Ang Mananayaw Sa Ulan [short story]

kuligma's picture
| |

Ang Mananayaw Sa Ulan

ni kuligma

 

may isang dalaga, walang tirahan, ni walang pangalan...

naligaw sa isang bayan na wala namang pakialam.

hindi ganap ang pagtanggap ng mga tagaroon sa dalaga, na ang itsura bagamat maganda ay natatakpan ng dungis at putik sa kanyang pagiging aba.

isang baliw ang dalagang iyon... minsan ay nangiti minsan ay naluha, at sa buong maghapon ay walang ginagawa... kundi ang sumayaw.

hanggang mapadpad nga siya sa bayang iyun, sa gitna ng plaza, siya ay nagpamalas...

sumayaw siya at umindayog, ipinakita ang bawat galaw at nagkaroon ng mga manonood.

lumapit ang isang binata, na nasundan pa ng tatlo, rumami ang manonood, lumampas pa sa walo...

hanggang buong bayan sa baliw na dalaga ay nagalak, may nagpalakpakan, at may nawili ng ganap...

pansin ito ng mananayaw, at lalo pa niyang ginanahan sa pagindak, sayaw dito sayaw doon, para sa kanyang mga paraon.

napuno ng ngiti ang mga taga-bayan, saya na matagal na nilang di nararanasan, tila hindi na nila alintanang baliw ang mananayaw, dahil ang totoo, kawangis ng anghel ang dalaga kapag sumasayaw.

subalit sandali pa at nagdilim ang langit, bumagsak ang mga butil ng ulan, at dumadalas bawat saglit.

isang malakas na ulan, ang bumuhos sa plaza! at nawala ang mga manonood, nagsipuntahan sa kanilang bahay-bahay, naiwan ang kawawang mananayaw, mag-isa at pagod.

ngunit walang pakialam ang isang baliw, kung may ulan man o wala, kaya nagpatuloy siya buong magdamag sa pag sayaw, kahit mga tagahanga ay wala.

marahil ay alay naman niya ang kanyang sayaw sa makulimlim na kalangitan...

hanggang nakaramdam na ito ng ginaw, sa kanyang katawan, na sa pagtagal ay talagang nagiging masakit, makirot.

umubo ang baliw, at talagang nilamig, naramdaman niyang kailangan na niyang umiwas sa tubig...

nanginginig ang buong katawan, ay luhaan siyang kumatok sa bawat pintuan...

subalit ni isa ay walang nagpapasok, takot sa isang baliw na mananayaw.

ipokrita ang mga taga bayan, nais lang ay kaligayahan, sa hirap ay hindi ka na dadamayan...

hanggang makaramdam na kabuuang lungkot ang dalaga...

nakaramdam ng kawalan ng pag-asa.

oo nga at baliw siya, subalit hindi kailangan ng isip upang makadama ng pagmamahal.

nahiga na lamang ang dalaga sa gitna ng plaza, malamig, mahangin at nakamamatay.

malalaman mong siya ay umiiyak, bagamat hindi mo masasabi na mayroong luha dahil nahahaluan ito ng ulan.

bihira mong maririnig ang kanyang pagdaing, dahil sa malakas na hampas ng hangin.

datapwat isa lamang ang iyong matatanto, ang pagpanaw ng baliw ay malapit na...

dahan-dahan siyang pumikit, at nawalan ng hininga...

at naghari ang katahimikan sa kanya.

tingin mo, masakit kaya ang kanyang naging pamamaalam?

dumating ang bagong araw sa bayang walang pakialam.

ang mga tao sa kanilang tahanan ay nagsipaglabasan

at nagulat sila sa kanilang nasaksihan! sa may plaza doon nakahandusay ang isang dalaga...

sa una hindi nila akalaing iyon ang baliw na mananayaw,

dahil sa kinis ng kutis nito at sa ganda ng napakaputi niyang mukha...

nilinis ng mga ulan ang dalaga, at tumanyag ang kagandahan nito, mula sa labas patungo sa loob.

nanghinayang ang mga taga roon sa mananayaw, subalit sapat lamang iyon!

kahit kailan man, ay hindi nararapat sa kanila ang isang tulad niya.

siya na nagpasaya sa mga taga bayan na walang inaasahang kapalit.

siya na humingi ng tulong subalit walang nagbalik.

siya na pinaka mahusay sa pagsayaw

siya na pinaka maganda

siya na pinaka mabuti.

kinuha na siya ng kalangitan, na nagpapasalamat dahil pinaghandugan ng kanyang munting sayaw.

walang isip ang dalaga, subalit mayroon siyang puso, at sapat na iyon upang magmahal at mahalin.

nakakapanghinayang lamang, dahil sana, bago siya pumanaw, ay nakita mo muna kung gaano kagaling ang Mananayaw sa Ulan....

kuligma

si kuligma minsan ay emo.

nanunuod rin ng mga teleserye tulad mo, pero ikinakaila niya na nanunuod siya.


fhearl08's picture

Minsan...

Minsan, sa buhay ng tao, hindi natin alam kung saan tayo lulugar, minsan di natin alam na huli na pala ang lahat... Sabi nga ng karamihan sa atin na nasa huli na ang pagsisisi.

Aminin man natin o hindi, bakit karamihan sa atin na walang kapansanan ay takot makihalubilo sa mga taong may kapansanan? Ito ba ay dahil iba ang ikinikilos nila? O, dahil takot ang isang tao o ikinahihiya niya ang kanyang kapwa-tao? Normal lang ba sa isang tao ang magkaroon ng takot sa taong akala niya ay may dalang pinsala sa kanya? Lagi tayong nag-aalinlangan, bakit? Dala ba ito ng ating kahinaan sa sarili, o talagang iniisip mo lang na di mo type o dili kaya'y di mo siya kalevel? Pero tao din si "Baliw na Mananayaw?" na naghatid ng sa saya sa nakararami, papel lang ba talaga niya ang pasayahin ang kanyang kapwa-tao sa kabila ng panlalait sa kanyang pagkatao? Tulad halimbawa ng "Baliw kasi yan kaya ganyan yan, in fairness nakakatuwa siya diba? Siguro Dance Intructor yan, nasobrahan siguro?" ganito ba?  Pero hindi n'yo ba napapansin na ang may kapansanan ay kadalasang nagpapasaya sa karamihan? Sa palagay n'yo?

Para sa ating lahat... dapat din natin na baguhin ang ating mga pananaw tulad halimbawa sa ng kwentong ito...

Maraming salamat sayo Kuligma, sana ang kwento mong ito ay magsilbing aral sa lahat ng mga sumusubaybay sa kulom na ito.

 Keep up your good work and don't stop inspiring every  Filipino people. Sulat na lang tayo ng sulat.

Gudluck po!

 

kuligma's picture

salamat sayo  fhearl,

salamat sayo  fhearl, minsan kasi masyadong mapanghusga ang tao, parati nitong tinitingnan ang masamang butas sa kapwa niya. pero kapag naman yung kapwa niya e masaya, nakikihalubilo siya sa ligaya... sana lang may mamulat sa makakabasa ng story na ito... na maging pantay ang pagtingin ng bawat tao sa kanyang kapwa ano man ang kalagayan nito sa buhay...Laughing

dyeppri's picture

Hello po...

Hello po...

Poetry po ba ito o short story? naguluhan ako....salamat poCool

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

kuligma's picture

bale isa itong example ng

bale isa itong example ng prose poetry...

 

Prose poetry is a hybrid genre that demonstrates attributes of both prose and poetry.Laughing