Ang Huling Awit
Ni: E. Cruz
Sa isang silid-aralan, dito nagmula ang maraming kaalaman. Sa pamamagitan ng mga guro, ang mga estudyante ay natututong magbasa, magsulat at lumalawak ang mga pag-iisip. Dito natuto ang isang mag-aaral, hindi lamang sa mga kaalaman, siya rin ay natutong umibig...
Si Jake Fuentes, isang kolehiyala, siya ay kayumanggi, simple lang, hindi naman kagwapuhan pero ang kanyang katangian ay naiiba sapagkat makikita sa kanya ang tunay na anyo ng isang lalake, na matapang, hindi basta basta matatakot ng sinoman at ang kanyang sense of humor na malakas makahatak sa mga babae.
Sa unang araw ng ikalawang semestre, pumasok siya sa kanyang accounting class, "Eto ba ang guro natin, bakit mas mukhang matanda pa ako", Si Propesor Villa ang tinutukoy niya sapagkat si propesor ay mukhang bata at pag tiningnan ay parang isang estudyante.
Nagsimula na ang klase ng biglang may pumasok na nakatawag pansin ng nakararami.
"Goodmorning sir". ika nga ni Jenn.
Jenn Choa ang pangalan ng isang babae na nakapagbighani ng puso ni Jake, siya ay may lahing intsik, maputi at kaakit-akit ang kagandahan.
Nagkaroon ng paggru-grupo sa kanilang klase, sa hindi inaasahan pagkakataon ay naging kagrupo niya si Jenn. Doon nagsimulang magkakilala na sila ng lubusan.Sa dami ng kanilang mga activities ay madalas silang magkasama, lalo na pag mayroon silang praktis ng weekends, tuwang tuwa siya na kasama niya palagi si Jenn.
"Saan ka ba umuuwi".
"Basta huwag mo na tanungin".Llimitado lang lagi ang mga sagot ni Jenn sa kanya, nang isang araw sa kanilang praktis.
"Tara sabay na kayo sa akin".
Nagulat siya ng biglang nagyaya si Jenn, tanong niya sa kanyang sarili, "saan at papaano kami sasabay". Sumunod sila kasama ng mga kaklase at sila ay nagulat.
"Wow ang ganda naman ng sasakyan mo, sino yung kasama mo Jenn?" sabi ng isa nilang kaklase.
"Ah Si Mang Dencio pala, drayber namin".
Napaisip tuloy si Jake kung dapat niya bang ligawan si Jenn sapagkat hindi niya akalain na mayaman pala ito. Samantalang pagtitinda lamang ng bigas sa palengke ang ikinabubuhay ng magulang ni Jake.
Pinipigilan niya ang kanyang damdamin kahit lagi siyang hindi makatulog kakaisip kay Jenn. Ang ginagawa niya na lamang ay dinadaan niya sa pagkanta at paglalaro ng basketbol. At minsan ay naluluha pa mag-isa na parang baliw.
Lumipas....
Itutuloy na lang..abangan niyo sana sa Linggo. Magrereview pa ako.


