Ang Mas Mahalaga: Isang Kuwentong Pag-ibig
Kailangang taon pa ang lumipas para malaman kong mula pa noon, hindi simpleng kaibigan ang turing niya sa akin. Pangit kasi ako. Kung anong paglalarawan ang binibigay ng teksbuk sa anyo ng mga ita, ay malapit sa hitsura ko. Pero hindi ako ita. At hindi ko sila kinukutya. Sabi nga ni Ginoong Francis na taga Assisi, "God, grant me the serenity to accept the things I cannot change," so ganun na nga ang nangyari.
Pero kahit tinanggap ko ang sarili, maraming pang-aalipusta ang inabot ko dahil ginawa ko ang makakaya para hindi maiba sa kanila. Yung bang, feeling ko, pretty din ako. Pambabastos, pang-aalipusta, at pangungutyang di kaya ng maski aso ang inabot ko.
Ganito ang nangyari sa aking pagkabata. Nagkaroon ng camping ang aming paaralan. Natural, may mga aktibidades na dapat salihan ng lahat. Puwes, ako, napasali sa beauty contest nang wala sa plano. Malamang aksidente lang yon, dahil walang grupo ang gustong matalo. Pinalitan ko lang ang isang babaeng maganda, si ___, dahil absent siya. So nung panahon na iyon may Ms. Universe sa Pilipinas, diba? At si Ms. Belgium ang ika nila'y pinakamaganda (pero ang nanalo ay si Sushmita). Sa madaling sabi, ako ang tatayong Ms. Belgium, at hindi Ms. Botswana. Sa campfire, hindi maikakaila na sa loob-loob nila'y hindi sila inuubo kundi tumatawa.
"Ms. Belgium daw o, ang kapal!" entrada ng isa.
Oo nga, pangit naman!" tirada rin ng isa.
Ginawa ko ang lahat upang masagip ang aking pangkat. Habang ako'y rumarampa sa dilim, pilit kong kinubli ang kalungkutan sa likod ng mga ngiti. Doon ko nalaman kung gaano kahirap ngumiti pag ika'y nasasaktan. Ang bigat ng kamay na kumakaway pag ang gusto'y sabunutan yung umabsent.
Matapos ang lahat (at siyempre natalo kami), ang ngiti ay napalitan ng maraming hikbi sa kadiliman ng gabi. Maging ang mga kasama ko sa tent ay hindi narinig iyon.
Nagdulot ito ng malalim na sugat sa aking buhay. Noon, tila ba hindi ko maintindihan kung bakit sa aming magkakapatid, ako ang kailangang maging pangit. Minsan, narinig ko si Mama na sinasabi sa isang tita:
"Hindi siya maganda, pero siya ang pinakamatalino sa aking mga anak."
Gulp. Hindi ako makalunok sa pagkaawa sa sarili ko noon. Masakit pag galing mismo sa iyong mahal na ina. Yun yung mga panahon na kinikilala mo pa lang ang sarili mo, kumakapa sa dilim sa tunay mong pagkatao, at mga panahong pinapangarap mo ang pagtingin ng iyong crush. Ang sakit na aking nadama ay nabubuhay pa rin pag hinuhusgahan ako dahil sa aking hitsura. Hindi ako nagtanim ng galit kay Mama, dahil katotohanan nga siguro ang sinabi niya. Tama si Mama, hindi ako pahuhuli pagdating sa isa, kaya't pangit man at magaling, nakakaraos din.
So ganun, akala ko wala nang magkakagusto sa akin. Akala ko ako lang ang makakatanggap sa akin.
Pero isang araw ang aking kaibigan sa trabaho ay yinaya akong mag-bowling. Nagkuwento si Pete at sinabi niya na gusto daw niya ang pag-uugali ko. Masipag daw ako, mature, at matalino. Hindi raw ako malandi gaya ng ibang babae at iyon daw ang nagustuhan niya sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi niya yun. Walang sinabi. Hinihintay niyang magsalita ako, pero wala akong nasabing nakapagpasaya sa kanya. Ano ba naman kasi ang dapat isipin ko?
