Ang Gusto Kong Gift sa Pasko…
Malapit na ang Pasko at di na maiwasan na maging kaakibat ng Pasko ang regalo… kasalanan ata iyan ng Three Kings… hehehe… Pero aminin man natin o hindi, lahat tayo ay may hinahangad na regalo, materyal man o hindi…
“Kung makakatanggap ka ng isang di materyal na regalo sa Pasko, anong gusto mong matanggap?”
Ito ang nakakawindang na tanong sa akin ni Loui ( Iyong bida sa kwento kong Dalawang Yelo Nga!) noong minsang magkita kami dahil nagturo ako ng sayaw kung saan isa pala siya sa estudyante ko.
“Ah…eh… ano nga ba?” Ang hirap pumili ng hindi materyal na bagay….
Biglang may pumasok sa utak ko na dumiretso sa puso ko… oo nga pala! Anak ng patis!!! Bakit nga ba hindi ko nga hilingin iyon?…
“Love life?” natatawang hirit ko. “Eh wala ako noon eh, tsaka wala lang. Parang iyon na lang ang kulang. Naks, ano ba itong pinagsasabi ko?!” dagdag ko pa. Pati kasi ako nawiwirduhan sa sagot ko.
Napatawa rin siya sa sinabi ko dahil alam naman niyang hindi ako humihirit ng tungkol sa love noon.
Kaya ibinalik ko na lang ang tanong sa kanya at ang sagot niya, “Kung pwede nga lang, gusto kong magka-girlfriend na rin. Nalulungkot na ako eh, gusto kong sumaya.”
“Pumasok ka na lang sa comedy bar o sumama ka sa akin palagi. Aliw lang pala kailangan mo eh,” biro ko.
“Panandaliang-aliw lang ang mga iyon eh,” double-meaning na biro niya.
Nagkatawanan kami na nakakuha ng atensiyon ng iba. Kaya ang nangyari, lahat sila natripang sagutin ang tanong.
Sabi ni Bernard, “Ako din gagaya sa sagot ni Melay. Gusto ko ng love life!”
“O yan, kayo na ni Melay!” hirit ni Loui.
“Ay hindi pwede, magsisters kami niyan eh. Fafanes ang kailangan ko!”
Nagtawanan ang lahat.
“Ako naman, seryoso ‘to. “Gusto kong makasama ang mama ko kahit isang oras lang,” sabat ni Viel, isang fourteen years old na pinakabatang member ng Saliw Lipa. Namatayan siya ng ina 3 buwan pa lang ang nakakalipas.
“Ako, sana makilala ko tunay kong ina.” Napalingon ako kay Niño. Isa ito sa pinakamagulo sa grupo pero ngayon, himalang sineryoso niya ang tanong. “Anak lang daw ako ng baby-maker at pinagbenta lang sa tinuring kong magulang. Mahal ko pa rin tunay kong inay kahit ibinenta niya lang ako.”
“Teka, ako na lang ang hindi pa nakakapagdrama ah,” panimula ni Catrine. “Teka, pwede kayang mabuhay naman iyong baby ko? Well kung mayayakap ko lang ang anak ko kahit 1 minute lang, sulit na ang TaPasko.” Nakunan si Catrine last year dahil sa car accident.
Napaisip ako sa maikling umpukan na iyon… Lahat tayo ay may nais gawin kahit minsan alam nating imposible. May gusto tayong makuha kahit alam naman nating mas malaki ang chance na hindi natin makuha iyon…
Ikaw ba?
Kung makakatanggap ka ng isang di materyal na regalo sa Pasko, anong gusto mong matanggap?
Marami akong gustong regalo.
Marami akong gustong regalo. Sana mabuntis na ang gf ko waaaaaaa
Yon lang... para pakasal na kami
yow bubuyog64
parang baliktad ata yun pare...di ba dapat mauna ang kasal bago buntis? hay naku, ang henerasyon nating ito talaga...magulo... hehehe...
anyway, magandang hilinging regalo ang anak... hope na sana matupad iyan para sa iyo...
ingatski
Iyan na yata ang uso
hello allegra
oo nga pang-miss U ang answer mo... anyway, sino bang ayaw ng world fish este world peace? sa gulo ng mundo ngayon, eh kailangan natin ng kapayapaan...
wehehehe... salamat sa pakikiisa sa wish gift ko... hehehe... magdilang anghel ka sana... hahaha...
salamat sa pagbabasa ng iba kong post...
ingatski,
melay
Hello Melay
Merry Christmas melay, busing busy ka ah, sana may bonus kay para mas masaya.
Well sa akin ang gusto ko lang ngayong pasko ay ang makasama ang pamilya ko (wala kasing pasko dito sa Saudi eh). Kahit sa araw lang ba ng Pasko. Kung pwede nga lang ba mag Bus papaunta dyan sa atin eh ginawa ko na yun. Una kong pasko dito halos maiiyak iyak ako, kasi ako yung taga-litson ng manok sa amin, taga ayos ng christmas tree, saka ako rin yung masipag magregalo sa amin, heheheh!!Tapos parang bigla bigla wala na akong kasama sa Pasko, Eh dito gusto ko mang magcelebrate eh medyo alam mong kulang pa rin.
