ang inspirasyon ng " ang tugon"
sa panaginip lang
Music and lyrics: aceproject101
performed by: kua vherds
naglalakad sa ulap
hinahanap ka
tulungan mo ako
bumalik sa mundo
malayo ka man o malapit
pipilitin kong
humawak sa' yong kamay
at di hihiwalay
handa akong lumipad
patungo sa'yo
akayin mo ako
di mo ba ako nakikita
o kaya nama'y nadarama
kahit sa panaginip lang
hindi mo ba napapansin
pag-ibig ko sa yo'y umiigting
kahit sa panaginip lang
for your hearing pleasure: http://soundclick.com/share?songid=6863924
this is an original song from my friend (palawan talent ito)
please do support, we are trying to make a difference in the music arena of
palawan...
nga pala, maganda sagutin di bah? kaya nagawa ko iyong kanta
mas magaling lang ang arrangement nito... magaling kasi talaga siya....
check his works..http://members.soundclick.com/project101
and watch this vid: http://www.youtube.com/watch?v=XutOcGveC-Y
yup i love the song
minsan lang kumanta si kua vherds pero patok.. master ace is one heck of a musician. i really admire him (wuhuhu arranger ko din sya eh).... he has talent and skill. lam mo ba na its his first time to pen lyrics for his own song? kaya i believe may pinagmulan iyang song na yan. Thanks PMEL!!!!
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
great talent!
i've seen your 'Prolong' video, and i instantly became a fan. whew! such great talent. Although lyrics needs a little tweaking for commercial consumption. the raw talent is right there ready for the reap. Hope you will not become a 'rockstar' someday. If ever you need help in any which way possible, i will gladly offer mine, connections or otherwise. why not join songwriting competition to further expose your songwriting prowess? or make a living singing at folk houses? You remind me of Lolita Carbon in her early glorious days of Pinoy Rock.
Keep it up, somebody out there should notice you
Rom
i hope i will not be ( a rockstar) hehehe
sir rom,
thank you po. opo i need a lil help re-constructing the lyrics para po mas radio friendly siya (if ok lang po?), i will produce the song this sembreak, (from my own savings ehhe) iniisip ko pa nga po ang music style kung itutuloy ko ang reggae or gagawin kong bossa.
i hope i will not become a rockstar hehehe, though, recently ive been working with rock and blues enthusiast. (para lang maging mas malawak ang impluwensiya ko at maraming paghuhugutan ng style)
I am a fan of lolita carbon, i saw her perform in UP, me autograph pa ako heheh. isa din po ang asin sa influences ko.
i did po, pero dito lang po sa palawan. nagtatry po akong maging defiant sa mga nakasanayan na dito. ngayon po, nag-iipon ako para iproduce ang mga kanta ko, magkaroon po ito ng radio exposures kahit dito lang muna. sana nga po someday may makarinig at magkaroon ng interest, kahit ang mga kanta ko na lang ang sumikat.... matagal ko na po itong pangarap.
salamat po ulit.
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
you're on a good
you're on a good starting point keep it up. just remember how pinoys are very fond of love songs so if you intend to penetrate the market aim that way, but never lose your style. Reggae, rock and blues are okay as a style but what sets you apart is for you to have your own distinction.
Si Lolita Carbon-boses mala mother earth si Joey Ayala - boses mala kalabaw, si Binky Lampano - boses na hinugot sa talampakan, si Bayang Barrios - boses ng simpleng dalaga. lahat sila may kanya kanyang pagkakakilanlan nakikilala sila sa sarili nilang identity at walang iniimitate na foreign artist although may influences.
Pag nahanap mo ang sarili mong kakanyahan sa larangan na iyong pinili malamang ma satisfy mo ang sarili mo, at pag na satisfy mo sarili mo maging kaming lahat na nakikinig sa iyo satisfy na din. Magtagumpay ka sana
PS pls. don't call me 'sir.' Sir in old english means 'lord' and i'm no lord
ok po
nais ko po ngang madiskubre iyon, hayaan niyo po, di po ako titigil hangang makita ko din po istilong bagay sa akin. salamat po sa pagtitiwala.
masarap po na mayroon na gaya niyo na di ko pa nakikita na naakit din po sa aking musika. magpapatuloy po ako sa paglinang...
salamat po.
p.s kuya po pwede? me respeto po ako sa inyo kaya ko po kayo tinawag na sir.
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
Magaling...
Magaling ang MTV at boses ng kumakanta...
Pinarinig ko nga ito sa mga kagrupo ko(kaso disband na kami) para alamin lang ng konti ang panig nila. Ito Opinyun nila (pero 'di ko alam kung tama sila)... Sabi ni Kuya Lito eh maganda daw yung boses ng kumakanta at kakaiba talaga, binigyan lamang daw sana siya ng pagkakataon paningningin ito sa pamamagitan ng pagbaba ng lakas ng tambol at gitara sa background... Sabi naman ni Jon ay konting areglo pa raw sa lyrics dahil medyo nakulangan (medyo lang nmn daw) siya, sabi ko eexplain niya ng maayos pero 'di daw niya maexplain kasi kapag siya ang gumagawa ay hinahanap niya yung kiliti sa tagapakinig. Marz nmn ay ayos na daw at magaling ang tugtugan pero makakahanap pa daw ng ibang gawa na yung isang bagsakan ay rerehistro at mapanganganga na sa unang bagsak pa lamang daw. Sample daw nito ay eraserheads na nireleased nila una ang "pare ko" sa madlang-peole ay masang-masa ang kanta sumunod ay "toyang" tapos naglaon ay pakonti-konti pinaiingay na nila ang tugtugan. Kung baga habang hindi pa kilala ay ibigay muna ang gusto ng tao.
Sa akin ayos ito maganda...gusto ko lang ay may part din ako na solo lead sa gitara kahit sa dulo o kahit ilang segundo lang sa pagtatapos ng kanta...tinggg-tingg..tihinggggg...ting-ting..saka isang bagsak ng tambol..blog.
Sana nakatulong ang analysis nila....gudluck po.Sana sumikat kayo.galing (parang d' dawn ito sa 80's)! 
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
uy ayos
dyeppri,
matutuwa ang may gawa ng kanta niyan sa mga suggestion niyo. nga pala ung vocalist eh sya din ang drummer at tama ka, para ngang the dawn. isa din iyon sa influences nila sa music....
nagustuhan mo ang mtv? heheh mdadalang na lang kasi ako gumawa ng mtv kaya madalian iyon. di pa nakikita ni master ace, sikreto lang natin dito sa filipinowriters hehehe salamat ha
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."





I love his voice!
I like it better than Bamboo... it has this natural taste to it. I wish them all the best. This song is great. ^^b