Naisip ko: "Baka binibilog niya lang ang ulo ko." Ganun naman kasi ang mga lalaki, so, mahirap magtiwala.
Pero naulit at naulit pa ang aming pamamasyal, at mas naging malalim ang aming pagkakaibigan hanggang sa dumating ang panahon na nahulog na ang loob ko sa kanya. Pero naging matatag ako. Hindi ko pinakita ang damdamin ko. Maraming pagkakataon na tinatanong niya kung guwapo daw ba ang tingin ko sa kaniya. Tumatango lang ako.
"Oo na nga, guwapo ka." May hitsura kasi siya.
"Bakit di mo ako pinapansin?" sabi niya, at ako naman ay magbabanggit ng ibang paksa na sasakyan din naman niya. Sa isip ko: "Nagagandahan kaya siya sa akin kaya ako pinapansin?"
Sabi ng aking kaibigan:
"Pren, siya na ang ideal husband mo! Tanggap ka niya, buong pagkatao mo!"
"Sa tagal ng aking pagkukunwari, hindi ko na maiwanan ang pagpapanggap. So, kakainin ko rin sa bandang huli ang aking sinuka?" sabi ko.
"Ganun talaga sis. Mahal mo siya e. Ikaw rin, paano pag bigla siyang nawala?"
Kahit gaano kabait ang aking kaibigan, hindi maikakaila na gusto niyang dugtungan ng: "Ikaw rin, wala nang magkakagusto sa iyong gaya niya..."
Kaya't hindi nagtagal, matapos pag-isipan nang mas matagal pa ang sinabi at muntik nang sabihin ng aking kaibigan, ako, na puno ng pagdurusa hanggang sa nakilala ko siya, ay nangarap na magtapat na rin ng aking nararamdaman.
"O, my princess, kumain ka na ba?"
Wala akong imik. Paano ko kaya sasabihin? Hindi ako tumigil sa pagkukunwaring may ka-text, kaya, nang-asar pa siya:
"Am I handsome, princess?" sabi nito, gaya ng dati na parang sirang plaka. Nagtitinginan na ang mga tao sa paligid.
"Yes, sir, you are husband," ang sabi ko. Mali. Patay.
"Anong sabi mo?" sabi niya, na mukhang tuwang-tuwa habang umiinit na ang aking mukha.
"Ang sabi ko, "You're handsome! Bingi ka ba? Bakit ba tanong ka nang tanong?""
Katahimikan. Para bang bigla siyang nawala nang bahagya para makapagmuni-muni. Sa mga sandaling iyon, parang nasa taas ng aking ulo ang espada ni Damocles at sa anumang oras ay mahuhulog na pag nagkamali siya ng sasabihin.
"Dahil di yun mahalaga."
"Ha?"
"Di bale, alam ko na. Hayaan mo na yun. Kain na tayo," yaya niya sabay hila sa aking kamay.
Noon lang ang panahon na wala akong naisip, at wala akong nagawa. Naubusan na ako ng lakas para sa mga yon. Habang tangan niya ang aking kamay, para bang puso ko ang hawak niya.
Salamat, Bb. Pauline!
Isa po akong baguhan sa pagsusulat gamit ang wikang Pilipino, kaya't aaminin ko pong medyo hirap ako. Grabe, ganun pala kahalata! Hayaan niyo po't pagbubutihin ko pa sa mga susunod kong akda. Hindi niyo po alam kung gaano ako nabuhayan ng loob na linangin ang aking kaalaman sa ating wika. Salamat po, at mabuhay po kayo, Bb. Pauline!
Napakarami pong kuwento ang sa isip ko'y humihiyaw na mabigyan ng pagkakataong magkaroon ng buhay sa labas ng aking isipan. Isa po ito sa mga kuwentong iyon, at naisipan ko pong isulat ito sa wikang Pilipino. Salamat po at nagustuhan niyo ang kuwento, maging ang aral na nakasilid dito.
