Ang Langitngit ng Pamingwit

kislapalitaptap's picture
| |

Ang Langitngit ng Pamingwit
Ni Kislap Alitaptap
10 Pebrero 2009
1336 Oras

Ang lahat ay nangawit,

Sa pagtingala sa langit.

Ang mga namimingwit

Ngayo'y nagsisiawit.

Ngunit ang kanilang awit,

Ay awit ng langitngit!

Nawa'y dumilim ang langit!

Dahil sa kanilang pamingwit

Walang kumakapit! #

Kislap Alitaptap

hindi ako mang-aawit, hindi rin ako mamimingwit.

ngunit ako ay awit, upang 'di ka mangawit.

 

 

 

SAPUL!


Rhea Stone's picture

!

Sabi nila may epekto daw ang iba’t ibang mukha ng buwan sa pagkilos ng mga isda sa karagatan. Ito marahil ay epekto na rin ng ‘tidal forces’ ng buwan sa karagatan o sa anumang anyong tubig. 

Sabi rin nila mas mahirap daw manghuli ng isda kapag bilog ang buwan.

...May mga tao din palang hindi naaakit sa karikitan ng buwan sa halip ay nagngingitngit sila upang maglaho ito sa kalangitan: 

Ngunit ang kanilang awit,

Ay awit ng langitngit!

Nawa'y dumilim ang langit!

Dahil sa kanilang pamingwit

Walang kumakapit!  

 

 

Hindi rin ako mang-aawit o mamimingwit. Ngunit isa ako sa humahanga sa iyong mga awit at sa mga mamimingwit.   

 

(Nagpupugay sa mga Pilipinong mangingisda!!!)

kislapalitaptap's picture

May epekto nga raw sa

May epekto nga raw sa pagtaas at pagbaba ng karagatan ang pagkilos ng buwan. Tulad na lang sa balita kagabi, kung saan may napadpad na halos 500 dolphin sa isang lalawigan sa Pilar, Bataan.

Lahat naman kasi ng mga bagay-bagay at pangyayari sa mundong ito ay may dalawang mukha. Kaya kung may natutuwa pag maliwanag ang buwan, andyan naman ang mga mamamalakaya na, nagdurusa.

Hanggang sa muli!

Tagni!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

dahil sa nabanggit ang buwan....

noong nakaraang linggo... (pebrero 5) sa pagpikit ng aking mata para matulog... nakakita ak0 sa aking balintataw ng isang pusa na nakaupo sa bintana.. nakatalikod sa akin at nakatunghay sa bilog na bilog na buwan....

kaso.. napadilat ako.. naalimpungatan..

pinilit kong ibalik ang imahe... pero pinagdamutan na ako hanggang sa nakatulog na ako ng tuluyan...

 

wala lang... nakwento ko lang.. hehehe :D

 

:)

hala sige, kislap, umawit ka lang...... darating din ang mga isda.....

 

 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

kislapalitaptap's picture

'di kaya...

natakot yung mga isda sa dolphin? bakit ayaw nilang kumapit sa aking pamingwit?malapit na akong mangawit.

may facebook account na si izz? kagabi niya lang daw ginawa!

 

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

:)

aus, sge tingnan ko 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

kislapalitaptap's picture

fhe, sapul!

punta ka sa 13 ha. may surprise  number ako na kahit ako eh masosorpresa din sa gagawin ko . hahaha!

langitngit, nakakayamot,

parang iyak ng utot,

mas tahimik, mas mabantot!

salamat!

tagni!

hahaha!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

hahaha

natawa naman ako kislap.. performance level ba gagawin mo..? hahaha mamaya na yun ah.. weeee!!!! :D

 

gudlak! gudlak! SAPULin mo ang nga manonood ng tahimik ngunit mabantot na performance!

 

hahahaha!

rakenrol!

 

kislapalitaptap's picture

fhe...

tamihik?

gigisingin ko ang mga tao mamaya, kung saan pagkatapos ko tumula ay uulanin nila ako ng  batikos at pagmumura.

hahaha!

MALILIGO PA BA AKO?

 

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

:}

 sapul na sapul ang mga isda sa umaawit na pamingwit.

ganda.

kislapalitaptap's picture

morning dew! sapul!

salamaaaaat po!

sana nga ay hindi ka mangawit, sa kapupunit ng mga damit, na iniwan ng tag-init.

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

noelablon's picture

I love fishing

Gandang tula. Sana kanina ko pa ito binasa para di ako nangawit hehe! Naaalala ko nung namimingwit kami ng mga kaibigan ko dito sa Jeddah ang sarap kasi kahit lumot lang ang pain namin marami kaming nahuhuli at malalaki - favorite ng pamingwit ko ay hasa-hasa hehe!

 

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

kislapalitaptap's picture

layo mo naman...

salamat sa pagbasa.

may hasa-hasa din pala dyan sa  jeddah.

ingat kayo palagi dyan, sampu ng iyong mga kasamahan.

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

Pmel's picture

Kuya, magaling!

Sana balang araw isasama ninyo ako out to fish ang tagal ko nang hindi makapagfishing. ^^;

kislapalitaptap's picture

Pmel!

Ate,

sige ba, mamingwit tayo ng isda sa baywalk, roxas blvd.!

tagni!

kumakain ka pala ng isda.

Sapul!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org



Good Riddance (Time Of Your Life) - Green Day

Pmel's picture

Uy, syempre kumakain ako ng isda.

Un ... salamat sa video. Life is unpredictable and short so ya gotta make the best of it. :)

 

 

 

Sana may kumapit sa pangingwit ko, kaya lang baka masyado pa akong dalaga para makatulong sa iba. ^^;

 

kislapalitaptap's picture

dalaga?

ano ang ugnayan ng dalaga at pamingwit?

'i hope you had the time of your life. 

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

Pmel's picture

Un ...

Para sa aking, ang bangka ay ulap at ang fisher ay isang God. Tayong mga tao naman ay isda. Pero minsan kaya din nating tignan ang ating sarili bilang God na maykapangyarihang tumulong sa iba.

Life is unpredictable and short. Make the best of it. I would rather attach myself to a hook and rise above the water to see a world I've never seen before and die soon after than die hiding in fear in the water because of other predators.

Sa tinging ko kung ako ay isang fisherman, bilang baguhan sa pamimingwit, hindi pa ako marunong magattract ng interesado o nagmamakailangan ng tulong ko para makapagexperience sila nang nakakaiba.

Live fast, die young kung baga. I dunno ... I could be wrong. :(

artykhulit's picture

?

hindi umuugma ang mga bagay bagay sa iyong tula.

kislapalitaptap's picture

kaya?

ano po maimumungkahi mo? likod mo ba talaga yan? may ganyan kasi akong kakilala na, ganyan din bumuo ng komento eh. pero medyo mild pa yung sayo.

kung di po tumugma yung mga bagay-bagay, pwede kang magmungkahi o ipaliwanag mo kung bakit ganun ang nabuo mong konklusyon. bukas po sa pagsusuri at pagpuna ang lahat ng likha ko.

hintay ko ha? 

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

redentor's picture

tanaga?dalit?

nakakatuwa naman..nagbilang pa ako akala ko lahat na ay pituhan...tanaga, mayroon ding dalit..pero nakakatuwa..hindi ko ga lang matukoy kung sila ay nasa dalisay na antas, dahil medyo nahihirapan akong tukuyin ang mga bigkas..iyun bang malumay at iba pa..

pero kuya ang galing...sila ay nakatugma sa malakas na pantig..

kislapalitaptap's picture

...

...