Ang mahiwagang tanong
Saan na napadpad ang respeto ng isang batang paslit na dumura sa damit ng inang nagalit sa kaniya kani-kanina lamang?
Bakit may isang ama na nasisikmurang uminum ng alak na binili niya mula sa pera na pinagpaguran ng anak na namumulot lamang ng basura?
Saan nanggaling ang mga kaisipang gumulo sa kanya at bigla na lamang tumalon ng pagkataas-taas na gusali kasama ang dalawang taong anak?
Wala ka bang magawa noong oras na iyon kaya naisipan mong manood ng bold movie o talagang trip mo lang?
Sino ang gumupit ng buhok mo…buhay paba?
May pera ka ba?
Tanga ka ba?
Tanong …maraming klase ng tanong. At sa oras na ito, maraming tanong na biglang pumasok sa isipan ko. Ibat-ibang aspeto, may malalim may mababaw. Akala ko nung una walang kwenta ang magiging kahihinatnan ng patuloy na paglabas ng mga tanong sa kokote ko. Hanggang sa tinanong ko na rin ang aking sarili. Ano nga ba ang gusto kong ipahiwatig sa sinusulat kong ito? Sa una ay naguluhan ako ngunit kalaunan ay alam ko na ang ibig kong ipahayag.
Ang lahat ng tanong na nasa itaas na bahagi ay kathang isip ko lamang at bigla na lamang pumasok sa isipan ko. Marahil dala na rin sa isang tanong na talagang nagpadugo sa utak ko at hindi napaghandaang sagutin. Kung iisiping mabuti mas madali bigkasin ang mga tanong na nabanggit ko at kahit papaano ay matitiyak ko sa sarili kong kung ako ang tatanungin nung mga iyon ay may masasagot ako kaagad kahit papaano. Minsan depende sa taong sasagot kung ang tanong ba ay madali o hindi madali para sa kanya.
Ganito ang pinagmulan ng lahat: Habang nakahiga kami (ako at ang aking tatlong anak) sa kama ay biglang nagsalita ang anak kong si Jolo…
“Mommy mamamatay ba tayong lahat?
‘pag matanda ba mamamatay na? Kelan tayo mamamatay?”
Isang malaking patlang sa isip ko ang biglang tumapik sa nangangati kong anit na parang isang batang pumikit muna at nagkamot ng ulo bago umisip ng tamang salitang bibitawan upang maintindihan ng aking kausap (na pitong taong gulang) ang aking itutugon. Pero sa kalituhan at marahil sa antok na rin ay ganito ang aking naisagot---
“ Anak bukas na natin pag-usapan yan ha…gabi na pahinga kana muna may pasok ka pa bukas ”.
Ngayon ay nakabitin pa ang mga sagot para sa isang mahiwagang tanong. Hindi ko man lang inalam kung bakit niya naman naitanong ang bagay na iyon sa akin. Para sa iba siguro kababawan na naman itong pinagsasabi ko pero ang mahiwaga para sa akin dito ay dahil ito ay isang paghingi ng kasagutan sa tanong ng batang malalim mag-isip. Kumbaga palagi siya matanong at kailangan din may isagot ka dahil hindi ka talaga niya ang titigilan hanggat hindi mo siya nasasagot. Halos araw-araw ay may mga inaalam siya o mga bagay na tinatanong kaya nga natawag ko na itong ang mahiwagang tanong. Ito marahil ay nag-ugat na rin sa mga maraming panoorin o kakaibang pagbabago sa larangan ng teknolohiya kung bakit ang isip ng mga kabataan ngayon ay malawak at mausisa. O kaya naman ay dahil na rin sa mga ibat-ibang taong nakakasalamuha ng mga bata.
Hindi na ako mag-aalinlangan humingi ng opinyon ninyo ukol dito. Kung kayo ang nasa posisyon ko, ano ang tamang sagot para dito? Kayo din ba ay nakakadinig ng mga kakaibang tanong mula sa mga batang may murang edad? Bukas maaring maalala ng batang katulad ni Jolo ang muling bitawan ang mga katanungang ito. Si Jolo na malalim mag-isip at hindi nauubusan ng tanong.
Ang isang simpleng tanong na nagangailangan ng payak at simpleng sagot na mauunawan ng isang nilalang na may murang edad at kaisipan...
Mamamatay ba tayong lahat? ‘pag matanda ba mamamatay na?... Kelan tayo mamamatay?
Salamat sa iyong panahon.
(Paumanhin kung may kakulangan. Umagaw lang ako ng konting panahon mula sa abala kong mundo sa ngayon. Bukas ay posibleng maglaan akong muli ng kahit saglit mabasa ko lang anuman ang iyong maging tugon. Nagtataka siguro ang ilan sa inyo kung bakit masyado akong seryoso ngayon...nagbabagong buhay lang hehe...ala pa sa mood magbiro e nxt tym ok?! hihi...)
hi dimples!
tnx for the nice=) one! hehe...God bless.
ang sagot
sa aking palagay mas matalino ang taong nagtatanong kaysa sa sumasagot. nasa pagtatanong kasi ang simula ng karunungan, ang paghahanap ng kaalaman at pagiging curious sa mundo at kapaligiran. magandang bagay na matanong ang anak mo pero nasa sa iyo ng burden ng pagsagot sa kanya ng tama at maganda kasi ito ang tatatak sa isip niya hanggang lumaki.
tungkol sa tanong: Mamamatay ba tayong lahat? ‘pag matanda ba mamamatay na?... Kelan tayo mamamatay?
