Ang minalas at ang sinuwerte sa pag-ibig ( not so short medyo long ng kunti)
Magandang araw po sa inyo,gusto ko lang sana i-share ang isang kuwento tungkol sa isang kaibigan ko si Jomar at sa akin ( si Jomar medyo may dating ako simple lang)
Ito ang kuwento niya tungkol sa pag-ibig
Unang araw ng pasukan sa aming paaralan, marami ang mga bagong mukha kahit saan(alangan naman di magbago di ba?) Halos lahat pa ata noon ay nagkakahiyaan na makipag-usap sa mga ibang estudyante(kung iisipin na klasmeyt naman nila dati).Pero may isang lalake talaga ang di ko makakalimutan sa araw na iyun. Sino pa?, wala ng iba kundi si Jomar.
Patakbo siya ng lumalapit sa akin halos pawisan at di makagsalita ng maayos,maya-maya ay inulit niya ang kanyang mga sinabi at doon ko na naintindihan lahat. Unang araw pa lang ng pasukan at meron na siyang nagustohan (hanep di ba) isang maputi at cute na babae,sabi niya sa akin kanina niya pa daw ito sinusundan dahil gusto niya raw sana makuha ang pangalan ngunit wala daw siyang lakas ng loob, kaya humingi siya ng tulong sa akin. Di naman ako umayaw kaya hinanap agad namain ang babae, ng makita ko ito ako ay napatitig sa kanya, sabi ko pa ang ganda niya. Well di naman ako naghahanap ng girl eh kaya sabi ko sa kanya, " diyan ka lang ako bahala"kinausap ko ang babae at sinabi niya ang pangalan niya sa akin, agad naman akong nagpasalamat at umalis agad, sa kasiyahan ni-libre ako ni Jomar (saya di ba).
Mga isang linggo rin ang dumaan wala pa rin ako nababalitaan tungkol kay Jomar kaya namanpumunta ako sa seksyon nila at hinanap ko siya.Nang makita niya ako agad siyang lumapit at sabi"pasensaya ka na busy kasi ako" tinanong ko siya kung anong pinagkakabisihan niya, ang sagot niya sa akin ay ang pangliligaw daw, alam ko na ka agad kung sino kaya di na ako nagtanong, at bigla siyang nagsalita at ang sabi niya puwede ba dalhin mo itong sulat sa kanya, sinagot ko naman siya ng Oo, kaya agad niyang binigay ang sulat at agad ko naman inihatid ito pagdating ko sa room ng bababe ay hinanap ko siya, ang di ko alam nasa likuran ko pala siya at bigla niya akong binangga dahil nataranta ako nahulog ko yung sulat at kinuha niya ito at ang sabi ko sa kanya "para sayo pala, basahin mo"at agad akong umalis.
MALAPIT NA ANG ENDING!
Ilang linggo rin ang dumaan at ilang ulit rin kaming nagkikita ng girl( well kasama ko rin si Jomar baka isipin niyo ako lang) ngumingiti pa ito sa amin minsan at ang reaksyon ni Jomar well halos mabaliw sa tuwa.
