Ang masakit na katotohanan...
Alay ko itong post na ito para kay Lyds, Keira, Amos at Spike:
Nasali ako sa thread ng usapang “babaeng suplada” (posted by Lyds) at yung NASA ATIN ITO (ang irony ng buhay Pilipino) by Spike.
Napuno ang inbox ko nang dahil sa thread na ito, hindi sa ako’y nagrereklamo, datapwat ako’y me natutunan kahit paano. Kaya salamat sa mga naki join din sa thread. Gusto ko lang i share ang aking kwentong kartero. Hindi ito Fiction, pero wala akong gustong patamaan. Kaya bato-bato sa langit, ang mag react ay pangit...(joke)
One week palang akong member dito sa FW, pero marami-rami narin akong natututunan sa mga matatabil na dila, pero artikuladong kababayan ko. Marami akong na eenjoy na kwento, gaya ng mga kwento ni Luca at mga papa nyang nagsisimula sa letrang J, mga ka bonfire ni Francheska, habang nginuya ang mga paborito nyang member ng FW. Mga kwento ni Sofia, habang nagbabantay ng me sakit. Mga tula nila Journeyman, Galatea at Rhea.
Maraming magagaling, at napakarami kung iisa-isahin ko silang babanggitin. Ako ay nagmimistulang, mediocre kumpara sa lahat, pero ang akin naman ay “stress reliever” lamang, kaya ako naririto, hindi ko pinangarap na ma Publish ang mga akda ko. (Pwamis) Kung inyong napuna, ako ay madalas magpa kwela sa mga komento ko, nang dahil sa ayokong seryusohin ang buhay. Hindi dahil sa ako ay utak gurami, (slight) at hindi nakakasakay sa mga kwento niyo, pero gusto ko lang dagdagan ng asin at paminta.
Bakit masakit na katotohanan ang titulo (baka malito na naman si Francheska sa title ko)
Kasi marami sa atin ang indenial sa atin sa totoong buhay, aminin man natin o hindi, Minsan nakakapag react tayo sa mga batayan, hindi dahil sa gusto nating pangalandakan ang atin opinion, kundi dahil narin sa tinatamaan tayo. Sa naging reaksion ni Kapatid na Keira sa tula ni Lyds, at na quote pa syang bigla, in the end inamin ni Lyds na me insecurities daw naman pala sya sa buhay, dahil sa hindi sya pinagpala sa kagandahan tulad ni Keira.
Ang katotohanan naman kasi talaga, ke aminin man natin o hindi, importante parin ang panlabas na anyo, tayo ay unang na aatract sa mga magaganda at gwapo, bago natin i-i scan ang panloob nilang anyo. Gaya sa mga parties or gatherings.
“Ay ang ganda nun pre! Tara makipagkilala tayo! “ o kaya
“ Syet! Mare Q5 yung isa dun” tara magpa cute tayo”
Pero hindi natin pinupuna yung mga nakaupo na dabyana, mga chaka, or hindi artistahin ang dating, pero siempre kung mabibigyan lamang sila ng tamang panahon na kilalanin, at mapupuna ang kagandahang asal ng mga hindi pinagpalang kagandahan o mala adonis na kalalakihan, siguro mahuhulog ang loob natin sa kanila. Pero pano kung nasa “speed dater” ka at tig 2 minutes lang ang chances mong makausap sila, siempre i ti tick nating una yung mga pasado ang panlabas na anyo.
Unless me kababata ka na bata palang kayo, kilala niyo na ang isat-isa, kahit na mala Zoraida at Pokwang pa ang dating, tanggap mo na sya, dahil alam mong maganda ang asal niya.
“Maraming insecurities ang mga babae sa katawan, kaipokritahan ang sabihin nating mga babae na hindi tayo insecure.” (tama si Keira doon)
Ako noong kabataan ko, insecure akong tao, dahil Ugly duckling din ako noon, tapos di pa kami mayaman, laging me tanong akong BAKIT? Like - bakit si ganito yung mga notebook nya, sanrio, or sterling, ako mga artista ang mga notebooks ko, kundi si Manilyn Reynes, si Maricel Soriano ang cover, pero buti nalang, di ako binili ng Vilma at Norang notebooks ng nanay ko.
"Bakit sila, mga “Gregg shoes ang gamit, ako cumfu shoes lang” Bakit sila, yung mga crayola me pantasa pa, ako yung putul-putol na galing sa kuya ko ang gamit ko? Bakit sila laging teacher’s pet, dahil ba silay laging me na do donate sa Schools ang mga parents nila, kaya ako eh, hanggang row 4 na lang.
E di naman sila ganong matalino, pero nasa honoroll sila, hmmmp, dahil ba mayor ang tatay? Kapag kasi bata ka, importante yung mga bagay nayun kasi gusto natin sunod tayo sa uso. Gusto natin, kasama tayo sa mga apat na sikat sa School. Gusto natin Levis ang jeans, at K-swiss ang shoes, Kasama yun sa pagiging immature natin sa buhay (Sabi nga ni Amos) Kasi di pa natin alam kung ano ba talaga ang pinaka importante sa buhay.
Isa pang masakit na katotohanan, lahat tayo me kahanginan sa utak, ayaw nating nagpapatalo minsan, kahit ba maglabasan na yang mga mabibigat na salitang banyaga na galing sa Collins/Webster/Oxford dictionary, dagdagan pa ng Latin, French at kung ano-ano pa. Hindi dahil sa nagyayabang tayo, kundi gusto nating patunayan na me sapat tayong knowledge sa mga pinaglalaban natin.
MAPANGHUSGA! Yan pa ang sakit na katotohanan, deep inside us, nanghuhusga tayo ng kapwa natin, kung mataas ang pinag-aralan mo, hindi ka manliligaw ng mababa sa yo, nang walang pinag-aralan,kung mayaman ka hindi ka manliligaw ng mahirap o dukha. Dahil hindi sya tatanggapin ng pamilya mo. Yan ang masakit na katotohanan, at wag mong sabihin na ikaw na Lasalista, Atenista, UP Graduate, papatol sa isang pokpok sa Ermita , katulong sa probinsya or tricycle driver lamang. Hindi natin napupuna na gano man sila kabait at kapagmahal tao din sila, pero galing sa mahirap na pamilya.
