Ang Masasabi Ko sa Libro Ni Melay at Eloi
Only Pure Hearts Can Break The Spell

Habang binabasa ko ang nobelang ito, lalo akong humanga sa husay at kakayahan nina Melay at Eloi sa larangan ng pagsusulat.
Nilikha ang librong ito, hindi lamang para magbigay ng aliw sa mga mambabasa, sa halip magbigay ng inspirasyon sa mga kabataang nais maabot ang mga nais makamtam, lalo na sa larangan ng pagsusulat.
Si Melay at Eloi, mga babaeng sumubok maabot ang mundo ng nobela. Naranasang madapa sa pamamagitan ng mga kabiguan at pagsubok sa buhay subalit, katulad ng karakter ni Azhena, lalo silang naging determinado na magtagumpay sa misyong nasimulan.
Para sa akin, nakuha ng may akda ang tamang titulo para sa kanilang nobela - Only Pure Hearts Can Break The Spell, ito ay hindi lamang tumutukoy sa isang spell na ginamit sa kwento, kundi sa kabuuan ng kwento - ang pagmamahal ng wagas sa mga kaibigan at sa mga taong minamahal.
Maayos na naipakilala ang mga pangunahing tauhan. Swak sa panlasa ang mga personalidad ng mga tauhan na siyang nagbigay ng saya, kilig, at lungkot sa mga mambabasa. Maayos din ang pagsasalarawan sa mga lugar, oras, anyo, at sa mga nakakasabik na eksena.
Ang komedya ng kwento ay swak sa panlasa ng mga kabataan at nasa "timing" ang mga patawa na nangbigay ng ngiti sa mga mambabasa. Sa kwento, hindi pagsasawaan ang mga alitan o kulitan nina Al at Val na isa sa mga nakakatawang bahagi ng kwento.
Mahusay ang suspense ng kwento. Bawat kabanata ay may iniiwang pasabog, na maaaring mag-iwan ng katanungan na siyang masasagot sa susunod na mga kabanata. Isa ito sa mga natutunan ko sa nobela - kailangang may "Impact" ang bawat kabanata para huwag bumitiw ang mga mambabasa.
Bawat tauhan ay may kanya-kanyang kwento na magandang nailahad. Hindi minadali at hindi rin pinatagal ang pagbubunyag sa bawat pagkatao ng mga tauhan. nasa tamang oras o "timing" ang bawat rebelasyon. Habang binabasa ko ang libro, natuto ako kung paano mag-alaga ng tauhan - paano mo sila ipapakilala lalo na kung ang kwento ay binubuo ng napakaraming tauhan. At kung paano mo sila mabibigyan ng bawat kwento o eksena na hindi pilit ang kalalabasan, o walang magiging patapon ang karakter. At kung hindi na kailangan ang isang tauhan dapat mabigyang linaw ang pagkawala nito.
Ang drama ng kwento ay tinimpla sa tamang panlasa ng mga mambabasa. Hindi O.A. ang iyakan scene sa halip nakakadala ng emosyon ang ilang kaganapan. Ang masasabi ko lang kung mababaw ang luha mo, marahil maiiyak ka sa ilang kaganapan dahil ang kwentong ito ay may kurot sa puso.
Ang wagas na pag-ibig sa kwento ay nagbigay ng saya, kiliti, at inspirasyon sa mga mambabasa. Ang pag-iibigan ng ilang tauhan ay nagbigay ng saya, lungkot, at kilig sa kwento, at higit sa lahat ang pagmamahalan ng magkakapatid, at magkakaibigan ay nagbigay ng inspirasyon sa mga mambabasa. Pinatunayan sa kwentong ito na ang wagas na pagmamahalan ng mga magkakaibigan ay hindi matatalo ng kahit na ano pa man.
Hindi rin mawawala ang majika sa kwento. Mahusay ang paglalahad sa mga magical terms na ginamit sa nobela na siyang magpapalawak sa imahinasyon ng mga mambabasa. Ako mismo, ay naglakbay sa mundo ng witchcraft - gumana ang imahinasyon ko simula nung makapasok sila sa old libraries, at unang binigkas ang tamang spell para makapasok rito, hanggang sa mga nakakapigil-hiningang pagtutuos ng mga tauhan.
