Ang Minsan

manhater.xxiv's picture
Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin-top:0in; mso-para-margin-right:0in; mso-para-margin-bottom:10.0pt; mso-para-margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-theme-font:minor-fareast; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin;}

Hayan ka na naman. Nagmumukmok. Pang-ilang beses na ba ito? Hindi na ako nagugulat. Hindi na ako nagtataka.

Heart-broken ka na naman kamo? Hindi na bago. Ganyan ka naman. Magsusulat ka lang kapag may problema ka sa puso. Pero ayos lang, wala naman nag-re-require na magsulat ka parati. Hindi naman 'to dyaryo o magasin na may quota ng mga sulatin mula sa 'yo. Wala rin namang may say sa mga ita-type mo, at wala ka namang ibang kausap kundi ako.

Bago ang lahat, tatanungin muna kita. Bakit ka nandito? Gusto mo ng kausap? Ng kaibigan? Ng karamay? Ng magbibigay ng advice? E bakit ka nandito, nagba-blog, hindi sa grupo ng mga kaibigan mo na nahahawakan? Nasasandalan? Napupunasan ng mga likidong galing sa iba't ibang parte ng katawan mo habang nagkukuwento? Ah, naalala ko. Wala ka nga palang tunay na kaibigan. At nandito ka, dahil gusto mong maging ang sarili mo - nang walang atubili na baka may maka-alam.

Sige simulan mo na ang kwento.  Hindi pala kwento kundi ang pagda-drama mo. Diba 'yun naman 'yun. Sige, sayo na 'tong space  na 'to.

Okay lang na maalala mo siya. Okay lang na malungkot. Okay lang umiyak. Okay lang ang minsan na maging emo ka dahil sa kanya. Pero dapat minsan lang, dahil kung palagi mong hahayaang lamunin ka ng mga emosyon mo, pati ang sarili mo, mawawala sa 'yo.

Naiintindihan ko na nasaktan ka, at nasasaktan ka. Hindi ko sasabihin na 'wag kang malungkot dahil nakakalungkot naman talaga na ang taong minahal mo ay pinagpalit ka sa iba. Pero sasabihin kong magpakatatag ka. Ika nga sa Ingles, "This, too, shall pass." Hindi man sa ngayon, darating din ang panahon na makakalimot ka. 'Di mo kailangang magmadali. Hindi lahat ng bagay sa mundo ay instant. Maging ang instant coffee at instant noodles ay hinihintay ng tatlong minuto para maluto at matunaw. Kaya 'wag kang mag-expect na agad-agad mawawala ang sakit na nararamdaman mo. At hindi tulad  ng mga nabibili sa pakete, tao ka, at walang directions na kasama mo para malaman kung paano ka gamitin. Ang magagawa mo lang ay maghintay... kahit nakakasawa ang paulit-ulit na nangyayari sa 'yo, kahit nakakaasar ang pagiging unfair ng mundo, kahit na alam mong may may nakalaan pang mas mabuti para sa 'yo. Walang makapagsasabi kung kailan ka dapat magmahal at tumigil magmahal. Ang magagawa mo lang ay maghintay.

'Wag mong gawing dahilan ng pagluksa ang mga bagay na akala mo ay indikasyon na ng pangmatagalang relasyon. E ano ngayon kung sa kanya mo binigay ang virginity mo? E ano ngayon kung close ka sa pamilya niya? Ano ngayon kung siya ang unang lalaking pinakilala mo sa magulang mo? At ano naman kung ang kwarto niya ay puno ng mga gamit at sulat mo? Kahit ano pang sabihin mo, wala na kayo. Ang mga bagay na 'yan ay mananatiling alaala na lang. Walang batas na nagsasabi na kapag nangyari na ang lahat ng 'yan, kayo na ang magkakatuluyan. Oo at binigay mo ang sarili mo sa kanya. Oo at lahat ng plano mo para sa hinaharap ay kasama siya. Hindi naman kayo nakarating dun, diba? Walang nabuong pamilya. Walang naganap na kasal. Hindi ba't paminsan nga ay pati ang kasal ay nabubuwag? Siguro ay tama na rin siya na hindi na niya pinatagal. Mas mabuti na na siya na mismo ang umamin sa kasalanan.

Okay lang na ma-miss mo siya. Okay lang na aminin sa sarili mo na mahal mo pa siya. Okay lang ang minsan na maramdaman mo ang sakit. Alalahanin mo na sa mga pagkakataong ganyan lalo kang nagiging tao, taong natuto para sa muling pagsuong sa mga darating pa na bagyo.

Beinte anyos ka pa lang, iha. Marami ka pang makatatagpo. Marami ka pang mararanasan. Marami ka pang ikukwento habang hindi pa kayo ng taong pinagdarasal mo.


manhater.xxiv's picture

Dammit! I still love you

Dammit! I still love you even if I don't want to!

