ANG MGA PINAKA-NAKAKAHIYANG PANGYAYARI
Kung ang WALANGHIYA ay walang modo o makapal ang mukha, at nag-aalinlangan o walang lakas loob ang NAHIHIYA, eh ano naman ‘yung NAKAKAHIYA?
Para sa akin, ang nakakahiya ay maaring magsalarawan sa mga pangyayari kung saan ang tao ay napahiya o sa mga bagay na ginagawa ng tao na dapat lang talaga ikahiya. Doon sa unang interpretasyon, ‘pag napahiya na ang isang tao ay pwedeng mangiti, maiyak, mapakamot sa ulo, o kaya’y mamutla. Sa pangalawa naman, ginagawa lamang ito ng mga taong wala talagang hiya at yung iba manhid na’t di na tinatablan ng hiya, in short—makapal ang mukha!.
Natural na sa tao ang mapahiya. Minsan nga tinatawanan na nga lang natin ito. Madalas na tayo makarinig ng kuwentong nakakahiya tulad ng nadulas (lalo na habang rumarampa), bukas pala ang zipper, baliktad ‘yung damit, naihi sa salawal, lumobo ang sipon sa kakatawa, at marami pang iba. At bilang karagdagan , gusto kong ibahagi sa inyo ang ilan sa-
Pinaka-nakakahiyang pangyayari sa buhay ng tao (base sa totoong karanasan)
ANG PASADOR, BOW!
Nahulog nahulog! , ‘yan ang sigaw ng kaibigan ko habang pinagmamasdan ang sanitary napkin sa daan. Nahulog kasi ang pasador ng babae sa gitna ng kalye habang naglalakad ito at suot ang bonggang-bongga na palda. Parang walang nangyari, deadma lang at lumayo na lang nang pagkalayo-layo yung babae.
-----------(
dapat kasi with wings)
PANTE DE PARDIBLE
Paano ko ba makakalimutan ang eksenang ito(highschool pa lamang ako nito): papasok na sana ako ng gate ng school namin, nang makita ko ang isang babaeng nahubo ang suot na panloob. Pababa siya noon sa jeep, eh kumuwala yung pardible kaya hayun kitang kita ko kung paano niya mabilis na itinaas nalang ulit ang panty niya.
-----------(
karayum lang katapat niyan)
ANG MAHIWAGANG UTOT
Sa gitna ng meeting ng mga kagalang galang na tao, seryoso ang lahat nang may biglang nagpakawala ng mahiwagang utot! At para hindi obvious na guilty, naki-pahid pahid na rin ng ilong yung salarin.
----------(
sino kaya yung suspect??)
AGANDA LALAKE ABAHO ATAE
Habang nagbabyahe, inabot na si boyfriend sa bus at‘di na napigil pa ang tawag ni kalikasan hanggang sa natae na nga sa kinauupuan. Kasama niya noon ang girlfriend niya. Kaya itong si gf, syempre todo support to the highest level kumbaga, inubos ang dalang pabango at alang tigil sa kaka-spray sa paligid ng upuan nila at sa pants ng bf niya.
-----------(
swerte sa syuta!)
PA-ORDER: PORK STEAK, PLAIN RICE, W/ PUSTISO ON THE SIDE
Pustiso ng isang serbidora nahulog sa plato ng customer. Panay kasi ang kwento nya sa isang kasamahan at nalibang na ito sa kakadaldal na may kasama pang halakhak, kumuwala tuloy ang maluwag na pustiso niya. Napa “kadiri!” na lang yung umo-order at muling ibinabalik yung kawawang plato sa babaeng serbidora.
----------(
zaraaaap nun!)
CUT! CUT!
Ayos na sana ang eksena., naglalabing-labing na ‘yung mag-asawa nang biglang may nag- prrrt!!! Nautot si babae sa kalagitnaan ng umaatikabong romansahan. Nadismaya tuloy ang ka-partner niya, kawawa naman.
-----------(
ay bitin..)
BABAE PO AKO..
Itong si Lady pumasok sa c.r. ng lalake. Maghuhugas na lang naman sana ng kamay pero laking gulat niya nung may pumasok ring dalawang mama. Naligaw pala siya at men’s room ang pinasok niya.
-----------(
wow mali!)
SINO PO KAYO?
