Ang Huling Habilin

Kasama,
sa aking pag yao'y
huwag na ninyo akong igawa ng
rebulto,
na katulad ng mga bayani't
santo,
O kaya ay mahabang punebre
katulad ng sa kanila.

Itong aking katawan,
igawa na lamang ng simpleng kabaong,
Kabaong na kulay pula!

At hayaan na ang lahat
ay makiramay ,
hayaan silang pagmasdan ako -
nang walang bahid ng kalungkutan,
hapis at awa -

kundi puno ng hambog,
pagmamalaki't pagpapahalaga.

Hayaan silang maging saksi't
makapulot ng leksyon.