Ang Kwento Ni Darlo

May pagkakaton ba sa buhay natin na susuko na tayo dahil sa problema. MInsan bang dumadating sa atin yung Frustration na mayroon tayong gustong mangyari o makamit sa buhay natin na hind natin makuha. Sumasama ba ang loob natin sa Panginoon, dahil binigyan Nya tayo ng problema na hindi naman natin kaya, o hindi natin kayang solusyunan. Kaibigan may ibabahagi po akong isang maikling kwento na sanay pagkapulutan ng aral.
Si Darlo ay isang tipikal na teenager, sa edad nya 21, sya na ata ang pinakasikat na basketbolista sa kanilang unibersidad, mayaman, gwapo at lahat ng kababaihan ay talagang nahuhumaling sa kanya. Sya rin ang taong “Happy-Go-Lucky”, walang pakialam sa mundo at gusto lang nya ay magparty ng magparty buong magdamag. Isang binatilyo walang iniisp kundi ang pagkasaya at magpakasarap sa buhay.
Subalit isang pangyayari ang nagbago ng lahat, isang gabi ang nagpaiba ng ikot ng buhay ni Darlo.
Victory Party noon ng koponan ni Darlo dahil sila ang nagchampion sa basketball pangpamatansan at sya ang nanalong MVP sa taon na yon, kaya naman sobrang masaya at nilunod ang sarili sa alak. Nagpakasaya sya at nagpakalasing. Halos lahat ng klase ng alak ay nainom na nya. Inom doon, inom dito, Ibat ibang babae ang nakapalibot sa kanya, lahat ay puro nakalingis na tila isang sawa, hatinggabi na ng matapos ang Party
“ Ano Darlo kaya mo pa ban g umuwi” tanong ng isang kaibigan nya
“Oo naman pre, kayang kaya pa!! Hik Hik” tugon ni Darlo na tila nagmamayabang pa
“Sigurado ka ba pare” tanong uli ng kaibigan nya
“Oo naman, di ako lasing pre” pagpupumilit ni Darlo
Sa tingin ng mga kabigan nya ay hindi na nya kayang magdrive pa ng kotse, pero mapilit pa rin si Darlo. Kaya walang nagawa ang kanilang kaibigan, biglang sumakay si Darlo sa kotse at matulin nyang pinatakbo na walang pakialam. Pakiramdam nya sya ang hari ng kalsada. Matulin ang kotse wala syang pakialam kung ano ang mangyayari sa kanya. Nang nasa kalagitnaan na sya ng daan patungo sa bahay niya. Isang maliwanag na ilaw ang sumilaw sa kanyang mga mata. At isang malakas na dagundong ang sumunod na nangyari. BANGGGGGGGGG. Isang alingawngaw ang umainlanlang sa tahimik na gabing yaon..
Pagbukas ng kanyang mga mata, nakita nya ang kanyang sarili na nasa loob ng ospital habang ang kanyang mga magulang ay umiiyak dahil sa kaba at takot.
“Ma, Pa anong nangyari bakit nasa Ospital ako”tanong nya sa kanyang mga magulang
“Anak wag kang gumalaw kakatapos lang ng operasyon mo” tugon ng ina na labis na nag-alala
‘Ma, ano bang nangyari?” tanong uli nya
“Basta magpahinga ka na lang Anak”, habang patuloy na dumadaloy ang luha sa kanyang ina.
Habang pilit nyang pinakikiramdaman ang sarili, pinilit nyang tumayo, subalit tila magaan ang pakiramdam nya sa ibabang parte ng kanyang katawan. At sa patuloy na pagsisiyasat nya sa kanyang kalagayan isang katotohanan ang gumising sa kanya. Natagpuan nya ang kanyang sarili na wala ng mga binti at wala ng mga paa. Umiiyak ng ubod ng lakas si Darlo sa natuklasan nya, alingawngaw ng sigaw nya ang bumalot sa ospital na yaon.
“Ma, anong nangyari bakit wala na akong paa at mga binti, magsalita kayo Ma” pasigaw nyanng tinanong ang kanyang ina.
“Darlo nabangga ang kotse mo ng isang truck, at dahil sa labis na pagkakaipit ng mga paa at binti mo kinakailangan nilang putulin”. Tugon ng kanyang ina.
Sising sisi sya sa lahat ng pangyayari, alam nya na dahil sa aksidente hindi na muli syang makakapaglaro ng basketball.At sa isang iglap magbabago na ang kanyang buhay. Mawawala ang lahat sa kanya.
