ANG KALUNGKUTAN NI ISIS
Sa ilog na nagiging bato ang anumang mahulog;
hayaan mong umagos ang pag-ibig na lubos.
Sa mga punong hindi kailanman yayabong;
yakapin mo ako katulad ng mga sanga nito.
Sa kalangitang nagbabadya ng ulan;
turuan mong lumipad ng maluwalhati ang diwa.
Sa mga bundok na walang pumapasok;
sabayan mo akong hanapin ang kapalaran.
Sa mga nanunuyo't nalalantang bulaklak;
halikan mo ang nauuhaw kong puso.
At sa bawat pagsikat ng araw sa Silangan;
isayaw mo ko sa lumulubog na buwan.
At sa bawat pagsikat ng araw
At sa bawat pagsikat ng araw sa Silangan;
isayaw mo ko sa lumulubog na buwan.
... may dulot na ngiti ang iyong kalungkutan.
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
... may dulot na ngiti ang iyong kalungkutan.
siguro nga..... at sana nga....



wat a poem!
wat a poem!