ANG MANIKANG MINOLESTIYA

love's picture

 

Tao ako subalit ang turing ng iba sa akin ay isang manika na walang karapatang magsalita at mahina. Mayroong akong taglay na lakas ngunit unti-unting nilalamon ng maka-demonyo nilang pagnanasa. Mayroon akong angking ganda ngunit dinungisan, niyurakan, at binaboy!

Para sa kanila, ako’y nilikha lamang para sa pansariling kaligayahan. Pagkatapos nilang laruin at pagsawaan ay inihahagis na lamang sa isang tabi o kaya nama'y muling ikinakahon. Sa halip na kaawaan sa bawat hinagpis ko’t daing, pinili nilang maging bingi at sila'y nagbulag-bulagan.

Sa simula'y may pag-aalinlangan at pangamba sa puso ko, pero naisip ko, bakit ako matatakot? Kung kaya’t humugot ako ng lakas sa sinag ng araw mula sa bintana. Tumagos ang liwanag sa masikip na kahong aking kinalalagyan. Kasabay ng hanging patuloy sa pag-ihip, naramdaman kong muli ang pag-asa.

At dahil dito, ayoko nang manahimik pa. Babangon ako!, Babawiin ko ang dangal na ninakaw nila.Sapagkat ang luhang kong ito ay hindi luha ng isang laruan na walang pakiramdam, ang bawat pighati at tangis ko na ito ay hindi sa bagay na walang buhay. Ako'y tao! at hindi isang manika lamang...

 

Emosyon ng may akda:

Nagmula sa pagka-uhaw sa katarungan para sa kaawa-awang sinapit ng ilang kababaihang biktima ng pang-aabuso/panggagahasa.

 
Layunin ng akda:

Mabigyan ng pag-asa at lakas ng loob ang tulad nila na upang makamit ang hustisya.

 

Para sa mga biktima:

Ang sinag ng araw mula sa bintana (Diyos Ama sa langit) ang siyang magiging gabay ninyo sa laban na ito. At ang hangin (pamilya at kaibigan) na patuloy sa pag-ihip (pagsuporta) ang siya namang makakasabay ninyo sa paglalakbay..

Salamat po.

 

 

 

 

 

 

 


rom26factolerin's picture

maganda ang layunin

 

 

maganda ang layunin ng akda yun nga lang may kontradikson akong nakikita.

ang titulo na "ang MANIKANG minolestiya" at ang huling katagang "hindi ako isang MANIKA" ay tila nag-aaway. ano ba talaga siya? manika o di manika?

alam natin na simboliko lamang ang salitang MANIKA dito, at isang "powerful symbol" kung tutuusin.

Suhestiyon: maaaring mas palawigin pa ang huling statement na "HINDI AKO ISANG MANIKA" at mas lagyan ng karampatang emosyon para talagang maidiin na talagang hindi nga siya isang manika kundi tao--maaaring dagdagan ang damdamin na nauuukol sa isang tao para ma bigyang hustisya na tao nga siya.

maaaring sabihin na:  ang mga luhang ito ay hindi luha ng isang laruan, ang mga tangis na ito ay hindi sa isang bagay na walang buhay--ako'y tao! at hindi isang manika lamang...

suhestiyon lamang....

salamat 

 

 

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com

love's picture

salamat kuya rom sa suhestiyon

 

 

Salamat at nabigyan mo ako ng karagdagang kaalaman. Sige po at pag-uukulan ko ito ng panahon para baguhin.

Ang ibig ko nga sana masabi e ang tao ay hindi dapat ituring na isang manika pero para sa iba ay tulad lamang sila ng isang manika. Oo nga po medyo kumplikado at dapat pa talagang dagdagan. Salamat muli.

