Ang Katangahan ko Pagdating sa Kamatayan

…Lumuluha…mag-isa…at walang karamay kundi ang sarili…tahimik at tangi ang awit lang ng kamatayan ang naririnig…hinahabol na…tumatakbo ngunit maabutan na…binibilisan pa…ayan na…malapit na sya…sige pa…takbo pa…

Bata pa lang ako pakiramdam ko na mag-isa na ko. Oo nga’t nandyan ang pamilya at kaibigan, pero parang wala pa rin sila. Oo nga’t tumatawa, pero bakit naiiyak pa rin ako sa tuwing nararamdaman ko na mag-isa na naman ako. Sa sulok. Bigla na lang maluluha. Malulungkot.

 

Wirdo ako sa bagay na parang pinagugulo ko ang mundo na kinagagalawan ko. Nagsisinungaling sa harap ng mga tao, nakangiti, tumatawa. Pero pag ako na lang ulit mag-isa, malulungkot at maluluha na naman. Ganun lagi noon, hanggang ngayon.

 

…tangan ko na ang talim na susugat sa’yo…sasabay sa awit…manhid…namamanhid na…wag ka na mag-alala…dadating din tayo sa ninanais mo…sige…pabayaan mo lang na tumulo…at yan…tumatawa ka na…masarap bang sugatan ang sarili???...

 

Grade 1 ako ng pumasok sa isip ko nang tanungin ko ang sarili ko kung ano ang pakiramdam ng mamatay. Oo. Pagnatutulog ako noon, pipikit ako, tapos papakiramdaman ko ang paligid, tahimik, electric fan lang ang maririnig ko. Yun lang. at ang katanungan na di ko masagot ang tanging nag-iingay sa isip ko.

 

Grade 4 ako nung sinubukan kong wag huminga ng matagal. Sabi kasi nila mamamatay ka daw. Kaya pinigilan ko ang sarili ko na huminga. Pero di kaya, humihinga’t humihinga pa rin ako. Di ko nga matandaan kung ano ang dahilan ko noon kung bakit ko ginawa yon. Siguro masyado lang akong curious.

 

Naaalala ko, second year high school ako nung una kong subukan itapat sa kamay ko ang matalas na gunting na yon. Oo. Natakot din ako nung makita ko ang kamay ko, dumudugo. Parang di ko alam kung ano ang ginagawa ko. Di ko alam kung ano ang ginawa ko. Buti na lang at maliit lang yon.

 

Naghanap din ako kung saan sa bahay namin ako pwede magbigti. Pero masyado mababa ang kisame. At wala ring mapagsasabitan. Kahit saang sulok man ako tumingin.

 

Natatawa ako na minsan ay sinubukan ko ring gamitin ang neck tie ng uniform ko nung third year. Sinasakal ko ang sarili ko. Gumamit din ako ng sinturon. Kung anu-ano na ginagawa ko. Pero di pa rin ako mamatay-matay.

 

…sabayan mo ang bulong ko…sambitin kung nais mo…sige…hawakan mo na…itapat mo na…sundin mo lang ang utos ko…at mararating ang ninanais mo…

 

Di ako naniniwala sa Diyos noon. Pakiramdam ko noon, pag maka-Diyos ka, di ka cool. Ewan. Lagi ko ring tanong noon na kung ginawa nya tayo, sino ang gumawa sa kanya? At bakit na sya ay dapat paniwalaan. Na sumasamba sa hindi nakikita at naririnig. Tingin ko noon sa mga tao na ‘yon ay mga tanga. Pero di alam ng lahat na yon ang naiisip ko kasi mabait ako sa paningin nila. At ang mama ko ay nagbabasa sa simbahan. Sa totoo lang, nasanay na rin sila mama na silang apat lang ang magsisimba at di ako sasama. Pero dahil nga sa nagiging rebelde at sumasama na ang ugali ko nung hayskul, maraming beses na, inalok ako na sumali sa YFC. “T*ng *n*ng y*n!!! ganon ba ko kademonyo para pasalihin nyo dyan???” Lagi kong naiisip pero pag kausap ko sila,” sige, titignan ko kung papayagan ako”…parang napakabait ko kung sumagot sa kanila.

