ang kwento in isabella

Third year high school ako nang magsimula akong gumawa ng mga tula, naisip ko siguro dahil mahilig lang akong magbasa kaya nakakagawa ako. Sa halip na makinig sa aking guro, nanggagawa na lng ako ng mga tula. Hindi ko din siya pinagpatuloy kasi noong mga panahong iyon magaling din ako sa mga subject na may kinalaman sa Mathematics, hindi sa pagmamayabang, best in Mathematics and Science ako ng grumadweyt ng high school. Iyon ang naging dahilan na sa halip na may kinalaman sa pagsusulat eh ang kinuha kong kurso ay engineering. Kumuha ako ng Engineering course dahil mahilig din talaga ako sa mga numero at saka nakapasa ako ng scholarship sa DOST at dahil mahirap kami iyon na rin ang kinuha kong kurso para sa aking scholarship. Pansamantala kong nakalimutan ang pagsusulat noon. 3rd year college ako ng magshift ng ibang kurso ang aking kaibigan, sabi ko gusto ko din pero hindi pwede. Noon ako nagsimula ulit mangolekta at gumawa ng mga tula. May mga panahong nagsosolve ako ng Differential Equation ng madaling araw, dalawa ang notebook ko, isa para sa mga sinosolve ko at iyong isa para pag biglang may pumasok sa aking mga kwento, natuto na rin akong gumawa ng mga maiilking kwento, pati nga script. May mga panahong hindi ko na natatapos ang nirereview ko kasi busy ako pagsusulat. Pagkagraduate ko ng college (finally after 5 years), sabi ko gusto ko munang magsulat pero hindi ko maiwan ang kurso ko so nag focus naman ako para sa board exam, sa awa Niya, naipasa ko naman ito sa unang take. Engineer na ako ngayon. Natagalan bago ako makakuha ng trabaho as in. Ang trabaho ko ngayon ay ang first job ko, na wala pang kaugnayan sa kurso ko. Inaamin ko masakit talaga kaso ganun talaga. Noong Lunes, nakita ko ulit ung notebook ko, binasa ko ung mga short stories at mga ideyang pumapasok sa utak ko at nasabi ko na lng nagawa ko pala ito.

Ngayong inip na naman ako sa buhay ko pumapasok na naman sa isip ko ang paggawa ng mga kwento, pagsulat ng mga love stories. Doon kasi sa pagsusulat ko ng mga kwento, piling ko naaabot ko iyong mga pangarap ko, nagagawa ko ang mga bagay na hindi ko kayang gawin, nagiging ako ung tao na hindi talaga pwedeng maging ako. Pag nagsusulat ako nararamdaman ko na natatakasan ko ang kalungkutang nararamdaman ko. Nasusulat ko ang mga bagay na gusto kong gawin at maranasan. Mali man sabihin pero ang pagsusulat ang nagiging paraan ng pagtakas ko sa aking mundo. Madami pa sana akong gustong isulat kaso may trabaho pa ako. Nandyan na kasi ang Team Lead ko eh.

 

Maligayang araw sa inyong lahat. 


jonsdmur's picture

Salamat sa iyong pagbahagi

Salamat sa iyong pagbahagi ng iyong kwento. Alam mo medyo may hawig tayo. Highschool ako nang mahilig sa pagsusulat at minsan ko na rin iniwan ang pagsusulat dahil nag aral din ako at medyo mahirap din ang kurso ko kaya dapat focus sa pag-aaral.

Sabi nga nila kapag mahal mo ang pagsusulat babalikan at babalikan mo ito... heto, bumalik ako sa pagsusulat at masaya ako dahil nakita ko ang site na ito.

Aabangan ko ang mga akda mo.

Maraming salamat...

