Ang Huling Paalam
Minsa’y nalulungkot, minsa’y nagsasaya
Sa bawat sandaling aking naaalala
Parang kailan lang klase’y nag-umpisa
Ngayon ay tapos na maiiwan ang barkada
Mga ngiti’t tawana’y di malilimutan
Mga iyaka’t harutan sadyang nasa isipan
Paghingi ng papel na nagkakadamutan
Ang pagtatakip ng ilong tuwing may ututan
Minsa’y nagkakapaltukan ng mga basahan
Na sinasabayan ng mga tugtugan
Kapag prinsipal ay nararamdaman
Kay bilis ng ating mga takbuhan
Kayhirap bigkasin ng katagang paalam
Lalo na’t pinatutungkulan ating pagkakaibigan
Sa apat na taong ating pinagsamahan
Kayo’y di malilimot magpakailanman
http://simplengmanunulat.blogspot.com/
http://www.facebook.com/manunulat
If you have some time, read
If you have some time, read and like it:
http://www.saranggolablogawards.com/2011/10/nang-dahil-sa-dota-blog.html



:)
ang sipag mo naman...
sana magbasa ka din sa gawa ng iba at magkomento dito....sana magkaroon si noid ng 2 crit policy. 1 pasa ng akda at dalawang komento sa gawa ng iba. nagigi kasing tambakan ang site na FW.pagkapasa ay iniiwan na. bahala na kayo dyan! parang ganun.
"kaya nga ako nagsusulat sa Filipino ay para mas maintidahan pa nila ako..."
http://dyeppri.wordpress.com/