Next year siguro dyan na ako pasko.
Ingat dyan melay
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
hello kuya spike
eto nga busy nga ako....hehehe... naku, sana nga magkabonus at marami akong bayarin sa buhay kong ito...tsk tsk...
kalungkot nga ang Pasko na malayo sa pamilya... okay lang kuya spike, magceleb tayo ng Pasko pag-uwi mo kahit april pa iyon... pauwi ka na rin naman eh..konting tiis na lang di ba?
sa Pasko, mag-emote ka na lang muna... tawagan mo family mo para at least parang nakiki-pasko ka na rin sa kanila...
ingatski!
sana
Gusto kong gift na hindi material? gusto ko ng kapatid, it doesn't matter kung sister or brother basta meron.
Isang hirit pa kung pwede, sana mabalik sa dati lahat ng bagay sa buhay ko ng nawala sa ayos (malabo? sana luminaw!)
At sa iyo ang wish ko si louie at lovelife (isa lang kaya yun!) hehehe!
elow x-tin...
naghahanap ka pala ng kapatid... kung magkakasama lang tayo, mag-volunteer akong maging kapatid mo... madalas kasi kapatid na ang turing sa akin ng mga friend ko... ganon ako ka-intimate sa isang kaibigan... pinaalala mo sa akin na maswerte ako dahil may dalawa akong nakakalokang kapatid... salamat dun...
at sa wish mo para sa akin at si loui? ah eh... hehehe... sayang nga at hindi si loui ang hinihiling ko...ikagigimbal ng mundo kapag nalaman nio kung sino siya... hahaha...joke... pero kidding aside, hinihiling ko nga na sana magka-gf na nga si loui at ng hindi ako ang pinagtitripan... daig pa kasi noon ang babae sa pang-uusisa. nabuking tuloy ako. may nabasa siya sa cp ko...hahaha...
kung sa tingin mo imposibleng magkaroon ka pa ng kapatid, pwede naman na alternative... find a friend na maituturing mo talaga na kapatid.
ingatski
ako nmn
Sana magkita kami ng bestfriend ko, miss ko na xa e..
saka anak na babae sana , meron na kc akong 3, lahat lalake.
God bless melay.
ate love
aba, marami ka palang tagapagtanggol kapag lumaki na ang mga anak mo... sana matupad iyang wish mong magka-baby girl... Go go go!
Ingatski.
Okay ang post mo ha... Ako?
Okay ang post mo ha...
Ako? Siguro good health ang gift na gusto kongng matanggap....
Ingats
Jons
kelangan mo talaga iyan
wish ko rin iyan para sa iyo... sana di ka na maging sakitin kasi namamayat ka na... at saka ang hirap ng sitwasyon mo dahil wala kang tagapag-alaga pag nagkakasakit ka...
Well, alagaan mo na lang sarili mo at ready ang gamot para hindi lumala.. "Ber" season na kasi, uso ang hika, ubo, lagnat... hehehe...
ingatski,
melay
Parang okay ang pasko ko
Parang okay ang pasko ko kasi this past few days okay ang health ko ehheeheh. Nawala ang drama ko nang maging okay ang medical hiihhihihi
Jons
wahaha
oo nga ano...di ka na nag-e-emote ngayon... at least masaya ka na lang, wala masyado drama... teka, uuwi ka ba iloilo sa Pasko?
aba ako din kaya... ala na ako sunday sickness... hehehe...
Naisip ko lang, di mo ba hihilingin na sana makasama mo father mo sa Pasko? You know, kahit talagang impossible siya.
melay
regalo...
ako? graduation (pero next sem pa un)... hindi para sa akin-- para sa mama at daddy ko.
saka sana mapasaya ko sila ngayon. iyong mga napalungkot ko ng maraming taon. eh sila rin iyon (iyong nasa taas) hehehe.
sau melay-more novels to write and experiences to share.
merry christmas.
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
pa comment din po ako!
kapareho po ng kay talutot, graduation din para next sem...
at saka long life hehehe
---......---
isa pa!
para po sau ms.melay,
isang malufet na love life po para sayo.....ung tipong katulad ng mga nasa stories mo..
to wil2008 at kay talulot
aba, magandang gift yan... pagbutihan ang pag-aaral ha... para makaka-akyat na kayo ng stage sa graduation ng bonggang-bongga! hehehe...
best luck sa inyong dalawa at maring salamat...
reunion...
tuwing pasko ito ang aking hiling... isang malaking reunion kasama ang aking highschool class at mga kababata... ang saya kasi. simple lang, one whole day of reminiscence!
hello paul
okay yan... ako rin enjoy kapag may reunion kaming magkakaberks... iyon lang kasi pantagal ko ng stress...hehehe.... speaking of, may naka-sched na nga ako barkada reunion bago mag-Pasko...