Muli, salamat po!
Damaris Semisueno Vera
Salamat sa iyong kwento...
Salamat sa iyong kwento... nakikita ko talaga na hilig mo ang pagsusulat... ipagpatuloy lang ang pagsulat at pagbasa at marami kang matututunan...
keep on writing jonsdmur
Salamat din po sa komento!
Marami pong salamat sa inyong pagbasa. Hilig ko po talaga ang pagsusulat at ngayon, gusto ko po itong paglaanan ng pansin. Nagawa ko rin! Hayaan niyo po't lalo ko pang pagbubutihin ang aking pagsusulat.
Salamat po.
Hanggang sa muli,
Damaris Semisueno Vera
oo nga, magsulat ka pa.
oo nga, magsulat ka pa. Maganda itong isinulat mo.. ayus na ayos.
Naramdaman ko ang emosyon.
grabe, mahirap talaga ang ganoong sitwasyon ano?
Pero kung ako ang tatanungin, wala naman sa kulay ang pagkatao. Talagang may mga makikitid lang ang utak. Parang naaalala ko nga 'yong sa Ms. Universe (yung maitim na nanalo?)kaya lang hindi ako nakapanood. May pasok siguro noon hehe.
Saka ang daming maitim na maganda diyan ah. Yung iba, artista, andyan din si Oprah. Abah, kahit ganoon ang kulay bilyones ang kita.
Sa mga ita naman, medyo naiinis nga rin ako kapag madalas pinagtatawanan ang lahi nila.
Mahirap nga minsan na itaas kahit paano ang sarili kasi nga may mga hudas na taong pinipilit kang ibaba! Kaya ang resulta, nagtatago ka sa ibang pagkatao.
Maganda talaga itong kwento. Sana makapagsulat ka pa.
<(='.'=)>
Salamat!
:) Ang saya-saya! Salamat at nagustuhan mo ang kuwento, Ms. Eloisa!
Tama ka dun. Hanggang hindi tayo nakapagpumiglas sa maka-kolonyal na pananaw at pag-iisip, sa tingin ko'y marami pang katulad niya ang huhusgahan at hindi bibigyan ng pagkakataon. Pero sana naipakita ko sa kuwentong ito ang aral ng pagsusumikap at paniniwala sa sariling kakayahan.
Salamat talaga sa pagbasa.
Hanggang sa muli...
Damaris Semisueno Vera
hello... isang magandang kwento ito...
hello damaris... nagustuhan ko talaga ang tema ng kwento mo... ako kasi nagdaan ako sa insecurity na yan.... pano kasi ate ko maganda, si bunsong kapatid gwapo...ako ngetpa... niloloko ko nga nanay ko noon. sabi ko, "nay, baka naman pinaglihi n'yo ako sa sama ng loob kaya hindi ako naging kagandahan..."
madalas din akong malait noong nasa grade school at high school ako... may kaklase nga ako na pinupulaan ako..kasi payat na nga ako ngetpa pa... minsan pinagtatawanan din ng mga lalaki... okay naman daw ang katawan, walang kwenta ang face... pero ang siste, mukha lang ba o pisikal na anyo ang importante? HINDI... Ilang din ako sa ibang guys lalo na kapag may itsura...at ma-ego... pero may mga kaibigan din naman akong lalaki na pinagtatanggol ako. siguro dun din nagsimula ang kababaan ng self-confidence ko...
maganda ang story mo...may values na nakapaloob sa story...
marami kang matututunan sa site na ito... kasi dito, may pagtutulungan talaga... dito rin ako natuto ng mga bagong kaalaman sa pagsusulat...
keep on writing... nice meeting you...
melay
Maraming Salamat!
Hello Ms. Melanie!
Salamat at nagustuhan mo ang aking kuwento! Marami dito ang hango sa tunay na buhay, kaya't masasabi kong totoong nangyayari ang mga kaganapan sa kuwentong ito. May mga pagkakataon talaga na feeling natin, ngetpa tayo pero naniniwala ako na sa huli, nakakahugot din tayo ng lakas mismo mula sa ating puso, at sa mga taong mahal tayo sa kabila ng ating mga kapintasan.
