Ang Kadiliman (at ang Pait ng Pag-iisa) -j.luna
Ang lungkot ng pag-iisa
ay tinalo ng takot.
Ang takot ay pinamanhid ng pagnanais mabuhay,
at ng pagkabaliw na gumagapang at nanunuot sa bawat sulok ng aking utak--
Pero, paano ko sasabihing nababaliw nga ako, kung ang mundo ngayo’y mas baliw pa sa akin?
Pa'no ij-justify ang sanity,
kung binasag na ng mga improbability ang mga probability-
at ang dating nababasa lang sa komiks o napapanuod sa sine
ay totoo nang nangyayari?
Pero, wala na akong oras para hanapin ang reason.
Mas matimbang ang survival.
Ang puso ko ay kumikirot,
hindi dahil sa sawing pag-ibig,
kundi dahil sa matinding pagkabog at
walang hintong pag-untog nito
sa pader ng kulungang tadyang
Tangan ang chainsaw at shotgun at ang natitirang hibla ng nasisimot nang pasensya,
In-analyze ko ang mga posibleng landas na puwedeng tahakin.
Pero wala, blangko.
Nakakubli.
Nakatago sa isang madilim at kandadong kuwarto.
Tahimik.
Maingat sa paghakbang--
maging sa paghinga.
Sa mga nagdaang araw, natutunan ko nang patalasin
ang pandinig,
maging ang pang-amoy.
Maselan sa bawat tunog
sa bawat kakaibang kaluskos, o mabikat na yabag.
alerto sa amoy ng kamatayang hatid ng paminsan-minsang pag-ihip ng hangin.
Dito, natutunan kong maging matibay.
Manhid.
Walang awa.
Magpakahayop.
Pero, kahit ang hayop na walang asal at walang awang pumapatay
ay walang laban sa salot na ngayo’y nagkalat.
Nagbukas ako ng isang pakete ng Skyflakes.
Makunat na pala ito. Okay, lang.
Mas naka-panglulumo ang katotohanang tatlong pakete na lang ang natitira
at ang galon ko ng tubig ay wala nang laman.
Kung malakas lang ang loob ko, malamang sana’y pinasabog ko na ang aking ulo.
Tulad ng ginawa ko sa aking minamahal--
dalawang araw na ang nakakaraan.
Sino bang mag-aakala na pati siya?
Sino ba ang mag-aakala na siya’y magwawala at magtatangkang ako’y lapain?
Sino bang mag-aakala na ‘di ko nakita ang pagkakaroon niya ng sintomas?
Sino bang mag-aakala na ibababa ko ang aking depensa
at patutuluyin s’ya sa aking pinagtataguan?
Ngayon, ang kanyang bangkay na malapit sa aki’y nagsisimula nang umalingasaw ay nagsisilbing patunay na patay na ang mundong aking nakagisnan.
‘Sing patay ng diyos na kanyang pinagmulan.
At mula dito sa kadiliman,
aking pinagluksa ang lungkot
at pait ng
aking pag-iisa.
Si j.luna ay mas malupit pa kesa sa iyo.
Salamat. Kelangan itago ang
Salamat.
Kelangan itago ang salitang "Zombie", kasi 'di bagay sa tula. Pangit pakinggan. Ang istilo ko kasi ay nakabase hindi sa simbolismo kundi sa kung ano ang tunog nya pag-binasa mo ng malakas.At mga break kung sa'n hihinga ang mambabasa. Yun ang metro ko at ritmo.
malupit talaga!
tipo ko 'to.
parang 'I am Legend' ang lungkot at pag-iisa
parang 'Book of Eli' ang survival at karimlan
Salamat. :) George Romero
Salamat. :)
George Romero at Sam Raimi, tsaka '80s Zombie Apocalypse B-Films. :)
tumpak!
anong istilo ng pagsulat mo? ito ba yung prosa?
Prosa (prose)kasi ay yung
Prosa (prose)kasi ay yung nobela, short story at flash fic. Tula parin to, free verse nga lang. Yung prose poetry kasi, hawig ng prose sa istilo pero masyadong maggamit ng metaphor, symbols etc.
Yung nasa Playboy Sept 2010 na gawa ko, yun ang prosa. :)
Haaaiiizzz J. Isa akong
Haaaiiizzz J. Isa akong masugid na lurker. Nabasa ko yung "Kepsilogue" nung 3rd year hayskul ako yata at ang reaction ko nun
http://www.glowfoto.com/static_image/05-054556L/5507/jpg/10/2010/img6/gl...
Dito ko rin unang narinig si Vonnegut at ngayon nabasa ko na lahat ng libro nya na nakita ko sa library. salamat!
Salamat sa comment at
Salamat sa comment at pagbasa. Onga pala, ikaw yung nagpost ng link ni Shintaro Kago dati no? Mabuhay ang Guro Manga!
ang lupet mo talaga j. luna!
ang husay! humahanga ako sa istilo mo at sa pagtagni tagni mo nito..
ano ba ang nakakaimpluwensiya sa pagsusulat mo?
Sa poetry, puro mga Beat
Sa poetry, puro mga Beat poet. Sa fiction, marami e. Sa tema kung ano lang ma-tripan ko. May phase ako dati na puro fiction, meron ding puro tula. May phase ako dati na realist. dumaan din ako sa phase na experimental. nagtry din nako ng erotica. Ngayon nat-tripan ko puro mga post-Apocalyptic na tema.
Transience, add mo ko sa
Transience, add mo ko sa fb:
huwat. minor starstruck.
huwat. minor starstruck. Maraming salamat, na add na kita.
Yung guro manga marami sa Wanted Cheap Manga tsaka sa samehat.blogspot.com.
:(
Carry no burdens, carry no trusts.
Wow J! Ang lupit nito, sa
Wow J! Ang lupit nito, sa lahat ng nabasa kong gawa mo, ito na yung pinakamaganda para sa kin to date. Haha parang ayoko na tuloy sumulat, ang galing nito pramis! First two lines pa lang... grabe! Basta, kulang pa lahat ng naiisip ko sabihin para purihin ang tulang ito. :)
Tama ka. Mas malupit ka kesa sa kin. :D
Salamat. Pero ang
Salamat. Pero ang pinakamalupit parin si Dagrit. Diyos yun e.
May isa pakong post-apocalyptic na tula:









28
Lupit!
Ngayon lang ako nakabasa ng ganitong istilo sa pagsusulat ng tula (marahil dahil sa baguhan lang talaga ako). Parang may nagtutulak sayo na basahin at taposin ang pagbasa nito. Mahusay ang pagkakatago sa mga imahen...
Ayaw Matulog ng Keyboard Ko