Makalipas ang limang buwan, nailabas na rin si Darlo sa Ospital, subalit nawala na ang dating puno ng buhay at masayahing Darlo. Madalas nakatulala lang sya sa isang tabi, nagkukulong sa kwarto at maririnig mong umiiyak. Naging magagalitin at mahiyain dahil sa pangyayari. Sa tuwing aayain ng kanyang mga magulang si Darlo na magsimba, galit ang kanyang ginaganti sa kanyang magulang patungkol sa Dyos.
“Darlo hindi ka ba sasama sa aming magsimba ng Papa mo” yaya ng kanyang ina.
“Kayo na lang ang magdasal sa Dyos nyo” sigaw ni Darlo sa kanyang magulang.
Nahahabag sya sa kanyang sarili at nagagalit sya sa Panginoon sa lahat ng nangyayari sa kanyang buhay.Sinisisi nya ang Dyos at nagagalit sya sa Dyos.
Isang araw, niyaya ng kanyang ina si Darlo na pumunta sa isang malapit na Parke, marahil dahil na rin sa tagal na pagkukulong ni Darlo sa kanyang kwarto, napilit din syang sumama sa kanyang mga magulang na mamasyal sa malapit na Parke. Nais nya ring sigurong makalanghap ng sariwang hangin sa labas. Habang nasa parke si Darlo tahimik lamang syang nagmamasid, pinagmamasdan ang bawat tao, pinakikiramdaman ang kanyang kapaligiran. Hanggang sa may narinig syang isang tinig. Isang tinig na parang anghel sa kanyang pandinig, isang musika ang kumuha ng kanyang atensyon. Isang napakasayang at punong puno ng buhay na tinig. Pakiramdam nya mula ito sa isang taong napakasaya. Pakiwari nya ang taong itoy naguumapaw sa kaligayahan at kasiyahan. Agad nyang pinihit ang kanyang wheelchair at sinundan ang tinig na kanyang narinig. Sa pagsunod nya sa tinig na yaon, dinala sya nito sa kinaroonan ng musika. At nagulat sya sa kanyang natuklasan, kanyang nalaman na ang pinanggalingan ng tiinig na yaon ay mula sa isang sampung taong gulang na batang babae, na walang paa, walang kamay at bulag. Nakasakay sya sa isang lumang wheelchair at mababanaagan mo na siya’y galing sa isang mahirap na pamilya. Hindi nya maintindihan ang kanyang sarili hindi nya alam kung maawa sya o matutuwa. Maawa ba sya sa kalagayan ng bata o matutuwa sya sapagkat napakasaya at maaliwalas ang kanyang mukha. Agad nyang nilapitan ang bata at tinanong
“Nene, anong pangalan mo?” tanong nya sa bata
“Angela po” tugon ng bata na waring hindi man lang natakot kahit hindi nya ito kakilala
“Sino kasama mo dito” sunod nyang tanong
“Si mama po, bibili lang daw po sya ng softdrink” sagot ng bata
“Angela, narinig ko ang boses mo, ang galing mo palang kumanta, saka bakit parang ang saya saya mo habang kumakanta ka?” puri nya sa bata
“Kasi po masaya po ako, napasama na po ako sa choir sa simabahan namin, ito na po yung pinamagandang nangyari sa buhay ko” tugon ng bata.
“Ha, eh bakit naman, hindi ba dapat nga magalit kay Papa Jesus mo, kasi wala kang paa, wala kang kamay saka di ka nakakakita”.inosenteng tanong ni Darlo.
“Eh bakit po ako magagalit kay Papa Jesus, kahit po wala po akong kamay, paa at hindi po ako nakakita, binigyan nya naman po ako ng magandang boses, mababait na kapatid at mapagmahal na magulang, sa akin po masayang masaya na po ako dun ang bait bait ng apo ni Papa Jesus eh, kasi binigyan nya pa ng bagong trabaho si Papa, at bilang ganti po kay Papa Jesus, kakantahan ko po sya lingo lingo kasama si Mama” sagot ng inosenteng bata. ![]()
Sa pagkarinig ni Darlo sa mga sinabi ng bata, bigla syang nahiya sa kanyang sarili, parang binuhusan sya ng malamig na tubig sa ulo at natauhan. Nagpaalam na sya sa bata at bumalik na sya sa kanyang kinaroronan ng kanyang mga magulang.Naisip nya na, nawalan lang sya ng paa, subalit may kamay, mata at ibang bahagi pa sya ng katawan. Naisip din nya na mapalad sya sapagkat may marangya silang pamumuhay at mapagmahal ang kanyang mga magulang. Biglang nagbago ang pananaw ni Darlo dahil sa pangyayaring iyun.