Alam kong marami talaga akong matututunan mula sa inyo, at natutuwa akong naibigan mo ang aking akda. Nabanggit kasi ni Bb. Pauline na kayo ni Eloisa ang guro niya pagdating sa pagsusulat sa Pilipino, at ang magustuhan niyo ang aking akda, wow, nakakatuwa.
Hanggang sa muli!
Damaris Semisueno Vera
naku naman!
si ate pauline talaga... baguhan din lang kami ni eloisa... hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin namin ang pagsusulat... kunbaga, "hilaw" pa rin kami pagdating sa technicals ng kwento... hindi naman kami "guro"... pag ganon kapatid, ibang level na yon!hehehe... ala pa kami sa ganong level... pare-pareho tayong unti-unting matututo dito... tulungan lang kumbaga... wag ng "Ms. melanie" ang itawag mo sa akin... natatawa ako eh... melay na lang kapatid ok na iyon... hehehe.
maganda talaga ang kwento mo dahil nakikita ito sa reyalidad... naka-relate ako ng husto...
sulat lang ng sulat...
melay
Damaris! Welcome
Alam mo naniwala talaga ako na pagkuwento mo ang isinulat mo hindi ka magkakamali. I like your story, medyo nakarelate ako ng konti.... kasi sinabihan din ako ng pangit noon, pero NGAYON....... sinasabihan pa rin!!Whahahah!! Joke lang. Medyo nakabawi na nung lumaki (sabi ko).
Medyo kulang lang sa iba pang detalye, parang medyo nabitin ako ng konti, pero ang kabuuan ay talagang maganda. Medyo natatawa tawa ako. WHahahha!! Lalo na kung sinasabihan kang pangit nung bata ka, kasi ang laki ng epekto nun sa isang indibidwal at dala dala yun hanggang sa paglaki.
Suggestion lang po: Medyo malaking factor mo ang title, mas maganda kung medyo catchy yung title at hindi mahaba.. bakit di mo subukan ang title na "Miss Belgium"
(Wala lang, baka gusto mong basahin yung kwento ko medyo tungkol din yun sa kapangitan..... MANDY ang title.)
Mahusay, ipagpatuloy mo lang.
Spike
Tenchu po!
Salamat at nagustuhan mo ang aking kuwento. Sa title, oo nga, medyo olats siguro yung title ko, pero yes, talagang catchy yung ms. belgium. hayaan ko na muna siyang ganyan, tanda ng una kong kuwento, at mga aral na kasama dito.
salamat talaga at naaliw ko kayo. pangit man ang bida, naging maganda naman ang pagtanggap sa kanya.
Salamat. :)
Damaris Semisueno Vera
Naka-relate ako!
Ayos ang kwento mo, naka-relate ako ah...
Salamat!
Salamat at nagustuhan po ninyo.
Hanggang sa muli!
Damaris Semisueno Vera
Hi
Wow, astig galing mo po magsalarawan ng mga pangyayari. Simple pero magada ang dating at madali para maisalarawan sa isip ng ngbabasa. Baguhan lang din po ako dito at nagnanais na makagawa ng isang kwento na mahangaan ng mga datihan ng myembro. Nagbabalak naman po akong sumulat ng isang kwento tungkol sa buhay ng aking kaibigan medyo mahirap kasi nangangapa lang ako sa istorya ng buhay nya.Saka humahanap pa ko ng mga idea kung paano ang pagsulat at kung ano ang mga dapat iwasan. wa ako masabe sa istorya ng kwento mo lalo na dun sa part na narining mo ung sinabi sayo ng nanay mo na sa inyong magkakapatid ay ikawa lang ang hindi maganda pero matalino.Hahahahahahah..natawa naman ako sa naging pakiramdam mo nun..peace..
sige po gang dito na lang..
God Bless..