Late na naman ang isang estudyante kaya dali-daling pumasok sa room at naupo. Sa banding dulo ng upuan siya pumwesto, ang kaso maling section ang pinasukan niya. Tumingin-tingin sa paligid at nung napansing kakaiba ang itsura ng mga kaklase niya…labas kagad siya habang putlang putla ang mukha sa hiya.
-----------(
huwarang student kasi)
IGIGILING (2x) , IGILING MO HANGGANG SAPLOT AY MAWALA
May program sa iskul ang mga esudyanteng nasa elementarya. Sa stage, habang ganado sa paghataw ang lalakeng bata, biglang natanggal ang costume (pantalon) niya. Kitang kita tuloy ng mga audience si little manoy sukat ba namang kalimutang magsuot ng brief.
----------(
atungal siya ba )
OH, KAYA MO YUN?
Isama ko na po ‘yung sarili kong karanasan. Ito ay yung tagpong sumemplang ako, hindi sa tagong lugar kundi sa gitna ng kalsada. Ang daming mata ng mga madlang people .. ‘nak ng putakte!, ganda pa naman ng porma ko pang “visor”, disenteng disente. Tumayo agad ako’t hindi makapaniwala sa nangyari at para bang ako’y nananaginip lang hehe. Pagkayari’y tumingin na lang ako sa kanila at bahagyang ngumiti.
----------(
sira poise ko)
Teka, kung ang mga sumusunod ba ang mangyayari sa’yo o gagawin mo—hindi ba dapat mas lalo kang mahiya? dahil ang mga ito ay sadya naman talagang nakakahiya.
* Nasa dyaryo ka nga, biruin mo pang front page pa! Kaso ang pamagat ng article: MAGNANAKAW NATIKLO!.
----------(
aba sikat!)
* Picture time na at naka-todo lipstick ka pa, may hawak hawak kang karton at doon nakasulat ang mga katagang SHOPLIFTER-HUWAG TUTULARAN.
----------(
rexona roll on po yung tinira niya)
* At ka-join force ng mga magnanakaw na ito ang mga buwayang pulitiko, mga banal na aso, mga taong mapang-abuso sa kapwa, mamamatay tao, manggagahasa, mangongotong, mga illegal recruiters, mambubugbog ng asawa’t anak, at kung sino sino pa.
----------(
NAKAKAHIYA ‘yung mga WALANGHIYA, hindi na talaga NAHIYA!)
Hay…nakakahiya man ang mapahiya, dapat nating tandaan na tayo’y pare-pareho lamang na tao. Aba kung hindi ka pa nakakaranas mapahiya, mapalad ka o kaya nama’y isa kang alien! (hehe). Di bale, ang importante wala kang ka-walanghiyaang ginagawa sa iyong kapwa—aprub na ‘yun ke Lord.
Eh ‘kaw ba?, ano ang pinaka-nakakahiyang pangyayari sa buhay mo? Mag-share ka naman. (Uyyyyyyyyyy nahihiya pa siya, NGEK!).
ako naman
ako naman:
dati sa isang stage play na ginagampanan ko ang eksena ay isang masaker scene. habang emote na emote ako na madatnan ang pamilya ko na walang awang pinatay sa isang kubo, unti-unti akong umaatras sa pagka shock at dalamhati, di ko namalayan na malapit na pla ako sa hagdan ng stage. bigla na lang kumalabog at yun--nahulog ako sa stage sa gitna ng matinding drama scene.
isa pa:
dati kasi long hair ako, hanggang bewang ang buhok ko. nakatayo ako nun sa bus bigla akong kinalabit ng isang lalaki sa likuran ko and sabi: "miss upo ka na dito" paglingon ko tawanan ang mga pasahero--ewan ko kung sino ang napahiya ako o yung lalaki, pero natawa na lang ako at hindi ko kinuha yung upuan--kakahiya e hehe...
check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com
hi kuya rom
kuya may talent ka rin pla sa acting ..na-imagine ko yung eksena nung nahulog ka sa stage grabe nmn, sayang ang effort sa acting hahaha!
may advantage din pla ang long hair sa lalake hihi...sana umupo ka na rin.
TY po sa pag-share ng inyong experience.
God bless po.
Hello LOve Hindi halata ang
Hello LOve
Hindi halata ang pagkakahulog ni Kuya Rom kasi drama yon akala kasama sa script ang pagkakahulog heheheheeheh....