ingatski,
melay
welcum bak sken
ang tgal ko n ring ndi nkkpagbukas d2..at e2 agd ang nbungaran q..
cguro aq..ang pnkmgnda nang gift pra sken ung mwla ung pangungulila namin sa mommy namin ngayong pasko..kasi kahit hilingin kong makauwi na sana siya galing amerika..ay alam kong hindi pa iyon mangyayari sa ngayon..
nalalapit na nga ang pasko sa susunod na iyong linggo.pero bakit ganun?..marami ngang christmas light, mga parol, mga palabas sa telebisyong pampasko..hindi ko pa rin nararamdaman ang presence ng pasko..
alam namin lahat dito sa bahay na hindi lamang kami ang nalulungkot ngayong pasko, kundi pati na rin ang mommy q..lalo na siya..mag-isa na lamang siya doon..sa pamamagitan na lamang ng messenger kami nakakapagusap..
nangungulila na kami sa kanya..
kaya ang mapapayo ko lang sa mga taong hindi pinapahalagahan ang kanilang magulang..tandaan niyong
tska niyo lamang malalaman ang importansya ng isang bagay kung ito'y mawawala na ang imposible nang bumalik pa.
wala nang hihigit pa sa pagmamahal ng mga magulang natin
hello bhelle
lam mo pareho tayo... di ko feel ang Pasko kahit ilang beses kong naririnig iyong jingle bells(part iyon ng sayaw sa company presentation namin) at kahit na sa daan ko pag-uwi ay giant Christmas Tree sa may Simbahan ang sasalubungin ko gabi-gabi.... ewan, malungkot talaga ako pag Pasko... di ko naman alam kung ano talaga ang rason at malungkot ako...para kasing may kulang, pero di ko alam kung ano... kumpleto naman ang pamilya namin, masaya naman kami, pero parang kulang pa rin talaga...
wag kang mag-alala...darating ang araw na makakasama mo ulit ang mommy mo...
ingatski,
melay
sa akin...
e hindi na pansarili kasi wala na ako maisip na hilingin sa kanya para sa akin dahil baka sabihin ni God "sobra ka na ah!". Para sa lahat na lang, "SANA WALA NG TAONG NAGUGUTOM O KAHIT SA ARAW LANG NG PASKO NA ANG LAHAT NG TAO AY BUSOG NA BUSOG."tnx
pahabol pa: Sana hindi na rin sakitin ang anak ko kasi asmathic din siya tulad n'yo ni jonds eh.
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
hello kuya, na-miss kita ah
sana nga kuya gumaling na iyong anak mo...bata pa naman siya baka pag lumaki na siya mawawala din hika niya... I'll pray for that... alam ko kasi ang hirap ng may asthma... sana di niya iyon madala paglaki niya... mahirap kasi talaga...kahit pa sabihing parang common na sakit ang asthma, sakit pa rin iyon...
may awa ang Diyos kuya, gagaling din anak mo...
ingatski,
melay
Moshimoshi Melai!
O-genki desu ka! Watashi, O-genki desu!
Thanks sa post mo...
Isa lang ang hiling ko sa paskong darating na sana'y matauhan na ang bumaliktad na utak ng Nanay ko at umuwi na siya sa amin dahil naghihintay pa sa kanya ang mga anak niya!
'Yon lang... siguro maging masaya na ako kung nagawa 'yon ng Nanay ko...
Domou Arigato Guzaimasu Melanie!
Just keep on writing ha? Buti ka pa dami u na FANS dito...
aba fhearl nakaka-miss ka!
woi, domou Arigatou guzaimasu fhearl... lot's of reason to thank you! wish na matupad ang wish mo...
naku, iyong ihahabol kong drama na kwento bago matapos ang taon baka di ko pa matapos...hehehe...
ingatski,
melay
Gusto ko sana makatapos na.
Gusto ko sana makatapos na. Kaso parang hindi sakto yun sa Paskong 'to. Ano na lang, yung popular answer, yung love life. Hahaha...
RJ :D
* * *
hello RJ
popular answer ha... hehehe... aba malay natin di ba? makakapagtapos ka rin naman eh....just take your time... at mag-aral ng mabuti...
ingats,
melay
aq...
sexlife
hahahaha...
joke..
goodhealth sa lahat ng mahal q sa buhay..pati na rin saqn..pati na rin sa lahat ng tao..pwede ba yun..hahahaha
yow JC
ay ganun...hehehe... good health para sa iyo at sa mga love ones mo..why not? ibibigay iyon ni God sa iyo for sure...
best luck,
melay
Ngayon ko lang naisipan
Ngayon ko lang naisipan na....
Baby ang magandang regalo sa pasko.....
Kapag naging daddy na ang isang lalaki.
jons














World Peace?
Ahahah ambisyoso? pang Miss U na answer ano? wala akong maisip kundi kapayapaan sa mundo at sa pilipinas seryoso yan ha!
Pati lovelife para sa iyo nabasa ko kasi yung ibang post mo eh.
Nice meeting you.