PAANO mo masasabing ikaw ay tunay na Pilipino? Kung ikaw ay naninirahan sa ibang bansa, me pinagmamalaking British passport or Green card? Kung tunay kang Pinoy, kaya mo bang i give up yang Foreign nationality mo? Gaya ni Jim Paredes?
Ang sagot ko? HINDI!!!! Hindi ko kinahihiya ang pagiging pinoy ko sa isip, sa salita at sa gawa. Pero mas marami akong natutulungan na kabayan sa pagiging British Citizen ko, marami akong na isponsoran na mga kabayan na malapit nang ma expire ang visa. Kung pinoy ako, di ko sila pwedeng isponsorin. Marami akong charities na sinosoportahan, kung sakaling me magtanong kung ano ba ang naitutulong ko sa bansang sinilangan ko?
Bakit ba ang hilig nating mamili ng mga imported goods? Imbes na suportahan ang mga brand ng Pinoy? Hmmmnnn, ako dito lagi ako sa Pinoy Supermarket, kahit ginto ang mga presyo ng Payless, Maling, Century tuna, 555 sardines at kung ano-ano pa. Eh yung mga nasa Pinas, bakit ba ang hilig nila sa mga Statesides na bagay? O yung mga galing sa UK (hindi yung sa Ukay UKay.) Sakit na nating mga Pinoy yan, kumbakit si Francheska, laging Pringles ang kinakain at hindi Boy Bawang? (Sorry Fran, lagi kang extra sa Lola mo, hehe)
Bakit si Maria, mahilig sa Gucci? Si Petra puro chanel pa ang make-up, bakit di nalang mag eskinol or chinchunzu? Lahat napupuna natin iyon sa ating kababayan na me pagka colonial mentality, parang yung mga artista nating mga ipokrita, puro signature ang mga suot, Bakit ba? Kasi takot tayong ma discriminate, kaya minsan nag aastang high breed tayo.
Ang tanong-Ikaw ba mahilig sa produktong Pinoy? Eh karamihan sa atin, mahilig din manood ng English Movies, like Angels and Demons at kung ano-ano pa. Makikita mo sa mga pictures ng kabataan sa mga Friendster, puro Twilight books ang mga binabasa? Ilan ba sa inyo ang nagbabasa ng tagalog pocketbooks? Me nagbabasa parin bang Komiks sa atin? O Puro Dan Brown, JK Rowling, Sidney Sheldon, Tolkien, John Grisham at kung sino-sino pang mga foreign authors ang mga binabanggit natin. Sa mga estudyante ano bang kadalasan ang bitbit nilang libro? Puro foreign books din naman. Kapag tinanong kung anong paborito nilang pelikula, puro English Films ang isasagot, madalang lang ang sasagot na tagalog films, kasi feeling natin ewww, it’s so baduy. Kapag tinanong rin kung sino ang paboritong artista, mga foreign actors din ang babanggitin, wala na yung mga Noranians, Vilmanians, Sharonians, lahat Angelinians na or Bradians.
Mahilig din tayong manood ng mga English sitcom, Ako aminado ako na mahilig ako sa mga English films, dahil minsan naiinis ako sa mga remake ng tagalog, parang walang originality na. Kinokopya ang mga English films, pero nanonood rin naman ako ng mga tagalog dvd, kahit me kamahalan sila dito. Kahit na o OA yan ako kay KC Concepcion, at Imbes na OK magazine, nagbibilin parin ako ng mga YES mag satin.
BABALIK paba ako sa PINAS para manirahan doon? Hindi ko pa alam. At the moment, wala sa plano ko. Dito, mataas ang binabayaran naming ng buwis, pero pag nag ka cancer ka, libre lang chemo, operasyon, libre mg pa brace ng ngipin pag under 16 kapa, libre ang dialysis. Galing ako sa mahirap na pamilya, at nakita ko kung pano namatay ang ate kong me cervical cancer, dahil sa hindi naming afford ang pang chemo nya noong bata pa ako, Kinakagat nya ang nagdurugo nyang labi, dahil sa sakit na nararamdaman, pero wala kaming magawa, dahil nanghihingi ng malaking deposito ang mga Hospital bago sya i admit, e wala kami nun. Namatay at the age of 40. Nung mamatay din ang ate ko sa sakit na bato, dahil wala din pang dialysis, ayun namatay at the age of 42. Yung Kuya ko na me prostate cancer, inatake sa puso, dahil na depress sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga ate ko. Lahat sila namatay in their 40’s. Yung dalawa kong kapatid, 2 days lang ang pagitan, kaya ang nanay ko, di makayanan, sumunod din sa kanila after 1 yr.
Money talks you know.. remember the Golden rule? If you have the gold you can rule the world. .Yan ang isa pang masakit na katotohanan, mas dyino dyosa ng mamamayan ang me pera kesa sa me diploma. Gaya nung kabataan ko, mas nilang pini phrase yung kapitbahay naming Japayuki na nakapag patayo ng mansion at me limang kotche na nakapark sa malaking bakuran, kesa doon sa nagtapos ng Nursing pero walang trabaho. Ako hindi ako nakatapos sa atin, dahil noong namatay ang tatay ko, bagsak na ang business namin, sa sobrang bait kasi ng nanay ko, pinautang ang mga pera namin sa ibang kamag-anakan, pero nilista lang naman lahat iyon sa tubig.
Noong nabubuhay ang Daddy ko, kilala kami sa lugar namin, pero nang mamatay sya at bumagsak ang negosyo, yung mga kamag anakan naming dati rati lumalapit sa amin para humingi ng tulong, ni halos hindi na kami imbitahin sa mga engrande nilang kasal or kaarawan, nang dahil ba sa mahirap na kame? Hindi ko natapos ang kurso ko sa Baguio, dahil 1st yr high school ako nang mamatay ang Dad ko. Kaya di na umabot mga iniwan nyang pera pang college namin. Ang hirap mag apply ng trabahong walang hawak ng diploma, reject din sa mga food chain, dahil hindi umabot ng 5’2 ang height ko, pero pinagsikapan kong makipag sapalaran sa ibang bansa, sumali sa mga Banda, kahit boses ipis ako.
