Ang Engkantada

fhearl08's picture

Ang Engkantada

Bawat tao sa mundong ito ay may kanya-kanyang karanasan, destinasyon, at pananaw sa buhay. Sabihin man natin na hindi totoo dahil hindi naman kapani-paniwala ang kuwento mo pero 'pag ikaw na ang nakaranas nito, masasabi mo sa sarili mo na totoo palang may ENGKANTADA.

Tunghayan po natin ang karanasan ni Perlita noong siya'y limangtaong gulang pa lamang. Malayo sa kabahayan ang bahay nina Lita, siguro may mga isang kilometro ang layo bago magkaroon ng mga kapitbahay. Tahimik na tahimik sa lugar nila, tanging maririnig mo lang sa gabi ang ingay ng mga mumunting kulisap at ang liwanag ng mga alitaptap na umaaligid sa punong-akasya malapit sa bahay nila, na siya ring nagbigay liwanag sa danaanan nila papuntang iskinita.

Sa probinsya, mga 7:30 o 8:00 o’clock pa lang ng gabi ay tulog na ang lahat ng tao. Kadalasan nakapangilabot pakinggan ang alulong ng aso sa pagsapit ng bilog na buwan. Ang bahay nila ay yari sa bubong na kawayan kaya kung sakaling may masamang tao na gustong pumasok sa bahay mo talagang magtatagumpay ito. Isang gabi 7:30 pm, kakatapos lang ng maghapunan nina Lita at siya na rin ang nagliligpit ng pinagkainan nila. Bago matulog si Lita ay gawi na niya ang magpahinga sa may terasa nila na yari sa kawayan. Maliwanag kasi dun gawa ng nagbigay ng liwanag ang puno ng akasya sa tapat ng bahay nila na inaaligiran ng mga alitaptap. Nagpaalam muna si Lita sa Nanay niya na magpahangin sa labas pero di ito pumayag dahil may dinaramdam si Lita sa sarili. Pero di nagpapigil si Lita.

“Anak magpahinga ka na wag ka ng magtambay pa d’yan sa labas at ang lamig ng panahon at kita mo bilog ang buwan di ka ba natatakot?” ang sabi ng Nanay na nag-alala sa kalagayan ni Lita kasi medyo masama ang pakiramdam ni Lita.

“Nay... saglit lang po ako dito at saka maaga pa naman po eh!” ang sagot magalang na sagot ni Lita.

“O sige, pero baka makalimutan mong pumasok dito ha? Mauna na akong matulog sayo at yong Tatay mo ay mamaya pang hatinggabi ang dating nun?” ang Nanay ni Lita.

“Sige po Nay, susunod na lang po ako mamaya, di pa po kasi ako inaantok.” ang sagot ni Lita.

Nang pumasok na sa loob ang Nanay ni Lita ay inumpisahan na ni Lita ang dati niyang gawi, ang kumakanta habang pinapanood ang mga alitaptap na nagliliparan at umaaligid sa palibot ng punong akasya. Masayang-masaya si Lita at ramdam niyang nawawala ang sakit ng ulo niya at di nito namalayan na maghahatinggabi na pala. Nakakailang kanta na si Lita at nang panghuli niyang kanta ang siyang nagbibigay-takot sa kanya na halos hihimatayin na siya sa takot nang makita niya ang di inaasahang makita. Kinapa niya ang kanyang puso at pinakikiramdaman ang sarili na baka nanaginip lang siya sa kanyang nakita. Pero buhay na buhay talaga ang isip at diwa ni Perlita. Lalo siyang natulala nang kausapin siya ng napakagandang babae na mahaba ang buhok halos sayad hanggang lupa. Napakaganda niya, nakakabighani talaga siya kung sino mang lalaki ang makakakita sa kanya dahil sa kakaiba niyang kagandahan ngunit gayunpaman, ay natakot pa rin si Lita dahil sa bigla niyang pagpapakita at lalo siyang hihimatayin nang kakausapin siya nito...

“S-sino ka?! Saan ka ba nanggaling? At kung anuman ang sadya mo sa akin?” ‘ika ni Lita habang nangangatog na ang dila nito sa takot na halos di na makapagsalita.

“Huwag kang mag-alala, isa akong kaibigan, kaya ako nagpapakita sayo sa isang dahilan dahil malapit na akong lilipat ng tirahan. Gusto ko lang magpapaalam sayo kaibigan, kung hindi dahil sa mga iniaalay mong kanta sa akin matagal na akong namamatay sa lungkot dito sa bahay ko.” Malungkot na sabi ng babae na kung tawagin ay Engkantada.