 

How can I get you off my system!!!!!

sabi nila acceptance is the

sabi nila acceptance is the best way para makamove on... tingin ko naman nakakamove on ka na.... konting panahon na lang... mawawala din nararamdaman mo....

manhater.xxiv's picture

True enough, mejo

True enough, mejo nakaka-move on na nga. Thanks to all your writings, I'm able to divert my attention to something else. :D

http://forcedengineer.wordpress.com

zhaine_joy23's picture

wow

ang sarap sarap basahin ulit ulitin. para natatauhan ako sa buhay ko. sobrang sarap pala sa pakiramdam na may nakakaunawa sayo. hindi 2lad ng mga kaibigan na idadaan sa alak ang lahat na akala mo pag nalasing kana tapos na din ang sakit na nararamdaman.  dahil sayo natauhan ako salamat!!!! kaya mo yan sabay sabay taung mag move on para sa mga sarili natin!!!!

manhater.xxiv's picture

Aww, ang sarap sarap din

Aww, ang sarap sarap din basahin paulit-ulit. Salamat at na-appreciate mo at salamat nakatulong ako. Grabe ang saya-saya ko. :)) Ang sarap pala ng feeling ng nakakatulong. :) Kaya magandang bin-blog ang mga nararamdaman. :) Kaya blog lang tayo! GO! Good luck! God speed!

http://forcedengineer.wordpress.com

zhaine_joy23's picture

away ko na muna

away q na mainlove nakakasakit ng ulo pati puso minsan pati pagkatao mo naaapektohan na rin!!!! hayyyyyyy!!!!

manhater.xxiv's picture

Ganyan talaga. Give yourself

Ganyan talaga. Give yourself time to heal. :)

 

In God's time, lahat ng sakit mawawala at darating na ang true love! Yihee. Sa ngayon, sarili muna natin ang mahalin natin. It is only through loving yourself that another can love you. :)

http://forcedengineer.wordpress.com

zhaine_joy23's picture

ano pa

ano pa bang gusto nya at kailangan pa nyang bumalik. hindi pa ba sapat sa kanya ang pagkawasak ko!!!!

manhater.xxiv's picture

Bakit?

Bumalik? Tinanggap mo ba siya?

Hindi naman siya makakabalik kung hindi mo bubuksan ang pinto para sa kanya. Ano ngayon kung nagpaparamdam siya? Nasayo yun kung gusto mo magpadala, pero sakin, dedmahin mo na lang siya girl! Diba nga party tayo! HEHE.

http://forcedengineer.wordpress.com

zhaine_joy23's picture

sakit

sakit sya sa ulo. ewan ko ba don. may sira yata ang ulo nya. wala syang alam gawin kung hindi ang makita akong nagdurusa at nahihirapan. hay!!!

 

 

Merry Christmas!!!

 

Samahang MAlamig ang Pasko!!!

manhater.xxiv's picture

Naku

Kung ganun wag kang magpakitang ikaw ay nagdurusa at nahihirapan!

 

Wag mo siyang pansinin teh! Magpaganda ka! Magpa-haircut, magmake-up, magshopping, magpawax ka! HAHA. Basta, dapat maging masaya ka sa sarili mo muna.

 

Kebs tayo sa kanila. Boys lang yan. Women tayo. HAHA. Mwaaaah!

 

Merry Christmas!

 

http://forcedengineer.wordpress.com

zhaine_joy23's picture

happy new year

hay new year na ibig sabihin dapat new life na tau. pakasaya na taung lahat.... kalimutan na natin ang mga lalaking yan.... problema lng ang dala nila sa buhay natin!!!

manhater.xxiv's picture

TAMA!

Kaya ngayon, sa gabing ito, ipo-post ko na ang huling sulatin ko tungkol sa pag-ibig. :) Hindi ko na ito aalalahanin kahit kailan. :)

 

http://forcedengineer.wordpress.com

 

johncross's picture

mistake

mistake is not a mistake if you learn from it.

maswerte ka pa rin dahil kahit papano, naramdaman mo kung pano magmahal.  at higit na maswerte dahil nandito ka sa site na to para magkwento.

chill lang.

manhater.xxiv's picture

WOW!

at higit na maswerte dahil nandito ka sa site na to para magkwento.

Hanep. Ito ang pinakamagarang narinig kong comment. :)

http://forcedengineer.wordpress.com

freak06's picture

padaan lang

 Beinte anyos ka pa lang, iha. Marami ka pang makatatagpo. Marami ka pang mararanasan. Marami ka pang ikukwento habang hindi pa kayo ng taong pinagdarasal mo.

 

ang ganda nung story tama poh yung last na phrase...bata kpa....mdami kp mkilala..ibibigay at ibibigay yung guy na para sa'yo...just w8 till the right time comes....

 

yun lang.... :D

 

♥jonhel15♥

the twilight saga

manhater.xxiv's picture

Salamat.

Salamat sa pakikiisa sa sentimento ko. Hehe. Oo, tama ka. Darating din yun, di man ngayon, di man next year, di ko alam. Pero darating din yun. Kaya nga habang wala pa siya, ako muna magmamahal sa sarili ko. :)

 

http://forcedengineer.wordpress.com