Dumating ang araw ng biyernes walang pasok ngunit may program sa school, maaga pa kami noon sa school ni Jomar, sa kalilibot namin sa loob ay nakita namin ang girl kasama ang friends nito,isa sa mga kaibigan niya ang lumapit at nagtanong kung sino daw si Jomar, agad ko naman itinuro si Jomar, ang sabi ng babae ay gusto daw ng girl ( yung nililigawan ni Jomar)na mag-usap sila, tatawagin lang daw siya mamaya. Sumang-ayon naman agad si Jomar, kaya pagdating ng hapon siya'y handang-handa na dumating na yung girl kasama ang mga kaibigan niya tinawag nila si Jomar at nag-usap nga ang dalawa, noong una'y panay ang tawanan ng dalawa, kaya masaya naman ako sa kanila, ngunit maya-maya ay nag-iba na ang takbo ng mukha ni Jomar para bang malungkot at di maintindihan.Maya-maya pa ay tinawag niya ako lumapit ako at ibinulong niya sa akin na busted daw siya. Nabigla ako, kasi na busted siya at mas nabigla pa ako sa sinabi niya " may ipagtatapat daw sayo yung girl" di ako makapaniwala bakit ako nasali sa kanilang dalawa.. pero wala rin akong magagawa kaya lumapit ako sa girl, di ako makapagsalita natatameme di makatingin sa kanya ng diretso, nagsalita siya at ang sabi niya" sorry binasted ko friends mo" sabi ko sa kanya bigyan mo pa siya ng chance sumagot siya at nabigla ako sa sagot niya" ayaw ko,alam mo kung bakit?( di ako nag-react) kasi di ko siya gusto ikaw ang gusto ko" di ako makagalaw sa narinig ko( korny di ba) ako raw ang gusto niya lumapit pa siya ng kunti at hinawakan ang kamay ko at ang sabi niya " noon pa man sa una nating pagkikita mahal na kita"
Kaya wala na rin akong nagawa at si Jomar sinabi niya lang sa akin na mahalin ko na lang daw yung girl ng buong puso at huwag ko daw saktan, sbi niya pa'y ang suwerte mo di kanaman guwapo pero ikaw pa ang nagustuhan niya (di ko gusto ang sinabi niyang yun pero di ako nag-react) at mula noon kami na nga ng girl atsi Jomar mula rin noon ay naghahanap pa rin.
Isang paalala ang puso ay walang pinipili guwapo ka man o hindi, di mo alam ang takbo ng puso ng isang tao kaya huwag mong isipin na ang pag-ibig ay dinadaan sa ka guwapuhan dahil ang totoo lang ang puso ay marunong maghanap ng tunay na kasiyahan.
Kung ako ang tatanungin
Kung ako ang tatanungin nalungkot ako sa nangyari kay Jomar... sa side niya kasi napakasakit ng nangyari sa kanya... kaya ang moral lesson diyan.. kapag nanligaw wag ng idaan pa sa iba... kung mahal mo talaga ung girl kaw na manligaw at kaw na magpakilala...
Sabagay walang pinipili ang pag-ibig... hindi mo rin kasalanan kung ikaw ang nagustuhan... nagpakatotoo lang naman ang girl at maganda din un kasi hindi na niya pinatagal ang situation... sinabi niya agad ang nararamdaman niya at hindi na niya pinaglaruan ang damdamin ni Jomar...
Nice story... keep on posting
jonsdmur
thank you
yah kahit ako di ko naman inakala na magugustohan ako ng girl eh
akala ko nga biro niya lang pero ng hinawakan niya kamay ko naisip ko na baka totoo na yun pala totoo na nga..
di ko rin kasi masisisi si jomar mahina ang puso nun when it comes sa pangliligaw..
then nalaman ko rin sa girl na mahangin daw masyado si Jomar, di ko lang alam kung totoo kasi ako di ko naman nakikita eh pero may time lang talaga na parang may pagka hambog yung pananalita niya pero di ko naman pinapansin kasi friend ko siya at matagal na kami mag friends!
tnx pala sa comment
have a nice day
Walang anuman! Ganyan talaga
Walang anuman! Ganyan talaga ang buhay... saka mapalad ka rin... ang mahalaga napatunayan mo kay Jomar na karapatdapat ka sa babaeng mahal mo....
Keep on writing...
Jonsdmur
right!
uu nga..
ndi nman kc pnpili ng puso ung physical appearance eh..dba?..
ewn ko lng kung ano, kc sa tngin ko ndi rin nbbase sa ugali, kc merong nlluv at first sight..tpos ung iba, ung aswa nila msama n nga ugali, mhal p rin nla ung aswa nla..
san nga b nhuhumling ung puso ntin sa isang tao??..
Parang kwentong panggrade six hahahah(biro lang)
Sabagay eh kwento mo ito, medyo di ko alam bakit ang naiimagine ko ay mga high school students na atat na atat sa pagkakaroon ng gf o bf,hehehe? Ilang taon ka na ba iho?hahahah!!
nakalagay dun "kuwento tungkol sa isang kaibigan ko si Jomar at sa akin", akala ko love story nyo ni Jomar yun.hahaha. Joke lang!!
Ingat na lang bro
Spike
Bro..