Nice post ha... kitams box office heheeheh
Isa pa sa nakakahiyang naranasan ko ng sumakay ako ng jeep sa manila... sabi ko " Sa lugar lang... sa lugar lang" nakalimutan ko nasa manila pala ako at wala sa Iloilo... yon nakatingin sa akin ang mga pasahero....
Pangalawa... galing kami sa ospital ng tita ko... tumawid kami... yon jaywalking pala... eh tita ko palaban... lahat ng dahilan sinabi na kaya ang mga tao nagkakatinginan.... buti na lan nadala sa drama... sabi ko.. hinihika ako kaya hindi ako maka-akyat ng overpass heheheeheh
Jons
oo nga jons bka nga drama
oo nga jons bka nga drama with konting action hehe, y not?
natawa nmn ako sa'yo, mabilis utak mo ha nakapagdahilan ka kgad na hinihika ka hehe..
ty jons!
God bless.
Uo nga eh.. buti na lang
Uo nga eh.. buti na lang pawisan ako.. kaya okay ang akting hihihihihihi with matching labas dila at hingal heheheheeh
Dapat pala gumawa ka ng mga palusot ng mga pinoy? maganda yon hehehehehe
Jons
Uo nga no? hihihihihihi Kaya
Uo nga no? hihihihihihi
Kaya may phobia ako sa jaywalking... kaya nag-iingat na ako... mahirap na... baka maging best actor ako...
Jons
ahahaha!natawa ako dun ah
Ako sa dami ng nakakahiyang pangyayari sa buhay ko halos nakalimutan ko na sya.
Teka simulan natin nung bata ako:
Nagkikisay ako para lang mabili ng nanay ko yung robot na gusto gusto ko pagkatapos namin magsimba, eh komo taktika ko yun, syempre pasikat sa karamihan, walang magawa ang nanay ko kundi bilhin ang robot na yun saka ako kukurutin ng pinong pino para hindi halata. Pagdating ko sa bahay hindi ko naman lalaruin kundi ilalagay ko lang sa Displeyan namin. (Medyo may bulutong ang utak ko nun,hhehehe)
Medyo 12 years na ako,
Bumibili ako ng mani sa tindahan ni aling Pining noon, ng biglang kumati ang ilong ko at humatsing ng pagkalakas lakas, sabay sabog ng sipon kong kulay green at pinahid ko yung limang pisong papel nun, sabay abot sa ale na halatang diring diri sa limang pisong lalong naging green sa uhog ko, sabay sabi sa tindera "WALA BANG DAGDAG??"
hahahhaha, yan muna baka magmukhang blog ko na ito
Ingat
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
hi spike buti at napadaan ka
hay naku spike, parang gusto na kitang maging pet ha, lagi mo akong napapatawa. Yung bulutong ng utak mo nagamot mo na ba o dala mo pa yata eh hihi..
salbahe ka pa lang bata talaga, nakuha mo pang manghingi ng dagdag sa tindera! kaawa-awang tindera hahaha!
ty spike.
Godbless.
Hahahah!! Wag na pet keychain na lang!!
Medyo nagamot ko na ng konti, hahahah!!
Oo nanghingi pa ako ng dagdag dun sa tindera, ang sama pa nun bago ako bibili, sasabihin ko pang "Ale, patikim ha!!", na mukhang inubos ko na yung mani sa pagtikim pa lang. Ganun ako kakapal nun.
Eh sobrang kapal ng apog ko nun at medyo siraulo ako nung bata kaya halos 2 beses na akong muntik mamatay dahil sa kalikutan ko.
Natatandaan ko nun naglayas ako sa amin, natago ako sa aparador, sabay gawa ng sulat "Nay naglayas na po ako, hindi na po ako babalik sa atin".
Nakakakalahating oras pa lang ako sa loob ng aparador. hindi ko na kinaya ang init at hindi na ako makahinga, kaya lumabas na lang ako. Hindi naman pala ako hinanap ng nanay ko, pagkakita sa akin, " Anak ano itong sulat na ito?", sabi ko lang "Ah wala po yan project po namin yan sa Sibika". hahahahha. Sabay pangos ng tubo na pulang pula na dahil puro dugo galing sa ngipin kong parang rabbit. hahaha
ayos ba??
