Ang Maykapal at mga Puting Duwende
Taong nilalang, iyuko mo ang iyong ulo sa alabok at tumahimik ka sumandali upang marinig mo itong mga wikang galing sa Kaitaasan.
Kahit saan man magbigay liwanag ang araw, kahit saan man umihip ang hangin, kahit saan man may taingang didinig, kahit na may mga matang makakabanaag. Isip na maaring kumatha, doon hayaan ang Kautusan Ng Buhay ay maisawalat, Upang ang mga butil ng katotohanan, ay tuparin at pahalagahan.
Ang Lahat ay sa MayKapal nagmula, ang Kanyang Kapangyarihan ay walang hangganan. Ang kanyang Karunungan ay walang katapusan. Ang kaayusan, hinhin at gada'y sa kamay Niya nagmumula. At ang kanyang kalooban ang siyang makapangyaya-yari sa sangkalupaan.
Ngunit ang tao'y di nauunawaan ito.
Iyong tandaan na..Ang anino ng karunungan ay nagdaraan sa isipan, na para bagang isang panaginip;
Nakakakita sa liwanag ng araw subalit nalalambunan ng dilim sa kanyang pangangatwiran. Siya's naliligaw, nalilinlang.
Subalit ang karunungan ng Maykapal ay isang lwanag sa Kalangitaan at sa sanlibutan na di na kailangan ang pangangatwiran. Ang isip Niya'y isang sisidlan ng katotohanan.
Kaya't pakingan mo ang tinig Niya at ang pagsunod ay katahimikan ng isipan ang makamit at magbibigay diwa ng walang hanggan sa Kaluluwang naninirahan sa iyong katauhan.
Sa buhay ngayon at sa mga susunod pa. Kaya ito'y aking ibanabahagi rin sa inyo..sa ikaluluwalhati ng inyong buhay...pansamantala.