Best thing sa career mo dito sa filipino writer..
mart
oi mart, mag-post ka dito
oi mart, mag-post ka dito para makilala ka din!
Damaris, ei, 'wag mo na lang lagyan ng Ms. YUng eloisa. Natatawa ako! hehe. Hindi bagay.
Naku, totoo yung sinabi ni Ate melai. Nandito talaga kami at nagkakalat sa site para matuto din. Grabe naman yung "guro" hehe. To the highest level na yon.
Maganda talaga yung kwento. Mag-post ka pa ng marami (whehe nag-demand?)
Salamat Eloisa!
Sige, alisin na ang Ms. hehehe.
Medyo limited lang ang oras ko sa computer, pero sige, abangan ang susunod! Hehehe.
Ingat. :)
Damaris Semisueno Vera
Oo nga
Ok po, sana lang matapos ko ang kwento na ginagawa ko..bale nag post na ko ng unang part ng kwento ko kaso medyo nawalan ako ng tiwala sa sarili ko e kaya parang walang gana ang isip ko na ipagpatuloy ung kwento...pero ok lang po ako still willing pa rin na matapos un..pakibasa na lang po ung pinost ko na kwento title "ang katotohanan tungo sa kaligtasa" kinumentuhan po yan ni pareng dyeprri isa na po dun maling title ung napili ko..pero balak kong paltan yun ng title "Ang panaginip ni Manuel" tingin mo angkop na kaya un para maakit ko ang mga reader na basahin un..?mahalaga kasi para sa akin na mabasa ng marami ang kwento na yun at kung anong panaginip yun na napanaginipan ni manuel..pakibasa na lang po tapos hingi po ako ng iba pang komento para magawan ko ng pagbabago..
Salamat
mart
Hello Mart!
Salamat sa komento mo. Habang tayo'y nabubuhay, marami tayong maaring paghugutan ng kung anu-anong sangkap para makagawa tayo ng istorya. Sa tingin ko yan ang dapat natin linangin - buksan ang isipan at sa bawat kuwento, maging sinsero. Gusto ko yung mga kuwentong kapupulutan ng aral. Ikaw?
Sana mahanapan mo yung inspirasyon na kailangan mo para magawa ang kuwento na nasa isip mo. At dito, marami kang matututunan, gaya ko, dami kong naging inspirasyon dito at nahikayat akong magsulat.
Hayaan mo't lalo ko pang pagbubutihin ang pagsusulat. Sana magpost ka rin para babasahin ng mga friends dito.
Bye.
Damaris Semisueno Vera
Ganon Ba? Sige. mag-aabang
Ganon Ba? Sige. mag-aabang na lang ako 
"marami tayong maaring paghugutan ng kung anu-anong sangkap para makagawa tayo ng istorya."- naks, talagang sangkap eh. Magluluto tayo! hehe.. pero totoo yung sinabi mo damaris.
Madami din ako ditong nahuhugutan ng inspirasyon kaya ginaganahan akong magsulat.
Ang problema lang ngayon, ang dami kong requirements sa school. Minsan mahirap pagsabayin ang pagsusulat sa pag-aaral kasi siyempre kailangan i-prioritize yung huli. Mursing student nga pala ako. (Nag-kwento? hehe)
Kaya hanggang ngayon nakokontento muna ako sa pa-comment-comment. hehe...
Yung pagsusulat, na-aaply ko lang siya ngayon sa ginagawa naming nobela ni Ate Melai. (writing partner ko) hehe.
<(='.'=)>
Helo!
Oo, mahilig rin pala akong magluto. Hehehe.
I hope maging maganda ang collaboration niyong dalawa at makagawa kayo ng obra maestra. Ako rin, gusto kong makagawa ng obra na babasahin sa mga campus. Tula, o kuwento, hehehe.
Sige.
Damaris Vera
Luto ba kamo? Ako hanggang
Luto ba kamo? Ako hanggang kain lang! Hehe...
naks, salamat ng marami. Sa ngayon may isa na kaming nagawa. Grabe, halos lumuha kami ng dugo bago matapos ang nobelang yun.