Sa awa ng Josh- Nakapag abroad ako at tumugtog sa Claridge Hotel sa Dubai. Na destino sa Oman at Bahrain pero nang dahil sa alam kong wala akong magiging future sa Banda, lalo na pag kumulubot na mukha ko, bababa na ang market value ko, kumbaga sa sasakyan yung depreciation naming mga babae, matinding bumaba, unless na ikaw ay isang Aston martin or Lamborghini, the more na nagiging antik ka, mahal presyo mo, pero hindi yun ang katotohanan sa mga society natin. Pag pangit ka na at matanda, reject ka na kung ang karera mo ay sa Entertainment. kaya ang Plan B ko noon, makapag asawa ng foreigner na mayaman kahit na Octogenerian na sya. Atleast madaling mamatay, pero hindi kinaya ng sikmura ko ang pumatol sa mga Stone age. Kaya nagdasal nalang ako ng limang misteryo, na makatagpo nang kahit mala George Clooney nalang na guy.
Wala akong hawak na diploma kaya dapat abilidad nalang ang gamitin ko. Hindi ko pinangarap na mabulok sa Pinas, na kung yung iba nga na me pinag-aralan hirap silang makahanap ng trabaho ako pa kaya? Pinasok ko na ang pag we waitress sa mga tur squared (Turo-turo) mag turo ng mga sayaw sa mga Schools, at mag drawing-drawing sa mga mababang paaralan sa amin at gumawa ng mga Book reports ng mga estudyanteng burgis, basta ba me bayad.
Wag mong sabihin na wala kang oras na magpaganda, kung gugustuhin me oras tayo, eh kung nakakagawa tayo ng nobela dito ano ba naman yung magpunas ng konting cream at mag-ayos ng sarili, hindi naman vanity yun. Kesa maging mouse potato all day na tulad ko, bat di nalang mag lakad sa labas nang mabawasan ang kabilbilan?
Meron akong na i post na blog sa FS ko, ang sabi ko, I think I am Agnostic. Ang daming nagkomento doon, OO laking Katoliko ako, nag-aral sa Catholic Schools, minemorya ang 15 misteries, 8 beatitudes at 10 commandments, pero masakit na katotohanan, maraming ipokritang mga Catholico, na kunwari Katoliko ngang nasabi, pero wag ka, wala nang kwenta ang pagka birhen nila, everyone is practicing pre-marital sex, magsisimba man sila, yung mga celfone di man lang i off, txt ng txt sa loob ng church. DO I still go to church here? NO! Not anymore.
Naniniwala ba akong me Diyos? Hindi ko alam. Naguguluhan lang ng konti. Pero wag mo akong husgahan kung sabihin komang Agnostic ako. Sa buong buhay ko naka isang lalaki pa lamang ako, yun ang lalaking pinakasalan ko. Hindi ko rin minamata yung mga taong maraming syota, or maraming karanasan, buhay nila yun. Hindi ako nang-aagaw ng asawa, hindi ako pumapatay ng tao- hindi ako nananakit ng kapwa ko, hindi ko ninanakawan ang bansa ko. Kailangan kobang sabihin na Kristyano ako, para matanggap ng mamamayan?
Noong napunta ako sa Rome, at nakapasok sa St. Peter’s Cathedral, nakita ko yung mga priceless na mga diamante, ginto, jewels etc. Kung tutuusin, kahit isang kilo ng mga diamante doon, pwede nang pambili ng pag-kain sa mga mahihirap, pwede na sanang pambili ng milyon-milyon na kulambo sa Africa para mabawasan man lang ang mga namamatay sa sakit na malaria.
Sabi nga ni Spike, kailangan tulungan mo ang sarili mo, at huwag umasa sa Gobyerno. Me mga taong dapat tulungan, at me mga taong tamad na dapat din dedmahin nalang. Marami akong pagkakamali sa buhay, pero pinipilit kong itama ang mga iyon, habang ako ay nabubuhay, ayokong manisi ng ibang tao, dahil one way or the other me natutunan din ako kahit pano sa mga taong nanakit ng damdamin ko. Hindi ko na sila kailangan isalang sa bonfire, na gaya ng suggestion ni NoelAblon.
Lahat tayo me karapatan dito sa mundo, ke mayaman ka, mahirap, maganda, pangit, dahil lahat tayo ay tumatae ng mabaho. (sasabihin ko sana na lahat tayo, kumakain ng kanin, e kaso yung mga nag a atkins diet, baka di sila kumakain nun) kaya tae nalang ha? Huwag na tayong mag paligsahan ng talino, dahil wala akong laban dun, at pwede ba, ang pagsasalita ng F word sa mga akda niyo, lalo na sa title, ay hindi maganda. Hindi porke, kada salita niyo me kasamang F word or S word, feeling niyo, Americanized na kayo, at dapat na kayong hangain.
WTF! Nang malaman ko ang meaning ng acronym nayun, inis na inis ako, nawindang ako! Hindi ako ang taong mapagmura, dahil hindi naman kailangan samahan pa ng mura ang bawat salita bago ka maintindihan ng madlang people. “Nyeta naman oo-walang ganyanan” If you get what the effing thing I’m trying to say...Lols...babayu na, baka i pakyu pa ako ni Pinxu. (sorry kay Luca pala yun) wag na kayong mag F word, baka hamunin kayo ng suntukan ni kabayang ROM.
By the way- Naiintindihan ko rin na iba-iba ang opinion natin, dahil iba-iba mga magulang natin, kahit na nga yung aking bratha from anatha matha, iba rin ang opinion kesa sa akin, tayo pa kaya na galing sa ibat-ibang cervix..
