Ang diary ng isang napiping sentimyento sa paralisadong mundo: Bugbog sarado
katorse ako nung dumating sa bahay namin ang pinsang buo ni daddy. si tita yolly. nakasuot s'ya ng shades na malaki, naka long sleeve at nakasemento ang kanan niyang braso.
galit na galit si daddy, pati si tito nestor. naaalala ko, naglabas pa nun ng baril si tito nestor at sabi niya, papatayin daw niya si tito jonjon. si tito jonjon ang asawa ni tita yolly. binugbog pala si tita ng asawa niya.
iyak nun ng iyak si tita yolly. hindi daw niya kayang iwan si tito jonjon, kasi mahal na mahal daw niya ito.
sabi ko noon sa sarili ko, hinding hindi darating sa buhay ko ang ganoong pagkakataon. iyong bugbugin ako ng isang lalaki tapos wala akong gagawin para lumaban.
Bugbog.
ano nga ba ang mas hindi katanggap tanggap? iyong ikaw mismo ang nambubugbog o ikaw yung nabubugbog at hinahayaan mo lang na mabugbog ka ng paulit-ulit?
kailan mo nga ba masasabi na ikaw ay nabugbog? kailan nga ba masasabi na ikaw ay nambubugbog?
kapag may black eye? kapag may duguang nguso at ilong? kapag may pasa? kapag may sumakit sa katawan mo? kapag may iyakan blues?
kailan nga ba?
Ako, nabugbog na ako ni daddy. hindi lang simpleng kurot sa singit, hindi lang simpleng palo ng sinturon o kotong.
Natuklasan kasi niya na isa sa mga kumpare niya, ginawa akong kulasisi. in short, naging isa akong kabit.
Nagsigawan kami. nagsagutan. malaki na ako noon, hindi na ako teen kaya feeling ko, matapang na ako. feeling ko, kayang kaya ko na ang lahat. minura ako ni daddy. malutong. malakas. first time yun, kasi hindi niya ako minumura o kahit sino sa aming magkakapatid. nagulat ako at sa hindi ko malamang dahilan, minura ko siya pabalik. mas malutong. mas malakas. isang dunggol sa nguso ang nagpatahimik sa akin. dumugo ang labi ko. Nagulat din si daddy kaya lumayo siya. umupo sa sofa at nagisip. nagalit ako kaya kung ano ano pa ang pinagsasabi ko. tumayo si daddy at binigyan ako ng mag-anak na sampal. ginawa nilang meeting place ang mukha ko para sa kanilang reunion.
Alam ko na pinagsisihan din ni daddy ang nangyari. pero ayokong tanggapin ang salitang, "hindi ko sinasadya" dahil para sa akin, lahat ng uri ng pananakit, lahat yun, sinasadya mo, hindi mo man gusto, sinadya mo pa din iyon. kasi hindi mo nga gusto bakit ginawa mo pa din? nasaan ang logic ng salitang sorry kung sa umpisa pa lang alam mo ng sorry ang final word ng ginawa mo.
Dumating din ako sa punto na pakiramdam ko, mag-asawa kami ng mundo, at ang mundo pala ang pinakamalupit na asawa at kasama sa buhay. kasi paulit-ulit ka niyang sasaktan. paulit-ulit ka niyang bubugbugin. kung mahina ka, suicide ang kauuwian mo, kung malakas ka, babangon ka. lalaban ka.
sa dami ng dinanas ko sa kamay ng asawa kong mundo,pasa pasa na ang buo kong kaluluwa, malalaki at kulay ubeng pasa na bagamat hindi nakikita ng iba ay patuloy naman akong sinasaktan. maraming pilat siyang iniwan sa pagkatao ko, at iyong iba, mga sugat na hanggang ngayon ay nananatiling sariwa. hindi gumagaling kahit anong gawin kong pagtakip ng band aid, kahit anong gawin kong paglilinis araw araw sa sugat na iyon, hindi siya gumagaling, bagkus, nauwi pa sa impeksyon.
Dalawang klase kasi iyan ng pambubugbog, bugbog sa pisikal at emosyonal na paraan.
At sa dami ng taong nanakit sa akin mula pa pagkabata, masasabi mong bugbog sarado ako at kailangan na ng tulong ng bantay bata.
Pero ang masakit sa lahat ay iyong maranasan mo ang pambubugbog sa taong inakala mong magiging sandalan mo, magiging hugutan mo ng lakas, iyong taong akala mong po=protekta sa iyo mula sa pananakit sa iyo ng mundo.
Dumating si H sa buhay ko. Siya na ata ang pinakamagandang babaeng umapak sa tigang na lupa ng aking makipot na digdig.
