Ang diary ng isang napiping sentimyento sa paralisadong mundo: Ang sabog na birhen

sinta isaac's picture

 

Gaano ba kabigat sa lipunan natin ngayon ang salitang Birhen?

May halaga pa ba iyon? may dating pa ba sa atin kapag sinabi ng isang babae na birhen pa s'ya? nakakatawa ba kapag pinagtapat ng isang babae na birhen pa s'ya at wala pang karanasan?

Pa'no nga ba ma donselya ang ang isang babae?

Kailangan ba, may dudugo? kailangan ba may mapupunit? kailangan ba masakit sa una? mahapdi? kailangan ba, pagkatapos ng unang panghihimasok ay luluha ang babae at mag da-drama at mag hi-histerikal na baka mabuntis s'ya?

ganoon nga ba yun o may iba pa?

Naalala ko tuloy ang biruan namin noon ng mga kaibigan ko. kailangan masabi mo ng hindi ka natatawa ang "Virgin pa ako!"

Ako, nawala ang aking pagkabirhen ilang buwan lamang mula noong unang beses akong niregla. Hindi ko iyon ginusto, pero sa lahat ng pinaka hate kong pag amin, totoong wala akong nagawa nung nangyari yun.

Sige na nga, ilalahad ko na ang lahat ng baraha ko sa lamesa.

Sa unang beses akong nakatikim ng sex, nagalit ako sa mundo. kasi pakiramdam ko, ninakawan ako ng isang napakahalagang bagay sa buhay ko, ninakaw at kahit kailan, kahit anong gawin kong paghabol sa nagnakaw nito, hindi n'ya na maibabalik pa sa akin ang kinuha n'ya.

Sa pangalawang beses akong nakatikim ng sex, third year high school ako. Sabog ako noon. Hindi nga malinaw ang detalye, basta, nasa bahay kami noon nila carlo. mga barkada at school mate kong gumagamit din. reyna nila ako noon, snow queen ang gnila sa akin, si mary pure. si miss fink mouth. lima kami noon, ako, si aya, si carlo, si gani at si lolay.

Si carlo ang naka chokchakan ko nun. okay lang, sabi ko, gwapo naman kasi si carlo.

Sa pangatlong beses, iba na ang pakiramdam ng sex sa akin. parang wala lang. parang isang simpleng laro lang. parang walang ka dating dating. parang isang lalaking bano na naka holding hands ko sa loob ng sinehan. walang appeal. baduy. korni. Nangyari kasi uli iyon na nakatira ako, sa lalaking isang araw lang ang itinagal sa buhay ko.

Sa pang apat na beses, pinilit kong magkaroon ng sense of satisfaction. pagkatapos namin, pumunta ako ng banyo at kinausap ko si kipay. tinanong ko kung masaya ba siya? kung natuwa ba siya? kung nasarapan ba siya?

wala akong nakuhang sagot.

Apat na beses ng kalimot limot na pakikipagkantutan.

At ang nakakatawa, nangyari 'yun ng hindi pa ako nag d-debut.

Kaya nung kausap ko si duday, tawa siya ng tawa habang pinipilit ko siyang paniwalain na virgin pa ako.

kasi para sa akin nun, virgin pa talaga ako. kasi sa mga oras na nakipagjombagan ako sa mga lalaking iyon, katawan ko lang ang nakatalik nila, hindi ang aking kaluluwa,katawan ko lang ang nahawakan nila,hindi ang aking puso,katawan ko lang ang nahubaran nila,hindi ang aking isipan...

kipay ko lang ang napasok nila, hindi ang aking mundo...

wala akong isinuko sa kanila. wala akong ibang ibinigay kundi ang katawan ko. hindi ko sila hinayaang kilalanin ako, hindi ko pinaalam sa kanila ang naglalaro sa utak ko.

wala. lahat ay isa lang malaking wala.

kasi para sa akin, hindi lang sa pisikal na paraan maaaring ma donselya ang isang babae. para sa akin, mawawala lang ang aking pagka birhen kung kusa kong isinuko ang aking katawan at kaluluwa sa aking katalik. kung pagkatapos ng mainit na romansahan ay makakatagpo ako ng kahit pansumandaling kapayapaan sa kanyang mga bisig.

kung sa bawat bayo, hindi lang sarap ang aking natatagpuan kundi isang walang katulad na kaligayahan,

kung sa bawat halik, hindi lamang ungol ang lumalabas sa aking bibig kundi mga bulong ng pag-ibig,

kung sa bawat pagpasok, hindi lang kipay ko ang makukuryente, gagapang ito sa aking buong katawan, papasok sa aking kaloob looban at yayanigin ang aking mundo.