Pasensya napo kung napahaba litanya ka, I needed to get rid of the toxic in my body.
Para sa lahat...mwahhhhhhhhhhhhhhhh
nawindang.
Pareng Noel , ang point ko lang, hindi naging hadlang ang kahirapan at lack of education ko, sa pangarap ko. Kung gugustuhin, at pagsisikapan, maaabot...pero FYI- hindi natupad yung pangarap kong mala George Clooney, hahaha, Ayaw sa akin ng mga Pinoy, kaya di ako naka BF ng Pinoys. Dahil walang nanligaw na pinoy sa akin noong Hayskul at college days ko...(dahil siguro ugly betty nga ako! Hindi nila pinansin ang ginintuhang puso ko.)
Visitors visa? Lols- sige tutal magkamukha naman tayo, pwede tayong mag pretend na mag pinsan, at family visit kalang, heheheh
Iwasan ang pag se self pity, malaki ang pasalamat ko sa mga matapobre kong kamag-anakan, dahil sa kanila nakarating ako dine.
♥♥-ILyaNah-♥♥
Hey...
Umalma DandrufFZz ko sa ulo,ah.
Hiram ko lang yong "Pakyu" kay Luca, "Paksyet" ang sa akin ate Ilyana.
Anyweiz, di naman talaga maiwasang mapamura ng masama, pero honestly sa totoong Life, di ako makibuing tao, kaya di lumalabas sa bibig ko ang salitang 'to(in denial).
Papasadahan ko uli ito, nasa MAPANGHUSGA!! pa lang ako, ang haba kasi.
Di na po ako mag mumura mula ngayon
!! Pwamiz ateH!!
Okey lang naman yung pakyu,
Okey lang naman yung pakyu, pinoy ang dating, at pakshet, parang pinaghalong pansit at pakbet.
Nawindang ako dun sa isang akda na ang title eh me F word. at nang pasukan ko yung site nya, puro F words din kada sentence nya. Kaya sa inis ni Kabayang Rom, hinahamon ng suntukan...
Okay lang ang magmura lalo na pag masama talaga loob mo, basta ba salita nalang natin ang ibigkas,(like-tarantado, kupal,punyetera, etc) wag na tayong manghiram ng mga 4 letter words ng mga pute...hindi bagay satin...(para sakin ha?)
chuk-chak-chenes!
PS-napagod ako sa akda kong ito, naka-idlip ako after writing it...heto 6pm na pala...sus, makaluto na nga.
Pag me time ka, basahin mo ha????
♥♥-ILyaNah-♥♥
Stressful!
Oo, na-stress ako... na-stress yung mata ko sa kababasa ang haba eh, hehe... naiwanan ko pa naman yung salamin ko sa office kasi ang mahal ng salamin ngayon hindi ako makabili ng isa pa.
Ikaw ha naaabala mo ako sa paglalaba ko eh andami ko pa namang nilalabhan yung mga isinuot ko sa loob ng isang lingo. Pinagtitiyagaan ko na lang labhan kasi magkano rin ang bayad sa isang kilo ng labahin...
Taena! Oo nga wala na lang murahan kasi bad yun eh... bad yun lalo sa mahirap umintindi ng englis na gaya ko wala tuloy arayb... puwede tagalog na lang...
Hhhmmm para sa akin kung saan masaya ang isang tao eh dun siya, kung gusto niyang magpaka-baduy ok lang, kung gusto niyang magpaka-burgis eh di sige, kung gusto niyang magsalita ng englis na para bang nandidiri sa salitang tagalog go! go!, kung ayaw niyang maligo ng isang lingo kasi malamig ang tubig di wag...
Isang bagay na hindi natin maipipilit na baguhin sa isang tao kung ano yung kinamulatan niya, kung papano siya pinalaki ng mga magulang niya puwera na lang kung ang isang tao ay may bukas na isipan... (pero wag naman sanang sobrang bukas na malalaglag na'ng utak niya...)
Kaya ako ayaw kong pumuna, ayaw kong magreklamo kung saan ka masaya dun ka ire-respeto kita... ayaw ko kasi ng gulo... ayaw ko ng pagtatalo... nakakapagod! (puwera na lang sa panaka-nakang pagsisiwalat ng nararamdaman at napagmamasdan sa kapaligiran at pag-uugali ng karamihan... pero kung ayaw pa ring magbago eh wala tayong pagtatalunan..)
...isang malungkot ngunit kinakailangang paglalakbay...
Sensya na Journs
Kung na stress kita...Gusto mo ipaglaba kita jan? kumuha ako ng doctorate at master degree sa paglalaba.
Tama nga, dapat hayaan nalang natin ang iba kung saan sila masaya, dapat hindi ako nawiwindang sa mga nagsasalit ng F words, lalo na kung nilalagay pa sa mga title ng mga akda nila, kaso natatakot lang ako dahil maraming kabataan ang nakakabasa baka lang gayahin nila, at isipin na cool ang mga salitang yun.
Alisin ang utak na talangka nating mga Pinoys, dahil nakakataas ng cholesterol yun..(teka, tabang talangka ata yun)Kung anong meron si Maria, na wala tayo, I Best Wishes nalang natin sya, kesa sabihan ng "Go to Elle!"
Kung mas malaki ang bahay ng kapitbahay natin, dapat maging maligaya nalang tayo para sa kanila...at wag ipagdasal na sana ma bankrupt one day.
Kung doctor naman ang tatay ng kaklase mo, wag ka naring mainggit. Kunin mo nalang ang number nya ng txt mate nalang kayo... :-)
Kung ayaw sa yo ng minamahal mo, wag kanang malungkot jan, kasi it's not your Loss...(well kung gwapo/maganda,mabait at mayaman, sige it's your loss!)pero it's not the end of da world...
Sige ilabas natin ang lahat ng sama ng loob natin sa pagsusulat, malay natin one day, ma diskubre ka!
Salamat sa pag-daan sa iyong paglalakbay...
♥♥-ILyaNah-♥♥
Hahahaha
c mam oh laging special mention ang name ko, hehehehe.