Mula noon, unti unti ng bumalik ang kanyang sigla, nagsimula uli syang buuin ang kanyang sarili at pinagpatuloy din nya ang kanyang pag-aaral. Naging inspirasyon nya ang batang babae sa parke at alam nya na marami syang dapat ipagpasalamat sa Dyos. Nawalan lang sya ng paa, hindi ng buhay, kaya gagamitin nya kung ano ang natitira sa kanya.
Sa ngayon, ay abala si Darlo bilang lider ng isang foundation na tumutulong sa mga batang may kapansanan at ulila. Nakapagtapos na rin sya sa pag-aaral at naging aktibo rin sya sa gawain ispiritual. Ngayon masasabi nya sa kanyang sarili na wala man syang mga paa pero kumpleto ang buhay nya sapagkat na sa kanya ang Panginoon. Ang Panginoon ang naging paa nya sa kanyang buhay.
___________________________________________________________________
Kaibigan minsan sumasama ang loob natin sa Panginoon, madalas nagagalit tayo sa Kanya sapagkat hindi nya binibigay sa atin ang gusto natin. Madalas sinisisi natin ang Panginoon sa mga problema natin sa buhay, pero hindi ba minsan din ang mga problemang kinakaharap natin ay resulta lamang ng kamalian, kasalanan at katigasan ng ulo natin. Ang Dyos ang sulosyon, ang Dyos ang gumagawa ng paraan para maituwid ang mga resulta ng kasalanan natin. Dapat mas lalo pa tayong lumapit sa Kanya at humingi ng awa.
Naipagpasalamat na ba natin sa Dyos ang mga bagay na meron tayo ngayon. Tandaan natin na sa isa nating kahilingan sa Dyos, sampu ang dapat nating ipagpasalamat sa Kanya.Wag nating tingnan ang mga bagay na wala tayo, ipagpasalamat kung ano ang meron tayo. Nawa ang kwento ni Darlo ay maging inspirasyon sa lahat.Iyon lamang po at maraming salamat.
SA DYOS ANG KADAKILAAN
Spike
salamat po
salamat po sa paalala ng kwento nyo kasi lahat po yata ng sama ng loob ni darlo ay pinagdadaanan ko ngayon, yun nga lang ay magkaiba ang sitwasyon namin pero matinding pagsubok pa din at naniniwala ako na tama yung bata palaging may maganda pa din kahit pangit ang sitwasyon katulad ngayong araw na to natanggap na po ako sa trabaho mag-start na po ako next week as Management Trainee sa isang kilalang fastfood dito sa Baguio, first job ever ko po ito dahil fresh grad. sa katunayan hindi lang ito ang blessing na nareceive ko this day pero secret na lang po yung iba ha kasi dyahe.
Thank you po ulit maganda po ang kwento nyo at talagang nakakapagpataas ng motivation para mabuhay.
Salamat!!
Nakakatuwa ka naman, sabi nga nila there's a rainbow after the storm. Kaya kung sakaling nasa kabigatan ka ng problema ngayon, tyak may mangyayari pa ring maganda sa iyo. To be honest, hindi ko sana ipopost ito kasi nga baka walang makaapreciate (kasi medyo religous eh) pero nung nabasa ko yung comment mo sa ilang entries dito,alam kong may pinagdaanan kang mabigat na problema ngayon, tingin ko it will help you. At nakakatuwang isipin na nabasa mo sya at nabigyan ka ng konting inspirasyon.
Always remeber this: Don’t think of what you’ve lost but rather think of what’s left with you and what you’ve learned from your bad experiences.
Congratulation sa bago mong trabaho, alam kong magtatagumpay ka dyan.
Salamat sa comment
Spike
sa wakas
naku sa sobrang tuwa ko po hindi pa ako makatulog pilit ko pa po pinapaniwala ang sarili ko na by next monday working girl na ako sa wakas hehehe thanks po ulit alam ko na madami pa pong makakarelate dito sa kwento at nabubuhayan ng loob maganda po talaga salamat ulit at sana makatulog na din ako. goodnight po.
To Melay:
Medyo nawala nga ako ng matagal, ngayon lang uli. Kailangang kasi munang magpalamig eh!! Pero ngayon I'm back.