Sa kabuuan ng kwento, masasabing angkop ito sa mga kabataan at sa lahat ng tao. At hindi pagsisisihan ang pagbasa sa librong ito. Nag-enjoy ka na, at para ka pang nakarating sa ibang mundo. Ako nga feeling ko isa na akong mangkukulam heheheeheh! joke! pero ang totoo sariwa pa rin sa isipan ko ang mga nabasa ko... sa isip ko, totoo kaya? paano kaya kung may kakilala akong witch? at paano kung ma-inlove ako sa isang witch? Sana nga makakita ako....... at makaranas na makakita ng isang ritual.
At habang binabasa ko ang kwento... feeling ko isa ako sa mga GSPUB writer... at kung sino sa kanila.... secret! Ganon kaganda ang kwento... madadala ka sa bawat eksena....
Mahusay ang nobela! Sana magkaroon kayo ng COPY. Bili na! At sabay sabay tayong pupunta sa mundo ng witchcraft.... hehehehe!
Sa ganda ng kwento... pinaghahandaan na ang BOOK 2...... Sana sa book 2 mas marami pang magic at pagtutuos.... at wag mawala ang mga nakakakilig at nakakatawang eksena.
To Melay at Eloi: Congrats sa inyo! proud ako sa inyo!
Jonsdmur
| Attachment | Size |
|---|---|
| cover sample copy copy.jpg | 522.43 KB |
salamat
thank you sa pagbibigay mo ng comment hehe. Wala kaming ipapangako sa book 2 sa ngayon dahil baka ma-disappoint lang namin kayo. kaya sa ngayon, ang masasabi ko lang.. oo may book 2. pero nag-total revision kami kaya matatagalan iyon.
Ang totoo, hindi rin namin alam ni eloi kung paano namin nagawa iyan. hehehe. di bale, magkukwento ako kung paano naging libro ang aming libro since andaming nagtatanong. gagawa ako ng blog after kong matapos ung part ko sa "pagbabalik". ngayon ko lang naalala na may gagawin pala ako. hehehe.
ngapala, dito ko na sasabihin ung response ko kay patrickman sa text niya.
To patrickman, thank you for correcting us. Napansin niya kasi ung firouette.. ansabi niya pirouette daw iyon. ang nangyari kasi, ang pinagkuhanan namin ng ballet terms ay british encyclopedia. doon, firouette ang term. anyway, i-take note na lang namin un sa 2nd book. hindi na aabot sa printer eh. thank you ulit patrickman.
Sige nga, babasahin mo ulit ang book di ba? may code ng pangalan namin ni eloi sa libro. hanapin mo nga... hehehe. inilagay namin ang syllables ng pangalan namin ni eloi sa kwento noon just in case magkanakawan...
maraming salamat ulit!
*****
"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka."
sige gawa ka ng blog
Mga Obra ni Jonsdmur
Balarila - Wastong Gamit ng Salita
kahit matagalan ang book 2 okay lang yon.... kahit ako gusto ko malaman kung paano nabuo ang books... at paano nyo hinati ang pagsusulat... pero may ilang bahagi doon na feeling ko ikaw ang nagsulat heheeheheh... ganun kay eloi....
babasahin ko ulit un... parang sine... o movie inuulit ko kapag nagandahan ako... ung ANAK nga ni Ate Vi ilang beses kong pinanood heheeheh... gusto ko panoorin ang All my life.. kaso wala sinehan dito... wala pa rin dvd heheheeheh
Ingat




salamat sa pag LBC
Mga Obra ni Jonsdmur
Balarila - Wastong Gamit ng Salita
at nabasa ko ang isang napaka gandang obra.... 2 days ko binasa yan.. na may pahinga naman hehehehehe....
Babasahin ko pa ulit para makabisado ko ang kwento... at ulit para mapag aralan... sa tingin ko marami akong matututunan.... lalo na ung ilang teknikalidad....
Magaling! sana next year launch na ang book 2....
Habang binabasa ko ang book... sana maka book din ako... kaso need ko pa yatang mag-aral pa.... nakaka inspire... proud ako sa inyo.... sana malayo pa marating ni'yo....
Godbless! Gards sa inyong dalawa.... nag aral ako ng layout at gumawa ako ng cover ulit....
jons