Parang kwentong panggrade six hahahah(biro lang)
hehehe...natawa naman ako sa sinabi mo at biglang binawi mo pa.ahihihi
Ganun talaga bro ngayon (tanders na tayo eh) at mapupusok ang mga bagets di tulad noong time natin...Miss tuloy kita.ahahaha!
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
Hahahah!!! Sabi na nga ba may HD ka sa akin eh
Whahahah, mukhang mapupusok na nga ngayon, at ang deskripsyon sa babae eh "girl", nice!!
Eh kaya binawi ko eh kwento nya kasi ito, true to life ba? eh kung maikling kwento eh dun ako medyo magcocomment eh kasi true to life eh, kwento ng buhay nya eh. Kaya walang kumpleto o kulang kasi buhay nya yun eh. Pero para nga talagang kwentong panggrade six.hehehhe
Naku bro, iba na ang filipinowriters.com, mukhang extension na ng friendster, hahahaha!! may survey pa saka mga shoutouts. ibang klase
Ingat bro,
Spike
hmmm...
i'm not sure kung kuwentong pang grade six ito..well di ko alam kung ano ang nasa isip mo..hehehe...
di ko rin ginawang friendster extension to...kasi its about my life.....iba nga diyan nag kukuwento ng mga buhay ng ibang tao...di ba? kung pang grade six ito.. di dapat mahaba.... at di na rin ako high school isa pa may nag request lang nito sa akin ng mabasa niya yung isa kung tula..... kaya naman ginawa ko.. well di ako sure... kung ano ito para sa inyo....
but for me...kuwento ito at hindi kung ano-ano lang akala ko ba ang filipinowriter.com ay tumutulong para mas maisaayos o mas mapalawak ng isang manunulat ang kanyang kakayahan bago man o hindi.
kaya nga magsimula tayo sa maliit bago tayo pumunta sa malaki its just like that... hindi na magsimula tayo sa malaki papunta sa maliit.. ika nga paano magiging piso ang isang piso kung kulang ito ng 10 sentemo.... kaya paano maaayos ang isang kuwento kung gumagawa lang ito ng kahit ano.. na di man lang nakikita ang kamalian nito...
like mr. rom sa kanya ko nalaman na mali ako so now mas iniingatan ko ang mga sinasabi ko... and dahil rin kay kuya jons may mga nalaman rin akong iba...
kaya nga gumagawa ako ng simple kaysa gumagawa ako ng mahirap na marami namang mga kamalian!
but then tnx sa comment
Teka teka teka
Pakibasa po uli yung sinulat ko sa comment ko sa iyo:
eh kung maikling kwento eh dun ako medyo magcocomment eh kasi true to life eh, kwento ng buhay nya eh. Kaya walang kumpleto o kulang kasi buhay nya yun eh.
I didn't say na pangfriendster yung gawa mo, ang sabi ko itong site ang nagiging extension ng friendster....if you feel that way wala akong magagawa dun.
Pakiunawa pong mabuti yung comment ko .
(Note: Pagsinabing kwentong panggrade six ibig sabihin theres a need for maturity sa pagsusulat.Kung high school student ka pa, its an excuse)
Salamat at ingat na lang bro
Spike
hmm..
naintindihan ko yung mga sinabi mo may part lang kasi doon na ayaw ko.. yung sinabi mong grade six..mas gusto ko kasi na direct to the point like ... kulang pa, kailangan mo pa ng ganito at ganyan... i will accept that.. na inis lang kasi ako... dun.. at tungkol namn sa friendster.... alam ko yun...naintindihan ko, may kulang lang siguro sa mga sinabi ko sa comment ko kanina kaya parang na iba ang dating.... well ano ba naman di ba ang magagawa ko comment mo yan..
but then thanks pa rin....so...thanks talaga...
salamat uli at ingat rin po!





hello po...
hindi naman mahaba tulad ng saakin...(very short nga eh...)
ganyan nman tlaga parati na ang tulay ang siyang parating nagiging panalo at ngiging katulayan o ktuluyan. Ilang ulit na bang nangyari ang ganyan kaya dapat magtanda na tayo na huwag gagamit ng ibang tao sa panliligaw.ahihi. --->kung mahal mo ay ipakita ang katapangan at katapatan.yun lang po.bow.
salamatzkid!
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."