Ang Interbyu ni “Kiko” sa Unang Hirit

Rom's picture


 

 Ang Interbyu ni “Kiko” sa Unang Hirit

 direct link: http://www.youtube.com/watch?v=quhQGRaFCIk

Alas kwatro pa lang ng umaga gising na ako, kumilos ng kaunti para maghanda sa pag-alis. Maya-maya pa ay bumubusina na ang isang puting van sa labas ng gate sa isang maulan at malamig na madaling araw. Walang sinayang na sandali, nagtanguan lang kami ng driver na sumusundo sa akin, ilang kataga at sumibad na kami sa tahimik ng umagang iyon upang lumuwas ng maynila papunta sa GMA 7 studio para sa isang interview.

Hindi masarap ang pakiramdam ng sinasariwa at kinakalkal ang isang sugat na bahagya pa lamang naghihilom, hindi rin isang pribilehiyo ang Makita sa national television sa pagsisiwalat ng “hindi naman lihim” na bahagi ng aking katauhan. Malamang sa hindi, ang mga nakakakilala sa akin personal man o kaibigan, o naka kwentuhan lamang ay may idea na kung ano ang pinagdaanan ko—pero iba pa rin kung isasalaysay ko ito sa buong pilipinas sa pamamagitan ng pang-umagang programa sa telebisyon.

Hindi normal ang topic ng panayam, maging si Reah Santos ay may “shock” sa mukha ng malaman niya ang topic—battered husband. Alam ko na ito inaasahan ko na ang ganung reksyon sa lipunang kinasanayan na natin. Ang inaakala nating mga lalaki lamang ang maaaring nambubugbog at nananakit sa kanilang babaeng asawa ay kasing palasak na, parang nanonood ka na lamang ng eat bulaga sa tanghali at maiinis sa kakornihan nito. Pero hindi rin imposible na maaaring kabaligtaran naman ang pangyayari.

Nagsimula agad ang panayam, walang sinayang na sandali. Nakaramdam ako ng biglaang flashback ng mga pangyayari mula sa isang madilim na sulok ng aking kaisipan. Isang sulok na matagal-tagal ko na ring ibinaon at pilit ibinabaon sa limot. Hindi ko nga akalaing mahahalukay ko pa ang mga detalyadong pangyayari at maiuugnay-ugnay ito sa bawat sequence ng buhay ko. Sadyang ganun ata kapag kapado mo bawat hibla ng sakit at ramdam mo ang hapdi nito, mahirap kalimutan na lang basta ito.

Umabot ng halos isang oras ang kwentuhan sa harap ng camera, kita ko pa rin ang question mark sa mukha ng kaharap ko, waring tinatantya kung valid nga ba ang mga inilalahad kong kwento. Sa pagbabali-baligtad ng kanyang mga katanungan at pag uudyok na maglahad ako, napag tanto niya na rin marahil ang kabuuuan ng isang malagim na nakaraan.

Hindi biro itong araw na ito. Malamig man ang paligid dahil sa buhos ng ulan, nag-iinit pa rin ang batok ko na para bang may umaakyat na usok mula sa apoy galing sa aking dibdib. Kahit paano, nakakaluwag ang magkwento. Napaka personal na bagay sa akin ang mga kwentong pinakawalan ko sa harap ng camera at sa harap ng mga taong halos isang oras ko pa lamang nakaka daupang-palad. Gayunpaman, nakakaluwag pa rin ng dibdib at isipan ang magkwento—kwento na walang bumabalik na panghuhusga. Kung may panghuhusga man, pasalamat na lang ako at di ko naririnig—sa harapan na lamang siguro ng kani-kanilang TV set magaganap ang mga panghuhusga na wala na akong pagkakataong marinig pa.

Isang maganda na rin sigurong bagay, na nung oras na maipalabas ang panayam na ito sa telebisyon (Unang Hirit GMA 7 Sept. 11) ang natural na reksyon ng mga anak ko ay tumawa. Hindi lang tumawa ng tumawa kundi naghagalpakan kaming lahat sa ginawang re-enactment ng mga talent ng GMA. Sabi nga ng anak ko na siyang laging saksi sa karahasan noon sa loob ng bahay “hindi naman ganyan yan e…ang layu-layo” sabay tawa ng malakas

ang tinutukoy nya ay ang karahasan. Malayong malayo daw ibig sabihin, lubhang mas marahas pa ang tunay na naganap kesa sa re-enactment.

Pasalamat na lang ako at binabalikan ko na lang bilang pag-alala at pagtanaw ang mga bagay na ito. Habang marami pang kalalakihan ang nagdurusa ng ganitong pangyayari ang hindi kumikibo at nagsasawalang-bahala sa kanilang kalagayan.

 

 


spike_west's picture

Rom

Sorry ha, medyo humagalpak din ako sa kakatawa. Hindi ko alam kung bakit? Alam kong sensitibo ang isyu na ito sa iyo, lalo pat hindi naman dapat tawanan ang ganitong karanasan, pero siguro kilala kita kahit itinago ang mukha mo sa Flower base at pinakita ang tyan mo, mas nakikita ko pa rin kasi sa iyo ang isang masiyahing tao.