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
ayos na ayos!
keychain na lang pala ndi na pet. hihi... eh buti pa 'yong aso (pet) hinahanap, ikaw eh nagdrama pa, pasulat-sulat kpa ndi k nmn pala hinanap ng nanay mo. hehe...Baka sinawaan nlng siya sa'yo 'yun, kakaiba ka nga kasing bata eh.
salamat spike.
God bless.
Hehehe... ako rin,
Hehehe... ako rin, mayroon.
Ako sa istasyon ng MRT: "Miss, Cubao po."
Miss: "Sigurado ka?"
"Opo." Sabay bilang sa perang inabot ko. Tama naman. "Cubao po."
"Sigurado ka nga?"
"Oo nga po."
"Nandito ka na eh."
Napalingon ako sa istasyon at nakita ko 'yung pagkalaki-laking CUBAO. "Ay! Magallanes pala!"
Di ko na nakuhang tumawa. Bumatsi na ko kaagad.
Pero ngayon natatawa na ako! Hahaha! Dami pa kong masnakakahiya dyan, kaso wag na, baka masira pa pangalan ko. Hahaha!
RJ :D
* * *
ay naku!
kahihiyan avout dun sa friend ko !:
go !
e2 po may usapan po kaming magkakaivigan na pagkatapos ng klase namin ay magkikita kita po kami dun sa may waiting shade malapit dun sa ilog!nung time po na kompleto na kami ay nag stay muna kami ng matagal at nagkwentuhan ng mga kagaguhan namin.......yung isa ko pong kaivigan ay <meron plang menz>!!!!!!!!!ahahahahahah!!!!!!!!may kwinento yung friend ko na sovrang nakakatawa talaga as in (super duper)sa kakatawa at kakatalon nung friend ko na my menz ay @nahulog yung pasador nya @hheheeheheheheh!
patay malisya ang gaga!!!!!!!!
nagdeny pa ang gaga!kitangkita naman namin .....siguro sa zvrang kahihiyan !!
pero talagang nakakahiya yun !
ehhhh kahihiyan, di talaga makakalimutan !
kakahiya talaga yung nangyari sa friend ko!
Naalala ko ang bukas
Naalala ko ang bukas zipper!
Ilang beses na nagyari sa akin ang ganyan... ang ginawa ko paay malisya kunwari tatalikod sabay sara... o di kaya sasabihin ko... style talaga yan hehehehehe
nakakahiya?
ayos toh ate jha ah.. nakakatawa. at nakakahiya nga. gusto ko iyong scene ni kuya rom na sa sobrang drama eh di napansin ang hagdan..
at sigurado ako-in character pa rin siya... hehehe
ako? nung grade four sobrang kakatawa ko bigla na lang me lumabas na balloon sa ilong ko (kadiri) konti lang ang nakakita. buti na lang.
tas- nung nagwowork na ako-- nadulas ako sa harap ng boss ko habang iniinterbyu siya sa camera-- ako ata ang nakuhaan (o di ba parang mga kamalasan lang sa pelikula ni anne hathaway, sandara bullock at julia roberts)
hmm sa law skul? naku halos araw araw ata ang nakakahiyang pangyayari....
ito last- two weeks ago habang nakapila ako sa lto, nawarak ang pantalon ko- kailangan kong bumili ng bago kaya diretso sa dept store akalain mo 2 oras na ako dun walang magkasya na damit-- nagtiis na lang ako sa mini skirt-huhuhu (nakakaiyak iyon at nakakahiya)
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
Bakit naman walang magkasya
Bakit naman walang magkasya hihihihihi
Nakakaiyak naman yan... buti walang nakakita.... dapat kasi maluwag na pants ang isuot mo lagi... o di kaya mag palda ka na lang hihihihihi
Ingat u friend...
jons
un na nga nagpalda na lang.
un na nga nagpalda na lang. huhuhu.
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."








okay to!
Kala ko karanasan mo lahat ihihhihihi
Sa akin marami na rin akong nakakahiyang nagawa. Naranasan ko yong maling pasok ng room...lumabas na lang ako.
Isa sa mga hindi ko makakalimutan... kahihiyan sa sarili ko... may nakita akong isang bagay na nakabalot sa papel... maganda ang pagkakabalot kaya binuksan ko.. yon pala tae ang laman hahahahaha
Keep on posting!
jons