Ang Diary ng isang napiping sentimyento sa paralisadong mundo: Babaeng may bayag

sinta isaac's picture

Kahapon, sa Lrt, naulinigan ko ang pag-uusap ng dalawang babae, ayon sa kanila, babaeng babae daw sila, masusukat daw yun sa hitsura nila, sa pananamit nila, sa pagsasalita, sa mga gustong topic na pag-usapan,sa choice of music, sa pelikulang gustong panoorin, sa ugali, sa PMS, sa mga katarantaduhan ng isang pagiging babae. mapustura, banidosa, suplada, maingay, madaldal. ang sarap sumabat sa usapan nila, ang sarap nilang kotongan, kasi hindi purkit nireregla ka, hindi purkit maarte kang manamit at sinusunod mo ang batas ng pagiging babae na matagl magbihis at maligo, hindi purkit may puki ka,hindi purkit binubunot mo ang buhok mo sa kilikili at winawax ang buldot mo, kayang kaya mo ng sabihin ng harapan sa mundo na isa ka ngang babae.

para sa akin, dalawa lang ang klase ng babae,

iyong babaeng stagnant sa kanilang sekswalidad

at ang babaeng may tapang na lumabas sa naka kahong kahulugan ng salitang BABAE. ibig sabihin, isang babaeng hindi basta babae lang, kundi isang babaeng may HALAGA.

Sige, timbangin natin ang aking pagkababae, una, pagdating sa musika.

mostly ng mga nasa playlist ko, sila mary j. blige, pussycat dolls, tamia, vonda shepard, fergie, asia cruise, li'l wayne, kanye west, beyonce, shontelle, gwen stefani, pink, katy perry, keysha cole, justin timberlake, dido, tori amos, fiona apple, cranberries, alicia keys, natalie, destiny's child...

o eh ano ngayon di ba? halos lahat naman ng babae, mahilig sa music na ganyan, pang girl. magiging extra ordinary ba ako pag nahilig ako kay mozart? magkakaroon ba ako ng silbi sa lipunan kung maging paborito ko si enya? hindi di ba?

kasi ang utak at halaga ng isang babae, hindi masusukat sa gusto n'yang mga musika. isang kaululan iyon.

pangalawa, sa mga pinapanood na pelikula, drama series at kung ano ano pa. ako, mahilig ako sa classic na filipino movies, tulad ng karnal, ganito kami noon pa'no kayo ngayon, tatlong taong walang diyos, oro plata mata, tinimbang ka ngunit kulang, at sa foreign movies naman,tipikal ang gusto ko, sex and the city, samantha who, desperate housewives, CSI, Mistresses,Five sisters,O.C,felicity at syempre ally mcbeal, hindi ako mahilig manood ng chick flicks, hindi ako nahilig sa TGIS at gimik,sa mga primetime bida ekek na yan,hindi din ako taga subaybay ng mga love team na yan at bwisit ako kay kc at richard lalo na kay john lloyd at sarah. hate na hate ko ang notting hill at maid in manhattan, dalawang pelikula na gustong gusto ng halos lahat ng babaeng naka daupang palad ko na. Natapyasan ba ng hindi ko pagkahilig kay julia roberts at jennifer lopez ang aking pagkababae? hindi di ba?

 may kakilala ako noon, isang babaeng aktibista, matapang, matalino, palaban pero tuwing pinapanood namin ang paborito n'yang pelikula na My bestfriends wedding, umiiyak pa din s'ya sa eksenang nasa boat si julia at ang boylet nya, nagsasayaw habang kumakanta si boy ng the way you look tonight, isang eksenang para sa akin ay napaka korni. pero s'ya, (yung babaeng kaibigan ko) bahagi daw yun ng soft side n'ya, hayaan ko na lang daw.

kasi, hindi kayang sukatin ng mga pelikulang pinapanood mo ang lalim ng iyong isip, ang tapang ng iyong pusong lumaban. iyon ang totoo.

pangatlo, ang lahat daw ng babae, tsismosa, madaldal, mahilig pumutak, hindi mapigilan sa pagsasalita. mahilig mag sabing "sabihin mo ang totoo!" pero pag nagtapat ka na, ayaw namang maniwala.