Kung gusto mo malaman life story namin at kung paano kami nakabuo ng kasalan dahil sa pagsusulat namin, basahin mo to: "Dahil ba gusto kong maging writer?" sinulat ni Melanie quilla.
Cgeh.
<(='.'=)>
wow... may promotion na
wow... may promotion na heheheh......
Excited na akong pumunta ng bookstore at makabili ng books ninyo ni melay..... papa autograph talaga ako with picture pa....
jonsdmur
Hindi na mapipigilan ito
Humanda kayo J.K Rowling at Bob Ong heto na ang makakatapat nyo si Eloi at Melay. Sana maging HIT ito, hayaan mo paguwi ko sa pilipinas bibili ako ng mga 100 copies tapos ipamimigay ko sa mga kaibigan ko. (teka magkano ba ang isa).
Nice nakakatuwa naman, basta kung sumikat kayo wag nyo akong kakalimutan!!!
Ingat at GOODLUCK sa book launch
Spike
parang ako ang naeexcite sa
parang ako ang naeexcite sa book lunch na yan... grabe.... lalo kayong sisikat niyan... Eloi baka naman mamaya sayo lang nakapangalan ang books at wala name ni melai.... heheheh joke.... abangan mo na lang ang part 2 ng la traidora.... kakaibang love tim mangyayari sa yo doon...
Napansin ko pic nyo ni Eloi pareng spike parang bagay kayo..... bagay kayong magkuya heheheh joke........jonsdmur
Nawawalang kuya ko si Kuya
Nawawalang kuya ko si Kuya Spike sa la traidora? hehe.. ayos.
Yown! Haha! 100 copies.
Yown! Haha!
100 copies. Kuya, igagawa na kita ng banner! Wuuu!
hehe.
Baka maubos ang kaban mo nyan 
maraming dollars yan... baka
maraming dollars yan... baka pakyawin niya lahat ng libro niyo sa bookstore...
Malay nyo magkita kayo sa personal...
Ang ganda ng kwentong ito.... Ang mas mahalaga..... jonsdmur
ngek! Baka madamay ka lang
ngek! Baka madamay ka lang sa pagbabatuhan namin ng libro sa bookstore? haha!
Autograph? Haha! Hahaha!!!
kami nalang ni pareng spike
kami nalang ni pareng spike ang referee.... dapat ihanda mo na speech mo sa darating na book lunch... jonsdmur
ganon? hehe.. hay!!
ganon? hehe..
hay!! kasalukuyan akong naggagawa ng research ngayon. hehe.. takas online na naman ako..
To Damaris: Yow! Ayos yung picture mo, ang cute.. killer smile!
Isang kaibigang makulit...
Isa siya sa mga naging kaibigan ko sa aking pamamasyal sa ibat-ibang lugar. Makulit siyang bata at kung ituring ako'y hindi guro kundi kabarkada at lagi akong inaayang maglaro.
Na-miss ko tuloy ang kakulitan niya. Hehehe. At sa tingin ko, sa ngayon, tumubo na ang mga ngipin niya.
Damaris
Kaya pala mukhang makulit!
Kaya pala mukhang makulit! hehe!
masaya nga ang may ganyan kakulit na kaibigan.
ANong nilalaro niyo?
Namnamasyal ;a sa iba't-ibang lugar? Ayos yan ah.
<(='.'=)>
:)
Wla lang, inaasar niya ako lagi at pinagtatawan ang pangalan ko na parang hindi pa siya nakarinig nang ganun. Makulit talaga dahil bunso siya at nag-iisang babae sa 4 na magkakapatid.
:)
talagang makulit nga kapag
talagang makulit nga kapag nasa ganyang edad. Ako nga eh, noong maliit pa ako (teka, hindi naman ako tumangkad eh), dahil curious ako noon kung anong magiging hitsura ko kapag may crayon sa ilong, nagbalat ako nung kulay dilaw na krayola tapos isinaksak ko sa butas ng ilong.