Nawindang nga din ako sa sagutan ni mam pretty keira at mam lyds. Hehehe.
My ate died because of cancer, pina chemo sya ni mama at papa, after 9 months, angels took her away from us. She's only eighteen that time.
Kaya naman, I feel for you, naramdaman ko din yung ganung klaseng pain. (T_T)
ayaw bumitaw sa dibdib ko, andito lang palage, hindi umaalis.
Agree ako sa lahat ng sinabi nyo, buwaya ang katotohanan, nanlalapa at nangangagat, kayang kaya kang tigukin at lunukin ng alang kafight fight.
Ps: kumakain ako ng boy bawang, pero nilulunod ko sa sukang gawa pa sa milan. Hahahahaha.
At siyempre nagbibiro lang ako.
Ay naku Cheska, me lahi pala
Ay naku Cheska, me lahi pala kayong cancer...tigilan mo nayang kakakain ng Pringles...
OO special mention ka lagi, kasi naaaliw ako sa mga kwento mo, pampaalis HomeSick...
Jeproks ang dating...
♥♥-ILyaNah-♥♥
masaklap, masakit at hindi totoo ang katotohanan
hello ate ko,
salamat at ngayon lang may nag-alay sa akin ng isang post dito sa fw.
sa pamagat mo na lang ay pabor na ako. masakit ngang talaga ang katotohanan. minsan nga, maliban sa masakit, ito ay hindi pa katanggap-tanggap.
mapapansin din nga natin minsan na may mga taong naghahanap ng katotohanan. ngunit kapag nabunyag sa kanila ang katotohanan ay nagigitla, napipikon, nagwawala at inaatake sa puso.
at dahil nga sa ang tao minsan ay hindi marunong tumanggap ng katotohanan, siya ay gumagawa na lamang ng sarili niyang katotohanan. isang 'katotohanan' na alam naman nating isang malaking kasinungalingan.
tama, kasinuganlingan ang kabaligtaran ng katotohanan.
at isa itong katotohanan -- na sa ating lipunan ay maraming taong sinungaling.
mayroon nga akong kilala, sabi niya dati ay hindi siya tatakbo sa pagkapangulo. 2 beses pa nga itong sinabi sa harap ng kamera. pero pagdating ng eleksyon eh tumakbo rin naman.
...at nanalo na nga si gma. at sa kanyang pagkapanalo, sinabi niyang hindi siya nandaya. hindi, hindi at hindi siya nandaya kahit na nga napakalinaw ng bakas ng pandaraya.
ito ang mas masaklap na katotohanan: iilan lang sa atin ang umaalma sa tuwing may kasinungalang ginagawa ang ating kapwa.
para ba kasing, siguro nga, nasanay na tayo sa mga kasinungalingan sa ating paligid.
kaya mapapansin mo tuloy, na ang kasinungalingan pala, kapag laging inuulit-ulit, ito ay nagiging katotohanan na rin na siya nang pinaniniwalaan ng hindi naman nakararami.
halimbawa na lamang ang parati nating naririnig sa sona tuwing buwan ng hulyo:
1. maunlad daw ang ating bansa
2. nabawasan daw ang mga walang trabaho
3. nakapagpatayo na raw ng maraming silid-aralan at bahay
4. umuunlad daw ang buhay ng mga pilipino kayat hindi na nito kailangang mangibang bansa
5. may ginagawa raw ang pamahalaan upang matigil na ang extra-judicial killings
pagkatapos marinig ang mga 'katotohanang' ito ay masigabong nagpalakpakan ang mga maton na nakabarong. sabay tango na rin ng kanilang ulo.
sa madaling salita, sa panahon natin ngayon, masasabi kong masaklap, masakit at hindi na totoo ang katotohanan.
kung totoo nga na sa lipunan natin ay hindi totoo ang katotohanan, papaano pa kaya natin malalaman na ang isang tinutukoy na katotohanan ay totoo?
kayo mga kapatid, ano sa tingin ninyo, paano nga ba?
sandali lang ha, kakain muna ako.
sabi kasi ni karl marx, ang taong gutom ay hindi nakakapagpilosopiya (o nakakapag-isip/nakakapagdahilan) ng maayos hehehe
(si amos ngayon ay kumakain na...ayan, tapos na siyang kumain 3 hours siya kung kumain)
ano na ngang pinag-uusapan natin?
ayun, kung paano mo daw matutukoy kung ang isang kaotohanan ay totoong katotohanan.
mahirap ba iyon? madali lang ang sagot mga kapatid.
ANG KATOTOHANAN AY TOTOO LAMANG KUNG ITO AY MAY SAPAT NA BATAYAN AT TUNAY NA NARARAMDAMAN.
Amen.
ngayon, malapit na ulit ang sona ni gma, alam na natin kung papaano aanalisahin ang kanyang mga sasabihin.
ngayon ang hamon ko ito:
paano kaya natin magagawang mailantad ang mga katotohanan sa ating paligid at maipamukha ito sa mga taong ubod nang kasinugalingan? upang magising na sila sa tunay na katotohanan.
pangwakas...
bukas pagkagising, basahin niyo ulit ang litanya ni ate ilyanah at bigyan ng buod sa pamamagitan ng isang salita lamang.
a. katotohanan
b. kasinungalingan
kung ako ang magbubuod, ito ang sasabihin ko.
...sandali, malamig na pala itong kape ko ha.
alah eh! kasarap talaga ng kapeng barako.
ang sagot ko po ay a. katotohanan hehehehe
salamat po sa inyong litanyang ito na dinugtungan ko.
siya nga pala, hindi ko matatanggap na ialay mo ito sa akin.
hindi ako natutuwa 
hindi dahil baka mainggit sa akin si journeyman. kundi dahil hindi po ako diyos o santo hehehehe 
sa diyos at santo lang po tayo nag-aalay ng litanya. sabi ko nga sa aking fb, "huwag n'yo akong luhuran, hindi ako santo".
para po sa ting ikagiginhawa,
- amos tarana 
syanga pala, tumugtog ka ba kamo ate sa claridge hotel sa deira? magkatabi lang pala tayo. napapagitnaan lang ako ngayon ng claridge hotel at ng mosque. nasa ilalim ko ay kish air office at nasa itaas ko ay langit.
