ang mga "habang" ni talulot sa paghihintay sa pagsusulit.

ngayon muli akong humarap sa aking pluma, idinikta na kasi ng aking puso ang muling pagsandig sa aking papel kahit mukhang hindi pa pinayagan ng oras ang kanyang pagsinta..... sana lamang kahit kaunti, kahit kaunti lang ang dugo ng panitik muli niyang madama....... 

 

 

Sige maglahad ka muli

(ng iyong saloobing matagal mo nang ikinubli)

 

               I

 

habang nasa sukdulan ako,

ng pagmumuni at pag-iisa

sa labi*, ng mga nagdurusang maralita

sa kandungan ng mga dalit na aba.

 

habang kinakandili ko ang bawat paghinga

ng isang marupok na bukas at pagsamba

sa tabi ng hilahil na pakikibaka

sa upuan ng mga nangangamba.

 

habang, ang singhot ko'y luhang di mapatid-patid

at uhog na ang nag-uunahan sa mapait kong labi

dinidibuho ng aking gunita ang sanlaksang tala

na akala ko ay magniningning kahit ako'y wala

 

habang muli akong pumanaog sa plumang ganap,

sa tarangkahan ng isang tahanang mapagpanggap

ang tinta na ang siyang naglalahad-

nais lamang magsulat,maniwala at maghangad.

 

na kahit magkaiba ang panaguri sa simuno;

at ang pang-uri sa pangngalan, ako ba ang pasimuno?

iisa lamang sila sa mga sangkap-

na bubuo sa mga masasamyong mga pangungusap........

 

 

bunga ng nerbiyos sa darating na gabi 

 

                          II

 

sa pakiwari ko'y hindi mawawalay

ang mga panulaang laging nakaantabay

sa aking mga ritmo at ilang pag-aalay

hibla ng panitik at literaturang bagay na bagay

 

sa paghagilap ko ng aking musa

ang puso ang pumintig, di ko maikakaila,

na ang wika at isip, sila na ang nagkusa

sa pagpupunyagi ng isang abang makata.

 

sa larangan na aking tinatahak

minsan "lagi" ang pagkakasadlak

tinutungo kasi ay pagkadilim-dilim

di mo namamalayang nabubunyag na ang mga lihim

 

-ng iyong pinili.

sa gitna ng pagkasubali

sa gulong mangyayari

hindi maririnig ang iyong pagtili...


binasa ko ito ulit... hmmm

binasa ko ito ulit... hmmm pasensiya na, nagnakaw lang ng oras. para makasulat ng tula... kaso, mukhang naninibago ako muli.. hehehe 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

sinta isaac's picture

talulot, ikaw ang magandang parte ng bulaklak

ng iyong pinili. ------ kapwa tayo mamimili

sa gitna ng pagkasubali ------- sa dulo ng ating pagsusubali

sa gulong mangyayari ------------ sa gulong hinihintay mangyari

hindi maririnig ang iyong pagtili...---------kailan mo didinggin ang aking tili?

 

napakagandang katapusan...

sinta!

naku nakakapagpapakumbaba naman (ayan nabulol na atah ako.!)

comment from you is uplifting....

 

salamat.

 

(speechless) 

 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

aireen's picture

Talulot and Sinta!!! MGA

Talulot and Sinta!!!

MGA IDOL.......

cheers!

aireen :D

galatea hopkirk's picture

   haha. mga idol ko. ate

 

 haha. mga idol ko. ate Aireen, kasama ka dun. hehe.

Talulot. palakpakan. ang ganda. nais ko sanang muling makasulat ng akda. hay. umaayaw ang inspirasyon.

 

-Galatea

 

www.filipinowriter.com/gusto-kong-sumulat-ng-tula