Nung makita kong pangit ang may crayon sa butas ng ilong, pinilit ko yun tanggalin eh kaya lang ayaw maalis. Kaya hayun, umiyak na lang ako ng umiyak. Tapos, pinuntahan ako ng katulong namin kasi nagngangangawa ako sa kwarto ( dati may katulong kami pero ngayon wala na).
Pinagalitan niya ako tapos kumuha siya ng tyane (yung pang bunot sa kilay). Hinila niya yung crayon. Natanggal naman yun kaya lang siyempre iyak pa rin ako ng iyak.
Curiosity ng mga bata.
<(='.'=)>
nakakatuwa naman ang
nakakatuwa naman ang story... ikaw makulit? halata nga heheheh.... uy... di ka raw tahimik sabi ni labs mo.... heheheh isang pagpapanggap lang daw ang lahat.... ikaw tatahimik heheheheh pag tulog....
Hoipe ur okie... Gusto ko na kayo makita para sa live autograph.....
Ilang beses ko nang inulit ang kwentong ito.... ang ganda kasi....
maniwala kayong lahat!!!
maniwala kayong lahat!!! tahimik ako!
Demure! Ahihihi!
Hindi lang halata, sa kilos, sa isip, at sa gawa!
Ayos lang naman ako,
Nyahaha! Live? Whahaha!
Magandatalaga itong kwento ni Damaris!
Oo nga e
Oo nga po sana mahanapan ko...Hindi ko rin kasi maintindihan sa sarli ko, di ko alam bakit hirap akong makakuha ng mood para matapos yun..?Tingin mo may iniisip ba ako kaya hindi ako makagawa pa..?salamat din po sa panghihikayat...
Si Jollibee ba ang katabi mo? :)
Ang pinakamahirap daw talaga ay ang magsimula, pero pag sinimulan mo na, tuloy-tuloy na yun!
Good luck! Nawa'y masimulan mo na ito...
Hanggang sa muli,
Damaris
opo
ehehehehhe...walang ibang gustong tumabi sakin e..hahahaha..d na-corner ko c jobee last christmas kaya un picture picture muna..
Sige po hanggang sa muli
mart
pasingit mga kapatid ha...
anu ba yan??? natulog lang ako kung ano na ang mga nangyari ha...
to damaris, basta sulat lang ng sulat...kapag nasa puso mo ang pangarap maging manunulat eh hindi ka mabibigo... (naks! ako ba ito????)
to mart, may entry ka na kapatid???? helow.
to eloisa cute... natuto ka ng mag-promote ha... yan ang natutunan kay kuya solmeyt! hehehe...
kuya spike! wuuu! 100 books?!!! sabi mo yan ha. hehehe... pag-uwi mo, sasalubungin ka namin sa airport... magdadala kami ng malaking tarpaulin, nakalagay welcome kuya spike tapos may starstruck pic mo pa... hehehe... masaya iyon! si kuya solmeyt ang bahala sa designs... hahaha...
at kay damaris ulit.... if ever you need help andito lang naman kami. pakalat-kalat lang... sana may matutunan ka sa aming lahat....
melay
meron na po
meron na po..kso nakalimutan ko po kung anong tawag dun sa ginawa ko..bsta title po ni "Ang Panaginip ni Manuel"..paki na lang po..need ko po ng comments..comment sa di ko alm kukng para saan..cenxa na po mejo magulo utak ko ngayun...yngat na po kau lahat...
mart
Isang kwentong pag-ibig
hi DaMARIS OK ANG KWENTO M ngustuhan ko tlga.
Helo Manilyn!
Salamat at nagustuhan mo. Nung bata ako, idol ko si Manilyn Reynes. Trivia lang.
Hanggang sa muli,
Damaris Semisueno Vera
Same pala tayo... noong bata
Same pala tayo... noong bata rin ako idol ko din si mane... at saka si Tine eheheheheh...jonsdmur
ms. damaris
ms. damaris ang ganda naman po ng pangalan nyo kakaiba sya nag-iisip po ako kung ano po ang kahulugan ang pangalan nyo at kung anong salita po ito nagmula pero hindi nyo na po kailangan sagutin kung masyado pong personal ang tanong ko.