Hindi ako naghihintay sa pag awit ng mga anghel o paglindol o pag buka ng lupa o pagkukulay rosas ng mundo o pag ulan ng rose petals o pagngiti ng bukang liwayway,

para sa akin,

ma do-donselya lamang ako ng isang taong may sapat na kaalaman kung pa'no romansahin, hindi lang ang aking katawan kundi ang pinaka tago at sensitibong parte ng aking pagkatao.

isang nilalang na hayagan kong papapasukin sa akin at mananatili s'ya sa loob ko kahit hindi na kami magkaniig, kahit hindi na kami magkasiping, kahit hindi na kami magkasama.

at ngayon, sa edad kong beinte sais, tahasan at taas noo kong ipagbubunyi at ipagsisigawang hindi na nga ako birhen.

hindi na.

hindi na nga.

Dahil pagkatapos ng bawat naming pagniniig, doon ko lamang natatagpuan ang kaligayahan sa aking pag idilip.


aligaga's picture

baw.....

may dapat pa ba akong ikomento? magaling. un na un.

 

 

salamat sa magagandang akda.

sinta isaac's picture

...

ang dalawang nilalang ay lubusang nagkakaintindihan lalo na kung iisa lang ang laman ng kanilang puso't isipan.

 

salamat aligaga.

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig...

belgiana's picture

wow! wow! wow!

alam kong feminist ka, it was so damn obvious. based sa lahat ng posts mo, I can really tell. Siguro as of now, ito ang pinaka paborito kong gawa mo. Ikaw na siguro ang pinaka sensitive na babaeng member dito sa filipino writer, napaka sensitibo mo pagdating sa mga babae at tungkol sa kanila and to tell you the truth sister, everytime na binabasa ko ang mga stories, poems and blogs mo, isa lang ang nasasabi ko sa sarili ko. Ang swerte ng girlfriend mo sa'yo. mukha kasing napaka understanding mo, napaka feminine at mukhang magaling ka mag-alaga ng isang relationship. 

I like it.

Very prolific.

sinta isaac's picture

...

 

tama ka, napaka feminine ko ngang talaga. kasi babae ako, may iba pa bang dapat na paliwanag?

Sensitibo ako pagdating sa mga babae kasi anim kaming magkakapatid at lahat kami ay puro babae, ako ang bunso at sinasabi ko sa iyo, hindi madaling magkaroon ng limang mga ate na may kanya kanyang saltik at topak. magkakaiba kasi sila ng ugali kaya alam ko na kung pa'no makisalamuha sa babaeng maarte, tahimik, bungangera, salbahe, ubod ng bait, suplada, matapang at duwag. alam ko kung pa'no sila pangitiin, bwisitin, utuin at lambingin.

at tsaka, hindi naman ganu'n ka swerte si celine, kasi madalas niyang nire reklamo ang pagiging bossy ko, ang pagiging mainitin ng ulo, ang mood swings ko, swerte lang talaga ako sa kanya.

Salamat sa pagbabasa.

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig...

virgin?

noong unang panahon, ang mga birhen ay ginagawang alay para sa masaganang ani at maraming huling isda sa karagatan, pero noon sa quebec, pinaniniwalaan nila na kapag ang isang birheng babae ay nakasakay sa kanilang barko, mangangahulugan ito ng bagyo, unos at kamalasan.

iba naman ang kwento mo ate, habang binabasa ko yung post mo may mga lines at paragraph na parang ako ang nahihiya sa kinukwento mo, pero maganda ang pagkaka described ng mga feelings and emotions na nakapaloob sa blog mo.

maalamat ka ngang talaga sinta.

sinta isaac's picture

...

 

Hindi ako maalamat, h'wag ka nga.Embarassed 

Napanood mo ba iyong movie ni ara mina na minsan may dalawang bata?

sabihin na ng iba na jologs ako, pero isa iyon sa mga pelikulang nagustuhan ko, kahanay ng prosti ni jay manalo at aubrey miles, isama mo na ang laman ni albert martinez.

ipinapakita doon sa movie na iyon kung ga'no kahalaga ang isang birhen sa kanilang palayan, sa ulan at sa kasaganaan ng kanilang baryo, iyon pala, ang isang birheng iaalay nila'y kinakalantari ng kanilang parish priest. originial sin ba?

salamat sa pagbabasa.