 

….Tumutula ang ‘yong dugo mula ulo…ika’y hinahalikan ng kanyang mapulang kulay na sa’yo’y nagbibigay ng kakaibang saya…di ko alam…kukunin ka na nga ba nya sa’kin???....sige…sumama ka kung ninanais mo….pero wag mong kakalimutan na nandito lang ako pag iyong ninais na bumalik…

 

First year college,(last year) may gasgas na ako sa wrist. Nakita ng ermat ko.sinabi nya sa erpat ko. Tamang tama para sa ‘kapuso mo, jessica soho’…yun nga ba yung title???basta…yung ipapalabas nila nun…about sa mga emo…emo tugtugan na pinakikinggan ko…pero di ko masabing emo ako….dahil maging ako…kinahihiya ko kung ano ang ginagawa ko sa sarili ko…ang pagpapakamatay….na hindi mamatay-matay….ayun nga….nanonood kami ng pamili ko…to namang erpat ko…todo react sa mga naglalaslas….sa mga nagpapakamatay….sa mga siraulong yun na katulad ng anak nya….sobrang naiiyak ako sa mga sinasabi nya…di nya ko naiintindihan….na maging ako….di ko maintindihan sarili ko…

 

Nung tym na yun, nakitext ako kay mama, nagulat ako sa nabasa ko sa ‘write message’ nya….” Dun na muna natin patulugin si pat sa kwarto, baka magsugat na naman…”…oo…naiyak ako noon….di ko alam kung bakit…

 

….umiyak ka….nilamon ka ng yong takot….san na napunta ang galit mo sa mundo???....at ang kalungkutan…tuluyan nga ba ibabaon sa nakaraan….

 

Isang gabi, habang nanonood ng t.v. naisip ko na naman ang tanong na yon…about sa Kanya….kung totoo talaga Sya….bigla na lang sinagot ko ang sarili kong tanong na….”hindi na kailangan Makita at marinig pa Sya…hinahanap mo pa….e nasa puso mo naman sya”…nagulat ako…syempre….matagal nawala ang paniniwala ko sa kanya dahil sa mga katanungan na yon na ako din pala ang makakasagot…. Bigla na lang akong nagdasal ulit sa mahabang panahon….umiiyak….humihingi ng kapatawaran….

 

Ilang buwan, inalok ulit ako sumama sa YFC…ayun…sasama na ko…gusto ko na….

 

Ayos na sana ulit ang lahat….kaya lang…inulit ko na naman ang ritwal ko….ang sugatan ang sarili ko…nung September 27, 2008…stress…pressure…problems…akala ko ok na ako…peke na naman pala…ayun….

 

Parang baliw…

sinuntok ko ang sarili ko…inuntog ang ulo sa pader…sinuntok at sinipa ang pader…sinugatan ang kamay….nangitim ang kamay…nanigas…namanhid ang buong katawan….umiiyak…hindi makahinga….masakit ang puso ko….ganun pala yon…

 

Pumasok ako ng skul, may benda ang kamay…nagtatanong sila kung ano nangyari…at ang karaniwan kong sagot sa tanong nila: “naipit ulit sa pintuan….ng bus” o kaya “katangahan lang”…..

 

nung humihilom na ang sugat…nakita na nila ang mga sugat na ginawa ko sa sarili ko…syempre…kung anu-ano na naman ang mga sinabi nila sa’kin…

 

ngayon, pinipilit kong kalimutan kung ano man ang nararamdaman kong kalungkutan…baka kasi kung ano na naman magawa ko sa sarili ko…baka sa susunod, iba na masaktan ko…ewan ko kung ano masasabi mo sa’kin….abnormal…wirdo…tanga…sira ulo…mga karaniwang sinasabi nila sakin…kung yan lang din masasabi mo…tama na…sawa na ko dyan…iba naman….

 

Ginawa ko to di dahil para kaawaan mo o kung ano pa man, gusto ko iparating…na maging masaya ka…wag mo ibaon sarili mo sa kalungkutan…tulad ng ginagawa ko…at ayaw ko na talagang gawin…kaya lang nagsisinungaling ako sa iyo, sa kanila, at sa sarili ko kung gayon…at tulad man ako ng ibang teenagerzz….na sa sugat pinaparating ang kung ano pa mang nararamdaman, naiintindihan ko yung iba, kasi yung iba, ginagawa nila yon para masabi na “emo” sila…ako…hindi…sabi ko nga kanina, kinakahiya ko ang sarili ko sa pagpapakamatay ko…wirdo.

 

Ayaw ko na talaga gawin pa ulit kung ano man yung ginagawa ko, sinusumpong lang talaga ako ng kaabnormalan....basta....

Di ko alam kung paano to tatapusin. Sige…(TULDOK)

…..wirdo ko talaga….