Lahat ng tao mamamatay. kung kailan-walang nakakaalam. sadyang ginawa ng diyos na walang maaaring makaalam ng takdang araw ng kamatayan upang ng sa gayon ay magkaroon ng pagkapantay-pantay.
kasi kamatayan lang ang isang bagay na pwedeng sabihin na kung saan pantay ang mayaman at mahirap, ang hari at alipin, ang matalino at mangmang.
Kung mayroong isa sa atin na alam ang araw ng kanyang kamatayan e di may malaki na siyang lamang--maaari niyang gawin na ang kahit na anong pwede niyang gawin, pwedeng magpkasama na sya ng husto at pag malapit na ang kanyang kamatayan--tsaka siya magsisisi UNFAIR di ba?
nagiging mahalaga lang ang kamatayan kung ipinamuhay ito ng may kabuluhan, ngunit magkaminsan mas mabuti pa ang mamatay at mag-alay ng buhay para sa isang pinaniniwalaang ikabubuti ng karamihan.
masyado na atang nakakalito ang sagot ko...
ganito na lang: lahat ng tao mamamatay kasi mortal tayo, kung kailan walang nakakaalam. ngunit mas mahalaga kung paano tayo namuhay kaysa kung paano tayo mamamatay.
salamat sana makatulong
check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com
Subukan ko ha!!
Ako rin noong bata lagi akong nagtatanong sa nanay ko, tanda yan ng pagiging maobserba ng iyong anak.
Kung tinanong ka ng anak mo na: Mamamatay ba tayong lahat? ‘pag matanda ba mamamatay na?... Kelan tayo mamamatay?
Sagutin mo ng: "Oo naman lahat tayo mamatay, at di natin alam kung kelan tayo mamatay.Pero di ba mas maganda ang mabuhay. Syempre kung buhay tayo marami tayong mapupuntahang magagandang lugar, makakatapos ka ng pag-aaral, at syempre para lagi tayong magkasama."
Sa unang dalawang sentence nasagot mo ang tanong ng bata, pero sa mga sumunod naililipat mo ang atensyon ng bata para sa magagandang mga bagay, yun ang buhay. At mula doon mas naipapaliwanag mo ang kahalagahan ng buhay kaysa sa kamatayan. Mas magtatanong ang bata tungkol sa buhay kaysa sa kamatayan.
Sa paglipas ng panahon mauunawaan din nya ang lahat. Pero sa ngayon mas magandang ipaunawa sa kanila ang mga positibong mga pananaw.
Sana nakatulong ako
Ingat
Spike
“It is better to be a good nobody than an evil somebody.” -From the Movie Igor
tnx!
Tnx kua Rom and Spike! Mas ako pa yata ang natuto sa mga sinabi ninyo eh. Malaki ang naitulong ng tugon sa aking pagpapaliwanag sa anak ko. Pinagsama ko na lang ang payong ibinigay ninyo sa akin at mas pinasimple ko pa ang term na ginamit ko para mas makuha niya agad ang punto ko.
Pero sabi ko nga si Jolo ay hindi nauubusan ng taong. Gaya kahapon, nagke-kwento siya tungkol sa lolo ng kaklase ni kuya Jelo niya. Pinatay kasi ang matanda sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo nito. At dahil dito muling nagtanong si Jolo kung bakit daw pinatay ng mama ang lolo ng bata. Siyempre hindi ko rin naman alam ang buong pangyayari . Basta ang tinugon ko na lang sa kanya. May mg dahilan kasi lahat ng nangyayari sa atin. At Diyos lang ang nakaka-alam ng mga ito.
Salamat sa panahon..
God bless kuya and Spike.
tanong
let me quote Rilke:
"Have patience with everything that remains unsolved in your heart. Try to love the questions themselves, like locked rooms and like books written in a foreign language. Do not now look for the answers. They cannot now be given to you because you could not live them. It is a question of experiencing everything. At present you need to live the question. Perhaps you will gradually, without even noticing it, find yourself experiencing the answer, some distant day."
Excellent piece love
Tanong at Sagot
Ang daming tanong talaga sa buhay pero may nagsabi sa akin nung isang araw lang na "Pag naubusan ka na ng tanong hindi ibig sabihin na naubusan ka na ng sagot ang totoo naubusan ka na ng pag-asa."
Kaya tingin ko dapat patuloy lang na magtanong kahit minsan hindi mo agad maisip ang sagot basta umasa na darating at darating ang sagot kung di ngayon baka bukas o sa isang bukas.
hi allegra!
agree ako sau.
tnx sa comment!
God bless.






nice=)
nice=)