Kung ganoon, isa ngang babae ang mommy ko at ang halos lahat ng nanay sa mundo. pero hanggang doon lang ba ang dapat iputak ng babae? para sa akin, kapag ang babae ay nagkaroon ng sarili n'yang tinig at boses na umalma, lumaban at ipagtanggol ang kanyang karapatan, doon ka lamang magiging isang tunay na babae.

parang sa kaso ng lalaki, kapag natuto na daw mag jackol ang lalaki at natuto na kung pa'no mang romansa ng babae, lalaki na s'ya, pero ang totoo n'yan, lahat ng lalaki, may titi, pero iilan lang d'yan ang may bayag.

at sa babae naman, lahat 'yan, maraming gustong sabihin, pero iilan lang diyan ang may boses magsalita.

ako, katulad ng ibang babae, kayang kaya kong makipag tsikahan sa phone ng apat na oras, kaya ko ding maglinis ng kuko sa kamay at paa habang nag fe-friendster, kaya kong magluto habang nakikipag kwentuhan sa text, at kapag broken hearted, madali akong malasing, kaya kong manood ng tv habang nag me make-up,kaya kong maglibot sa mall ng buong araw, mag stay sa shower ng mahigit isang oras, mahilig sa bubble bath,isang normal at tipikal na gawain ng isang babae.

pero kapag ganyan ka, swak na ba sa iyo ang depinisyon ng tunay na pagiging isang babae?

hindi di ba?

Kapag ikaw, bilang isang babae ay hindi hinayaan ang kahit na sino ang mang apak sa iyong pagkatao, kapag hindi ka basta basta cinderella na nag papa api sa iyong mga wicked step sisters, kapag hindi ka nakuntento sa buhay na nakakulong sa apat na sulok ng iyong pagiging babae, kapag ikaw, bilang isang babae ay ninais malaman ang dulo ng limitasyon ng iyong pagkababae, kapag ikaw na babae ay nagkaroon ng tapang na lumaban, kesehodang humawak ka ng plakard at sumigaw sa mendiola ng nag-iisa para lang isigaw ang iyong mithiin, doon ka lamang magiging isang tunay na babae.

isang babaeng hindi lang basta nanay kundi isang babaeng marunong maging ina,

isang babaeng hindi lamang karamay kundi isang kaibigan,

isang babaeng hindi lang basta asawa kundi katuwang sa buhay,

isang babaeng may silbi, may kwenta at hindi lang basta pagpapaganda ang alam.

isang babaeng may suso, may pekpek, may balakang at may bayag.

ikaw nga...

ay isang tunay na babae.

 

 


spike_west's picture

Wala akong masabi

Halos lahat ng sinabi ay totoo lalo tungkol sa pagiging babae. Pero ang nakanakaw ng aking pansin ay itong sinabi mo:

parang sa kaso ng lalaki, kapag natuto na daw mag jackol ang lalaki at natuto na kung pa'no mang romansa ng babae, lalaki na s'ya, pero ang totoo n'yan, lahat ng lalaki, may titi, pero iilan lang d'yan ang may bayag.

 Tumpak na tumpak. Walang labis walang kulang, just read between the lines.

Saludo ako sa iyo Sinta.

Ingat

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

sinta isaac's picture

...

Salamat po sir sa pagbabasa at pagbibigay panahon.

A sorta fairytale with you...

Yiennarda's picture

My BF Wedding

Ako ba tinutukoy mo dito? kasi paborito ko din to

may kakilala ako noon, isang babaeng aktibista, matapang, matalino, palaban pero tuwing pinapanood namin ang paborito n'yang pelikula na My bestfriends wedding, umiiyak pa din s'ya sa eksenang nasa boat si julia at ang boylet nya, nagsasayaw habang kumakanta si boy ng the way you look tonight, isang eksenang para sa akin ay napaka korni. pero s'ya, (yung babaeng kaibigan ko) bahagi daw yun ng soft side n'ya, hayaan ko na lang daw 

Kaya tuloy pag nakikita ako ng mga kaibigan kong ngumangalngal ang reaction nila palagi, diko daw bagay! 