Salamat sa comment at Congratulation sa bago mong work Melay (naichismis na kasi sa akin ng pinsan mo) hayaan mo paguwi ko libre ko kayo, akong bahala sa inyo.
Ingat lagi
Spike
Uu nga!
Kakaantig naman ng damdamin pards nitong story mo. Me Lesson! (Uminom ng sobra ng hindi na kayaning makatayo pa at makapagdrive...iwas aksidente.) Ano ba yan, huwag k ng mawawala h kc n mimiss kita ng sobra eh!ahihi... 
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
Wahahahha
Long time no hear bro, eh tagal nga ata akong di nagpost dito eh!! Ano balita bro, magpapainom ka ba, ako hindi ako maaksidente kahit uminom ako ng sobra kasi wala naman akong kotse!Whahahh!! Bibili pa lang!!LApit na Ramadan ah!! Petiks ka nun sigurado!!
Ingat bro, kelan nga pala bakasyon mo?
Salamat sa comment Keep rockin bro
Spike
Wow! another inspirational
Wow! another inspirational story na dapat mabasa ng lahat... nakaka antig ng damdamin...
Salamat sa isang napaka gandang kwento...
Minsan na rin akong nawalan ng tiwala sa diyos... pero naisip ko hindi dapat... kasi kahit papaano naging magnda din ang buhay ko... alam kong kung naghihirap man ako ay may naghihirap pa higit sa akin pero nakakaya nila at di sila sumusuko sa buhay.... kaya dapat maging matatag din ako...
salamat sa iyong kwento....
Yehey ang mga kuya ko, nagbalik na!
nagbabalik na ang favorite taga-comment ko... miss ko kayo ah... hehehe.
kuya spike at kuya dyep, maraming salamat... di n'yo lang alam pero na-inspire talaga ako sa inyo kaya pinagbubuti kong ayusin na ang buhay ko ngayong bata pa ako... hehehe.... darating din ang araw na makakabawi kami ni eloi sa lahat ng kabutihan ninyo sa aming mag-pinsan... buong puso namin ngayong inaayos iyong novel para sa inyong mga ka-friendships dito sa site... hehehe...
Kuya soulmate, maraming salamat talaga... andami rason para pasalamatan ka... at hindi ako magsasawang mag-thank you sa 'yo...
Basta para kay God, hindi tayo dapat mag-alinlangan... Dahil sa Kanya, lahat ng imposible ay posible basta't nananalig sa Kanya...
God Bless mga kuyas!!!!
melay
Whahahha!!
Medyo nag cool -off lang ako!!But I'm back, di naman ako makapag-comment sa latest novel mo, kasi sampung chapter pala yun, whahhaha!! Medyo mainipin ako eh!!Hehhehe!!
Hayaan mo sa mga susunod na mga novel mo magcocoment na ako, si pareng dyeppri hayan umaatake na naman!!hahahah!!
Ingat lagi Melai, at mukhang si Jonsmur talagang masipag syang magcomment.. patuloy mo lang bro
Spike
Salamat sa kuwentong ito. :)
Napakaganda naman ng kuwentong ito, parang true story. Bakit nga ba hindi natin alam kung anong meron tayo hanggat meron pa ito? Nakakatuwang isipin na sa buhay natin, wala tayong maaring angkinin na atin dahil sa isang iglap, maari itong bawiin. Sa tingin ko, hanggang sa huli, para pa rin sa ikabubuti ni Dario ang nangyari. Naging matatag siya at natuto siyang pahalagahan ang buhay... Sa huli, namulat siya na anuman ang sapitin ng tao, basta't may Diyos sa kanyang tabi, mananatiling makabuluhan pa rin ang buhay...
Salamat.
Ruthie
Salamat Ruth
Cute naman ni Super Boink!!!Whahahah!! Eh bata pa ako nung pinalabas yan sa channel 13 eh, pinapanood kasi nung kapatid kong babae pinood ko na rin, hahahah!!
Salamat sa comment!! Teka di ba kumuha ka ng board exam? Good Luck sana makapasa ka!!
Ingat
Spike
nakaka touch
grabe.... habang binabasa ko yung part na nawalan na siya ng mga binti't paa, hinawakan ko kaagad yung sa 'kin.. hehe
i am a choir member... gaya nung girl... and u know what? kapag misa na, nakakakita ako ng iba't ibang klase ng mga less fortunate.... karamihan, mga bata pa o mga matatanda na....
nakakalungkot silang tingnan actually, nakakaiyak nga eh pero pinipigilan ko lang kasi mahirap kumanta habang umiiyak... sobra... d ka makahinga..
anyway, ganda nung story... life-changing xa......
may sasabihin din ako,,, may mga typos ka....
un lang!
