehe

ayun, inutusan nga nya. Gusto ko lang marinig sa waiter na tinatawag din nilang sir ang isang tao o bata kahit mababa ang estado sa antas ng lipunan. Lagi mo kasama si Jesus.

 

Ingats

tama..

this moved me too...

nakakaluha naman to. gusto ko tong mga ganitong posts eh kasi napapaalalahanan akong magpakumbaba at the same time maging mapagpahalaga sa kapwa at sa mga biyaya ng Diyos. lalo na in times of trouble. salamat sa post mo.. :) God bless

noelbarcelona's picture

+

Christ is always there. He is in any form - old, young... all we need is to feel His liberating presence. Godspeed! Ituloy po ninyo ang pagsusulat ng mga istoryang may aral. 

 

“Write in such a way as that you can be readily understood by both the young and the old, by men as well as women, even by children.” - The Great Uncle Ho (1890-1969)

 

Eric's picture

Salamat po...

salamat po... God Bless... asahan po ninyong hindi po ako magsasawang magsulat ng mga artikulo at kung ano pa na kapupulutan ng inspirasyon at aral ng iba...

fragilejay12's picture

Wow.............

 ganda mo ng message nio, ako din sometime I blamed God and even question his authority to me. Hindi ko alam konting mali lng nangyayari sa buhay ko cia na sinisisis ko. peo ndi pa din nia ako binibitiwan, pinaparamdaman pa din nia skn kng ganu kswerte ako........

na-touch tlg ako sa kwento

^^gnyan tlg mga alang mgwa kht anu pgttripan pra lng sumaya haha^^

=Don't gain the world and lose your soul, wisdom is better than silver or gold=

dollysbigbaby's picture

kapatid

natutuwa ako at may katulad mong nagbabahagi ng ganitong mga sulatin sa site na ito. bibihira lang ang tulad mo e.

alam mo, one of the greatest gifts that you can receive is the grace to be greatful for the littlest of things that God has given you. yung pagdilat mo sa umaga, may ngiti sa labi at awit sa puso na hindi mo mawari kung san nanggagaling. yung kababawan ng kaligayahan. it sure beats all the negativity of this world. pray for it and you shall have it.

God bless, bro, and keep writing!

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

Eric's picture

Salamat po...

Thanks a lot for reading my blog... It's a wonderful experience that's why I wanted the world to know about it... Of course not everyone would have the chance to read my experiences, but I will not stop writing as long as I have the littleiest experience of this GOD's Mercy and Love...

Salamat po and I hope you continue to read my future blogs.... God bless...