--------------- http://amostarana.blogspot.com/ ----------------
Hay Tapos na...
Ang haba ate Ilyana, pero OK's lang worth it naman.
~About sa bangayan nina Ate Lydz at Miss BeautY Keira, and naging dahilan ng bangayan na 'yon ay ang pag kakaiba ng pananaw nilang dalawa, in some point "Insecurities" rin ang reason, pero normal naman na nangyayari ang bangayan sa pagitan ng dalawang taong mag ka iba, the lesson is : we should listen not only to our side but also to others point of view, unawaan lang dapat wag tayo papadala ng emosyon na dala ng katotohanan, dahil pag na o-over shadow ng emotion ay nakakalimutan na nating umintindi ng iba, lagi ay "TAMA AKO" di ba?!.
Pero OK's na 'yon, nag bati na sila kahapon..Thank GOD
~About dun sa buhay nyo.
Nakaka bilib ang pinag daanan n'yo. Kung sana nga lang di pera ang s'yang nag papatakbo ng mga bagay dito sa mundo, hindi sana'y marami ang naisalbang tao, kabilang 'yong mga kapatid n'yo sa maisasalba sana, kung hindi pinapairal ang pagiging mukhang pera:
http://www.youtube.com/watch?v=MJpQyyfBZUY
Ate pamura lang : Paksyet talaga 'tong mga tao sa Video na 'to, as in. Ito yong isa pang patunay sa sinabi n'yong :Money talks you know.. remember the Golden rule? If you have the gold you can rule the world.
TNX sa post na ito ate Ilyana...
Hi mam ilyansky
Mam ilyansky,
mega touch ako sa reply mo sa comment ko, medyo binabawasan ko na nga po ang paglantak ng pringles. Nagyoyosi na lang ako. Hahahaha.
Hwag nyo po ako sumbong ke mama, maaatim nyo po bang makita na pinapalo sa pwet ang uber sa kakyutan na si frankie? Hehehehe.
Ke pinxu(su) hahahaha,
bout dun sa talaktakan ni mam lyds at mam pretty keira, ang facts dyan kung iintindihin lang natin ng maigi ang thread dun, hindi sila magkaiba ng pananaw, kaya nga mega alma si mam pretty keira eh, hahahahaha... Na overluk mo siguro yun mga important details. Try mo basahin, matatawa ka kasi ako natatawa pa din ako hanggang ngayon. Hahahaha.
Godbless sa lahat ng mga may kakulitan sa utak at unti unti, pag kinagat tayo ng katoto nating katotohanan, masasanay din tyo sa kirot ng kagat nito.
Naks! May sense. Hahaha
Hi Frankie....
Ang taas kc ng bangayan nila, kakafagod mag basa, HEhehehe (tamad ko talaga).
Anyweiz, siguro same nga sila ng pananaw. Pero medyo nag iba ang dating ng pananaw ni Miss Keira para kay Ate Lyds dahil sa natabunan si Ate Lyds ng emosyon n'ya, di masyadong naanalisa ni Ate Lyds 'yong sinasabi ni Miss Keira, 'bout dun sa poem. Kaya tuloy na qoute pa si Miss Keira,.."misunderstanding" lang ang lahat.
Hay, ewan para akong tangang tatawatawa, habang binabasa 'yong bangayan nila.
anyweiz nakakatuwa 'yong bangayan nila, si Ate Ilyana pa referee,ha
, HEhehehhehhehe. Absent kc ako habang nag tatalakan sila,eh. AwtssSS.
Karagdagan...
Pahabol lang ito....
Ayaw nang mag pa edit ng post ko, puno na daw at ubos na ang characters ko...kaya dito ko nalang idadagdag
Ipagpaumanhin ang ibang tagalog ko...
Kahit na ini aalay ko ito sa apat na FW members, hindi ito batikos para sa kanila, kundi sa lahat ng nababasa ko dito sa FW, pamula sa Latest Post, Latest Editorial, SImilar Topics, Live Discussions, Latest Reviews, etc etc etc...
Kaya yung utak ko, nag cha-cha, tango at boogie na...kaya samot' sari na ang tinalakay ko...
Salamat po sa mga lilimang taong nagbasa...
♥♥-ILyaNah-♥♥
Waaahhh...para akong
Waaahhh...para akong nagbabasa ng pocketbook sa blog mong ito, hehehe..
Hanga rin ako sa yo, sa dami ng napagdaanan mong pagsubok sa buhay, naging matatag ka pa rin.At lahat pala ng kapatid mo namatay sa sakit..kaya pala naka-relate ka talaga sa blog ko tungkol sa pagbabantay ko sa aking tiyahin na may sakit.
Naniniwala rin ako ilyana na ang tao, kahit di nakapagtapos ng pag-aaral, basta maabilidad, masipag at may pangarap na umunlad, e aangat rin ang pamumuhay.
Pero mai-share ko lang, naalala ko noong kabataan ko, grade 2 pa lang ako e nagta-trabaho na ako sa gawaan ng sampalok para kumita, hanggang nagtinda ng polboron na ginawa ni Ina noong nasa grade 5, nung nag-high school, nagtinda ng karne sa palengke. At nagpursige pa rin ako na makapag-aral sa kolehiyo, kaya naman sumali ako choral group sa school para makalibre sa tuition at nag-trabaho din bilang clerk sa umaga, sa hapon naman ang aking klase..sa Awa ng Diyos, nakapagtapos ako ng pag-aaral at medyo maayos naman ang naging trabaho ko sa ngayon.Balak ko ring mag-trabaho sana sa Taiwan noong di pa ako na-graduate, kaya lang di na ako pinayagan ni ama.Ganun ang aking pagpupursige na makapagtapos, dahil ang paniniwala ko nun, andun ang katuparan ng aking mga pangarap.Sa murang edad, natutunan ko ang value ng pera.