Marahil dala na rin na kakumpletuhan na ng buhay mo dahil kay ate missy at sa iyong mga anak kaya tila hindi ko na naaninag ang masaklap na karanasan na iyong napagdaanan.

Matagal na akong nakakapanood sa TV na itinatago ang mukha at identidad at ito ang unang pagkakataon na kilala ko ang taong itinatago sa media. Ang gara sa pakiramdam.

Pero hanga ako sa lakas ng loob mo kuya, isang saludo sa iyo! Sana ang sugat na nakatatak dyan sa puso mo ay unti unti ng maghilom maaring may peklat na iwanan pero alam ko isang araw mawawala na rin ang kirot.

Kuya, may isang tanong lang ako, san nangaling ang pangalan na KIKO?hehhehe

 Ingat

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

ako nga si kiko

 Pareho tayo spike, natawa talaga ako ng husto sa re-enactment na yan. nagtagal nga ako sa newsroom ng GMA e, inaantay ko dumating si Atty Sison at yung mga talent daw nila na mag re re-enact, gusto ko sana makita kung paano nila i-shoot yung buhay ko, kaso hapon na wala pa sila kaya nagpahatid na ako sa driver ng GMA.

pati mga anak ko hagalpakan ng tawa ay ginagaya pa nga nila yung pagtulak-tulak ng babae dun sa lalaki. ang nagaya lang ata nila ay ang salamin ko e hehe...

sabi ko sa staff ng Unang Hirit na oks lang na ipakita ang mukha ko pati ang pangalan ko wag lang ng location ko, pero SOP daw sa kanila na itago ito para na rin sa proteksyon ng mga anak ko. nag suggest si Reah Santos na "Toto" na lang daw ipangalan sa akin. yung mga cameraman naman nag suggest din, pangalan ata nung isang crew dun yung binanggit--tawanan nga e.

ewan ko nagulat din ako at biglang naging "kiko" na ang pangalan ko hehe ang bilis mag evolve.

Masaya na lang ngayon na tanawin at panoorin ito, wala na akong hinanakit kahit may kabigatan pa rin ikwento, isa ito sa mga theraphy ko para tuluyan na talagang matanggap at mag move on sa buhay.

ang masasabi ko lang mas maswerte ako ngayon kay Teena na ubod ng bait at understanding, mahal din niya ang mga anak ko. pero syempre hindi naman lahat ng may kaparehong karanasan sa akin ay maganda ang kalalagayan ngayon.

salamat sa pagbasa spike. 

 

KarikaTuura

spike_west's picture

Kuya tanong lang uli

Paano ka nga pala napili dyan? Hindi kaya readers natin ang mga researchers nila.Hehhehe! May talent fee ba yun?Joke lang

Naitanong ko lang kuya!hehhee 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

mamon

  nung bago mag father's day pa ako tinawagan nung researcher ng Unang Hirit gusto daw nila mag feature ng kakaibang "Father's Day Tribute" kaso nga umigting yung issue ng Cha-Cha that time kaya yun ata inuna muna nila. nakita ni Ross (researcher nila) yung blog ko na may post tungkol sa issue ng battered husband tapos nag message sa akin sa Twitter, tapos tinawagan ako sa cell Phone.

may bayad 10 pirasong mamon hehe...

pero kung titingnan mo dapat nga talaga di nila binabayaran ang mga lalabas sa news and public affairs nila kasi nga magmumukhang pay-per-appearance lang yun at defeated na yung purpose ng news story. 

 

KarikaTuura

Tantizm's picture

Sa aking Pagsusuri

 

Sadyang mahirap tanggapin sa isang lipunan na may nagaganap na pang-aabusong pisikal sa mga Adan. Madalas kasing binibigyan nang pansin ng media ay ang mga kababaihang binubugbog ng kanilang asawa. Ito ang naging mitsa nang pagsulong ng mga na tinaguriang Gabriela, ang panawagan na lalong pag-igtinggin ang karapatan ng mga kababaihan upang ipagtanggol ang kanilang hanay.

Sulong feminismo! Ito ang panawagan ng mga Gabriela ng lipunan. Pantay na karapatan at pagtingin sa lipunan ang kanilang nais matamo mula sa lipunang pinanday ng mga kalalakihan. Ang nais lang naman nila ay wakasan ang paghahari ng mga macho sa mundong nilikha para sa kay Eva at Adan. Itinuturing nila ang kanilang sarili na mahina kung ikukumpura sa istrakturang pisikal at natural na kalakasan ng mga kalalakihan. Sa madaling salita ang simbayosis na kanilang nais pairalin ay, walang sino man o ano mang bagay sa mundo na ipinanganak na walang silbi.

Itinuturing nilang kapantay sila ng mga kalalakihan sa anumang aspeto ng gawain, maging ito man ay gawaing bahay, trabaho, pakikilahok sa lipunan at pakikisangkot sa mga makabuluhang adhikain para sa bayan. Kadalasan ay naririnig ko sa hanay ng mga kababaihan na hindi kayang gampanan ng mga kalalakihan ang kanilang ginagawang pag-aaruga sa mga anak at pagsisilbi sa loob ng tahanan, habang ang padre ng pamilya prenteng-prente sa pag-inom nang malamig na serbesa. Naging kultura na kasi ng ating lipunan na iatang sa mga kababaihan ang mga gawaing bahay.

