Ang Emperador, ang Sepilyo at si John Lennon (isang maikling kwento)
Ang Emperador, ang Sepilyo at si John Lennon
6:23 ng umaga...
Mainit na ang sikat ng araw sa labas pero ang kwarto ni Jay ay madilim pa. Hindi dahil tulog pa siya, sa katunayan, kanina...o kagabi pa siya nakaupo sa maliit at gula-gulanit na sofa sa tabi ng kama. Ang kama niya, ni hindi man lang nagusot, kasi dati na itong gusot-gusot ng may ilang araw na ding hindi man lang tinitiklop ang kumot at iniimis ang mga unan na luwa na ang bituka sa pagkaka tiwangwang nito.
Upos ng sigarilyo sa nag-uumapaw na ashtray, kukurap-kurap na bumbilya sa maliit na lampshade. Ang kwarto ni Jay ay mistulang kisap-mata ng dilaw at dilim, dilim at dilaw dahil sa kulay dilaw na bumbilya at dilim ng paligid. Sarado ang bintana, may dagdag na pinid ngunit tuklap na at nakadikit na tagpi-tagping karton na sadyang inilagay para di makasilip ang araw.
Tanggal na din sa pagkakadikit ang isang kanto ng poster ni John Lennon, may lumang LP player sa kanto malapit sa alanganing tukador, alanganing aparador. May nga sketches ng kung anong halimaw sa itim na tinta. May mga painting na hindi tapos sa gilid ng kama at kinuyumos na papel sa sahig. Lapis, tinta, oil paint, brotsa, acrylic...nagkalat.
Panaka-nakang sumisilip ang ipis sa sahig na kahoy, marahil upang pagsinuhin at alamin kung gumagalaw pa ba ang nakaupo kagabi pa sa sofa, at kung bahagyang gumalaw man-kakaripas naman ng gapang ang natatanging insektong pwedeng mabuhay sa pagsabog-nukleyar. Maging ang mga lamok ay mistulang butete na sa kabundatan, gugulong-gulong na lamang ito sa sahig at inienjoy ang kapal ng alikabok dahil din sa di na makayang dalhin ng kanilang mga pakpak ang kanilang kabigatan at kabusugan.
Nakatunganga sa dahan-dahang pag-ikot ng elisi ang bentilador sa kalahating ubos na emperador, di naman masasabing pinalalamig niya ang mainit na alak, kasi nga uugod-ugod ang ikot nito-siguro sa kapal ng nakakulapol na alikabok dito kayat mistula itong naghihingalo sa pag-ikot. Ang bote naman ng emperador, walang pakialam--isnabebro siyang naka upo lamang sa maliit na lamesita, di man lang natinag kahit na ang kalaguyo niyang baso ay matatagpuan nang patay at basag sa paanan niya. Siguro nga'y yumabang sa siya, dangan ba namang siya ang huling nakaulayaw ng amo niyang kagabi pa tulala.
8:20 ng umaga...
Halos magdadalawang oras nang paulit-ulit ang snooze ng alarm clock, paos na ito, lawit ang dila bago mahampas at tuluyang manahimik. Tumayo si Jay-huminga ng malalim, suminga sa kanan niya, pinahid ng t-shirt sa balikat and sipon na kumalat sa pisngi niyang may mahaba-haba na ring balbas. Lawlaw ang butas na Levis sa kulay itim na t-shirt-ang laki na ng ipinayat niya. Kaya pala ubod ng yabang ang bote ng emperador, ito kasi ang unang dinampot ni Jay pagtayo, hinaplit niya ang leeg nito na parang humahaplit sa isang puta na buong libog siilin ng halik at maangkin ang kaasiman nito. Tinungga niya ito habang gigiray-giray pang humakbang papunta sa banyo, inilapag sa lamesita. Di nga lang sigurado kung ang naghalong sipon na tumawid sa bibig niya kaninang suminga siya at ang emperador ang siyang almusal niya ng umagang iyon.
Sa banyo...
