ang Iskript
isang dula
ang ibinigay sa akin ng segundo
inapuhap ko siya sa kawalan
at gumawa ako ng nakakalitong
karakter na naging sila
ang kritiko
ng kanilang bawat dayalogo
ng kanilang mga tunggalian
at mga kahirapan
sa bawat linyang aking
isinusulat, humihinga sila
panandali ngunit laging may panggulat
sawa na sila sa mg isteryotayp
na kwento, o di kaya ang malabong piksyong
nabasa na nila sa may kanto
ayaw na daw nila ang usual nilang ayos
at ang plot na ilang beses nang naghihikahos
bigyan daw sila ng laya
na maging sila
kahit guni guni sila nagmula
kahit isip ko lang ang kumatha
mayroon naman daw silang rights
na baguhin kung ano ang nakasanayan na
at dahil nga sa isip ko sila ay nagwelga
di ko na matipa keyboards nitong laptop ko
na kaninang umaga pa ako nakatanga
sa pag aakalang matatapos ko
ang segundong dulaan
heto, natapik ko ang delete
patay na ako sa aking pagsusulit!
-----------
topic ko sa dula hay.
oo nga pala ka-fws na nasa manila. sana magkita kita tayo sa second week ng march sana nga hehhehe..
ingats
me bara pa ang diwa
mare
amishu! musta?
sana magkita kita tayo pagdating mo dito hehehe... ikaw ba yung friend from the islands ni yannie?
ako ba un di ko alam kung
ako ba un di ko alam kung sino un. uu nga magkita tau ha. sana matuloy!
amishu u too!
nasasabik sa araw nang ang mga musa'y babalik



alikabok ang laman ng
alikabok ang laman ng utak ko hay!!!!
hello guys musta na kayo?
nasasabik sa araw nang ang mga musa'y babalik