Ang Magsasaka
Bilad sa araw at may hawak na araro
Lubog ang mga paa sa lupa at balot pa ng putik
Sa kabilang kamay kanyang hawak ang pamitik sa kanyang matandang kalabaw
Bakas sa kanyang mukha ang katandaan at kahirapan.
Hinukot na ng panahon ang kanyang dating malakas na katawan
Sinunog na din ng araw ang kanyang balat
Ngunit kahit na ganoon na ang kanyang kalagayan
Malayo pa rin ang kanyang pag-ahon sa kahirapan.
Kanyang tangan ang isang lumang piko
Patuloy siyang nag bubungkal ng lupa
Patuloy na magtatanim
Ngunit iba naman ang nakikinabang sa kanyang aanihin.
Hindi kanya ang lupa
Siya ay isa lamang sa mga alipin nito
Pinahihirapan, patuloy na nagtatrabaho
Upang umasenso ang ibang tao.
Ang kanyang mga paang malayang nakapaglalakad
Natatanikalaan naman ng kahirapan
Ang kanyang mga kuko sa paa ay pawang mga patay na
Tuluyan ng inalisan ng buhay ng lupa.
Araw-araw, linggo-linggo, buwan-buwan at taun-taon
Ibang lupain ang kanyang sinasaka
Iba’t iba ang nagmamay ari at nakikinabang sa kanya
Iba’t iba ang umaalipin sa kanya.
Kailan kaya kanyang muling maiaahon
ang kanyang mga paang nilamon na ng putik?
Kailan niya muling maiuunat
Ang kanyang katawang hinukot ng paghihirap?
Kailan niya muling maititingala sa langit ang kanyang mukha
At kanyanyang masasabing “Ako ay malaya”?
Kailan niya kaya mapapalaya ang sarili
Sa tanikalang nakagapos sa kanyang katauhan?
Bumangon ka! Ngayon na ang panahon
Ito na na ang pagkakataon upang ipaglaban ang iyong kalayaan.
Huwag mong hayaang sa kahirapan ay mabulok ang iyong katawan
Huwag mong hayaang iba ang makinabang sa iyong pinaghirapan.
Iahon mo ang iyong mga paa mula sa putik
Iunat mo ang iyong katawan
Tingalain mo ang langit
Kalagin mo ang mga tanikalang gumagapos sa iyong mga paa.
Bumangon ka Pilipino!
Umahon ka sa kahirapan
Huwag kang paalipin sa banyaga
Ikaw ay isang Pilipinong lahi ay sa mga lakan.
Bawiin mo ang iyong lupaing inangkin ng banyaga
Na kanilang ginagamit upang sila ay magpasasa.
Ipaglaban mo ang iyong karapatan
Ipaglaban mo ang kapakanan ng iyong bayan.
Ikaw man ay isang taong may karapatan
Ikaw din ay taong nilalang ng Diyos.
Huwag kang manatiling magsasaka sa lupaing inaalipin ka
Bumangon ka! Ikaw ay isang Pilipinong marangal ang lahi! Bumangon ka!
>
Maganda po ang mga paksang nakapaloob sa tula. Subalit, sa ganang akin, higit sanang naging mabuti ang tula kung ang pagkakalatag nito ay postmoderno (iyong paloob), at hindi mistulang nang-uudyok:
"Bumangon ka! Ikaw ay isang Pilipinong marangal ang lahi! Bumangon ka!"
Bagama't sa pangkalahatan, maganda pa rin ang tula.
Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino
Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)
Ang ganda naman ng
Ang ganda naman ng nilalaman ng tula......
hmmm
we'll see him rise again together. :)
let's all wake up.
Hindi maganda ang pagkakasulat ng tula.
Hindi maganda ang pagkakasulat ng tula.Parang isang maikling sanaysay na hinati-hati ang bawat pangungusap para magmukhang tula.
'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga







...........
Napakaganda ng mensahe na nakapaloob sa tula...
Ito na ata ang sector ng ating lipunan na lubhang inalipin mula pa sa pananakop ng mga kastila hangang sa kasalukuyan sistema. Kinamkam ng mga dayuhan at naghaharing uri ang mga lupain at kayamanan ng Pilipinas. Dahilan kung bakit lugmok pa rin sa kahirapan ang nakakarami.
Sana mabawi ang lupa na dapat ay para sa mga magsasaka.
http://ayawmatulog.blogspot.com/