Ano nga ba ang katangian ni Gabriela? Hindi ba't nag-organisa si Gabriela upang ipaghiganti ang kanyang asawa na si Diego Silang. Nag-alsa siya sa isang layunin, na mabigyan ng katarungan ang pagpatay sa kanyang asawa. Binigyan niya ng ningas ang mga kababaihan na ipaglaban ang kanilang karapatan laban sa mga halimaw ng lipunan. Kung ating susuriin ang karakter ni Gabriela, hindi siya sumigaw o lumaban para sa pambubugbog ng kanyang asawa. Hindi niya ibinuwis ang kanyang buhay para sa pantay na pagtingin sa pagitan ng dalawang kasarian. Hindi radikal ang transpormasyong kanyang ipinaglaban. 

Malinaw ang kanyang ginawang pakikilahok, ang ipaglaban ang sinumpaang pag-ibig haggang kamatayan. Kaya't para sa akin na gawing patron ng mga kababaihan si Gabriela Silang sa isang layuning hindi niya isinigaw at minungkahi ay isang kabastusan sa kanyang naging adhikain. Mas tatanggapin ko pa na gawing patron ng feminismo si Reyna Cleopatra dahil ang kanyang karakter ay akmang-akma para sa layunin ng feminista.

 

Hindi ko tinututulan ang pagkakaroon ng batas para sa mga kababaihan. Marapat lang bigyan ng proteksyon ang mga kababaihan laban sa mga pang-aabuso sa loob at labas ng tahanan. Subalit, ang nakakalungkot ay nakakaligtaan na marapat ding bigyan nang pantay na karapatan ang mga kalalakihan na nakakaranas nang pang-aabuso mula kay Eva.

Ang karansan ni kuya Rom ay aking naranasan bilang isang anak. Sadyang nakakapangilabot na masaksihan ng isang bata ang ginagawang pang-aabuso sa padre de pamilya. Ito ay nagdudulot ng mababang pagtingin sa isang ama na maaring magdulot nang kaisipang pagkutya at paghamak sa haligi ng tahanan. Lumalaki ang bata na tinitignan na ang ina ang siyang pinakamakapangyarihan sa loob ng tahanan.

Kung susuriin mabuti, ang mga pang-aabusong dulot ng mga kababaihan sa lipunan-- marahil ay marami sa mga ina ng tahanan ang sapul nito. Ang walang habas na pagsasalita ng walang kapararakan sa pagkatao ng mga anak na madalas marinig sa lansangan ay isang pang-abusong pang-kaisipan. Ang mga matatalas na salita ay sumusugat sa pagkatao ng isang lalake at mga anak sa loob ng tahanan ay isang karumaldumal na gawain. Kahit sa loob ng opisina o trabaho ay maririnig ang matatalim na dila ni Eva na nagiging sanhi ng hidwaan sa isang institusyon. Ika nga higit na makapangyarihan ang salita kaysa pisikal na sugat. Ang mga masasakit na salita na kanilang binibitawan  ay nagdudulot ng tulirong kaisipan sa mga kabataan.

Kapag ako ay nakikipag-usap sa mga kabataan, lagi kong tinatanong kung bakit sila napapariwara. Karamihan ng kanilang sagot ay dahil sa walang habas na kagaspangan ng dila ng ina. Ito'y sugat na bumabaon sa kanilang  puso na hindi mawawaglit sa kanilang pagtanda.

Kung kaya't ang pantay na batas para sa dalawang kasarian ay dapat na isulong para sa kamulatan ni Eva at Adan. Dapat maging balanse ang pagtingin sa kalagayan ni Adan at Eva, huwag gamiting dahilan ang mga karanasan ng ilang kababaihan, dahil mas matindi ang mga nakakubling karahasan na naranasan ni Adan.     

"Bago ka mangarap...maghubad ka muna"

Rom's picture

"the law should apply to all, or none at all"

malaking problema sa mga kalalakihan kung magiging ganap na batas na ang RA 9262. nakasaad kasi dito na kapag nanakit ang isang lalaki, maaari siyang isumbong ng babae kahit sa baranggay lang at kumuha ng BPO (baranggay protection order) at pagbawalan na pumasok sa loob ng bahay ang lalaki,. ito ay kahit na kanya (sa lalaki) ang bahay. agad din kukumpiskahin ang baril at lisensya ng lalaki. bawal siyang lumapit ng may 1000 meters sa gate ng bahay o subdivision, bawal magpadala ng sulat, regalo, bulaklak at tumawag sa telepono. kung may kukunin siyang personal na pag aari sa bahay niya dapat ay may escort na pulis. at lahat ng yan ay kahit na wala pa mang nagaganap na imbestigasyon.

