Ang Huling Awit (pagpapatuloy)
Lumipas ang ilang Linggo, nanood sila ng isang play sa sikat na Theatre sa may Maynila at nagkaroon ng pagkakataong si Jake na ipahayag ang kanyang nararamdaman kay Jenn. Sinubukan niyang sabihin ang matagal na nakatago sa kanyang puso.
"Jenn, mayroon sana akong sasabihin sa'yo"
"Mukhang seryoso ka yata, ano ba yon?".
"Kung sakaling manliligaw ako sa'yo may pag-asa ba ako?", hindi nagsalita si Jenn at iniba nalang ang usapan ngunit sa loob-loob niya ay matagal na rin siyang may pagtingin kay Jake.
Kinabukasan sa klasroom habang hindi pa dumadating ang kanilang guro, tinabihan ni Jake si Jenn..
"Sa tuwing nakikita kita, ang puso ko'y punong puno ng inspirasyon dahil sa kagandahang taglay mo".
Patuloy na hindi umiimik at ang usapan ay kanya pa ring nilalayo. At ang ginawa ni Jake ay ipinagtanong niya kung saan nakatira si Jenn para sopresahin niya ito para umakyat ng ligaw.. Pumunta siya agad sa Dangwa para bumili ng dalawang dosenang rose na kulay puti at may halong kulay pink.
Dumeretso na siya kila Jenn, parang nag-aalangan pa siya sapagkat nakita niya na mansyon pala ang bahay ng iniibig niya, at wala siyang nagawa kung hindi maglakas loob, pinidot niya ang buzzer at binukasan ng guwardiya nila Jenn ang gate.
"Ano pong kailangan niyo"
"Puwede ho ba kay Jenn, pakisabi kaklase niya, si Jake"
"Madam may naghahanap po sa inyo kaklase niyo po daw ang pangalan ay Jake". Nagulat si Jenn, kung paano nalaman ni Jake ang bahay. Narinig ito ng kanyang magulang.
"Sino yung taong yon , Jenn!"
"Mama kaklase ko po, may ihahatid lang tungkol sa assigment", ang sabing may pagpapalusot. Ngunit nagulat siya at ang kanyang magulang sapagkat mayroon itong dalang mga bulaklak.
"Akala ko ba'y assignment, at bakit may bulaklak yang kaklase mo".
"Magandang gabi po, pasensya na po pero sa katunayan ay umaakyat po ako ng ligaw sa anak niyo, humihingi po ako ng pahintulot sa inyo"
"Iho maganda naman ang naging pagpunta mo dito pero mga bata pa kayo, sana tapusin niyo muna ang pag-aaral niyo, kung gusto mo ang anak ko ipakita mo, kung makagraduate ka man o magkaroon ka ng trabaho saka ka nalang bumalik dito, ano ba ang ikinabubuhay ng mga magulang mo?"
"Nagtitinda po ng gulay sa palengke".
"Kita mo.. tulungan mo muna ang mga magulang mo para maiahon mo sila sa kahirapan. Hindi yung akyat ka ng ligaw, ni hindi ka pa nakakatapos ng pag-aaral at hindi ka pa naman kumikita ng pera. Jenn akyat sa kuwarto!".
Dali-dalian umakyat ng kuwarto at bakas sa kanya ang pag-aalala sa mangyayari kay Jake.
"Sige po mauna na po ako, iwan ko nalang pong bulaklak para kay Jenn"
" Pasensya ka na pero gusto lang namin maganda ang maging kinabukasan ng aming anak. Makakaalis ka na..."
Sa pag-alis niya ay hindi niya napigilang mapaluha at tinaggap niya nalang kung ano man ang sinabi sa kanya ng magulang ni Jenn.
Patapos na ang semestre at nagkaroon ng isang party para sa pagtatapos ng skul-year. Nagpresent ng isang kanta si Jake na dedicated niya kay Jenn, na pinamagatang "Beautiful Girl' ni Jose Mari Chan.
I knew when I saw you, you had opened the door
I knew that I'd love again after a long, long while
I'd love again.
You said "hello" and I turned to go
But something in your eyes left my heart beating so
I just knew that I'd love again after a long, long while
I'd love again.
Refrain : It was destiny's game
For when love finally came on
I rushed in line only to find
That you were gone.
Whenever you are, I fear that I might
Have lost you forever like a song in the night
Now that I've loved again after a long, long while
I've loved again.
*Repeat Refrain
Beautiful girl, I'll search on for you
'Til all of your loveliness in my arms come true
You've made me love again after a long, long while
In love again
And I'm glad that it's you
Hmm, beautiful girl".
Pagkatapos kumanta ay sabay nagsalita ng malungkot niyang damdamin
" Salamat sa'yo Propesor Villa at sa aking mga naging kaklase sa semestreng ito,
Para naman kay Jenn, mahirap para sa akin na ako'y lumayo..
At hindi ko akalain na mahuhulog ang loob ko sa'yo'
pero gayunpaman ay pagbubutuhan ko ang aking pag-aaral.
Ipapakita ko sa mga magulang mo na gagawin ko ang lahat,
magsisikap ako para sa'yo, MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA".
Napaluha ang buong klase sa binitawang salita ni Jake at sa hindi mapigilang damdamin ni Jenn ay pinuntahan niya si Jake at hinagkan..
"Ayoko sanang mangyari ang ganitong sitwasyon, pero ang tanging masabi ko lang ay aasa ako at hihintayin ko ang mga pinahayag mo".
Wakas


