Ang Masayang Kaarawan

mae13's picture

Ang Masayang Kaarawan

 

                Araw ng Enero-13, Huwebes, kaarawan ng isang babae na ganap na magiging dalaga.  Madaling araw pa lamang ay madami nang bumabati sa kanya, mga kaibigan, kaklase at mga kamag-anak.  Pagkagising niya nang umaga ay kumain at naghugas siya ng mga plato na gagamitin para sa simpleng handaan na magaganap.

                “Ann pakihugas mo nga yung mga plato at baso para mamaya”, wika ng kanyang ina.

                “Opo sige po ako na po maghuhugas”, sagot niya.

                Pagkatapos lahat ng Gawain niya ay naligo na siya para pumasok sa kanyang pangalawang subject niya dahil hindi na siya nakapasok sa kanyang unang subject dahil sa abala siya masyado.  Bago siya pumasok ay pumunta muna siya sa supermarket at namili ng mga iluluto nila para sa handaang magaganap.  Dumiretso na siya sa eskwelahan niya at pagpasok niya sa room nila ay binati siya ng mga kaibigan niyang sila Jeni, Roseann, Ophalyn at Regine.

                “Happy birthday Ann!”, sabi nila.

                “Salamat”, saad ni Ann.

                “Oh..” , sabi ni Jeni

                “Ano ito?” ,tanong ni Ann.

                “Buksan mo.” ,saad ni Jeni.

                “Salamat ng marami”, sabi ni Ann.

                Matapos ang klase nila at pagkauwi ay tumuloy na sila sa bahay nila Ann ngunit dumaan pa sila sa Mcdo para sunduin si Mae Ann.

                “Mae Ann pumunta ka na sa Mcdo.”, saad ni Ann.

                “Ah sige punta na ko.”, sagot ni Mae Ann.

                “Sige”, saad ni Ann.

                Nakarating na sila sa Victory Mall at agad naman nila nakita ang kaibigan nila.  Nang dumating sila sa bahay nila Ann ay hinanda muna niya ang mga pagkaen.

                “Uy, kain lang kayo huh”, saad ni Ann.

                “Ou gutom na gutom na kami eh, kain ka na din.”, sabi nila.

                Natapos na sila kumaen at hindi sila makatayo sa dami ng nakain.

                “Grabe kabusog” saad nila.

               

                Umuwi na sila at nakasalubong ni Ann ang mga kaibigan niya nung hayskul na sila Sharah, Razel at Zandra.

                “Uy hated ko lang sila ah, diretso na kayo sa bahay.” Saad ni Ann.

                “Ah sige, Happy Birthday! Ingat, bye!”.  Saad nila.

                Pagkauwi ni Ann ay ayaw siyang papasukin sa bahay nila kaya pumunta muna siya sa bahay ng kanyang Tita.

                “Bawal pumasok, mamaya na.” sabi ni Sharah.

                “Bakit?”  sabi ni Ann.

                “Basta bawal.”  Sabi ni Sharah.

                Pinapasok na nila si Ann at nagulat siya sa kanyang nakita.  May nakahandang cake na may labing-walong kandila at blinow niya ito at nagwish.  Tuwang-tuwa siya sa surpresang nakita niya at hindi makapagsalita.

                “Kumaen na kayo.”  Sabi ni Ann.

                “Sige, kain ka na din.”  Sabi nila,

                “Ou, gutom na rin ako e, hinihintay ko nga kayo e.”  Saad ni Ann.

                “Talaga?  Katouch naman.”  Sabi ni Zandra.

                Kumain na sila kasabay si Ann at masayng ninamnam ang mga pagkaen.

                “Grabe ang sarap.”  Sabi ni Zandra.

                “Kaen ka pa.”  sabi ni Ann.

                “Ayoko na busog na ko.”  Sasot ni Zandra.

                “Sige na ngayon lang libre yan.” Saad ni Ann.

                Pagkatapos nila kumaen ay nagkwentuhan pa sila at sabay na din ibinigay ang mga regalo nila para kay Ann.

                “Salamat sa inyo.”  Saad ni Ann.

  At hinatid na ni Ann ang mga kaibigan dahil lumalalim na ang gabi.  at dito nagtatapos ang maligayang kaarawan ni Ann. 


jeni's picture

Dear Ann

Wow, special mention. Bago nanaman pangalan mo, meron ng "joana", "marie", at "janina" ngayon "ann" naman. Panalo :)

Similar entries