Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas!
All: Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas!
Girl1: Sino ka? (sa isang lalaki)
Boy1: Sino ako? (pagtataka)
B: Sino kayo?
G: Sino sila? (nakatingin sa audience at nakaturo sa mga lalaki)
A: Sino Tayo?
[Titingin sa bawat isa magtatanungan ng kung sila, ito’y may mapapansing may kaguluhan at hinhinto pagkasabi ng “Ako” ng isang lalaki]
B1: Ako…
G: Ikaw…
B: Kayo…
G: Sila…
A: Tayong mga Pilipino! May wikang panlahat. Lahat ay nagkakaintindihan, Kaya dapat tayong hangaan.
G: May liwanag, may ilaw tayo!
B: May kakayahan, may lakas tayo!
A: Upang sundan ang tuwid na landas!
B1: Tikas pahinga!
A: (CHUG! May tunog ang pagtikas)
B1: Pulutong unang bilang!
G: Isa G: Apatnapu G: Walumpu
B: Sampu B: Limampu B: Siyamnapu
G: Dalawampu G: Animnapu A: ‘Sang daan!
B: Tatlumpu B: Pitumpu
B1: Mag-ulat!
A: Isang daang porsyento Ginoo!
G: Oo, Isang daan…
B: …Isang daang porsyento!
A: Isang daang porsyento. Isang daang porsyentong Pilipino, maaaring gumamit ng wikang panlahat! Lahat tayo, wika natin ito.
G1: Sa ating lahat?
B: Tumpak!
A: Napakagaling! Sa atin ngang lahat. Lahat tayo’y Pilipino, wika’y mahalaga para sa lahat.
B: Wika mo, wika ko.
G: Wika ko’y wika mo din.
A: Sa atin, sa atin! Sa ating lahat! Wikang Filipino ay para sa lahat! Sa atin, sa atin! Sa ating lahat! Ito ang kayamanan ng lahat!
G: Kami’y Pilipino, wika nami’y Filipino.
B: Kami’y Pilipino, wika ko’y ipinagmamalaki ko.
A: Saludo kami sa bawat isa, wika nati’y taas noong ipinagmamalaki sa kanila!
A: Sa Cavite…
B1: Ako’y isang Pinoy. Mahal ko ang aking wika. Wika ko, mahal ko!
A: Sa Batangas…
G1: Ala eh? Ano ga gereng ginagawa mo dine?
A: Sa Ilocos…
G1: Agri ingka aldaw wen!
A: Sa Bisaya…
B1: Maayong buntag! Pautang, waray ako kwarta.
A: Ang mga Pilipino ay magagalang!
G: Kahit sa wika ay dapat may paggalang!
A: Jejemon? ‘wag silang tularan!
G: Sabi nga ni Gat. Jose Rizal:
B: ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika…
A: ay higit pa sa mabaho at malansang isda! TAMA! Ang paggalang ay pagmamahal!
B: madilim… madilim… madilim…
G: may liwanaaag!
B: saan?
G: may liwanaaag!
B: saan? Nasaan ang liwanag?
G: Sa itaas! (ituturo ang taas)
B: Wala! (titingin sa itaas)
G: Sa Ibaba! (ituturo sa baba)
B: Wala! (titingin sa baba)
G: Ito! Ito ang ating liwanag! Ito an gating ilaw!
A: Tama! Wikang Filipino ang ating liwanag. Wikang Filipino, Ilaw sa dilim! B: Kaylangan natin ng lakas!
G: Paano? Saan?
B: Lakas! Kaylangan natin ng lakas!
G: Paano? Saan? Lakas? Saan tayo kukuha ng lakas!
B: Doon! (tuturo sa kanan)
G: Saan?
B: Doon! (tuturo sa kaliwa)
G: Saan?
B: Dito! Ito!
G: Dito? Ito? Ito ba ang ating lakas?
B: Oo, ito! Dito! Ito ang ating lakas!
A: Oo, ito, dito! Ang wikang Filipino ang ating lakas!
A: Whuuuuu!
G: Ilaw! Whuuuuu!
B: Lakas! Whuuuuu!
G: Ilaw! Whuuuuu!
B: Lakas! Whuuuuu! (palakas ng palakas, pabilis din ng pabilis, limang beses)
A: Tara na! Halina!
B: Tara na! Tara na!
G: Halina! Halina!
A: Tara na, Halina, sa tuwid na landas, gamit ang ilaw at lakas!
G: Ang Filipino… (Very soft)
B: Ang Filipino… (Higher pitch and louder)
A: Ang Filipino ay wikang panlahat…
B: Ang Filipino ay wikang panlahat… Ilaw at lakas…
G: Ilaw at lakas… sa tuwid na landas…
A: (Very loud and hard)
ANG FILIPINO AY WIKANG PANLAHAT, ILAW AT LAKAS SA TUWID NA LANDAS!
Trip ko lang po ito. :)
http://www.facebook.com/IamDjPrestousa08
if you like that piece, if you want to message me, follow that link.. thank you..
GO!
cge cge lang. ang galing ng trip ko no? haha! but in well readers may mali diyan. hindi perpekto ang lahat dahil sa lahat ay may dapat itama. maraming salamat...
nakita ko yung title malapit
nakita ko yung title malapit sa presidential security guard.. How is it related? did they got it from you or vice versa?
Yoshi!
That's our theme this Buwan ng Wika (2011) so i created na parang sabayang pagbigkas. XD haha! trip ko lang po yan.




Ang galing !
Ang galing nmn po ng trip nyo.. pwde po syang gamitin sa isang sabayang pag-bigkas ukol sa wikang pambansa tutal Linggo ng Wika ngaun !
Galing galing galing !
keep up the good work po !