Jonsdmur

Adlesirc's picture

Hi isabella

thank you sa pagshe-share mo ng story mo. minsan talaga kailangan natin isantabi muna ung mga bagay ng gusto nating gawin. i hope na magkaron ka ng chance makapagsulat at makagawa ng book =) aim high!

spike_west's picture

wHAHAH, PAREHONG PAREHO TAYO

Nice, una sa lahat natutuwa ako sa kwneto mo, nung High School din ako "Best in Science" ako, then muntik na akong maging DOST scholar at nakapasa (di natuloy kasi di ka pala pwedeng mag-abroad pag scholar ka ng DOST,) Engineering din ako, pero sad to say nalinya ako sa Admin jobs.

Okay lang yan, ituloy ang hilig, ayaw mo nung engineer ka na writer ka pa!!hahaha!! Sayang nga lang nawala na yung notebook ko nung grade three ako kasi gumagawa ako ng alamat, maikling kwneto at tula. May ginawa rin akong komiks. Sa murang edad kasi medyo nakahiligan ko ang pagsusulat. 3 years old tumutula na raw ako sabi ng nanay ko, mas naunsa akong tumula kesa kumanta. Sad to say nawala sya nung naghighschool ako, kasi nalinya naman ako sa puzzle, taga gawa ako ng crossword puzzle sa school publication namin. Nung college, lalong wala, kasi skul bukol, ngayun lang nung nasa abroad ako medyo nagising.

Sige ingat lagi, nagshare lang ng buhay!!

Ingat

Spike 

jonsdmur's picture

wow bro... so talented ka na

wow bro... so talented ka na pala since bata ka pa....  kaya pala galing galing mo... idol......

Si jonsdmur ay simpleng tao lamang...

Ako ay nag propromote ng aking nobelang Doon lang, La traidora, Ako si Cocoy a virgin boy at My life story

Hatid ko ay aliw sa inyong laha

Melanie Quilla's picture

wow makiki-comment ako ha

hehehe... sabi nga nila, eh nasa dugo talaga ang pagsusulat... hindi basta-basta maglalaho sa sistema mo iyon... pareho lang din tayo... nakatago pa nga iyong notebook ko ng mga unang tula, kwento, script na nasulat ko noong high school... nang minsan kong maisipang mag-muni-muni ay hinanap ko talaga ang mga iyon... ako na mismo ang tumawa sa mga sinulat ko... halata kasing super-duper baguhan at pambata talaga ang kwento... hehehe...

Nakakahiya namang tumabi sa inyo... mukhang matatalino kayo ah... hirap ako sa math kaya ang major ko ay Finance... Noong college pa ako, hindi ko naseryoso ang pagsusulat sa napakaraming downfall na nangyari sa akin noon. nalait kasi talaga ang gawa ko ng harap-harapan ng isang kaklase... tsaka ilang beses akong nabasted ng publication noon kaya akala ko hindi ako para sa pagsusulat... pero pagtungtong ko ng 3rd year, nakapasok din ako bilang contributor writer sa school publication.. doon bumangon muli ang nahihimbing kong talento... after grad, tinupad ko ang pangarap kong maging isang writer.. kasama ang pinsan kong si eloi, sabay naming tinupad ang pangarap na iyon...

Ngayon, nagtatrabaho ako sa umaga, naglalagalag sa site kapag gabi, at nagsusulat kapag weekends....

Wala akong balak bitawan ang pagsusulat... hehehe... 

Keep on writing... malay natin... sumikat ang mga akda nating lahat sa larangan ng literatura... wala namang masama kung mangarap tayo minsan. 

ingats,

melay 

talulot's picture

agree ako sau

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

walang mawawala sa pag-abot ng pangarap...

talulot's picture

mahal ko din ang tula

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

mas nakakarelax din talaga ang pagsulat ng tula ano!!

nagsimula din akong humabi ng taludtod nung maliit pa ako, nauna nga lang ang paggawa ng kanta pero hindi kasi pwedeng paghiwalayin iyon di bah?

nung highschool nabighani ako sa mga lumang panitikan, at nakilala ko si amado hernandez  kaya lalo din akong umibig sa tula..

wag kang mag-alala di ka naman iiwan ng iyong mga musa, kaya kahit na nasa ibang larangan ka lalabas iyan.

(ako ngayon ganundin)

hello sana maging magkaibigan tayo sa panitik...