Matanda siya sa akin ng apat na taon. batang bata pa ako(pero hindi na ako teen) nung naging kami.Naging masaya ako sa kanya ngunit may mga pagkakataong nasasaktan niya ako. (at hindi ito sakit ng puso kundi tipikal na sakit ng katawan)
Minsan, kapag nag-aaway kami at nasasagot ko siya, sinasampal niya ako. dumating pa sa pagkakataong hindi ako nakauwi sa amin ng isang linggo dahil putok ang kanang kilay ko at may black eye ako sa mata at nakasemento ang kanang pulso ko. minsan naman, pumapasok ako na naka sweat shirt kahit tirik ang araw, para itago ang mga pasa ko sa braso.
nasaan na nga ba iyong ipinangako ko sa sarili ko nung katorse anyos ako? sabagay, ang sabi ko naman noon, walang lalaki ang maaaring mambugbog sa akin. pero syempre, binibigyan ko lang ng walang kwentang excuse ang sarili ko.
Hindi ko iniwan si H, ang totoo niyan, s'ya pa nga ang nang-iwan sa akin. Bigla siyang naglaho sa buhay ko na walang pasabi. walang ka abog abog niya akong iniwan. Para bang determinado siyang saktan ako, napaka deliberate, nakamamatay.
gusto ko nun mag evaporate, gusto ko nun maging butil butil na malalamig na pawis sa katawan ng basong agad maglalaho sa oras na mapahid ito ng mainit na palad.
gusto ko nun, mawala na lang bigla.
pero tapang tapangan ako. kunwari, hindi ako apektado pero ang totoo, durog na durog na ako. hindi ako agad nag move on, hinayaan ko lang ang sarili ko na masaktan niya kahit wala na siya.
at ako naman ang nambugbog sa sarili ko.
Iyon pala ang pinakamahirap na katotohanang hindi ko matanggap noon, na habang hinahayaan akong bugbugin ng mundo at ng mga taong minahal ko, binubugbog ko rin pala ang sarili ko at mas masakit, mas nakakasugat ang bigwas ng sarili kong kamay.
Maraming mga bagay sa mundo na maaaring mangyari sa iyo na hindi mo kayang pigilan, pero ang magpabugbog at mambugbog ay isang bagay na hindi man natin maiwasan, ito naman ay maaari nating pigilan at wakasan.
+ArdnassaK+
...
salamat...
ang totoo niyan, iyon lang ang bagay na pwede kong maipagmalaki sa sarili ko, kasi pagkatapos ng mga nangyari, nakakuha pa din ako ng lakas ng loob na bumangon at gawing maayos ang buhay ko. hindi iyon naging madali, pero kinaya ko at ginawa ko. may mga gusot pa din sa buhay ko hanggang ngayon, sino ba ang wala? tinitignan ko na lang mga nangyari nun sa akin sa maliwanag na bahagi. iniisip ko na kung hindi iyon nangyari sa akin, kung hindi ko iyon dinanas, mananatili akong isang tao na walang alam sa tunay na kahulugan ng pasakit, pagpaparaya, pagbitiw at pagbangon. gumugol ng ilang taon bago ko napag isip isip na ayokong masanay sa kalungkutan, ayokong ikahon ang sarili ko sa mundo na walang sulok, walang labasan, walang magalawan.
masaya na ako ngayon, iyon ang mahalaga. ang mga isinusulat ko sa blog ko ay mga dating karanasan at mga dati kong naramdaman na isa na lamang pahina ng aking buhay na maaari kong basahing muli ngunit hindi na maaaring dugtungan dahil iyon ay natapos na.
salamat sa pagbabasa.
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
!
Sabi ni Oscar Wilde:
To love oneself is the beginning of a life-long romance.
Tama ka, kailangan na nga nating pigilan o wakasan ang pambubugbog natin sa ating saliri para laging ‘happy ending’ ang katapusan ng kwento natin araw-araw.
...
balik tanaw sa dati naming pag-uusap ni H.
Ako: iiwan mo ba ako?
H: (hindi siya sumagot, ngumiti lang)
Ako: ...yeah, so much for my happy ending.
Salamat sa pagbabasa at pagbahagi sa kay oscar wilde. :)
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
Masukista ka na ba ngayon?
Lam mo ba, sabi nila worse daw mag-away ang mga les-relationships. kaysa sa normal na babae-lalaki...kasi pwede sila magsabunutan, sampalan, kurutan... Kasi pag ginawa sayo ng lalaki yon... ayy josko dhay... bading yun!!!