Ang banyo ang kaibigan ng mga lasing at may hang-over, kung paanong kaulayaw ng mga inaantok at pagod ang kumot at unan-inidoro naman ang para sa mga masuka-sukang lasenggo. Ebidensya ang mga naglalambiting malapot na likido sa bunganga ng kanina pa nakangangang inidoro. May mga kumpol ng laway ay iilang madilaw na likido. Walang solidong nakikita, walang ebidensya, marahil walang kinain ang sumuka dito, madilaw dahil siguro sa asido ng tiyan at alak na naghalo sa sahig at sa bunganga ng inidoro.
Kataka-takang ang lababo lang ang malinis, lababo sa tabi ng banyo na minsang humahalili rin bilang lababong hugasan ng mga pinggan, pero madalas dahil wala namang huhugasang pinggan dahil wala namang makakain sa bahay ni Jay, lababo lamang ito ng may nag-iisang sepilyo na nakasandig sa loob ng isang baso-malinis na baso. Malinis na sepilyo at baso sa gitna ng lababo.
***
9: 05 ng umaga...
"Oy, Poleng ano ba? Katukin mo yan, aba'y dalawang araw nang di lumalabas yang taong yan a, baka nagpakamatay na yan sa loob"
" e di mabuti at mabawasan ang perwisyo dito sa paupahan natin, di na nga makabayad sa oras perwisyo pa"
"gaga ka talaga ang inaalala ko yung bata, aba e nakaka kain pa kaya ang anak nya dyan?"
"eto na nga at pinapakinggan ko baka gising na, baka masigawan na naman tayo ng adik na yan kapag binulahaw natin ng katok e"
***
Nagbubunganga ang telepono ni Jay habang nakatitig siya sa sarili niya sa harap ng salamin sa itaas lang ng gripo ng lababo, nanginginig ang kanang kamay na may tangan-tangang sepilyo. Mahigpit ang pagkakasakal niya sa katawan ng lumang panguskos, sepilyong busalsal at beterano sa brotsahan ng mga ngipin niyang bulok at patlang patlang.
Patuloy ang pagtatalak ng telepono...Walang pinapansin ang tenga ni Jay...
"putang-ina mo, pinagtiwalaan kita, akala ko pa naman totoo lahat ng mga sinasabi mo, ni hindi man lang ako nagdalawang isip na pagdudahan ka-alam mo yun?"
Nakatitig si Jay ng may buong paghihinanakit sa brotsa...galit at maiyak-iyak. Bumaling sa salamin, sinipat ang bagang na nabubulok, may butas at maitim. Lalong naningkit ang mga mata nito, walang nakaka alam kung dahil sa masangsang na amoy na dulot ng bulok na ngiping may nana o dahil sa sakit nito.
"akala mo makukuha mo ang lahat sa kin? Magkakamatayan tayo bago mangyari yun..."
Nakakakulili na ng tenga ang nagger na telepono, at gaya ng alarm clock na nakaranas ng bigwas kani-kanina lang, huli na ng manuot sa sensibilidad ni Jay na may tumutunog palang awditibo ilang hakbang mula sa lababo.
Lumuwag ang pagkaka sakal ni Jay sa tutbras, panaka-nakang napapasukan din naman ng sariwang hangin ang nagdidikit-dikit nitong hypothalamus...minsan nga lang.
Kumalabog ang lamesita, gumewang-gewang at nakipagsayawan sa emperador na nakapatong doon nang masagi ni Jay-na dalawang piye pa lamang ang layo mula sa telepono ay inabot na at hinablot ito ng kaliwang kamay-kanan sa sepilyo.
Saglit na katahimikan...saglit na nakikinig...
Kung may tunog lang ang unti-unting pagkunot ng noo at ang dahan-dahang pagsasalubong ng kilay ni Jay, malamang tunog ito ng nilalamukos na papel.
"hindi mo pwedeng kunin sa akin ang anak ko!"
"Magkakamatayan tayo!"
***
"Uy Poleng narinig mo yun?"
"ano ba yan? ano bang ginagawa niya sa anak niya, kawawa naman yung bata, papatayin nya daw yung bata!"