unfair ang batas na ito (RA9262) kasi nagsesrbisyo lamang ito sa iisang sektor--ang mga kababaihan. ang aggression ay walangpinipiling gender, mapa babae man o lalaki, bata o matanda lahat ay pwedeng maging biktima ng karahasan ng tao sa kapwa tao. sana ang batas natin ay nangangalaga sa lahat ng gender at hindi sa iisa lang.

aminado ako na maraming lalaki ang nananakit, pero di maikakaila na may mga babae din. meron din namang anak na nangugulpi ng kanilang matatanda nang magulang e. meron din namang parehong gay na magkarelasyon ang nagsasakitan. kaya't nakapag tataka na ang batas na ito ay nakatuon lamang sa kababaihan.

ang pananakit ay walang pinipiling kasarian, at walang sinoman ang may karapatang manakit pisikal man, verbal, o sikolohikal kahit na kanino, kahit saan at kahit kailan.

kung ang mga kriminal nga nirerehabilitate natin sa pag-asang maari pa silang magbago, bakit hindi ang mga nambubugbog na mister? bakit kailangan silang parusahan ng batas na ito?

lilinawin ko lang na hindi ako laban sa mga babae, sa katunayan napapaligiran ako ng kalinga ng mga babae mula pagkabata ko at ang anak ko ay mga babae at isang lalaki. laban ako sa karahasan ng tao sa kapwa tao--maging ano man ang kasarian nito

"the law should apply to all, or none at all" 

salamat sa pagbasa. 

 

 

KarikaTuura

Yiennarda's picture

Ginoong Tantizm...

Sensitibo po para sa akin ang usaping ganito.  Ang RA 9262 ay isang batas na masasabi kong personally involved ako. 

Pero bago ako magpatuloy... nais ko lamang sabihin na hindi po ako nagco-comment batay sa mga karunungan ko.  Most of the time ang mga comments ko ay naggagaling sa mga naging karanasan ko sa buhay.  Maaring salat ang karanasan ko, pero hindi ito pwedeng maliitin dahil ito ang munting naabot ng aking kamulatan, at sa ganito ko naintindihan ang mga bagay bagay sa ating mundo.

Una sa lahat, Rom, hindi ko pa napapanood ang interview mo... (sa bahay ko pa mapapanood to kasi wala akong headset) pero nabasa ko na ang mga naging karanasan mo sa ex-wife mo dito sa FW. At pangalawa, sumasangayon ako sa sinabi mong the law should apply to all. 

mabalik po tayo sa RA 9262...  nag-ugat po ang batas na ito sa isang malapit kong kamag-anak.  Si Dolores Lorenzo...  Pinsang buo po siya ng nanay ko at kapitabahay namin.  Eto po ang maikling background sa kwento niya (click here).  Saksi po ako sa ginawang pagpapahirap sa kanya ng kanyang asawa noong panahong naging battered wife si Dolores.  Natatandaan ko pong palaging nagtatago itong tiyahin kong ito sa bahay namin kapag nagwawala na ang asawa niya sa kalasingan.  tangdang tanda ko ang mga nanlilisik na mata ng lalaki kapag hinahanap niya ang asawa niya.  Hanggang ngayon po may naiwang trauma ang nangyaring ganito sa komunidad namin.

Teenager na po ako nung nalaman kong hindi lang pala auntie ko ang naging biktima ng karahasan.  Kundi pati ang mismong nanay ko.  battered wife din ang nanay ko noon, at hindi ko makakalimutan ang kwento mismo ng aking ina tungkol sa pagtakbo niya palayo sa tatay para masagip ang buhay ko.   tumatakbo siya habang hinahabol ng aking ama hawak ang samurai.  mabuti na lang daw at may nagmagandang loob na may-ari ng panaderya na nagbukas nang madaling araw na yon para makapag-tago ang aking ina doon.

Sa makatwid, isa po akong taong nabuhay, tumanda, at nagkapamilyang nakaranas ng maraming karahasan sa buhay.   Minsan sa dami ng nababalitaan kong ganito noon, naging parang trend na ang pambubugbog ng lalaki sa kanyang asawa.  Hindi po kasi natapos sa aking ina at tiyahin ang karahasang ganito.  Marami pa po at ayoko nang isa-isahin pa.

nais ko rin lamang pong linawin na hindi po ito comment ng isang peminista...  hindi ko rin naman po gagawan ng excuse ang nasabi ninyo ginoong tantizm na   "Ang mga masasakit na salita na kanilang binibitawan  ay nagdudulot ng tulirong kaisipan sa mga kabataan" (I'm assuming na ang "kanila" pertains to women) dahil gusto ko hong intindihin ang comment niyo bilang hindi PANG-LAHATAN na sitwasyon.

Hindi rin naman po ako susuong sa isang hamon para ilabas ang mga statistics ng violence against women and children inflicted by their immediate relatives (mapa-tatay man ito, uncle o kuya) dahil inuulit ko po, nararapat lang naman na ang batas ay dapat i-aplay sa lahat...

SUBALIT, ito po talaga ang nais ko lang itanong...

