ang kwentista

|

Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin-top:0in; mso-para-margin-right:0in; mso-para-margin-bottom:10.0pt; mso-para-margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin;}

At dumating nga ang panahong nawala na ang lahat sa akin – siyang minahal ko ng lubos, ang puso kong isinama niya sa kaniyang paglisan at ang diwa kong nakakapit pa rin sa kaniya – maliban sa aking sarili, isang kwaderno at isang panulat. Walang isang kwento, ni isang talata; walang isang pangungusap, ni isang salita. Wala ring isang letra. Tanging ang kwaderno, panulat at akong kwentista.

Wala rin ang pakialam sa gumagalaw na mundo dahil ang sa akin ay tumigil sa kanyang pagtakbo. Maging ang aking paghinga ay de numero pagkat sa bawat sandaling lilipas ay luha ang tutulo.

Hanggang matagpuan ko ang isang pag-ibig. Noong unang maramdaman ay hindi mapakali, ngunit sa huli ay akin ngang nabatid. Hindi ako nag-atubili sa muling pagkaalam ng mahiwagang pakiramdam. Upang huwag kang mabigla’y aking dinahan-dahan.

Sa pagdaan ng panahon ay lumitaw sa aking kwaderno ang isang letra; nang ikaw ay maging bahagi ng aking mundo, isang salita; nang mabatid kong mahal pala kita, isang pangungusap; nang aking sabihin sa iyo ang nadarama, isang talata.

Ngunit bigla kang bumitaw nang aking ipabatid ang mga katagang, sa aking hinuha’y, hindi naman malalim. Ang dating dikit at mahigpit na relasyon natin sa isa’t-isa, bakit parang napaso at bumitaw na bigla?

Mulingtumulo ang aking mga luha – walang patid at tigil, walang pagbabago at pahinga. Kapalit ng ilang sandaling masaya ay ang pagkalunod sa luha at pag-iisa. Matapos sumabit ng mabahang panahon, ako’y bumitaw ngunit hindi akalaing hindi mo ako sasaluhin.

Noo’y letra, salita, pangungusap at talata, ngayon ang pumupuno sa aking kwaderno ay isang kwentong gawa ng pag-iisa. Matapos ang huling talata, ang huling pangungusap, huling salita at huling letra, mawawala nang muli ang lahat.

At muling dumating ang panahong ako’y ulila – walang pusong magmamahal, walang utak upang mag-isip. Walang talata, walang kwento, walang titik, walang pangungusap, walang salita. Ang tanging natira ay isang kwaderno, isang panulat at akong kwentista.

paul mark japson

nagsisimula na naman akong magsulat...