Ang tao, may kanya-kanyang preferences yan, kung gusto nya ng produktong Pilipino, pagkaing Pilipino, tagalog movies or mapa-english man, anuman gusto nyan, dun ko sya ire-respeto. At meron din tayong kanya-kanyang paniniwala, mahirap igiit ang opinyon natin sa opinyon ng iba, na nauuwi lang sa pagtatalo.
At sa sinasabi mong "Pero hindi natin pinupuna yung mga nakaupo na dabyana, mga chaka, or hindi artistahin ang dating" ... aray ko!!parang ako yata to,hahaha!
Salamat...
Thank u sa lahat ng mga napapadaan, at nagbibigay ng puna.. You probably noticed it too, na minsan me matatanggap kang reply sa thread, pero kahit anong pilit mong pindutin, di umaapir ang mga new comments... Kaya po, paumanhin kung hindi ako makapag reply... at siempre pa...marami trabaho ang Lola niyo, kaya hindi naman ako 24/7 dito... Amos, Pinxu, Noel, Francheska, Journeyman, Sofia... thank u for sparing ur ate- some of your precious time reading my novel and my other post...
to Closet Writer, you're the very first person who gave me a warm welcome here in FW, I do appreciates all your effort... I am learning a lot...thank u all...
Kay AllanJohn Andres, kahit padaan-daan lang to promote your blog, salamat narin....
♥♥-ILyaNah-♥♥
medyo guilty nga ako
Hi ilyana -- oo, pasensiya na rin sa lahat-lahat. Medyo ganito lang talaga ang gawi ko kapwa sa pagbabasa o maging sa pagsusulat. Kumbaga, Kumakain talaga ako ng mahaba-habang oras bago makapagbulalas (kung papansinin mo, kahit 'yong mga posts ko dito ay pawang mga lumang trabaho na. Kinakalburo ko kasi muna ito bago ipinapabasa).
Isa naman sa magandang napansin ko dito sa komunidad niyo ay 'yong agap ninyong makapagbuo ng mga komentaryo. Pangit o maganda -- lahat iyon malaking tulong sa manunulat. (Eh ako yata, kailangang maimpatso muna para lang makapag-post ng "punta ka naman sa site ko/maraming salamat sa pagbisita").
Eniwey, pasasaan at babawi rin ako sa inyo. (At medyo abuso man, request ko na lang muna na sana masabi mo kung saan ako puwede mag-email sau -- mas doon malamang ako mag-comment. Totoo, medyo duwag ako sa ganitong mga fora eh). Iyon 'yon, inamin ko rin sa wakas hehe!
To AllanJoHn
Wow- I feel flattered, for d first time, napilitan kang mag comment ng mahaba-haba...
Pero alam niyo, minsan kung wala kanalang rin masasabing maganda, mabuti pang manahimik nalang kesa makasakit ng damdamin diba? Kaya wag monang pilitin ang sarili mo, kung akward para sayo.
Pero yung mga nakakapagbigay ng puna, na malakas ang loob na sabihin ang niloloob nila, karapatan nila yun,pero minsan bilang tao, dapat matanggap din natin ang ating pagkakamali, dahil Nobody's perfect..and we cannot play God, which is the biggest problem of our society, kaya nagkakagulo sa Afghanistan, Ghaza, at kung saan-saan pa, dahil ayaw magpatalo ng bawat isa, at gustong sila ang tama, at sila ang dapat sundin.
Lastly- nabasa ko yung IBA mong mga adaptation at tula sa blogspot mo...magaganda sila...(gawan mo ako ng tula minsan ha?) heheh, nag rekwes pa ang Lola...
♥♥-ILyaNah-♥♥
amen
pero madam, seryoso po ako doon sa email ad request. di naman ako nagpapaka-espesyal pero 'yong mga puntong sinaad ninyo sa itaas, iyan mismo ang konsiderasyon ko kumbakit mas preferred kong pribado, o at least confined lang sa maliit na grupo, ang pagsasalitan ng mga ideya.
sana po mapaunlakan ninyo.
ako din email mo hihihihi
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
grabe.. haba na pala ng mga pangyayari.... para akong nagbabasa ng isang kwento hihihihihih....
Welcome pala kita sa FW... Di pa yata kita na welcome hiihihhihi
Mabuhay!
jons
Wawiwaw
Talagang ispisyal minsyon pa ako.
Nabasa ko yung mga sinulat mo, pero ayaw ko munang magcomment dun. Hehhee!sesegway na lang ako....................
Dati nagchachat kami ng barkada ko, sabi nya sa LOL, gulat ako akala ko sinabihan akong ULOL, sumunod sabi nya LMAO, akala ko short for halimaw, kaya sabi ko, ASWANG KA, TIKBALANG!!.
Tapos may amfufu pa, eh di ko talaga alam yun. Sabi nya expression lang yun. Kaya nga lahat tuloy ng sinabi ko may amfufu. Tulad ng "Kamusta naman ang pamilya mo ,amufufu", "nakakatawa naman yan, amfufu".
Di naman ako mahilig magtext at magchat kaya di ko alam yan. Teka ano ba ang ibig sabihin ng WTF?
Ingat at salamat Ilyanah (kaano ano mo si Anjo at jomari?hahahha KORNI KO!)