Sabi niyo po "Dapat maging balanse ang pagtingin sa kalagayan ni Adan at Eva, huwag gamiting dahilan ang mga karanasan ng ilang kababaihan, dahil mas matindi ang mga nakakubling karahasan na naranasan ni Adan"

1.  Kung babalikan po natin ang usaping ganito... saan ho ba nanggaling ang kawalan ng balanse sa pagtingin sa kalagayan ni Adan at Eba?  Sa "karahasan" po ba na idinudulot ng mga magagaspang na salita ni Eba?  O dahil sa pagbingit ni Adan sa buhay ni Eba?  Ang opinyon ko... unfair naman po na lahatin niyo ang kapariwaraan ng kabataan dahil sa kagaspangan ng salita ng kanilang ina.  Dahil para sa akin, pwede pang baguhin ang isang ina and can start anew (without losing someone else's life) because these can just become battle of words and not a battle to save your life...    

2.  Ano po ang mga nakakubling karahasan na naranasan ni Adan na mas matindi?...  Gusto ko pong maliwanagan dito. 

3. Sabi niyo po "Lumalaki ang bata na tinitignan na ang ina ang siyang pinakamakapangyarihan sa loob ng tahanan"  tanong ko lang po sa inyo, personally, hindi po ba kayo sumasang-ayon dito?  Ang opinyon ko po kasi dito...  naniniwala po ako na hindi lahat ng lalaki ay kayang magtaguyod ng pamilya kahit na kinamulatan ng lahat na dapat lalaki ang maging pinaka-makapangyarihan sa tahanan.  Dinga po ba may tinatawag tayong survival instincts, na kung hindi na maantay ng babaeng mag-rise up ang lalaki walang ibang gagawa nito kundi ang babae.  Bagay na hindi matanggap ng society kaya nahu-hurt ang pride ng lalaki.  Inuulit ko opinyon lang...

Wala po akong masyadong alam sa Philippine History or politics or social issues...  kaya bukas po ang aking isipan sa paglilinaw ninyo sa aking naging komento.  at para po mas maliwanagan ako, I would appreciate po kung mabigyan niyo ako ng links ng mga isasagot niyo sa mga tanong ko...  if ever lang naman po na magko-quote kayo ng facts/statistics or whatever...

 

Salamat po

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

 

 

Tantizm's picture

Punto por Punto

 Isang magpalayang araw Yien,

Salamat sa pagbabahagi ng iyong karanasan. Alam kong sensitibo ang paksang ito. Subalit,  ang pagpapahayag ng katotohanan ayon sa karansan nang isang tao ay nagbibigay nang balanseng pagtingin at pag-unawa sa isang sensitibong usapin.

Linawin natin ito ng punto por punto:

1. Ang pamagat ng aking reaksyon ay Sa aking pagsusuri, malinaw ang aking mga pahayag ay batay sa aking pagsusuri na pinatitibay ng aking karanasan.

2. Inihayag ko muna ang stand ng mga kababaihan sa una,ikalawa at ikatlong saknong. Inihayag ko dito ang ebolusyon ng pagsulong sa karapatan ng mga kababaihan batay sa mga pangyayaring naganap sa kapaligiran na naging dahilan nang balangkas ng feminismo. 

3. Inihayag ko sa ikaapat na saknong ang aking pag-aanalisa hinggil sa katangian ni Gabriela. Yien, hindi mo mababasa 'yan sa mga libro dahil ito ay aking sintesis sa katauhan ni Gabriela Silang. Ang pahayag kong ito ay armado ng aking matagal na pagsusuri bilang tagapagpahayag ng mga isyung panlipunan sa loob ng paaralan na kung saan ako nagpakadalubhasa. Marami kasing lumalahok at sumisigaw ng maka-Gabrielang paniniwala, ngunit hindi nila lubusang kilala ang katauhan ni Gabriela bilang patron ng mga kababaihan sa ating bansa.

Minsan kasi kinakapitan natin ang isang ikon nang walang ganap na kamulatan sa kanyang ipinaglaban. Halimbawa na lang ng popular na winika ni J.F.K. " And so my fellow Americans, ask not what your country can do for you; ask what you can do for your country". Marami ang nag-aangkla na ito ay usapin tungkol sa kahirapan, at kinakahon ang ideya na dapat magsumikap ang mga tao para umunlad ang kanilang pamumuhay, at 'di palaasa sa pamahalaan. Nang sinuri ko ang statement ni J.F.K. na batay sa kanyang panahon, na kung saan ang U.S. ay sumusulong upang harangin ang pagbagsak ng Vietnam sa ilalim ng paniniwalang komunismo. Binitiwan niya ang salitang ito upang hikayatin ang mga mamamayan ng U.S. na makiisa sa kanyang adhikain ng pakikidigma sa Vietnam. Dahil sa panawagang ito ay maraming nag-bolunter na lumahok sa digmaan sa nasabing bansa.

Kaya't mas mainam na kapitan na patron ng feminismo si Reyna Cleopatra ng Ehipto dahil pumayag siyang mapangasawa ni Cesar upang protektahan ang kanyang kaharian at pumantay sa kapangyarihan ng mga kalalakihan sa kanyang kapanahunan. Upang higit na lumalim ang kaisipan mo dito ay panoorin mo ang DVD ng Rome Volume I&II.

