ANG NANAY NI SPIKE

spike_west's picture

 

Maraming nagsasabi na kamukha daw ng nanay ko si Annabel Rama (pero di mataray ang nanay ko). Hindi ko alam, kaya siguro nasabi ng mga tao yun kasi kamukha ko si Richard Gutierrez (walang pakialamanan). Pero kaming magkakapatid ang tawag namin sa kanya ay Tya Pusit, kasi talagang ganon-ganun ang akting ng nanay ko, at dahil na rin mukhang mga squidballs at kikiam ang mga kapatid ko.

Maraming mga terminologies ang pinauso ng nanay , minsan nagugulat na lang kami kasi hindi namin alam kung saan pinagpupulot ng nanay ko ang mga salitang yun, heto ang sampol:

PAASO-ASO- hindi maganda ang pagkakagawa, o hindi masyadong sineryoso ang isang bagay

SENTENCE:  “Ano ba namang klaseng linis ang ginawa mo dito sa kwarto mo, eh PAASO ASONG linis yang ginawang mo  bata ka” (***please insert PINGOT here***)

TSINATSANE-ibig sabihin kinukuripot

SENTENCE: “Hoy wag mo nga akong TSINATSANE, nasan na yung entrega mo ngayon buwan na ito”  

MAY TAE ANG BIBIG- ibig sabihin hindi pala ngite, suplada. Yung mabaho ang hininga ay hindi kasama sa terminologies ng nanay ko

SENTENCE: “Bakit ganyan ang gerlpren mo, parang MAY TAE ANG BIBIG

PAPUWET-PUWET- halos kapareho lang ng paaso aso, yun nga lang mas worst pa ito

SENTENCE: “Anak anong klaseng project itong ipapasa mo, eh PAPUWET PUWET ang gawa mo ah” (di nya lang alam eh pinagpuyatan ko yun)

KUTIS BUBWIT- ibig sabihin halos walang ginagawa sa bahay, tamad na babae.Sila yung piling Reyna sa bahay

SENTENCE: “Ano ba namang kamay yan iha, eh KUTIS BUBWIT ah siguro wala kang ginagawa sa bahay”

BOSES IK-IK- ibig sabihin mahina ang boses

SENTENCE: “Lakasan mo ang boses mo, hindi parang BOSES IK-IK yang lumalabas sa bibig mo, ikaw ba ang kumuha ng pera sa wallet ko???”

Iyan ay mga sampol lamang, at marami pang mapapausong salita ang nanay ko. Kaya balak ko ring gumawa ng “dictionary” para sa kanya.

Ang nanay  medyo maagang nag-asawa, trese anyos pa lang sya noon, nung nagpakasal sya sa tatay ko. Biruin mo kakatapos lang nya ng greyd siks , at kung tutuusin eh naglalaro pa sya ng jackstone at piko noong mauto este mainlab kay tatay ang nanay ko.

Usap usapan sa barrio namin  noong araw, pag tumuntong na ng disin-nuebe (19yrs old) ang mga babae dun aba “Gurang” na daw ang tawag o di kaya matandang dalaga. Kaya siguro hindi nagpahuli ang nanay ko. Kaya naman IN NA IN SYA. Noong nakita ko nga yung graduation picture  noong elementary sya, aba gulat ako kasi mukha na syang matured tingnan (mukhang matanda sa tagalong, hahahah). Malaking bulas kasi ang nanay at hindi lang yun pang Binibining Talipapa ang ganda ng nanay ko. Kaya siguro inlab na inlab ang tatay sa nanay. (at ganito kaming kakakyut)

Medyo busog na busog kami sa palo ng nanay . Halos dumidighay kami ng kurot at pingot mula kanya.Kaya naman ganito kaming kababait na magkakapatid (nice parang tunay) .Si nanay,  parang si BIONIC WOMAN yun, marami syang ESPESYAL PAWERS. Pag medyo naglilikot na kami, isang tingin lang ng nanay, tunaw na kami ng kanyang LASER EYES kaya titigil na kami sa kalikutan. Tapos pag di nakuha sa tingin, sabay lapit sa amin at kukurutin ng pinong pino ang braso habang ngumingite para hindi halata sa bisita. Meron din syang WEAPON din, tulad ng MAGIC PAMALO, GIGANTIC PATPAT at ULTRAMAGNETIC MOUTH.

 Eh, hindi ko naman masisi ang nanay na magtransform sya sa pagiging BIONIC WOMAN eh sa sobrang kulit at pilyo ko ba namang ito, tyak mamumuti ang buhok ng nanay ko. Eh ako pa ang lider ng aking mga KAMPON este nakakabatang kapatid kaya naman, halos lagi kaming naghahabulan ng nanay sa sobrang pambubuwisit na ginagawa ko sa kanya.

