ANG MAKATA

|

ika'y dakila
nagawang isigaw ang nadarama
na di nag-iingay ang bunganga
at nang-gugulo sa kalsada
ang luha'y ginawang tinta
nang di na pumatak pa
at sa papel naging malaya
malayang maglakbay sa bawat linya
malayang lumaban ng walang sandata
malayang ipinahayag ang nadarama
nang walang tangke,walang bomba
walang sinusunog na bandera
walang buhay na kailangang ibuwis pa

JHONATAN M.DAMASCO

Para to sa mga katulad ko ng hilig!...