Ang Darna Sa Buhay Ko
Bata pa lamang ako ay mahilig na ako sa mga kuwento ni Mars Ravelo. Kaya alam na alam ko ang kuwento ni Darna. Ang mga series na Darna ay nasubaybayan ko sa Komiks at maging sa TV. Hanggang sa magbinata ako ay laging si Darna ang paborito kong basahin. Kaya ng may magbigay sa akin ng asong cross breed ng askal at japanese spitz ay pinangalanan kong Darna kasi ay babae siya.
Nanligaw ako kay Emily at pinalad naman ako hanggang sa kami nga ay magpakasal. At tumira kami sa apartment kasama rin namin ang aking aso na si Darna.
Si Darna ay lagi sa bahay at bihirang lumabas. Lalabas lamang siya kung eebak sa may labasan.
Isang araw ay nakalabas siya ng bakuran tumakbo ng tumakbo. Wala naman ako noon at nasa trabaho. Lumabas din sa karsada ang misis ko at at malakas na tinawag ang aso namin. DARNAAAAAAAAAA!!!!!!!!
Nang umuwi ako kinagabihan ay may sumpong ang asawa ko at pinipilit ako na baguhin daw namin ang pangalan ng aso.
"Kasi nung makalabas ng bakuran ang aso at tinawag ko ay nagmistula akong lukarit na Darna nang Darna. At naglabasan ang mga tao at ako'y pinagtatawanan. Bakit kaya?"
Kayo? Ano kaya ang magandang pangalan ng aso?
Ayos Gyuuuudd
Ano yung DING? Bading? Narding? Hahaha!!!! Ayos Gyyudddd.
hahaha...
pwede rin dong...
para bisaya...hehe...
nakikinig kia ng Barangay LS no?
ayos gyuud...
...minsan ang panulat ay mas nakakasugat kaysa sa tabak!!!



ding...
ding kaya???
hehe...
ayos to...
...minsan ang panulat ay mas nakakasugat kaysa sa tabak!!!