Nagandahan din po ako sa kwento nyo, yan din po ang tanong ko palagi sa isip ko kung bakit ganun na lang ang pagpapahalaga ng ibang tao sa panlabas na anyo, minsan ikaw bilang tao ay nahuhusgahan dahil dito. Para sa akin mas mahalaga kung ano ang nasa kalooban ng isang tao. Salamat po sa kwento.
Salamat!
Lubhang mahalaga ang kalooban ng tao, totoo yan. Hindi ito kukupas, at hindi ito mananakaw ninuman, bagkus, nakapagbibigay ito ng liwanag sa karimlan kung nasaan tayo ngayon...
Nga pala, ang Damaris ay hango sa Bibliya, at ang Vera naman ay isang pangalang Latin na pambabae at ang ibig sabihin nito ay 'katotohanan'. Hango ang D.V. sa initials ng aking nanay nung siya ay dalaga pa. :)
O siya, hanggang sa muli.
Mabuhay ka.
Damaris Semisueno Vera
Pareng Jonsdmur!
Akalain mo...
Aba, oo naman! Umiyak nga ako nung mawala yung loveteam nila ni Janno dahil ikakasal na si Janno kay Bing, hahaha. Ginagaya ko si Mane nun eh, hehehe you know, pati buhok at pagkanta niya ng "Sayang na sayang lang ang pag-ibig ko..." hehehe.
Si Tina Paner ba ang Tine? Hindi ko siya masyadong nagustuhan nun, hehehe. For Ever Manilyn ako nung bata ako.
Ibangon natin ang fans club ni Mane, ano sa tingin mo? hehehe
Hanggang sa muli,
Damaris
yup Tina Paner pala.. wrong
yup Tina Paner pala.. wrong type ako ng name... tina dapat... idol ko si Tina dati... at si manilyn.. bata pa lang me hilig ko na manood ng pelikula nila... halos lahat ng movies nila na watch ko yata... feel na feel ko at ingat ka mahal kita ang paborito kong kanta...
ang ganda nung lyrics ng ingat ka mahal kita....
Hmmm...
Oo, napanood ko na ata lahat ng pelikula nila, pati yung mga replay sa TV, hehehe.
Hindi ko ata maalala yung kantang yun ah... teka, kay Mane ba yun o Tina Paner?
heheh.. kay mane ung kanya..
heheh.. kay mane ung kanya.. ung feel na feel ko naging movie din nila ni rene requestas...... natutuwa ako kapag nakikita ko si mane sa channel 7.... kahit di na siya ganun ka sikat.. hanga pa rin ako sa kanya... jonsdmur









Hi Damaris, bago ka dito
Hi Damaris, bago ka dito ano? bago ka din sa paggamit ng tagalog sa isang akda ano? medyo halata eh pero wag kang mag-alala madali namang pag-aralan yan ako ay hindi magaling pero nagpipilit pa din ganun naman talaga pag gusto mo ang isang bagay na ginagawa mo humahanap ka ng mga paraan para mapagbutihan ito at mapaunlad. Dito din ako ako nahihirapan alam mo, sa paghahalo ng English at Filipino kaya ngayon bago ako ulit sumubok ay nag-aaral ulit ako. Maraming makakatulong sa iyo dito isa na si Melanie at Eloisa na madalas ko ngayon pagtanungan. Maganda ang tema at konsepto ng kwento mo nagustuhan ko dahil may aral tungkol sa pagtanggap sa sarili at pagpapatuloy sa buhay at pangarap kahit madaming pagsubok at sa huli talagang pinagpapala ang mga taong nakapagtiis at nakapagsumikap sa buhay. Patuloy ka lang sumulat Damaris at salamat sa pagbabahagi mo ng isang kwento.