Pero di ako yung friend mo na yun sinta... for sure... unless you want me to?  Kiss

             http://wattuduyanie.blogspot.com/

             -an empty bucket

sinta isaac's picture

...

lahat naman gusto kong maging kaibigan, kahit hindi ako ganun ka friendly. :)

ako man, may iniiyakang palabas, I am sam, at sa lahat ng ka shitan ko sa mundo, umiyak din ako sa fifty first date ni drew at adam.

magpugay tayo sa ating pagiging babae.

Kampay kaibigan!

A sorta fairytale with you...

Rom's picture

may tanong lang ako...

may isang katanungan lang ako sa iyo sinta. di ko alam kung out of topic ito pero pakakawalan ko na din: ano ang pananaw mo sa mga babaeng nambubugbog ng lalaki? alam kong medyo absurd ito pero totoong nangyayari ito.

 

BTW maganda ang pagkakasulat mo dito well defined ang lahat ng punto, isa kang tunay na mulat sa mundong ginagalawan mo. saludo ako sa iyo. 

 

 

logo button 1

sinta isaac's picture

...

kung bumababa ang tingin ko sa lalaking nananakit ng kanilang mga asawa, gayon din ang nararamdaman ko sa mga babaeng nananakit ng asawa nilang lalaki lalo na kung pati ang kanilang mga anak ay sinasaktan niya.

ayon kay dra. margie holmes, ang mga ganitong kaso daw ay may pinaghuhugutan, minsan daw, may isang karanasan sa buhay nung babae na nakadama siya ng soprang pagka api mula sa isang lalaki at hindi siya nakaganti kaya nung lumaki na siya at nagka isip, hindi na niya nais pang maulit ang ganoong pangyayari kaya nais niyang sa kanya magsimula ang pananakit. minsan naman daw, ang nasa isip ng babae habang sinasaktan niya ang kanyang asawa'y nais niyang ipakita ang kanyang strong side dahil noon, sa buhay niya, siya ang laging mahina.

may kasong ganyan sa iloilo noong 2005, isang seaman ang inabuso ng kanyang asawa, sa emosyunal at pisikal na paraan.

katulad ng pananaw ko sa mga lalaking nambubugbog, ang ganitong kaso ay hindi katanggap tanggap para sa akin. kahit na sabihin pa ng iba na lalaki naman ang binubugbog, pareho parin iyon, isang pananakit na dapat supilin, lalo na't may mga matang nakakasaksi nito,

ang mga mata ng kanilang mga anak.

 

salamat kuya sa iyong pagbibigay oras sa aking blog.

 

A sorta fairytale with you...

Rom's picture

salamat sinta

 

 salamat sa sagot mo sinta. naitanong ko lang bigla kasing may parang kidlat na alaalang tumama sa memory ko nung nabasa ko itong blog mo. eto yun: http://www.filipinowriter.com/my-so-called-life

totoong buhay ko ito, konti lang ang nakakaalam. pasalamat na lang ako at ngayon ay nakaalpas na ako sa nakaraang bangungot at masaya na sa piling ng aking significant other.

 

salamat ulit sa sagot mo. 

 

logo button 1

blackwidow's picture

saoul ako

 

 ngayon ko lang nadiskubre na maihahanay mo pala ako sa isang tipikal na babae. maraming kaartehan.

 pero ang babae ay babae, kung gusto nyang umangat sa iba, magagawa nya, kung gusto nya namang maging basta lang babae, bahala sya.

 thanks sa post mo, may mga maliliit na bagay ang nalinawan ako.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

kislapalitaptap's picture

...

...tsk,tsk, tsk...

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PANALO!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

sinta isaac's picture

...

maraming salamat kislap!

 

Maihahambing kita sa mga alitaptap sa gabing maunos na pilit pinapainit ang kanilang ilaw kahit sa gitna ng nakaririmarim na kadiliman.

 

Salamat!

A sorta fairytale with you...

sinta isaac's picture

...

 

Mia, it seemed, was a universal name used by all good looking girls.

Very typical ka nga. Lol.

"I'm just a girl, standing in front of a boy, asking him to love her..."

ang shit no?

Yan ang ka cheapan ng notting hill. Lol!

Salamat...

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

A sorta fairytale with you...

belgiana's picture

hehehehe

a total knock-out!

miss sinta

I support you and I like your posts, I like the way your mind works, it's just that, I don't get it.

