ang huling hatol
ang huling hatol
“Ang buhay ng kapit sa patalim”
Middle East ito ang isa sa mas mataas na porsyento ng mga Filipino na umaasa lamang sa mga ‘di dapat gawin ng isang taong nag tatrabaho upang buhayin ang kaninalang pamilya ngunit dahil sa kahirapan ng buhay kaya nila ito ginagawa.
Si Leonard Briones isang OFW na nagtatrabaho sa pilipinas, ngunit dahil sa kahirapan balak niyang umalis sapagkat ito lamang ang alam niyang huling paraan para makaangat sa buhay. Si Jocelyn Briones kanyang asawa, nag tatrabaho siya sa patahiaan sa lungsod ng maynila at mayroon silang tatlong anak at dalawa sa kanila ay nasa antas na ng sekondarya sa paaralan ng tondo at isang tatlong taong gulang na anak. Isang araw habang naghahanap si Leonard ng trabaho sa iba’t ibang ahensya na nag papadala sa iba’t ibang parte ng ibang bansa. Habang nag lalakad siya may nakita siyang tumpukan ng maraming tao at nag tanong siya at napagalaman niya na nag papadala sila ng mga nag hahanap ng trabaho sa middle east, ngunit nag aalanganin siyang lumapit sa ahensyang ito dahil tanging karpentero lamang ang alam niya at primarya lamang ang tinapos niya sa paaralan kaya’t nag alanganin siyang lumapit, pero may lumapit sa kangyang lalaki at pinapasok siya sa loob, lubos ang pasasalamat niya sapagkat pinapasok siya. Lumapit siya sa harapan para mag tanong at wika ng babaeng nasa loob, “Ginoo ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?”, wika ng babae, at nagtanong si Leonard tungkol sa pakay niya at nalaman niya na kailangan ng eksperyensya sa pag tatrabaho sa isang patrabahuan na nagbibigay ng kontrata para mag karoon siya ng eksperyensya kahit isang taon lamang.
Ilang linggo na ang nakalilipas at nakahanap siya sa Sta. Cruz, Manila ng isang trabaho ng nagpapagawa ng maraming paupahan at agad siyang natanggap. Ang may-ari ng paupahan na ito ay isang tsinong negosyante na nagmamayari ng maraming negosyo sa maynila. Sa pagtatrabaho ni Leonard marami din siyang nagiging kaibigan lalo na ang kanyang amo na tsino at isang araw may inialok ang tsinong ito isang transaksyon na ni minsan ay hindi pa niya pinasok at sa sinabi ng amo niya pinagisipan niya ang bagay na ito.
Isang araw may sakit ang dalawa niyang anak ang panganay at bunso niya at parehong mataas ang kanilang mga lagnat at nag aalala si Leonard na kung saan siya kukuha ng pangospital sapagkat ang asawa niya ay natanggal sa kaniyang trabaho at wala na siyang ibang malalapitan kung hindi ang kaniyang amo. At naalala niya ang sinabi ng kanyang amo sa kanya, alam niyang masama ito ngunit hindi niya alam kung ano ang masamang maidudulot nito sa buhay niya at kung ano ang impluwensya nito sa kanyang buhay. Habang naghahanap sila ng pupwedeng pag benthan ng nag ngangalang droga at sa pag lalakad niya nakahanap siya ng mabebentahan at naisip niya na masarap din palang magbenta ng gamut na ito.
Sa pag lipas ng mga araw nasasanay na si Leonard na magbenta ng sari saring droga at sa kadahilang ito lumalago at nakakapag ipon siya ng pera na maibibigay niya sa kanyang pamilya, masama man ito, pero ito lamang ang alam niyang isa pang solusyon sa mga problema niya at ng kanilang pamilya, pero hindi pa rin nawawala ang pangarap niyang makapagtrabaho sa ibang bansa, kaya’t dobleng pag sisikap at kayod ang kanyang ginagawa sa pang araw araw na kanyang pamumuhay masama man o mabuti basta’t nakikita niyang nasa maayos ang kanyang pamilya . hindi sumagi sa isipan ni Leonard ang masamang maidudulot nito sa kanyang buhay kaya’t patuloy tuloy lamang ang kanyang ginagawa na hindi niya alam na siya ay ginagamit lamang ng droga para mapasama siya at unti unting malulong sa implowensya ng droga, sapagkat sa amoy palamang nito ay parang gumamit ka na nito at sa katagalan hindi mo na rin matitiis na tumikim nito.
Isang araw sa kanyang pinag tatarabahuan pag pasok niya ay naisip niya na malapit na siyang magi sang taon at sa tagal ng kanyang pag tatarabaho ay makakamit na niya ang ika isang taon ng kanyang kontrata at sawakas ay mailalakad na niya ito sa ahensyang kanya inaplayan ng trabaho papuntang middle east at iniisip niyang ito na ang umpisa ng kanilang pang angat sa buhay ang hindi niya alam ay kahit kaylan man ay hindi na niya mababago ang situasyon na nasa impluwensya na siya ng droga at kahit kailan ito’y kakabit na sa kanyang buhay.