"katukin mo na dali!"
"tumawag ka ng pulis, ako na'ng bahala dito sige na!"
"Jay! Jay! Maawa ka sa anak mo, napakabata pa nyan wag mong saktan"
Napalakas lalo ang tili ng telepono, pero sa pagkakataong ito sa likuran siya ng pintuan tumili-dito kasi siya bumalandra nang ibalibag ni Jay.
Tapos nun, katahimikan na...sa kabilang pinto wala na din ang dalawang matanda...tuluyan na ring natapon ang Emperador sa maalikabok na sahig...si John Lennon ang hero ng working class sa mga awit niya ay malungkot pa ring nakatitig sa kawalan...si Jay, nakaupo sa sulok tangan-tangan ang sepilyo.
...People say I'm crazy doing what I'm doing,
Well they give me all kinds of warnings to save me from ruin,
When I say that I'm o.k. they look at me kind of strange,
Surely your not happy now you no longer play the game...
***
"positioning sir, spotting the subject North-East in squatting stance. The subject is armed and dangerous..."
"the wind is in direct contrast, but the spot is clear-ready for the taking..."
"moving towards the window...ready whenever you are..."
***
...People say I'm lazy dreaming my life away,
Well they give me all kinds of advice designed to enlighten me,
When I tell that I'm doing Fine watching shadows on the wall,
Don't you miss the big time boy you're no longer on the ball?...
***
2:46 ng hapon...
Nagkakagulo ang buong Baranggay, nakatuon ang pansin ng lahat sa ikalawang palapag ng paupahang apartment nina Aling poleng at Mang Nardo. Isang mala-piyestang engrandeng usyusohan ang umaatikabo na dinaluhan ng mga prominenteng sangay ng media at mga unipormadong mamamatay-tao. Nakatutok ang camera at baril, nakapamewang ang mga opisyal, nakahandang mang-ambush ang mga reporter at nakapikit na ang isang mata ng mga sniper at higit sa lahat naalarma na ang isang batalyon, isang batalyong usyusero at usyusera.
***
"Take the opportunity..."
Walang naalarma pag alingawngaw ng isang putok, isa lang yun sabay basag ng salamin ng bintana. Inakala pa ng maraming nag-uusyoso na galing sa loob ng bahay ang putok, may nagpalakpakan at naghiyawan, may nanghaba ang leeg sa pagsilip kung ano na ang nangyari.
Mabilis na kumilos ang mga pulis, akyat agad sila sa isang senyas lang, parang mga langgam na nagkilusan maging ang mga media at mga tao. Kanya-kanya, habang maraming mga mukha ang kababakasan ng pagtataka kung ano na ang kaganapan...
Bago pa man buksan ang pinto, may tumatagas nang dugo mula sa siwang nito sa ibaba, Nangnginig ang kamay ni Aling Poleng habang sinususian ang pinto habang nasa likod niya ang isang opisyal ng SWAT team. Itinulak ito ng isang opisyal papaloob, halatang may nakadagan sa kabila, di pa man tuluyang nabubuksan ay lumaylay na ang kamay ni Jay, tangan-tangan pa rin ang isang lumang sepilyo.
...I'm just sitting here watching the wheels go round and round,
I really love to watch them roll,
No longer riding on the merry-go-round,
I just had to let it go...
Watching the Wheels
John Lennon
isang attempt na magsulat ng di talagang nag-iisip,
kumapa ng keyboard sa dilim
at mag post habang brown-out.
tenks!
salamat sa pagbasa at pagbasa ulit at sa susunod na pagbasa.
hehe ginawa kong vague yung ibang tauhan kasi redundant na ata kung ilalagay ko pa sila. isa pa humahaba na ito e di na sya short story pag nagkataon
ganown?
ok... mga possiblities?