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig...

oo napanood ko

oo napanood ko un, un yun "ang ada, nakita ko ang ada!" da vah?

may tanong ako sa iyo, sino ang pinakamagandang babaeng birhen na naitala sa bibliya? hehehehe.

sa deuteronomy, sinasabi na kapag ang isang lalaki, nagpakasal sa isang babae at na-realize n'ya sa huli na hindi pala n'ya gusto ang napangasawa n'ya pwedeng pwede n'ya itong hiwalayan by simply saying that her wife was no longer a virgin, so her father must prove that she is still a virgin, pero di napaliwanag kung anong proseso ang gagawin para mapatunayan na birhen pa ang anak n'ya, at ito ang malupit, kapag hindi napatunayan na birhen pa ang babae, the girl will be stone to deat at her own father's doorsteps. Lupit no?

share ko lang. gusto ko lang malaman ang point of view mo tungkol jan.

 

sinta isaac's picture

...

Oo nga, tapos si ara nagsayaw sa bukirin ng nakahubad, ang suot niya lang iyong parang kulambo, LOL.

hindi ako sigurado, pero ang alam ko na nabanggit na magandang virgin sa bibile, si abishag isang shunammite, sa king 1, ibinigay s'ya kay king david, pero wala namang binanggit doon na s'ya ang pinakamagandang birhen sa bibliya. ?...

sa totoo lang, medyo naguluhan ako noon nung mabasa ko sa bibliya ang mga sinabi ni paul, sa roman, sabi kasi n'ya ang natural use ng babae sa lalaki ay ang mag provide ng sex. Ganun?

tungkol naman sa stone to death ekek na 'yan, ganoon talaga ang paniniwala nila, yun nga lang, nakakalito kasi minsan, sa bible ko pa nababasa ang masakit na paniniwalang 'yan,lalo na pagdating sa kababaihan.

salamat.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig...

Bow. .

Ano pa ba ang dapat kong icomment? . .lahat na ata nasabi nila. .magaling kang tlaga sinta, habang 2matagal, pagaling ka ng pagaling. .

Minamahal tuloy lalo kita araw-araw. .

Napakaswerte nga talaga ng maganda mong girlfriend sayo. .sana ay ako na lang xa. .ü

there's never a shortcut to happiness.

sinta isaac's picture

...

 

salamat, salamat...

at iyan ay tagos sa aking puso.

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig...

dyeppri's picture

Maganda ang pinupunto mo Sinta...

kaya lang takot din ako sumang-ayon sa datus mo dahil baka magka-anak ako ng babae. Mawindang ako. Kaloka iti. ahihi

Ang virginity rin naman kasi ay siyang simbulo ng pinto sa kamulatan sa tunay na kahulugan ng mundo nating ginagalawan. Kapag nabuksan ito ay (baka) madali ng mapasok ng kung sino man na 'di gaya nuong itoy tunay na selyado pa. (Inuulit ko takot lang ako dahil ako ay isang Ama din.Laughing)

                           http://dyeppri.wordpress.com/

                       

sinta isaac's picture

...

naiintindihan ko ang ang punto nyo sir, pareho kasi kayo ng sinasabi ng daddy ko. at siguro nga, maaaring mag iba ang pananaw ko sa pagkabirhen ng isang babae kapag dumating ang oras na isa na akong Ina.

tama kayo na ang virginity ay simbulo sa kamulatan sa tunay na kahulugan ng mundo, ganyan din ang inisip ko noon, ngunit habang tumatagal naitatanong ko sa aking sarili, bakit kailanagan pa minsang ma donselya ng isang babae bago s'ya maging mulat sa tunay na kahulugan ng mundo? ako, noong na donselya ako, isa lang ang pumasok sa utak ko, ang mga lalaki manghahalay, namulat ako sa mundong sekswal, namulat ako kung pa'no magpaligaya sa kama, kung pa'no makipagkantutan. iyon lang ang namulat sa akin kaya noong nagdalaga ako, naghanap ako ng isang makakatalik katawan ko na magmumulat sa akin sa mas malalim na bagay, sa mas mahalagang depinisyon ng mundo.

Maraming salamat sir sa pagdaan.

Ikinalulugod ko ang iyong komento.

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig...

artykhulit's picture

?

You really love to flaunt your genius when it comes to your misery. that's one thing I truly hate about you.

another subpoena for you, I guess.

 

sinta isaac's picture

...

Don't intellectualized something so visceral.

at wala akong kiber sa subpoenang sinasabi mo, gusto mo i-lethal injection mo pa ako para maging masaya ka.

