ANG BUHAY AT TRABAHO NG ISANG SERBEDORA

rose's picture
| | |

ANG BUHAY AT TRABAHO NG SERBEDORA

Sa edad kong dalawampu't isa (21) Umalis ako sa ating bansa noong dalawangdaan at isa (2001) at nag punta ako sa bansang Bahrain sa gitnang silangan. Nag trabaho ako bilang isang taga silbi or waitress sa isang american concept restaurant na ang konsepto ay buffet, nung dumating ako sa airport palang natatakot ako kasi mga nakatalokbong sila ng itim ang nasa isip ko maraming kulto dito at ang mga lalaki na nakasuot ng puti nasa isip ko mga pari nakaupo palang ako sa airport marami ng nag lalaro sa isip ko pero sa kabila nun nag darasal pa rin ako na sana lagi niya ako gabayan sa pupuntahan ko.

hanggang sa nakarating ako sa restaurant at nakita ko na marami palang Pilipino na nagtatrabaho na may iba ibang posisyon, meron serbedura, merong supervisor, merong manager at meron din naman na taga luto . tinanong ako ng isang manager dun at pinapunta ako sa head office ng kanilang restaurant. Hanggang sa mag umpisa na ako pumasok bilang taga silbi sa mga kumakain, ibat ibang klase ng tao ang makikilala mo, may mga amerikano, mga taga saudian, may mga Pilipino, Indonesian marami kang makikilala na galing sa ibat ibang bansa na may ibat ibang ugali at kultura. Marami kaming Pilipino na ofw na nagtatrabaho dito, naisip ko na stepping stone lang ito bata pa naman ako at kahit anong hirap at pagod ang maranasan ko lagi nasa isip ko ang aking pamilya , titiisin ko lahat para sa kanila. 2 taon ang kontrata ko dito.
Sa pagtatrabaho ko marami akong naranasang hirap, minsan kapag napapagod ako umiiyak nalang ako at nagdarasal sa diyos na lagi niya ako gabayan panatilihing maging matatag sa kabila ng mga pag subok na dumarating sa akin at lagi ako tumatawag sa mga magulang ko sinasabi na ayos lang ang kalagayan ko. sa mga Pilipino na nag tatrabaho sa gitnang silangan iba ibang kwento ng buhay ang maririnig mo, marami ring nagtapos na ang trabaho ay taga silbi, dahil sa hirap ng buhay sa ating bansa . bilang taga silbi marami akong natutunan unang una sa lahat ay lawak ng pasensya at pang unawa, dahil ibat ibang klase ng tao ang kailangan mong silbihan.
Isang bagay ang naobserbahan ko na ang ibang babae na naninirahan sa gitnang silangan hindi sila marunong masyado magsalita ng salitang English. Kaya mahirap sila makausap , kapag kinukuha ko ang kanilang order o gustong kainin hindi kami nagkakaintindihan hanggang sa kailangan ko mag-aral ng salitang Arabic kahit konti mga salita na ginagamit sa restaurant. Minsan naaalala ko pa may isang panauhin na nanghingi sakin ng tooth pick sabi niya GIVE ME WOOD? Tapos tinuturo niya ang ngipin niya naisip ko na tooth pick yun grabe tawa ako ng tawa. Tapos isa pang panauhin sabi niya GIVE ME FIRE? Nakita ko yung sigarilyo naisip ko baka lighter or matches pala kailangan niya, at minsan GIVE ME PIPE straw pala kailangan niya at minsan napadaan ako sa isang lamesa na maraming nakaupong mga nakatalokbong na babae mga taga Saudi nagulat ako na ang nilalagyan nila ng ketchup at yung ashtray, hindi ko mapigilan ang tawa ko at tinawag ko ang aming manager imbes na palitan natawa rin lumapit ako sa kanila at tinanong na papalitan ko sabi sakin hindi at nagalit kaya pinabayaan ko nalang na gawin nilang lalagyan ng ketchup ang ashtray . Ganyan yung iba na hindi makapag salita at hindi makaintindi ng salitang English at isang bagay ang naobserbahan ko kailangan talaga mahaba ang pasensya mo , matiyaga ka at lagi mo isipin ang iyong trabaho.

Ang naging buhay namin sa Bahrain bahay- trabaho ,bahay-trabaho kasi sa sobrang pagod na nararanasan naming pag uwi naming ng aming tirahan matutulog agad kami, minsan kapag nag bibiruan kami ng mga kasama ko grabe hirap kumita ng pera kailangan muna natin magbuhat ng milyong milyong plato bago tayo kumita. May katholic church din sa Bahrain kapag lingo nagsisimba kami at kapag merong kaarawan nagluluto kami at sama sama kaming kumakain mga nagtatawanan na akala mo mga walang problema. Tahimik ang buhay sa abroad iisipin mo lang trabaho mo kailangan matapos ang isang araw na walang naging problema , dun umikot ang buhay ko sa Bahrain, trabaho-bahay, trabaho-bahay. Pinapadala ko ang aking kinikita buwan buwan at natutuwa ako na naririnig na Masaya ang aking pamilya , nakakatulong na ako sa pagpapaaral sa aking mga kapatid at mga pamangkin, at unti unti napapayos ko na ang aming bubungan.