* patay na si Jay at flashback na lang yung usapan nila at nung babae sa telepono
* may toyo na sa ulo si Jay at hallucination niya lang yung usapan sa telepono
* walang pulis, kung hindi ay nagpakamatay si Jay kaya may dugo sa loob ng kwarto
um... yun, hehe. astig ha. at sinama mo pa si John Lennon, idol ko yun. sana ginamit mong kanta e "I'm Losing You" medyo mas akma sa kwento mo pero gusto ko rin itong "Watching the Wheels".
I'd love to turn you on...
.
gusto ko nga sana helter skelter e kaso defeated yung association sa iisang personality (john lennon) kasi beatles yung helter e, tsaka medyo overrated na ata yun ginamit na ni charles manson yun at ni Bono ng U2
maraming possibilities kasi demented na si Jay. pero symbolism ang karamihang ginamit ko gaya nung tootbrush at emperador kung anumang pagkakaiba at pagkakapareho ng dalawang bagay na iyon in relation sa eksena sa buhay ni Jay yun na yun.
nagpakamatay? hmmm. pwede...
aba'y puro metaphor pala ang
aba'y puro metaphor pala ang mga iyon, ano? hehe, galing!
I'd love to turn you on...
Maganda ito Kuya Rom,,,
Gandang-ganda ako sa pagkakagamit mo ng mga bagay-bagay sa maikling kwento mong ito. Parang yung laruang Lego ko. Iba-iba ang hugis at kulay ngunit kapag pinagsama-sama ay nakabubuo ng magandang imahe.
Sipilyo sa baso sa gitna ng lababo- ito ang katangian dapat ni jay ang maging isang tagapaglinis sa bawat makasisira sa pamilya niya. Ngunit papano kung naging bulok na ang ngipin (pamilya) ay kirot lamang ang ibubunga ng pagpupursige niya na limis ang butas ng mga ito. Wala na ang tiwala kayat maaaring iba na ang pagtingin ng asawa niya sa bawat pagtatangka niyang supilin ito.
Emperador- sa pangalan pa lang ay kakikitaan na ito ng kataasan ng ugali ngunit kagaspangan din naman sa kabilang banda. Maaaring pagbabalatkayo katulad ng mga commercial sa TV ng alak. Suwabe ang ngite ni Kabayan Noli de castro ngunit di pinapakita ang epekto nito na kasiraan sa pagkalasing ng isang tao. Malamang nalasing si Jay sa buhay niya na siyang naging dahilan ng pagkawasak nito. Kitang-kita ko ang paggiwang ng botelya at pag-iwan sa kanya ng baso. Walang kahihiyang tinungga ito.
John Lennon poster- nagbalik sa aking alaala ang namayapang sikat na singer at si Chapman. Ang poster na ito ay ang katayuan ngayon ni Jay ang pinapakita. Isa lamang siyang pampasikip sa kwarto. Wala ng silbi dahil napagnit na sa pagkakadikit sa dingding. Papano pa niya bibigyan ng kulay ang bulok na tahanan na iniipis na. Ano pa ang silbi ng isang larawan kung mahuhulog na sa sahig.
Salamat...
salamat Dyepp
dyepp! napaka sensible naman ng pagtingin mo sa kwento bagay na lalong nakapag palalim sa kwento. eksperimento ko ito ng pagkukwento sa loob ng isang kwento. yung mga bagay na ginamit ko na simbolismo ay may sariling kwento rin at tama ka sa mga obserbasyon mo. hindi lang siya basta inilatag ng ganun na lang although pwede rin namang itrato sila ng ordinaryong bagay lang. pwede rin namang ganun lang yan simpleng istorya ng taong wasted na ang buhay at sadyang hanggang doon lang siya. pero kung palalalimin meron pa rin namang huhukayin.
salamat dyepp sa isang makatarungang pagtingin sa kwento. nakakaganang gumawa ng kwentong na aapreciate ng makatarungan.
sa mga nakasama nung grand EB kinwento ko sa kanila itong istoryang ito nung magkatanungan kami kung anong kwento ang naka hang ngayon sa isip mo. ito yun kung natatandaan nila ang title pa nito noon "monologo ng isang sepilyo" kaya lang naisip ko kasi medyo mahirap magkwento ng nasa 1st person view (monologo) at hindi pa ako bihasa dun kaya iniba ko sya.
salamat!