 

 You really love to flaunt your genius when it comes to your misery. that's one thing I truly hate about you.

ah talaga, 'yan ba ang tingin mo? ako kasi, ang gusto ko lang mag sulat nung mga bagay na nangyari sa akin at naranasan ko, mga bagay na pwede rin namang kapulutan ng aral ng iba, kung sa tingin mo eh gusto ko lang i-display ang mga misery ko sa mga tao dito eh 'di bahala ka.

at wala akong pakialam kung hindi mo ako gusto, kasi I just don't give a damn.

at tigilan mo ako sa pambibira mo tungkol sa minamahal mong literatura, kasi ang klaseng literatura na binabanggit mo ay matagal ko ng naitae at napalubog sa inidoro.

at hindi ko pa handang i-digest ang kakakain ko lang na egg pie, sayang goldilocks pa naman yun.

Oo nga pala ate kulit, ipo-post ko dito ang koleksyon ko ng tula, at wala na akong paki kung sabihan mo na naman na iyon ay isang ILL FATED LITERATURE.

maraming maraming maraming salamat sa iyo!

nagpupugay ako sa iyong pagiging profound.

At isa pa nga pala, iba ang depinisyon ng profound sa psyche, try mong i-search, ibig sabihin, ang IQ level ng mga profound ay mas mababa pa sa IQ level ng mga taong tinatawag nilang MORON!

Ahmft!

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig...

artykhulit's picture

?

at hahanginin ang iyong katinuan kasabay ng pag-agapay ng iyong kamusmusan palabas sa pinto ng iyong pagkukunwari.

Birheng ina sa lupa.

sa susunod na mag-aalay ka ng iyong akda sa akin, siguraduhin mong kakikitaan ko ito ng sinig at husay, dahil habang binabasa ko ang iyong Ill fated literature,parang gustong isuka sa inidoro ang lahat ng panghimagas na nakain mo mula pa noong nakaraang taon.

Rom's picture

para kay ate

artykhulit wrote:

 

sa susunod na mag-aalay ka ng iyong akda sa akin, siguraduhin mong kakikitaan ko ito ng sinig at husay, dahil habang binabasa ko ang iyong Ill fated literature,parang gustong isuka sa inidoro ang lahat ng panghimagas na nakain mo mula pa noong nakaraang taon.

 

 ate wag ka namang mag expect nang magandang akda na ialay sa iyo, sobra ka naman mangarap. alam mo naman siguro na ang inidorong katulad mo ay para lamang sa tae. asa ka pa na ginto ang ialay sa inidoro?

ang tanong ko sa iyo: may naitulong ka na ba sa siste na ito? may na i contribute ka na ba dito? o isa ka lang talangka na pilit hinihila pababa ang kapwa?

sadyang may mga taong nasisiyahan sa pagbabahagi ng kabulukan ng isipan nila gaya mo. ang ibang kritiko kahit gaano kabigat sa puso ng may akda ang binibitawan nilang pamumuna mararamdaman mo ang awtoridad na bumabalot sa bawat kataga nila--na masasabi mong galing sa isang karanasang hinubog ng panahon at pagkabihasa. hindi tulad mo na hungkag at halatang nagkukunwaring may alam sa larangan ng literatura.

isa lang naman ang hamon ko sa iyo ate arthykulit: magpost ka dito ng gawa mo kahit isang Haiku lang, hindi yung pumupuslit ka lang kapag nagsisyesta ang amo mo o di kaya kapag day-off mo tuwing linggo para makapunta sa internet cafe, tapos hihingahan mo ang mga tao dito ng mabaho mong ga-imburnal na hininga, at ayun balik ka na sa bahay ng amo mo dahil marami ka pang labahin at pinggang huhugasan. 

 

logo button 1

sinta isaac's picture

...

 

swak na swak mga sinabi mo kuya, kapal muks ni ate kulit na hanapan ng sining yung pagpupugay ko sa kanya, s'ya nga wala mailabas na sining ekekek n'ya.

nakakasawa ding patulan ang mga ganyang tao, pero nakakairita lang, hindi ko maiwasang h'wag mabwisit sa mga walang kwenta n'yang banat.

kuya, turuan mo nga akong gumawa ng haiku, pag sinusubukan ko, nauuwi lang ang lahat sa basurahan at recycle bin.

salamat sa dalaw sa blog ko.

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig...