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
join ako!!! PAHHHRRRRTTTEEEEYYY!!!
sa totoong buhay, mahilig ako magmura, pero bihira ko siyang i-direct sa isang tao. pag ginagawa ko yun, usually pasulat lang.
ewan, there's something really cathartic about swearing, na i understand ay hindi digs ng lahat. pero pagbigyan mo na ko (sorry na ha... with puppy dog eyes)
meron din naman kasing mga tao na hobby nilang mangulangot in public, umutot o dumighay ng malakas, amuyin yung mga kinakalkal nila sa tenga, kumain ng tinga. i swear, ang eeewwwyy nila. pero quever na natin yang mga ganyang bagay. tanggapin na lang natin na isa yang normal part of growing up.
sabi nga, "walang judge-an" ang trip mo, trip ko walang pakialamanan. pero bawal din ipilit sa iba yung trip mo sa buhay. kanya kanya tayo.
nasusukat ang tunay na laki ng isang tao sa kanyang kakayahang matanggap ang kawirduhan ng iba. so palakihan na lang (ng pang-unawa).
natutuwa ako kapag may nababasa akong nagsasagutan dito. ipinapakita lang nun kung gaano natin pinahahalagahan ang paniniwala natin. pero sana walang sakitan. (Mommy, Daddy, wag na kayong mag-away)
uhm, yon, yoko na palang magpreach. nagmumukha akong thunders.
basta sana labs natin ang isa't isa.
kasi kung hindi tayo magmamahalan, sayang naman. kung ang bigas, tuition fee, gasolina at foot spa nga nagmamahal... tayo pa.
i lab yu...
gusto ko kayong pisain at icompress at ibilot na parang plastic balloon para magkasya kayo sa bulsa ko. :)
wag kang pipikit...
Apir tayo!
Tanggap ko naman ang kawirduhan mo Luca, kaya nga no. 1 fan mo ako diva?
Tanggap ko naman yung ibang NEDs dito na puti na pinagmumumog ang F words...ok lang kung kamag anak sila ni Ozzie Osborne.
Kaso, wag nalang sanang ilagay sa mga title, (nasa rules and regulations ata yun ni Kabayang Noid) kasi parang bumababa ang credibildad ng FW... but WTF...kung dun maligaya ang mga tao. Amen nalang ako...
(WTF- where's the fun!) baka ma quote ako.
o sige na, wag mo akong i Pakyu jan...
♥♥-ILyaNah-♥♥
I feel you mare! Parang
I feel you mare! Parang kaumkha ng litanya mo ang buhay ko. Maliban sa ibang parte. Minsan talaga mahirap lumaban sa insecurities nating mga babae. Pero sabi ng nung bading kong friend, carry lang. Kung me problema, carry lang. Kung naiinis, carry lang. Basta, piliting maging masaya.
Mare.....(hihihi)
Salamat sa pag feel mo Mare...ano Ninang ba ako sa new baby mo? kailan ba due date mo? dati kasi avatar mo buntis ka, nakapanganak ka na ba mare?
--------------★★★★★★★★★★★★★-----------------
♥♥--Never explain yourself to anyone-- because the person who likes you doesn't need it and the person who dislikes you won't believe it."--♥♥
Aray ko. Feeling close ba.
Aray ko. Feeling close ba. Sensya na di ko nakita yung plakang keep your distance, amiga!
Ayan lumaki na yung bata, nasa avatar ko na. He he he.
teka entra ako a ganda
teka entra ako a
ganda ng blog na to
babasahin ko ulit to pwamis hindi ko matapos e
teka napansin ko sayo na ang sarap basahin ng mga comments mo ang hahaba kasi e
at may laman at ,mabuto pa hehehe
sapoooollll ako ... aaarrggghhh!!!
ganyan talaga ako pinagmamalaki ko na taga davao ako
kababayan ko pala si franscheska......
pero dito na ako lumaki sa manila,
pero babalik din ako doon.
ako magpapakayaman muna ako sa ibang bansa
tapos tutulong ako sa mga walang-wala na talaga
as ing wala na.
at kung papalarin maging nurse o doktor punta ako sa mga liblib na lugar
magtatayo ako ng mga malls ahaha joke
punta ako dun para gamutin sila
na pinagkakait ng GOBYERNO.
dahil Pilipino din sila......
haaayy ganyan talaga buhay
to Cassandra..
Salamat sa pagdaan Cass...Naku mega busy ako lately, kaya madalang nalang akong napapadalaw dito, kundi pa ako maka receive ng mga notification email eh, baka tuluyan na akong maglalaho dito..
Anyways- pag me time ako, babawi ako sa pagbasa ng mga latest post dito.
Salamat din kung nalilibang kang magbasa ng mga comments, hehehe...Dapat nga pag mayaman ka na magtayo ka ng Mall sa mga liblib na lugar, para naman marami kang ma employ na mga tao, para pag nagpagamot sila sayo, me pambayad din sila...Aba eh, dapat maturuan din ang mga tao na hindi lahat ay nakukuha sa TY, baka dadami ang tamad, hehehehe
Miss ya all people...
xox
★.......★........★.......★.........★.......★.......★
"There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today."
---------------♥ILyAna♥-----------------














Na-windang ako sa story mo...
haha, new term sa akin ang na-windang kaya ginawa ko title. To make the long story short - pakatotoo tayo.
Nalungkot naman ako sa life-story mo. I felt blessed talaga ako nung mabasa ko ito - hindi dahil sa ganda sulat mo (hindi naman pagandahan ito - mukhang nag-sambulat ka lang ng niloloob mo) pero kaya ako feeling blessed kasi hindi ganoon ka-worst ang inabot ko sa buhay.
Naghirap din ako, as in meron ding naging part ang squatters sa buhay ko (true to life story ko kasi yung nai-sulat ko dito - Squatter: Piniling Buhay o Kapalaran ng Buhay? at iba pang mga sumunod na series nito) Kaya naka-relate din ako sa ibang hirap mo.
Hindi ko rin alam na may boses ipis pala haha!
Napakalawak ng iyong mga tackled issues, mahirap sitahin or mag-komento. Kaya yung sa buhay mo na lang ako nag-concentrate.
Di bale ugly duckling ka man noon - beautiful swan ka na ngayon. So maganda pala diyan sa London, pwede bang magpa-sponsor hehe! Kahit visitors visa lang - makapag-Disneyland lang sa Paris at kung saan-saan pa diyan.
Tindi rin pala ng pangarap mo na George Clooney ang maging asawa, di pa talaga local ang pinili. Kaya pala di pasado si Bruce Willis sayo dahil gusto mo si George haaaayyy!
Babu! haba na eh.
====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!