“Ah…e... kung ganon matagal mo na pala akong sinusubaybayan? Ibig mong sabihin iwanan mo na ang punong akasya na yan?” ang tanong ni Lita sa kanya at medyo nalungkot din ito.

“Oo, nasa ibang lugar ang Amang Hari, maysakit siya kaya kailangan kong pumunta sa kanya para ako ang mag-aalaga. Alam mo, hindi talaga kita makakalimutan, salamat sa lahat napakabusilak ng puso mo.” Seryosong sabi ng mabait na Engkantada. “Hindi na ako magtatagal at mahalaga ang bawat oras ng mga tulad naming nilalang, paalam kaibigan...” Unti-unting naglaho ang Engkantada.

“Sandali lang! Hintayin mo ko! Gusto kong makilala kung sino ka! Sandali!” nasa ganong sitwasyon si Lita nang biglang dumating ang Tatay niya.

Galit na galit ang Tatay ni Lita sa Nanay niya dahil hatinggabi na pala pero nasa labas pa ito. Ginising si Lita ng Tatay niya dahil nagsasalita ito habang natutulog pero kahit anong gising ng Tatay niya ay hindi talaga ito magigising kaya pinapalo na lang ito ng unan sa ulo( pamahiin sa probinsya ng taong nanaginip na di magising). Sa sobrang lakas ng palo ng Tatay ni Lita ay nagising din ito, hingal ng hingal. Tinanong siya ng Tatay niya kung ano ang nangyari sa kanya at kung ano ang napapanaginipan niya pero umiiling lang ito dahil kahit siya di niya kayang ikuwento sa kanila ang mga nangyayari. Baka sabihin nilang nagbibiro lang si Lita at bunga lang yon sa sakit ng ulo niya.

Kinabukasan maaga siyang gumising at nagwawalis sa bakuran nila at isinama na rin ang puno ng akasya. Malinis na malinis ang paligid ng puno ng akasya kahit maliit pa ito, makikita mo ang hatid na kagandahan ng puno lalo na sa gabi. Kinagabihan nagpaalam ulit si Lita sa Nanay niya na mamahinga sa terasa nila pero ewan ba niya, ramdam niya noon ang labis na kalungkutan sa gabing yon. Paglabas ni Lita ng bahay ay kaagad itong naupo sa terasa at pinapanood ang puno ng akasya at sa time na yon nagtataka na siya kung bakit di siya nakaramdam ng takot. Pinagmasdan niya ang puno, laking panlulumo na lang niya na wala na ang mga alitaptap doon. Madilim na ang buong paligid ng puno at noon, napagtanto ni Lita na totoo pala ang nangyayari sa kanya nung nakaraang gabi hindi lang isang panaginip. Naglaho na ang kagandahan at liwanag ng punong akasya, isa lang ibig sabihin at pumasok sa isip niya, na lumipat na ng tirahan ang mabait na Engkantada kung kaya nagawa niyang kausapin sa panaginip si Lita para magpapaalam. Siguro may kapangyarihan sila na hindi puweding gawin ng isang normal na tao na tulad ni Lita dahil bago mangyari ang aktuwal na pagkikita nila ng Engkantada ay ramdam ni Lita sa sarili niya na gising talaga ang isip at diwa niya at hindi siya nananaginip.

“Totoo palang may ENGKANTADA? sambit ni Lita sa sarili na puno ng kalungkutan dahil di man lang niya nagawang kausapin ang ENGKANTADA sa puno ng akasya.

Dito po nagwawakas ang karanasan ni Perlita. Sana ang kuwentong ito ang magsilbing daan para maiparating ko sa mga tagasubaybay na hindi lang pala normal na tao ang nakakaramdam ng kalungkutan. Mahirap mang paniwalaan pero lahat ay may katotohan kung personal mong mararanasan.

Wakas


jonsdmur's picture

Bata pa lang ako mahilig na

Bata pa lang ako mahilig na ako sa fantacy... paborito ko nga ang okay ka fairy ko ni Vic Sotto...

Noon pinangarap ko ang makakita ng isang engkantada... tinanong ko din ang aking sarili kung totoo nga ba ang engkantada...?

Hanggang ngayon hindi ko pa rin masagot ang katanungan na iyan....

Nice story.... wala na akong masabi kundi... you look like an engkantada....ganda mo kasi sa pic....jonsdmur

Ang masasabi ko lang...

http://manlalakbay88.blogspot.com

Sa murang edad mo ay kaya mong ihayag ang mga nais mong sabihin. Bibihira ang mga taong kagaya mo. ^_^

Rom's picture

napaisip lang

 

 pwede palang mamatay sa lungkot ang engkantada?

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com

HINDI ako naniniwala sa

HINDI ako naniniwala sa enkantada kahit nakikita ng mga kaibigan ko.