Rom's picture

haiku

 

 ang alam ko kasi sa haiku 5-7-5 sya

meaning 5 syllables sa unang line, 7 sa susunod at 5 ulit sa ending tapos unrhyming sya, hindi tugmaan. ang traditional na porma nito ay usually patungkol sa nature, pero pwede rin namang kahit na ano depende sa trip mo. and line 1 and 2 usually ay magka ugnay pero bigla na lang may sense of detachment o contrast sa ikatlong linya. 

halimbawa:

mainit ako

nalulungkot ang puso

yakap sa dilim 

 halimbawa:

duguang tinig

mga labing nakapinid

usok sa baril 

 actually ang tema ng haiku ay depende sa nagsusulat wala namang set of rules talaga na nag rerestrict sa ganitong porma, nakasanayan lang sa Japan kasi na nature tala ang tema nila, minsan light words ng humor. pero kung isinilang ka naman sa madilim na bahagi ng mundo nag eevolve ang porma nito depende sa experiences mo. again, experiential ang literature, kaya di ako naniniwalang ang tula ay dapat mabubulaklak na salita lamang o ang art ay dapat mga magagandang tanawin lamang. kaya nga social realist ako e.

sana makatulong. 

 

 

logo button 1

sinta isaac's picture

salamat kuya

salamat kuya, malaking tulong ang pagpapaliwanag mo.

the best ka talaga.

 

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig...

matagal na ito

ngayon ko lang nabasa

 

 

tama ka sir rom. 

hindi ako agree sa sinabi nya

 artykhulit wrote:

sa susunod na mag-aalay ka ng iyong akda sa akin, siguraduhin mong kakikitaan ko ito ng sinig at husa..

 

 

sino ba sya? sya ba sinubmitan natin ng mga gawa natin??

 

wahahahahaha

 

sinta go lang keri mo yan

kiber ba natin 

mejo may similarities din yung pananaw natin about dito.. 

 

Thumbs UP

sinta isaac's picture

Salamat cassandra

Salamat sa pagbasa ng blog ko at natutuwa akong malaman na naiintindihan mo ang mga nakasulat dito.

Salamat kapatid.

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

gretta's picture

Dude, si artykulit...

 

was this too nice or she was just a bad seed from a tree of forgotten insecurities? maybe a little bit of both? hahahahaha.

You just put your self back in a runway dude!

Oo nga pala, balik dubz na ulit ako maybe next month, the wheels turn slow here you know. Hehehehe.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

babangon ang patay at mabibiyak ang buwan sa alaala ng apat na mangangabayo ng paghuhukom...

sinta isaac's picture

...

yeah right, the wheels turns slow here sa pinas but they do turn! LOL

Goodluck sa pangingibang bansa mo ulit at sa pamemera sa mga arabo. LOL.

pag may time kita kita tayo bago ka mag babush.

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig...

nasaan ka?

nasaan ka? ... ba't 'di mo pagtanggol sarili mo? Cool

 

 

 

 

 

 

 

               I bet it makes you laugh, watching me work so hard to reach you

ang pagkabirhen

napakagandang paglalahad ng karanasan. hindi lang basta usapin tungkol sa sex kundi tungkol narin sa mga opinyon at haka-haka sa buhay. magandang gawing diskusyon ito sa loob ng classroom. binigyan mo ako ng ideya.

madamdamin at kahabag-habag. binigyan mo ng justice ang isang kahiya-hiyang pag-amin na ikaw ay hindi na birhen.

itataas ko ang watawat tuwing ikaw ay magdaraan.

mahusay na pagkakasulat!

Rom's picture

???

indelible wrote:

 

madamdamin at kahabag-habag. binigyan mo ng justice ang isang kahiya-hiyang pag-amin na ikaw ay hindi na birhen.

 

 

 nakakahiya ba na aminin na di na birhen ang isang babae?

 

logo button 1

dapat kasi

naligaw lang ako, pasensya na...

uulitin ko na lang, maganda ang pagkakasulat.

(akala ko nasa page na ako ni spike west at doon na ako nag comment kaso hindi ko alam kung anong nangyari at sa page mo na post ang comment ko. minumulto ba ako?)

Sangkalupaan's picture

donselya

mas gusto kong basahin ang sentimyento mo tungkol sa babaeng may bayag.

lalo na ang mga sentimyentong de asukal mo noong kolehiyo pa tayo, cute at napakacharming.

τόπος

jonsdmur's picture

para sa akin

Mga Obra ni Jonsdmur

Balarila - Wastong Gamit ng Salita

buhay na buhay ang pagkakalahad.. at kung sakaling likhang isip lamang ito mapapaniwala mo ako na totoo ito... kaso.. totoo nga kaya saludo ako sayo....

Mahalaga talaga ang pagka berhen ng isang babae... at dapat ialay niya ito na kasama ang puso at kaluluwa niya.... 

Minsan hindi dinudugo ang isang babae kahit berhen pa siya... paano ba malalaman?

Magaling!

jons