(^_^)
After ba nun Masukista ka na? sinasaktan mo na sarili mo? o mas pinili mong huwag masaktan at manakit.... sa mga oras na nag-aaway kayo... napipigilan nyo pa ba? kasi.... pano ba mag-express ng galit habang nag-aaway....
nagkikilitian.... hehe....kuchi-kuchi-koo....

...
kuchi kuchi koo...
sana nga ganun, pero hindi.
sa lahat ng mga nakarelasyon ko, lalaki man o babae, sa kanya ko lang naranasan yung dalawang klase ng pambubugbog na iyon. siguro kasi, matalino siya, maganda siya, kayang kaya niya ang sarili niyang dalhin kahit saan kaya madalas, nagpo-power trip siya, hindi lang naman sa akin, kundi pati narin sa mga dati niyang mga nakarelasyon.
sa mga past gf's ko, kapag nag-aaway kami (na bihirang mangyari) mostly, titigan lang, walang salitaan, kasi ako yung tipo ng tao na hindi masalita. ayoko ng mga mada-dramang linya, ayoko ng iyakan, sakitan, ayoko kasing sabihin at gawin ang mga bagay na pagsisisihan ko din sa huli. ayokong magsalita kapag galit ako kasi pwede mong masabi ang mga bagay na hindi mo gustong sabihin.
hindi naman worse ang away ng les relationship. basta lang...
after nung nangyari sa relasyon ko kay h, nasa punto ako ng buhay ko na parang maingat na ako sa mga relasyong pinapasok ko. maingat pero careless. meron ba nun? kapag nagkaroon ako ng doubt, bumibitaw ako agad, kapag nagsawa ako (na napakadaling mangyari) umaayaw ako agad.
hindi ko alam kung naging masukista ba ako o siguro nga naging masukista ako (emotionally) pero ayoko lang aminin. pero hindi naman ako umabot sa punto na hinihiwa ko ng blade ang sarili ko o inuuntog ko ang ulo ko sa pader.
kuchi kuchi koo, salamat sa iyong pagbabasa.
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
Hayy...
sana nga ganun..kaso ang wierd naman tingnan kung ganun... hehehe...
cguro nga hindi lahat nasa personalidad lang talaga ng mga tao.
isa ka pala dun sa mga mahilig sa silent treatment at cold war. oks lang yun basta ba kiss and mate up lagi ending eh kahit pa anong klaseng away yan... =P

Ramdam ko ang kalungkutan m0.
Lahat tau my karapatang magalit sa mundo. Naiintindihan ko kung bkit ganyan na lang ang hinanakit m0 sa mundo, pero sbi mo na rin my mga bagay na imposibleng hindi natin ginusto mangyari.
Try mo mabuhay na walang anino ng nakaraan. Mag-move on ka sa isang walang kwentang 'H' na yun. Tutulungan kita, malay mo ang isang 'H' na gaya ko ang makagam0t sa mga sugat mo.
I bet it makes you laugh, watching me work so hard to reach you. .
...
hindi ka 'H', ikaw si Big 'C'... :)
...nabubuhay na ako na wala ang anino ng nakaraan, kaya nga ikaw ang pinili ko hindi ba?...
sa mramaing dahilan, at sa pinaka maiksing paliwanag,
Ikaw ang unang totoong nangyari sa buhay ko.
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
and so it goes...
devastatingly beautiful confession.
you done it again. Kami ng bf ko, we're always trying hard to make it work for the sake of our relationship, kahit na we both know, its not really working anymore and we're just fooling ourselves. I don't know if im being masukista kasi I still decided to stay with him for a longer time just to prove to my self and to the watching world na Ive done my part.
We don't hurt each other physically, yes, I'm sure 'bout that. but then, we tend to hurt each other emotionally because we're still holding on to a love that had died, a long time ago.
Paradoxopoda? is she the lucky girl?
I was quite thrill with your words for her, i find it so sweet and soft and tender. How I wish, someone will tell me those words of love someday or maybe, I have this silent wish that somehow or someday, it will be...
well, that last part, better to be left unsaid.
I wish you happiness.
cool pix.
like a game of pick-up sticks played by fucking lunatics
...
salamat sa pagbabahagi mo keira.
at sa iyong tanong, isang mahabang OO.
keira,
para saan ang paghawak sa isang relasyong wala ng pinatutunguhan? para saan ang pag-ibig kung hindi ninyo naman na ito nararamdaman? may halaga pa ba ang lahat o isa na lamang malaking kalokohan ang salitan "tayo" dahil kapwa ninyo alam, na wala ng "ikaw" at "ako"
ako man ay hinihiling ko din ang iyong kaligayahan.