<<FrAnZsOrIlLa>>
hahahah
Oo alam kong marami akong typo errors, hindi naman sa hindi ko binigyan ng matinding atensyon ang mga ito, kaso medyo flow lang ng ideas at wala na akong gaanong revision. Siguro pag medyo pormalan na ang labanan. Baka sa entry na ipapasok ko sa Palanca, hehehe, talagang more careful ako dun. Medyo maypagka dyslectic kasi ako, kumbaga naduduling ako sa mga tinatype ko o di kaya napagpapalit ko ang mga letra at makakatawa mang isipin hanggang ngayon di ko alam ang kanan at kaliwa, hahhaha!!! (naku alam kong di excuse yun hehehe, pero talagang minsan tinatamad ko ng basahin uli at iedit)
Naku guilty din ako sa sobrang paggamit ko ng exclamation point, comma at kung ano ano pa. Wala kasi akong formal training o kaya pag-aaral (Engineering kasi ang course ko, heheh)
Pero magiging maingat na ako sa susunod, salamat uli at ngayon ko lang nabasa ito!!
Ingat
Spike
“It is better to be a good nobody than an evil somebody.” -From the Movie Igor
Hi Sir Spike!!!
Nakakalungkot naman itong kwento mo... actually, minsan sa buhay ng tao pag ikaw ay bumagsak, minsan akala mo'y di ka na makakabangon pa ulit, akala mo'y pinabayaan ka na ng Diyo's at minsan isipin mo pang Diyos pa ang may Kasalanan, tulad ni Darlo na minsan nabulag sa katotohanan na dahil lamang sa isang aksidente ay akala niya's doon na nagtatapos ang kanyang buhay...
Pero mabaet talaga ang Diyos, dahil gumawa pa siya ng paraan para matauhan si Darlo na hanggang may buhay pa siya at humihinga pa, ay mayroon pa palang pag-asa at salamat sa isang anghela na naging mata ni Darlo upang makita ang katotohanan...
Yung lang sir spike...
muztah po keo d2 sa site?
hope ur doin fine...
2lad n'yo rin ngeon lang ako makapagkoment ulit...
God bless po!!!
ingatzkie plagi...
Naku wag mo akong tatawaging Sir
Wahahha, bata pa ako Fhearl, salamat sa comment mo! Okay naman ako dito sa site. At kung mapapansin mo mukhang suking suki ako ng site na ito!hahahah! At isa lang ang ibig sabihin nyan..................................wala akong ginagawa sa opisina. hahahhaha
Ingat lagi
Spike
“It is better to be a good nobody than an evil somebody.” -From the Movie Igor
bket ung "siya" "siya"?
not to be demanding pro bkt mo ung sya nyo siya?
ang hirap po kc i edit ngun ginagamiit ko 2 sa project ko.
btw, nice story. :)









nakakaantig ng damdamin
napakagandang kwento ng buhay.... naalala ko tuloy noong high school ako, hindi ako palasimba, hindi rin paladasal... pero sinubok ako ng buhay nang magkasakit ako... akala ko noon mamamatay na ako..doon ko nakilala ang Diyos. hindi naman ako dumating sa point na sinisi ko ang Diyos... buti na lang at malawak ang naging pang-unawa ko sa buhay... hanggang ngayon, nasa sistema ko pa rin ang sakit ko pero palagi kong sinasabi na pinagpapasa-Diyos ko na lang... Isinuko ko na kasi ang sarili ko sa Diyos... Ipinangako ko na sa Kanya na magsusulat ako in God's will, nawa'y gawin kami ni eloi na instrumento ng Diyos sa nais Niyang ipabatid sa mga kabataan ngayon. Sa bawat ginagawa ko sa araw-araw, sa trabaho, sa bahay... lahat ng iyon ay para sa Diyos... Kaya siguro masaya ako ngayon sa buhay ko...
sana lahat ng makabasa nito ay mabigyan din ng bagong pag-asa sa buhay... Sabi nga nila, hindi pa huli ang lahat. sa Diyos, lagi tayong may second chance....
Na-miss kita kuya Spike!!!! Mabuhay ka!
melay