Nice kUya
Kuya rom, sa wakas nailagay mo na rin sa site na ito yung kinuwento mo sa amin sa Grand EB natin. Medyo yun nga lang nawala na yung excitement habang binabasa ko kasi alam ko na ang mangyayari, dahil nga naikwento mo na ito pero ang masasabi ko lang eh-GALING MO KUYA.
Nakakatuwa dahil siksik na siksik ng metaporya ang kwento mo. Talagang pag-iisipin ka ng matagal kung paano mo ikokonek sa buhay natin ang sepilyo, emperador at kanta ni John Lenon.
Ang pagkakasunod sunod ng pangyayari at maayos na nailahad. At pati ang mga salita ay piling pili din. Galing mo kuya ah!!
Teka ano na balita dun sa ating book compilation?
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
spike
onga e nawala na tuloy ang suspense hehe...alam nyo na kasi. pero kung tutuusin gusto ko pa sana mas mahaba ito marami pa sana akong naiisip na ilagay kaso baka boring na alam ko maikli lang ang attention span ng mga readers dito sa FW hehe, i revise ko na lang minsan para sa blog ko.
salamat sa pagbasa!
tungkol sa libro? medyo busy kasi ako ngayon naisingit ko lang itong short story ang hirap kasing naka hang sa utak ko at di pa naisusulat. pero may inaayos ako para sa compilation natin sasabihin ko na lang pag ready na.
salamat spike!
tipikal....
parang ganito rin nangyari sa kapitbahay namin dati sa purok 2 sa villa beatriz - fairview, ang kaibahan lang ay walang pulis at tatay ko ang isa sa mga nagpilit na ibukas ang pinto at nadatnan nang patay ang kapitbahay naming sabog sa rugby - tirik mata.
Pag talagang nakakabasa ako ng akda mo ay muli akong ginaganahang sumulat. Pero for now - collecting data muna ako like Jiraya (Naruto). Medyo napupurol ako ulit sa pagsusulat (as if naging hasa namana ko hehe).
Ipagpapatuloy kuya roms, sa iyong panulat ay maraming nai-inspire at nawa balang-araw makasulat muli ako ng matino-tinong kwento.
noel
salamat sa pagbasa Noel,
tara pasiglahin ulit natin ang FW gawa tayo ng mga istoryang naka hang sa isip natin, darating ang araw mai ko compile natin lahat ito para sa isang libro. sulat lang ng sulat.
ang mga kwento kasi na isinusulat ko lagi na may kinalaman sa past ko one way or the other kaya kung anuman ang kwentong naiisip mo malamang sa hindi may pinaghuhugutan yan. tulungan tayo para mahasa ang pagsusulat natin.
salamat muli
Kanina sa opisina, dahil sa
Kanina sa opisina, dahil sa hindi ko pa tapos basahin pero malapit ng maputol ang connection ko, kinopya ko na lang siya saka binasa... nakakaantig ng damdamin...
Pero natutuwa ako dun sa ipis na pasilip-silip at pati pala insekto ay puwedeng gawan ng character sa isang makabuluhan at seryosong kuwento...
"Ako ay maglalakbay, isang malungkot ngunit kinakailangang paglalakbay, tungo sa aking sarili, sa paghahanap nang isang bagay na maaaring mahalaga lang para sa akin..."
manlalakbay
salamat sa pag-aabalang magbasa kahit hirap ka sa connection.
masarap ikunekta yung mga mundane things sa paligid natin at lagyan ng connection sa buhay e, isang bagay na di lagi napapansin kapag nasa fast paced life.
salamat muli sa pagbasa
^ o ^
naamoy ko siya.
nakita ko rin, 'andun talaga ako... ako ata yong ipis sa siwang!
ganun ang feeling nang binasa ko 'to. ang ganda at nanamnam ko ang nuance kahit nga sinabi ko earlier sa fb na inispeed reading ko siya...
aabangan ko ang iyong mga iluluwal pang akda, rom...
st. paul
hehe buti na lang di ka naapakan Paul. salamat sa pagbasa kahit napakaliit ng mga letra sa FB at mahirap ang formatting.
dami ko pa naiisip gawing kwento baka sakali kapag medyo nakaluwag sa mga eBook assignments ko.
salamat sa pagbisita
ayan na..
buti ka pa kuya nakapagpost na. inggit ako!