God bless kuya Rom.

jonsdmur's picture

Napakaganda ng iyong

Napakaganda ng iyong sanaysay. At kung ikaw ay manika sigurado napakagandang manika... talong talo si Barbie hiihhihihihi

Maganda ang ipinapahiwatig mo sa salaysay. Kadalasan nagiging abuso ang mga kalalakihan sa kahinaan ng mga babae. At minsan iniiwan nila na parang manika matapos paglaruan at pagsawaan ay basta na lang iniiwan o pinamimigay. Dapat minamahal ang mga babae at hindi parang isang manika na pinaglalaruan lamang.

Sana nga matapos na ang mga pangmumulesya sa mga kababaihan dahil hindi sila isang manika lamang.

Jons

 

Good job!

love's picture

jon slamat at na-appreciate mo ito

 

buti nlng barbie ung nabanggit mo ..akala ko'y chaka doll , kinabahan tuloy ako. At ikaw jons-ikaw ba si ken? hihi.

Seryoso, ang hirap talaga intindihin ng mga taong nanamantala sa mga babae. Matanong nga kita, sa palagay mo ano bang nagtutulak sa kanila bakit nagagawa ng mga pesteng rapist ang tulad nito?

 

GB

jonsdmur's picture

Wholesome ako kaya aayusin

Wholesome ako kaya aayusin ko ang sagot sa tanong mo ihihhihihi

Siguro nakakalimutan nila ang pananalig sa diyos. Kaya espirito ng demonyo ang umiiral... Kaya naiisip nila mga bagay na hindi dapat. Nawawala ang respeto nila sa mga kababaihan.

Uo nga eh... Iniisip ko nga isang barbie. Sana nga teddy bear na lang ako para lagi akong i-ha-hug....

"Mabuti pa ang teddy bear inaalagaan at niyayakap... mabuti sila... ako na tao walang yumayakap hihihihihihi" pwede na ba ito sa sanaysay? ihihihhihi

Sana nga matigil na ang ganitong pangyayari. At maging ligtas lahat ng mga kababaihan.

Gusto ko rin maging ken kaso mas gusto ko talaga teddy bear hihihihihi

Jons

love's picture

sabagay

 

 

Sang-ayon ako ,makakagawa lang talaga ng ganitong klaseng bagay(at iba pang klaseng krimen) ay yaong kulang at sa salat sa "pag-ibig sa Diyos".

 

Ok cge teddy ..salamat sa komento mo hihi.. 

jonsdmur's picture

Okie! Sana marami pa akong

Okie!

Sana marami pa akong mabasa mula sayo...

Keep on writing!

Jons

Melanie Quilla's picture

hello friendshipers!

Ang masasabi ko, nakakapanlambot kapag may nababalitaan akong rape issue. Ewan ko kung paano nadedemonyo ang mga guys para gawin iyon sa babae... at lalo namang hindi ko mawari na minsan kamag-anak pa ang nangre-rape at mas masaklap, kung sariling ama na ang gagawa noon sa kanyang anak... tsk, tsk!!!

one reason diyan, drugs... tapos, addiction sa "S"... wala eh, ang mundo talagang natin puno ng mali, tukso, demonyo... nasa sa atin na lang kung paano iiwas sa mga iyon...

minsan hindi mo rin masasabi na baka mababaw ang pananalig sa Diyos kaya nadedemonyo ang rapist... may nabalitaan ako dati, respetadong pari pero nang-rape pa din...

iyong estudyanteng handle ko sa peer conuseling noon sa school na pinasukan ko, naging victim siya ng rape. na-rape siya ng prof... hindi siya nakapag-sumbong dahil ang threat hindi siy makakagraduate kapag isinumbong niya si prof.... ang nangyari, 3x pa iyon na ulit...

 magandang post ito... keep it up ate, amisyah!! 

ingatski,

melay 

love's picture

hi Melay

 

 

Buti at napadaan ka.

Tinatakot upang 'wag magsumbong at kung minsan tatapatan nlng ng pera para 'wag nang magdemandahan pa..tlga nmn nakakagigil talaga.  

Sana maging mulat na nga yung iba.. at huwag matakot-ipaglaban nila.

 

Slamat sa komento melay..God bless.