Ang buhay na kasalukuyan kong tinatakbo

hindi sa lahat ng oras kailangan mo alalahanin ang nakaraan at piliting planuhin ang bukas. minsan natututunan talaga ng tao ang mag -mahal at lumuha para mga taong minsan kanilang hinawakan at kinulong sa kanilang mga kapalaran.

minsan mararamdaman mo ang  nakaraang kinukulangan ng kasalukuyan pero umasa ka na may taong nakalaan sayo upang ikaw ay bigyan ng lakas para takbuhin ang bukas palayo sa  naging nakaraan mo; hindi man sya ang maaring nakatadhana sayo pero sya pa rin ang naging instrumento na tumulay sa kasalukuyan mo mula sa sirang daanan na nilakaran mo.

 

ang buhay hindi madali  tahakin para buhayin ang sarili mo.

may ibang nagpapakamatay na lang dahil ang buhay para sa kanila ay parang isang kwentong ginawa nila na matapos hindi makitaan ng  solusyon ay patapon na pinunit at hinahagis sa kawalan ng buhay. Sa basurahan ng buhay. ang kamatayan.....

 

sa buhay nasa sayo kung paano mo ipaglalaban ang buhay at karapatan mo.

nasa sa iyo kung paano mo itatayo ang sarili mo mula sa pagtitisod ng mga nakapaligid sa iyo. sa buhay na minsan paniniwalaan mo bibigyan ka ng magandang kahahantungan mula sa mga hatol ng buhay  at mula sa panghuhusga ng mga tao na minsan mo nakilala at kinilala.

 

 

 

 

ako ay hindi naging simple sa pamumuhay.

naging sakim ako na sana ikulong ako sa pagmamahal mula sa taong minamahal ko.

naging malupit sa mga taong minahal ako at inaalagaan ako, pilit na kumakaripas at kumakawala mula sa pagmamahal na alam ko hindi ako nababagay.

 

ikaw at ako; maaring hindi tayo iisa pero alam ko sa buhay na ito na sabay nating tinatahak alam ko alam mo din ang nararamdaman ko; ang mabigo at muling aasa. paikot-ikot,pabalik-balik.

 

hindi man tayo ang sinasabing "Laan para sa isa't-isa '

pero hindi maaring hindi ko masabi na masaya ako ng makilala kita.

maaring ang luha ko ay may halong kalungkutan mula sa sulok ng aking maitim na guhit ng aking mata pero alam ko sa kabilang banda ng aking kamalayan alam ko kahit hindi ko masagot ang mga tanong sa iyong mga katanungan alam ko ikaw ang maaring naging kasagutan sa aking minsan kahilingang minsan aking hiniling mula sa pinapaniwalaan ko na nagmamahal sa akin.

 

 

 

 

happy 72 days dear!

 


dvi1400's picture

thank you, luv!

nang madala ako sa pag-ibig,

andami kong kinagisnan na pawang kinalimutan ko na. 

salamat sa 'yo at muli ko naalala ang mga ito.

nasasanay na ko na isama ka sa mga karaniwan kong ginagawa.

nasasanay na ko na lagi kang maalala.

nasasanay na ako na andiyan ka kahit na alam kong hindi dapat.

nasasanay na ako dahil ginusto ko.

salamat sa pag-aaruga. salamat sa pag-aalala.

salamat sa pagmamalasakit. salamat sa pagmamahal.

salamat sa diyos at andiyan ka.

happy 72 days, luv!

i feel overly blessed having you in my life.

thank you so much for this wonderful message! 831! ^_^

napakaganda nito...tama!

napakaganda nito...tama!

 salamat

 salamat diwata

 

 

 

 

 

sa bawat sinusulat ko ay ang bawat letra ng Buhay ko

jonsdmur's picture

Okay ang sinulat

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

pakiramdam ko ako ang nagsasalita... Keep on writing!

jonsdmur