Ang Galing ni Itay by Rofel G. Brown
Submitted by ophalyn grace f... on December 14, 2009 - 4:51pm.
My favorite poem
Mahusay umawit si itay,
Bidang-bida raw siya lagi
Noon sa mga haranahan.
Sabi nga'y "Bituing Marikit"
Ang ipinanghalina niya kay Inay.
Ngunit minsa'y huling-huli siya ni inay
Na binibituing marikit, sa tinig lamang
Ang bagong lipat naming kapit-bahay;
Pagkaraa'y matagal silang walang kibuan.
Isang gabi, sa plasa,
Manuod kami ng santakrusan
At akay nila ako sa magkabilang kamay,
Humalagpos ako nang biglang-bigla
At nagdampi ang kanilng mga kamay
Naglapat at nagpisilan
Nang pagkatagal-tagal.
Reaction: Sa tulang ito naman, tungkol ito sa pagtampo ng misis sa kanyang mister at sa kung papaano gianawan ng paraan ng anak na pagbatiin ang kanyang mga maguklang. Pinahihiwatig dito na ang tanging iukol ng pansin ng isang ama ay ang kanyang pamilya lamang.
» ophalyn grace f. venezuela's blog | login to post comments | 371 reads