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
bugbog
ako, aminado ako... hindi ako nagger pero kapag napuno ako, nananakit talaga ako at malamang kung naging lalaki ako, kawawa ang babaeng makakarelasyon ko.
nabugbog na rin ako ng x ko. grabe, buong katawan ko masakit at napakarami kong pasa non. dun ako natauhan na hindi talaga sya ang taong gusto kong makasama ng pangmatagalan.. tindi non, ang liit liit ng katawan ko e, bugbugin ba naman ako. pero hindi naman ako masyado nagpatalo, binugbog ko rin sya. hehe
pero tama ka, dapat magpigil tayong manakit sa kahit anong paraan hanggat maaari. at hindi nagagamot ng sorry ang pasa sa katawan at sugat sa kalooban.
thanks for sharing! (nagshare na rin ako. hehe)
Maaaring mawala ang pasa at sugat sa katawan
...
tama ka, at ang pingas sa pagkatao mo, mahirap lapatan ng bagong bahaging muling bubuo nito.
salamat jon.
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
...
sana nga katulad mo akong mag-isip nun, na nung nabugbog ka niya at nasaktan na realize mo agad na hindi siya para sa iyo, ako kasi, nagpakamanhid pa ako nun para lang hindi kami maghiwalay.
hindi ako makaganti sa mga sapak at sampal niya, ang tangkad kasi niya sa akin tapos yatot pa ako nun, olats na olats nga ako.
salamat sa pag she-share anne,
nasaan na ba 'yang ex mo na 'yan, halika, bugbugin natin tapos takbuhan natin. :)
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
go, girl!
Hehe, okey ka na pala e. Natutuwa akong malamang nakaigpaw ka na. Hindi ka lang naman makakaabante kung magpapakalunod ka sa self-pity, di ba? Tamang isulat mo ang mga naging karanasan mo, bilang ritwal ng paglaya sa nakaraan at bilang aral na rin sa iba pang makakabasa. Korni man pero sabi nga ng iba "anything that doesn't kill you makes you stronger." Hehe, sensya na wala na ako masabi kundi sana mahanap mo na at mabuo ang nagkapira-piraso mong katauhan, proseso pa rin ang paghilom, di ba? May mga sugat na mag-iiwan ng pangit na peklat pero magiging reminder na lang ito sa atin kung bakit tayo nadapa noon at kung paano tayo nakabangon.
gusto ko
gusto ko ang mga perspektibo mo sa buhay miss sinta at ang cute ng avatar mo ngayon, a smoking bitch. hehehehe. I dont mean it in a harsh way, dont get me wrong. ang buhay mo ba ay nakakahon? ang kahon, gawa sa matigas na papel, marupok at madaling masunog kaya madali kang makakaalis sa kahong iyan.
hindi ko lang matanggap na hnayaan mong masaktan ka ng isang babae? bakit? dahil inlove ka? okay, given the fact na inlove ka, pero is that enough reason para hayaan mong ganunin ka or it is just a very strange way to show her that you love her?
...
salamat ng marami lyds, marami akong napulot sa iyong komento.
tama ka, proseso ng paghilom at hindi na mahalaga kung ga'no kahaba at ga'no kaikli ang prosesong iyon, ang mahalaga, humihilom ka kahit paunti unti.
salamat.
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
mula sa isang senti, hehe
nasa atin ang ikatatagal at ikabibilis ng ating paghilom, may nabasa ako na sabi wag mabuhay sa nakaraan para makausad sa kinabukasan, e iyun din ang naging mistake ko kaya pala hindi ako makaabante.
tuloy-tuloy lang ang pag-usad, pasasaan bat makakarating din tayo sa gusto nating puntahan. Kahit may kabagalan, at least alam nating wasto ang prosesong dinadaanan natin, wala kasing shortcut sa totoong buhay, mentras minamadali lalong tumatagal.
sagwan lang, sinta. Darating ka rin sa laot ng iyong paglaya mula sa masalimuot mong kahapon, love yourself, hehe :)
.
salamat sa pagbabahagi nito Sinta.
sa karanasan ko matapos kong putulin ang isang mapanakit na relasyon, marami akong realisasyon sa buhay. pero marami rin akong na develop na negative attitude bunga ng relasyong iyon. na unti-unti kong hinuhubad over the years, gaya nang dati hindi ako nakikipag kaibigan kaninoman, lagi akong nag-iisa at umiiwas sa pakikipag kaibigan. magagalitin din ako, bihira o halos di na ako naglilibang, madali akong umiyak, at totally inabandon ko na ang mangarap.
malaking epekto sa psyche ko ang pananakit, napaka liit ng self-esteem ko, ni hindi ko alam na kaya ko palang magsulat, magpinta o tumula. alipin ako ng relasyong mapanakit, siguro kung hanggang ngayon ay nandun pa ako malamang 2 lang ang pwedeng mangyari--mapatay ako o makapatay ako. unti-unti na kasing nagbabago ang katauhan ko matindi na ang tolerance ko sa pain at na verify ko na kaya kong pumatay kasi nga maliit na masyado ang tingin ko sa sarili ko, wala na akong pinanghahawakan na baka masaktan ako o wala namang mawawala sa akin kung makakapatay ako.
salamat na lang at nakawala na ako.