Notting hill. Hmmmmm,

alam naman natin na ang pagiging emotional at ang pag fa-fantasized ng isang babae ay isa ng general knowledge kung tutuusin. kaya para sa akin, hindi naman ka-tsipan siguro kung magustuhan man ng isang ordinaryo at simpleng babae ang notting hill o ang maid in manhattan. sabi nga ng kaibigan mo, iyon ang soft side ng kanyang pagkababae. at ang pagiging isang babae ay lagi nating inaasahan na kakikitaan natin ng malambot na bahagi.

nonetheless,

I fell in love with your post.

very intellectual.

 

sinta isaac's picture

...

when you look at the abyss, the abyss will look back at you.

 

get the drift?

thanks.

A sorta fairytale with you...

Adlesirc's picture

ayos!

 

 

high five for this! =)

 

keep on writing!

sinta isaac's picture

...

... thanks adle and belgiana.

A sorta fairytale with you...

belgiana's picture

wow

wow, babaeng babae ang post. galing. tamang tama, pero may nakalimutan kang isulat at idagdag, lahat ng babae, maaarte. hehehe.

you're two-thumbs-up girl!

astig!

girl

sulat pa ng sulat.

 

Collecting everything we could of theirs, the Lisbon girls wouldn't leave our minds but they were slipping away. The color of their eyes was fading along with the exact locations... of moles and dimples. From five, they had become four, and they were all the living and the dead, becoming shadows. We would have lost them completely if the girls hadn't contacted us...

When she jumped, she probably thought she could fly.

Virgin Suicide

A novel by Jeffrey Eugenides

sinta isaac's picture

...

kasama na yun dun sa sinabi ko na mga katarantaduhan ng isang babae. labo-labo na. Tsaka may binanggit na kasi ako na banidosa di ba? yun na yun, kasama na ang kaartehan dun kahit magkaiba ang kahulugan nila.

:)

A sorta fairytale with you...

Sangkalupaan's picture

bayag?

ito ang sinasabi kong magandang basahin dahil kung tarantado ka dahil iyon sa ang mundo ay bastardo.

τόπος

WOW

Sobrang nagustuhan ko to. Mahilig din ako sa mga ganitong topic. Yung inuusisa ang pagkakababae ng isang babae. Maganda. Maganda. Maganda. =) 

 

Pagkalipas ng halos tatlong taon...

Ang mga taong nagsasalita gamit ang kanilang mga panulat

At ang mga nilalang na nakikinig gamit ang kanilang mga mata

Ay nabuhay na muli.

sinta isaac's picture

...Iska

 

Tayong mga babae ay magaganda. Mabuhay ang mga kababaihan.

 

Salamat sa pagdaan. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


redwanderer's picture

kaganda naman ng iyong

kaganda naman ng iyong sinulat..i appreciate it very much! 

tama ka hindi masusukat ang pagiging babae sa kaartehan sa katawan..ang pagiging babae ay ang pagkakaroon ng boses..yung naipapahayag ang kanyang nararamdaman..alam ang tama at mali..marunong tumanggap ng kabiguan at marunong tumayo kapag nadapa...

Mabuhay ang kababaihan!

 

 

 

..."To GOD be the Glory!"...

sinta isaac's picture

...

 

Salamata redwanderer. 

dagdag lang, dapat ang babae hindi ikinakahon ang sarili niya sa pag-big sa isang lalaki na kapag naghiwalay sila o iniwan siya ng lalaking iyon ay para bang katapusan na ng mundo niya.

Ang babae, hindi nabubuhay, hindi nagiging masaya, hindi nalulungkot dahil sa lalaki. (hindi ko sasabihing "lalaki lang" dahil hindi naman dapat nilalang ang mga lalaki) pero hindi lang sila ang makakapagpasaya sa buhay ng mga babae.  

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


redwanderer's picture

isang comment pa..

tama ka jan..dahil hindi naman ang mga lalaki ang buhay ng babae though may mga babae na ganyan ang paniniwala..minsan mas mabuti pa nga ang walang lalaki sa buhay..malaya ka sa lahat ng gusto mong gawin..tahimik at walang problema..pero syempre kanya-kanya lang naman yan..iba-iba din kase ang babae eh.

 

 

 

..."To GOD be the Glory!"...