4. Malinaw ang aking posisyon sa ikaanim na saknong, ang nais ko ay pantay na batas sa isyu ng pambubugbog sa hanay ni Eva at ni Adan. Kaya't marapat na ang batas R.A. 9262 ay rebisahin para sa kapakanan nang dalawang kasarian. 

5. "Ang mga masasakit na salita na kanilang binibitawan ay nagdudulot ng tulirong kaisipan sa mga kabataan." Tama ka ito ay patungkol sa kababaihan, pero hindi direkta sa katauhan ni Eva kundi sa manner ng pagdidisiplina ng mga ina sa kanilang anak. Siguro naman ay may karapatan akong magbigay ng pahayag na ito, dahil ang bilang ng aming mag-aaral sa isang taon ay 8,000. Taon-taon ay direkta akong nakikisalamuha sa 300 daang mag-aaral na aking ginagabayan na nagmula pa sa iba't ibang panig ng bansa. Kung random sampling lang ang kukunin nating batayan sa statistika upang ma-justify ang aking posisyon ay labis-labis ito. Dahil 30 katao lamang ay sapat ng batayan, at kung gagayahin ko naman ang Pulse Asia At SWS Survey na kumukuha ng 1,000 respondents ay sobra-sobra ang bilang ng mga kabataang aking nakasalamuha. Sa loob ng siyam na taon na aking pakikisalamuha sa kanila ay kulang-kulang 3,000 libo na ang aking nakahalubilo na nagmula sa iba't ibang parte ng bansa. Liban pa diyan ang pagiging aktibo ko sa iba't ibang organisasyon sa Bikers Club, Youth Club, Student Organizations at isama mo pa ang aking ekspozure na naging SK Chairman at mga taong labas pasok sa aming tahanan nang maging Presidente ang aking ama ng Home Owners  Organization at Barangay Captain.

Hindi ko na kailangan pang gumamit ng INNOVA System sa pagtutuos o solve fot t, z sa statistika upang patunayan ang aking pahayag. Pansinin mo na lang ang manner ng pagdidisiplina ng ilang ina sa ating bansa lalong-lalo na sa mga informal settlers na kung saan ako ay lumaki at ngayon na nakatira ako sa Muntinlupa, Alabang na kung saan ay nakakasalamuha ko ang mga mayayamang pamilya. Tinimbang ko ang epekto nito sa mahirap na lugar at mayamang lugar. Marahil ay mapalad ka at hindi ganun ang iyong ina, dahil labis ka niyang prinotektahan sa karahasan. Saludo ako sa iyong ina.

6. Panoorin mo muna ang vidyow ni kuya Rom at maiintindihan mo ang sinasabi kong nakakubling karansan ni Adan. Mild pa nga yung kay kuya Rom, baligtad kasi yung ating karanasan, yung Itay ko sobrang mapagmahal , kahit minartilyo na siya, sinusuntok , binabaston, hinabol ng kutsilyo nang aking ina ay hindi niya ito sinaktan. Kahit na kilalang siga ang aking ama at kinakatakutan sa aming lugar ay hindi niya kinahiya na nararanasan niya ito mula sa aking ina. Hindi ko naman hinusgahan ang aking ina dahil puspusan ang kanyang paghahanapbuhay at siya ang nagpapasok ng malaking pera sa aming tahanan. Naiintindihan ko naman yung katwiran niya dahil makulit ang aking Itay kapag nakainom. Pero sa sumatotal ay karahasan parin yun.

Ano ang epkto nito sa isipan ng aking mga kapatid, bumaba ang self-esteem na aking kuya at tahasan niyang sinuwag ang aking Itay. Nagulo ang isipan nang nag-iisang kong kapatid na babae, at nagdulot nang labis na kabalisaan sa kanyang pagkatao. Ano ang naging bunga nito? Simple lang, nagkaroon siya ng Bipolar at ito ay naransan niya sa mid-20's. Kapag dinadala ko siya sa Mental Hospital ay inoobserbahan ko ang mga kabataang dinadala do'on. Kung hindi droga ang dahilan ng kanilang pagkabaliw, ito ay dahil sa sobrang pagdidikta nang isang ina o problema sa pamilya. 

'Yan, nilahad ko na yung karanasan ko. Nais ko kasing imulat ang mga mambabasa sa epekto nang sobra-sobrang feminismo. May ipapabasa akong libro sa iyo, nakalimutan ko lang yung title,  mamaya ibibigay ko sa'yo.

7. Siguro ay malinaw na yung posisyon ko hinggil sa aking karanasan at ekspozure sa lipunan. Malinaw na rin kung bakit pantay na karapatan ang nais ko at ni kuya Rom.

 

Sana ay makatulong ang aking pagbabahagi sa pagkamulat sa usaping ito.     