Kakaiba nga itong story na naisip mo kuya. Ang lawak na ng narating ng mga short stories mo.
Nagtataka ako kung nasaan talaga yung bata.
Kala ko kuya hindi ka na magsusulat dito e, dahil dun sa huling pagbisita ni ano. Good thing you're still here. Keep on writing. =)
Congrats for this story.
anne.
nakahanap ng konting time kung di ko kasi ilalabas yung plot na nasa isip ko either na matunaw o sumakit ulo ko. yung bata, nasa nanay nya hehe...
muntik na akong mag hibernate ulit kaya lang sabi ko di ako papatalo kay____, kahit masama loob ko. ang ginawa ko kinuha ko na lang pic nya sa Facebook at dinistort ko hehe...gusto mo makita?
salamat anne sa pagdaan sana makabasa ulit ako ng mala-OKTUBRE mong gawa tsaka yung haunting na si TOTI, naalala ko pa yun tumatatak sa isip. tsaka yung cebu story mo ha.
opo
sobrang sabik na ako ulit magsulat, bago na ang sked ko sa work kuya, nightshift na ako forever starting tomorrow.
tama yan, bat ka papatalo sa kanya. mas marami tayo kesa sa kanya. hehehe aanhin mo ang galing kung wala namang bait diba?
masaya ako kasi active pa rin ang lahat, iilan lang ang medyo nagha-hibernate.
Kuya ano ba ang ginawa sa iyo ni __________________?
Mukhang naapektuhan ka masyado kay _______, paki forward mo naman sa akin yung pic nya!!Hehehhe
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
Pre kta ko na!!
Nasabi na rin sa akin ni Melay yan!Hahaha!! Luko ka talaga, kung makita nya yan tyak uusok ang ilong nun sa galit.
Pero galing mo pre ha, mukhang inis na inis ka nga dun.
Rock en roll pre
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
.
wehehe, nag alis lang ako ng asar. o kung sino gusto makakita ng picture ni_____ mag email lang sa akin hehe rom26factolerin@yahoo.com.ph magpakilala lang kayo ha.
kuya ako din gusto ko makita
kuya ako din gusto ko makita yung pic na sinasabi mo.. hehehe
cheers!
medyo kadiri yung ibang part
medyo kadiri yung ibang part ng kwento kuya rom, pero may sense naman..
Mahusay ang pagkakakwento mo...
cheers!
hi kuya!
ang galing naman talaga ni kuya. masaya po ako at may nabasa na naman akong gawa ninyo. sana po tuloy tuloy na ulit.
yung bunganga ng inidoro, ayokong makita kahit sa panaginip haha!
P.S.
kuya ako nga pala nagsabi kay melay bout sa pix na ipinakita mo sa akin. pasensya na hindi ko napigilan ang sarili ko haha! binura ko na rin kuya kasi natatakot baby ko kapag nakikita niya hihi.. joke.
God bless po.
ok po
sige po bibili ako nun.
naku kuya hindi ko naman pinadala yun pic ke melay, bale nabanggit ko po sa kanya na sumakit ang tiyan ko kakatawa sa pic na pinakita ninyo sa akin hehe..sabi ko po ask nya nalang sa inyo at mas maganda kayo ang magsend sa kanya haha!
may balak pa po ba kayo i-post na yun? hihi..joke po ulit.
Una sa lahat, isa
Una sa lahat, isa munang congrats kay Kuya Rom!
