Ang nakaraan pilit winawakasan sa mundong ayaw makagisnan

 Heto ka nanaman

naglalaro sa aking isipan.

nagsisimula maglikot sa aking kamalayan

na magtatapos sa pait ng nakaraan,

ang iyong alaala na

minsa'y pilit kinalimutan at

tinalikuran

sa maka-mundong pamamaraan

 

Sa bawat pag-patak ng ulan

na nag-bakas sa basang lupa

na iyong diniligan 

ng pait at kadalamhatian,

sa hindi maitangging

putik na bunga ng

kahangalan.

 

pataksil na pag-ibig

na tinapos ng kataksilan;

kamalayan na tinangay ng

karuwagan

 

huwad na pagmamahalan

sa dalawang nilalang

na naglilinlangan.

 

Pag-ibig nga'y sadyang

madaming lihim na tinatago

na mahirap hanapan

ng kasagutan;

Mga karanasan na nagdadala 

ng kaalaman

mga kamaliang maghahatid

sa atin sa tamang daan

Mga nilikhang
may bitbit ng karahasan at kasiyahan

ngunit sa bandang huli;

sa karimlan ng iyong buhay

tanging ikaw . .

 

tanging ikaw

na nilalang 

ang akda 

ng iyong ginawa

sa aklat na 

sa iyo ay

pinaubaya

 

ngunit 

ibayong pag-iingat

sa bawat pag likha ng mga titik

sa iyong sinusulat na dula;

dahil sa  bawat inaalay mo  sa

bawat  pahina

tanging

pangalan mo ang

mismo na nakataya;

sa mga matang nakamasid

at sa kaisipang mapang-husga

 

 

 

nagsisimula na nanaman umalolong ang

iyong tinig

sa aking dalawang tenga na

ayaw kang marinig.


like it!

importante yung multo sa'tin. not only that it brings us to things na gusto na nating takasan, pero hindi naman kasi nangyayari  yung mga bagay ng walang rason. may lesson sa'tin yan.

go girl! sana marami ka pang masulat. hehe

keira's picture

cassandra

 

umalulong ang right term, di ba?

Hehehehe.

sa pagdalaw ng mga multo, matututo kang harapin ang takot.

may haplos sa puso ang tula mo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

hit me like a ray of sun

 oo salamat s pagtama sa

 oo salamat s pagtama

sa umaalulong.

anyway salamat sa comment mo at advice na din

 

anyway madaming doubleng salita yan at malalim pa na kahulugan hehehe

thanks talaga

 

 

 

Hindi ko sinasabing tama ako. . .

pero sinasabi ko hindi ako sang-ayon sa paniniwala mo

SSShh.. Secret lang natin

SSShh.. Secret lang natin toh

 

hi keira.. uy signature text ko yung sa baba ko ha, baka kasi akalain mo kasama ko sa comment ko e, hehehe

 

ngayon ko lang naalala mag reply e, sorry.

musta

waha!

anong tula?