"Bago ka mangarap...maghubad ka muna"

Rom's picture

Egalitarianism

 sang-ayon ako sa punto mo Tantizm, pantay na karapatan ang dapat sabi nga e "we must work for an egalitarian society" 

 

Egalitarianism (derived from the French word égal, meaning "equal") has two distinct definitions in modern English [1]. It is defined either as a political doctrine that holds that all people should be treated as equals and have the same politicaleconomicsocial, and civil rights,[2] or as a social philosophy advocating the removal of economic inequalities among people. Throughout history, people have been divided into an upper class and a working class (in Ancient Rome, the respective terms were patricians and plebeians); the rise of a third estate or middle class led philosophers to question the assumption that class divisions were natural and necessary. Egalitarianism asserts that all people are of equal value and should be treated the same irrespective of their birth.

 

wala akong anuman laban sa feminismo, ang kaso nga lang nagagamit din ang feminismo sa isang di magandang hangarin lalo na sa pulitika. medyo ginasgas ng husto ng mga advocates nito (hindi naman lahat) ang isyu at naging stereo typical na lumabas na pag sinabi mong domestic violence ang agad na pumapasok sa isip ng mga nakakarinig nito ay ang set-up na: si mister binubugbog si misis, nirereyp si bunso at ginugulpi si junior. 

aminado naman na may mga ganitong pangyayari sa araw-araw pero wag din sanang ipagkaila na maaaring meron ding kabaligtaran kung saan ang babae naman ang nananakit at nambibiktima. hindi kasi ito usapin ng kung sino ang malakas--sa pisikal na aspeto.

kung tutuusin isang bigwas ko lang sa ex-wife ko tulog sya e. lalaki ako mas malakas ako kahit pa mataba siya kesa sa akin. pero kapag ginawa ko yun, anong pagkakaiba ko sa kanya? hindi solusyon ang manakit din ako.

sumubok din ako na magpagamot sa psychiatrist, dalawa kaming nagpapa therapy noon, niresetahan ng "happy drug" pero wala pa rin. nakaugat kasi ng matindi sa karanasan ng ex-wife ko nung bata pa siya. madalas siyang binubugbog din ng nanay niya nung bata siya at ipinaubaya siya sa stepfather niya bilang "sex slave" mula edad na 9 na taon hanggang magdalaga siya. ang mapapait na karanasang ito ang dala-dala niya hanggang magkapamilya siya at unti-unti nya ring isinasalin sa akin at sa mga anak ko. hanggang sa magdesisyon akong putulin na ito.

gaya ng sabi ko hindi condemnation ang solusyon sa ganitong bagay, at hindi rin one-sided na batas gaya ng RA9262. dapat sana batas laban sa karahasan ng tao sa kapwa-tao ang pairalin. i-rehabilitate kung sino man ang nambubugbog--misis man o mister. kasi malamang ang mga anak ang magmamana o maapektuhan ng ganitong "sakit ng lipunan." 

salamat Yien at Tantizm sa pagbabahagi ninyo ng mga kwentong buhay.

medyo sensitibo nga ito pero humahanga ako at willing din kayong mag open para pag usapan at pagdiskusyunan ng bukas na isipan ang usaping masakit at nasa kaloob-looban ng katauhan natin.

 salamat muli

 

KarikaTuura

Allanjohn Andres's picture

Iniisip ko tuloy ngayon kung

Iniisip ko tuloy ngayon kung paano pinaiigting ng pag-iral ng uri sa lipunan (social class) ang pamamayagpag ng karahasan sa pagitan ng mga tao. Madali dapat itong i-simplify dahil nga sa pagpapalagay na "economic power begets political power", at ang paggamit ng dahas ang pinaka-obvious na instrumento para sa pag-assert ng claim sa dominance.

Bagaman mapawi man ang konsepto ng uri, maaaring mahabang proseso pa rin ang pagpalis ng ating "pagkahilig sa pagpapataw ng pinsala sa kapwa". Una, dahil nga may certain degree ng complexity nang inabot ang naturang instinct sa antas sosyal at sikolohikal; Ikalawa, bunsod rin ng matagal at institutionalized nang pag-iral ng nagkakaniya-kaniyang pursuit para sa individual survival.

Kung ang regard natin sa kapwa ay naaayon sa konseptong "pantay na katuwang natin ang bawat isa" tungo sa pagpapaunlad sa proseso ng produksyon, maaaring importanteng elemento na ito sa pagsusulong at pagpapatibay ng ating pakikipagkapatiran sa sinumang tao.

Matapang itong ginawa, Bok. 

Rom's picture

generation of violence

allan wrote:
Bagaman mapawi man ang konsepto ng uri, maaaring mahabang proseso pa rin ang pagpalis ng ating "pagkahilig sa pagpapataw ng pinsala sa kapwa"
talagang hindi na mapapawi ang karahasan ng tao sa kapwa tao, sa opinyon ko at sa karanasan. parang kagutuman ito sa pagkatao at kinakailangang busugin ng pandadahas. kung paanong hindi na maaaring mapawi ang kahirapan sa lipunan natin, kakambal nitong hindi na rin mapapawi pa ang karahasan. maaari sigurong mabawasan. pinatitindi lamang ang pandarahas ng ito ng pagkakaroon ng mas mataas na kapangyarihan--bagay na nag-uudyok sa mga hayok sa lipunan na lalong patunayan ang kanilang kabangisan sa kapwa at ipataw ang "power" nila laban sa mga hindi kumikibo at maliliit. ang mga bagay na ganito ay naipapamana hindi dahil maganda siyang tingnan at gusto ng susunod na henerasyon na tularan kundi mistula itong sakit na dala-dala ng henerasyong nakaranas ng epidemya bunga ng karahasan.