Isang senyales ng matinding depression ang pagkalimot sa personal hygiene, ganun na rin sa kalinisan ng kanyang kapaligiran. Marami sa mga depressed ang hindi na naliligo, hindi naglilinis ng katawan, ng kanyang lugar na ginagalawan --- at nakita ko dito ang buhay na buhay na pagsasalarawan ng sintomas na iyon. Si Jay --- buhay ngunit kung titignan (at aamuyin) ay bulok na --- tulad ng kaniyang pag-iisip. Naipakita sa kaniyang sarili at sa kaniyang kuwarto ang naaagnas na estado ng kaniyang pagkatao...bagamat hindi rin naman niya ginusto ito at sa huli'y napag-isip isip din niyang magsepilyo. Sa huli, pirma ng bala na lamang ang magtatapos sa kaniyang pakikipagsapalaran.
Sa unang mga pangungusap pa lang, nagbadya na ang malagim na katapusan... Walang kawala ang mambabasa kundi tapusin ang kuwento...
Isa lang iyon sa mga nagustuhan kong katangian ng akdang ito. Hmm... magandang pang-short film! :)
Ayos, Kuya. Sana nga lang manatili na lamang ang mga ganitong kuwento sa mga pahina at huwag nang isabuhay pa...
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
.
salamat Ruth sa isang makabuluhang comment.
actually base sa tunay na karanasan ito, naranasan kong maging ganito bunga ng matinding depresyon mula sa pag-inom ng matindi na sukdulang ikasira ng pancreas ko hanggang sa pagbagsak ng katawan ko dahil sa kung anu-anong sakit ang dumapo na wala namang dahilan pero nararamdaman. walang tulog at once a day lang ako kumain habang hinahanap ko kung saan itinago ang mga anak ko.
ang pagsusulat daw ay pagbabahagi ng tunay na karanasan sa pormang fiction di mo alam kung anong bahagi ang totoo at alin ang haka-haka.
salamat sa pagbasa Ruth
finally!!!
Finally, eto na ung sepilyo story.. hehe. inaabangan ko talaga ito. eh ngayon lang ulit ako naligaw sa site. medyo busy.. at alam mo naman kuya ang mga nangyari sa kin this past few days! whew! ayos ang aking pagbabalik sa site... hehehe...astig ang concept ng kwento, at okay sa alright ang pagkakalahad!
at sa pic ni ________, sana magawa mo iyong suggestion ni eloi para mas maging mukhang kaakit-akit si _____ sa picture niya... hehehe.
Ingatski,
Melay
*****
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
melay!
hehe salamat Melay sa pagbasa kahit medyo wala nang thrill kasi nga alam nyo na itong kwentong ito nung Grand EB pa. anyway thanks pa rin.
buti naman at oks na ang sitwasyon nyo kahit busy at least panatag na loob mo.
wala pa masyado time mangalikot ng photoshop e kaya di ko pa magawa suggesment ni Eloi.
bili ka ng FUDGE ha nandun ang malulupit na reviews ni J.Luna at ng inyong lingkod hehe...
the bitch is back for
the bitch is back for another run, rom... get that pic ready...
onT: pwede rin pala yunng "Cold Turkey" dito sa istorya mo, kaso hindi naman ata durugista is Jay e, alcoholic lang...
I'd love to turn you on...
patrick
nakita ko nga. minsan meron talagang ganyan mga attention whore.
ang pinakamagandang gawin dyan wag pansinin, yan kasi ang ang lalong nagpapakapal ng mukha niya--ang pagpansin.
wag lang siyang magkakamaling humarang sa daraanan ko at ibabaon ko ang ulo nya sa pwet nya bago pa man siya makapag salita.
Whores don't get a second chance... ~Identity
wala na akong balak pansinin siya at nasabi ko na ang gusto kong sabihin. belat na lang sa kanya...
I'd love to turn you on...














wow, hanep!
iba ka talaga ser! brownout pa nyang lagay na yan ha!
ok itong kwento mo... medyo nakakalito lang, kahit dalawang beses ko pang binasa... may bata ba sa kwarto? may babae? hehe, siguro babasahin ko uli mamayang tanghali, antok pa siguro ako...
I'd love to turn you on...
Videoke the Radio Star