Ganun pala pakiramdam kahit napapagod ka kapag alam mong Masaya ang iyong pamilya sa tulong na binibigay mo masarap ang pkiramdam. Hindi mo na naiisip ang hirap at pagod na nararanasan mo. Sobrang sobra ang pasasalamat ko sa diyos araw araw puro pasasalamat at paghingi ko ng tawad aking ginagawa, napakabait ng diyos at dinidinig niya ang dasal ng lahat ng tao. Hanggang sa matapos ko ang dalawang taon kong kontrata sa Bahrain, ni renew nila ako ng isa pang kontrata 2 taon ulit. Umuwi ako para magbakasyun pagkatapos ng 2 taon. Masayang Masaya ako nung Makita ko ang aking magulang at mga kapatid , halos napaiyak ako sa sobrang tuwa na nakauwi ako na maayos at hindi napahamak. Niyakap ko ang aking mga magulang ng mahigpit. Umuwi kami na naghanda sila ng konting salo salo, sama sama kaming magkakapatid na kumakain nagkukwentuhan , nagtatawanan, ang sarap ng pakiramdam at pag tingala ko sa bubung wala ng nakasabit. Hindi ko pa napaayos ng husto ang aming bahay dahil hindi naman ganun kalaki ang sinasahod ko kaya unti unti ang pagpapagawa ko ng bahay, mas lalo akong nag sikap sabi ko kailangan kong mapagawa ang aming tirahan . ganun pala pakiramdam kapag nagsama sama ulit kayo, nagkukwentuhan, nagtatawanan ganyan kasaya ang aming pamilya lalo na kapag pasko at bagong taon sama sama. Hanggang matapos ko ang aking bakasyun na 42 days or apat na put dalawang araw.

Bumalik ako sa Bahrain para sa 2 taong kontrata ulit. Sa aking pagbalik hindi na ganun kalungkot ang aking naramdaman halos nasanay na ako na malayo sa kanila. Lalo akong naging matatag, nasanay mag isa na at lalong naging matiyaga sa pagtatrabaho , minsan sinasabi ko sa sarili ko wala isa man sa mga kapatid ko ang makakaya ang hirap na naranasan ko sa pagtatrabaho sa restaurant. Sampung oras nakatayo at nagsisilbi sa ibat ibang klase ng tao, naglilinis ng mga table or hapag kainan. Marami ring tukso at pag subok ang aking naranasan, mga temptation na dumarating , mga ibang lahi na mag aalok ng pera para mailabas ka, mga ibang Pilipino na may mga asawa na liligawan ka.

Dito ko nakita kong ano meron at buhay abroad o buhay OFW. Nakita ko ang buhay ng mga pilipino na parehong may pamilya na nagsasama dito, mga kababayan nating mga babae na pumapatol sa mga ibang lahi para sa konting halaga na binibigay sa kanila, maraming klaseng tao ang makikita mo dito. Kapag nasa abroad ka kailangan matatag ka, dahil marami rin sa mga kababayan natin ang nabibigo , luhaan na umuuwi sa ating bansa. Kung malalaman lang natin ang ibat ibang kwento ng mga kababayang nagtatrabaho sa ibat ibang lugar malalaman natin ang kahalagahan ng pamilya dahil kaya nandito tayo unang una ay para sa kinabukasan ng ating pamilya marami akong mga bagay na natutunan sa pangingibang bansa, unang una pagpapahala sa pera" spend your money wisely" hindi yung kapag sweldo punta sa bar bili dito bili dun. LAWAK AT HABA NG PASENSYA, tiyaga at sipag, maging matatag at tumayo sa sariling paa. Kaya sa lahat ng pagsubok na naranasan ko isa lang masasabi ko kahit ano pang hirap , pag subok ang maranasan mo lagi ka lang magdasal at ipag pasa diyos ang lahat malalagpasan mo lahat yan. Sana po may maganda at maging inspirasyun sa inyo ang kwento ng aking buhay. Abangan ninyo pa ang marami ko pang kwento???>………….

Rosie

All the story's i made , that is all true, were i used to be... i made that to give some inspiration to all the readers.


noid's picture

Maraming salamat

Hi Rosie,

Maraming salamat sa pagbabahagi mo ng iyong karanasan bilang OFW. Ganitong mga kuwento ang dapat marinig o mabasa ng ating mga kababayang Pilipino upang lubos na maunawaan ang hirap na dinaranas ng karamihan sa ating mga kababayan na nangingibang-bansa upang maghanap-buhay.

Gaya ng nasabi mo, lahat ng iyong kuwento, malungkot man o nakakatuwa, ay totoo -- at ang katotohanan ang magsisilbing inspirasyon para sa ating mga kababayan na mapaunlad pa ang ating bansa.

Mabuhay ka Rosie, at ang marami pa sa ating mga kababayang tulad mo! Aabangan namin ang iba mo pang mga kuwento. Smile