...
kuya para sa atin ang kantang ito dahil kapwa tayo nakabangon at nakatagpo ng isang nilalang na para sa atin at tumanggap sa atin ng buong buo...
:)
You cant run away forever
But theres nothing wrong with getting a good head start
You want to shut out the night
You want to shut down the sun
You want to shut away the pieces of a broken heart
Thing of how wed lay down together
Wed be listening to the radio so loud and so strong
Every golden nugget coming like a gift of the gods
Someone must have blessed us when he gave us those songs
I treasure your love
I never want to lose it
Youve been through the fires of hell
And I know youve got the ashes to prove it
I treasure your love
I want to show you how to use it
Youve been through a lot of pain in the dirt
And I know youve got the scars to prove it
Remember everything that I told you
Well Im telling you again that its true
When youre alone and afraid
And youre completely amazed
To find theres nothing anybody can do
Keep on believing
And youll discover baby
Theres always something magic
Theres always something new
And when you really, really need it the most
Thats when rock and roll dreams come through
The beat is yours forever
The beat is always true
And when you really, really need it the most
Thats when rock and roll dreams come through...for you...
Once upon a time was a backbeat
Once upon a time all the chords came to life
And the angels had guitars even before they had wings
If you hang on to a chorus you get through the night
I treasure your love
I never want to lose it
Youve been through the fires of hell
And I know youve got the ashes to prove it
I treasure your love
I want to show you how to use it
Youve been through a lot of pain in the dirt
And I know youve got the scars to prove it
Remember everything that I told you
Well Im telling you again that its true
Youre never alone cause you can put on the phones
And let the drummer tell your heart ehat to do
Keep on believing
And youll discover baby
Theres always something magic
Theres always something new
And when you really, really need it the most
Thats when rock and roll dreams come through
The beat is yours forever
The beat is always true
And when you really, really need it the most
Thats when rock and roll dreams come through...for you...
Rock and roll dreams come through
-Meat Loaf-
salamat kuya.
...Ya soshla s uma...
Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig
sinta
naging taga subaybay na ako ng mga post mo, mas masarap magbasa ng mga blog mo kaysa manood ng totoy bato at betty la fea.
hanga ako sa tatag at determinasyon mong tumayo muli sa kabila ng mga dagok sa buhay.
magpakatatag ka pa sana.
Tama ka sinta.. ano mang
Tama ka sinta.. ano mang pananakit na gawin sayo maaari mo itong wakasan...
Natutuwa ako at Nakilala mo s Big C 
Sa akin naman wala namang pambubugbog pisikal na nangyayari.. more on bugbog emotionally.. pero sa tingin ko mas masakit yung ganun.. kc walang markang naiiwan..hindi lantad ang mga sakit na natatamo mo.. nasa dalawang lugar lang ang sakit(isip at puso).. paulit-ulit..at minsan pa nga pag di ko na makayanan.. parang tatakasan na ako ng sarili kong pag-iisip.. pero syempre.. sabi ko na lng hindi puede, may taong nangangailangan sa akin.. hindi ako puedeng bumitaw..
salamat sinta sa isang yugto ng buhay mo.. (sa pagbabahagi nito)
cheers!
aireen












culture of violence
tama ka, dahil ang pananakit ay hindi magiging sukatan o pagpapakita ng pagmamahal.
Pero nakikita ko lang, andami mong hinanakit sa mundo. Oo, maraming nangyayaring hindi natin ginusto o wala tayong kontrol pero definitely may kontrol tayo kung ano na ang tatahakin ng buhay natin matapos ang mga masasakit na pangyayaring iyon.
Piliin mong mabuhay uli at huwag magpakadena sa iyong nakaraan. May magagawa ka kung pipiliin mong may magawa. At hindi mo ito kaya nang mag-isa, magpatulong ka sa mga taong pinagkakatiwalaan mo.
Good luck at wish you well sa iyong paghilom, mula sa isa ring pusong sugatan dati pero piniling maghilom. :)