 

 

KarikaTuura

jealousy29's picture

totoo pala ito?

aaminin ko po na nung una hindi po ako masyadong naniniwala sa kwentong mga ganito, ang lagi ko po kasing naiisip ei walang kakayahan ang mga babae na gumawa ng ganitong bagay,

Mali pala ako... pasensiya na po....

 

mabuti naman po ok na kayo ngayon... Smile

Rom's picture

  sa mundo ngayon wala na

  sa mundo ngayon wala na ang convention, ang mga dating nakasanayan nag iiba na. ganun din ang kasamaan ng tao. ang dating ginagawa sa mga babae ginagawa na din sa mga lalaki. kung paanong patuloy na nag eevolve ang mundo tungo sa pag-unlad, umuunlad din ang kasamaan. kasama dito ang pag unlad ng pananakit ng tao sa kapwa tao. 20 taon na ang nakalilipas wala ang mga ganitong pangyayari, o mas kaunti siguro.

labanan natin ang konsepto ng pananakit ng tao sa kapwa tao kahit na anong gender. 

 

 

KarikaTuura

jonsdmur's picture

Sayang di ko napanood sa tv

Mga Obra ni Jonsdmur

Balarila - Wastong Gamit ng Salita

pero malamang makikilala kita kuya.. sa boses pa lang....

Mahirap nga balikan ang nakaraan... pero malaki ang maitutulong nito sa mga nakakaranas nito ngayon...

Naisip ko lang, paano kaya kung sa akin mangyari... di ko alam kung isasawalang bahala ko ang lahat... o kikibo ako....

salamat po sa pagbahagi.... 

Rom's picture

naka upload naman sa YouTube

naka upload naman sa YouTube Jons, nasa itaas ang link tsaka nandyan na rin ang video

 

KarikaTuura

Melanie Quilla's picture

napanood ko talaga ito sa TV

 tinext kasi ako ni amang few days before.. Nanay ko ang nag-abang sa kanya sa TV. naglilinis na ako ng bahay nung ipalabas iyan sa TV..  akala ko magpapakita ng face si kuya. iyong tipong, "handa ko na harapin ang nakaraan ko" drama. hehe. Siyempre, hindi nakita ni mother ang iyong face kaya ipinakita ko na lang ung pics natin nung EB. 

 

pero alam mo amang, sa pagtagal ng panahon, unti-unti mo ring male-let go kunbaga iyong past mo na iyon. ang importante ngayon, may pinakamamahal na Teena ka na.... mahal ka, inaalagaan ka, at pati ang iyong mga anak e minamahal at inaalagaan din. naks! 

sabi ng nanay ko, buti na lang daw may mabait ka ng asawa ngayon. hehehe.

*****

"I don't need someone who makes my heart whole. Instead, i need someone who will never let me feel broken."

sinta isaac's picture

...

Mabuhay ka kuya rom. Nakakatuwang isipin na masaya ka na ngayon sa piling ng mga taong nagmamahal s'yo ng totoo.

Hangad ko ang tuloy tuloy n'yong kaligayahan ni ate teena at ng inyong mga anak.

(natawa ako sa re enactment.Ang corny ng pagkakagawa.)

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

Rom's picture

sinta

 naaliw nga ako ng husto sa re-enactment nila e naging comedy yung lumabas hehe...na realize ko ang daming daya na ginagawa sa pag shoot nyan, buti na lang nga umuulan nung nag shoot kami kasi gusto ng staff na kunyari naglalakad pa ako sa garden at nagmumuni-muni habang kinukunan nila ng camera--kadiri! 

tapos merong eksena pa na kunyari nagta type ako sa keyboard kahit wala namang sinusulat, may eksena din na kunyari nag-iisip ako sa sofa hehe.

yung bahay na yan hindi sa amin yan nirentahan lang yan malapit sa GMA 7 kunyari pinalabas na bahay ko.

ngayong alam ko na ang behind the scene ng mga report na ganyan natatawa pa rin ako.

 

salamat sinta sa pagbasa at panonood 

 

KarikaTuura

Rom's picture

melay

 oks na ako melay wala naman problema so far. sa 4 na taong pagsasama namin ni Teena never kaming nag-away kaya napatunayan ko rin na wala talaga sa akin ang diprensya ng away.

bukod sa maayos na pamilya may mga kaibigan din naman akong tulad nyo--oks na yun

 

salamat sa panonood at sa pagbasa kita-kits sa book launching nyo 

 

KarikaTuura

Adlesirc's picture

.

"Pasalamat na lang ako at binabalikan ko na lang bilang pag-alala at pagtanaw ang mga bagay na ito."

korek!

at syempre.. ang nakaraan ay nakaaraan na, lalo pat natagpuan mo na si ate teena. 

infairness kuya, I like the shirt ha. ganda design sa likod. see you both on sat.

Similar entries