Minsan, naisipan kong gumawa ng hagdanan sa puno ng guyabano namin. Eh pag hahabulin na ako ng nanay  para pingutin at paluin eh duon ako aakyat, kasi tyak di na nya ako kayang habulin dun. Kaya naman ng minsang ginawa kong isang malaking CANVASS ang dingding namin sa aking magagandang drowing na bulaklak at aso na mukhang tae ng kalabaw gamit ang APACHE PENTEL PEN. Halos parang torong galit na galit ang nanay kaya hinabol ako, palibhasa alam kong di nya ako mahahabol sa puno ng guyabano namin, pag akyat ko sa dulo  nabali ang sanga (di ako kumanta ng LERON LERON SINTA ha)hayun lagpak ang batang malikot at una ang ulo. Akala ko nga mamatay na ako, pero buti na lang naagapan pa ng doktor, hehehe!! (sabi nga nila ang masamang damo matagal mamatay).

Kaya pagkatapos ng insidente na yun, eh bumait sa akin ng nanay ko. Pero may expiration date din ang lahat kasi bumalik na naman ang kapilyuhan ko makalipas ang isang linggo. Kaya bumalik din ang magandang samahan namin ng nanay. Hahaha!!!Madalas din para akong abogadong sagot ng sagot sa nanay kaya naman lalong kumukulo ang dugo nun sa akin yun, heto ang mga sampol

Nanay: Sige pag di mo nakita ang hinahanap mo MAKIKITA MO!!(Gigil na gigil)

AKO: Eh yun naman pala nanay , pag hindi ko makikita eh makikita ko naman pala, so hidi ko na hahanapin baka lumitaw sya ng kusa (sabay ngiti ng aso)

Nanay:  Ano uubusin mo ba ang pagkain mo o hindi? Kung hinid malilintikan ka sa akin, ano uubusin mo ba?

AKO: Naku nanay, tinanong mo pa ako, eh ganun din naman pala, kailangan ko ring ubusin yan (sabay akto ng diring diri sa pagkain)

Nanay: Ano sasabihin mo ba ang totoo, kung hindi mo sasabihin kukurutin kita!

AKO: Opo sasabihn ko na po, ako po yung nakabasag ng vase

Nanay: Eh napakalikot mo namang bata ka eh (Sabay kurot sa akin)

Naku kinurot din ako ng nanay. Akala ko kasi kung magsabi ako ng totoo di na nya ako kukurutin. Mukhang naisahan ako ni Nanay dun ah, Dapat sinabi ko na lang na akala ko alkansya yun o kaya nasagi ni Muning (kahit wala kaming pusa, may mailusot lang)

NGAYON NA MALAKI NA AKO, magkasundong magkasundo kami ng nanay ko. Eh ganun talaga dumadarating ang pagkapilyo natin pag bata ka. Pero ako yata ang PEYBORIT ng nanay ko, kahit na mas malaki minsan ang ulam ng KUYA ko kaysa sa akin, at mas malakas ang iyak nya noong lumipat sa kabilang kanto ang KUYA ko kaysa noong umalis ako para mag-abroad. Hehehe!!PERO LOVE NA LOVE KO PA RIN SI NANAY.

Naalala ko tuloy noong paalis na ako papuntang abroad. Iyak sya rin sya ng iyak

NANAY: Huhuhuhuh, anak wag ka ng umalis sa Pinas, dito na lang tayo magkakasama sa hirap at ginhawa.

AKO: Eh nanay kailangan eh mahirap ang buhay sa atin kaya minsan talaga kailangang magkahiwalay.(talagang touch na touch ako nun)

Makalipas ang tatlong buwan, nagchat kami ng nanay gamit ang mic at webcam

NANAY: Huhuhuhu (ngawa ng ngawa ang nanay ko)

AKO: O bat na naman kayo umiiyak ‘nay, eh di ba napagusapan natin ito dati.

NANAY: Eh kasi anak, napaginipan ko kasi uuwi ka na sa Pinas eh, naku ang dami pa nating utang,anak!!(***insert sipon at singhot here****)

Naku buwal ako sa nanay ko, akala ko pa naman miss na miss nya ako, at gusto nya na akong makita kaya sya umiiyak  yun pala  kasi uuwi na raw ako sa Pinas. ASTIG KA NAY, MAHAL NA MAHAL MO TALAGA AKO!!heheheh

Pero alam ko namang mahal na mahal ako ng nanay, 100% sure yun. Kaya babawi ako sa pag-uwi ko sa PINAS, eh papasayahin ko naman sya. Eh pipilitin kong maging mabuting anak para sa kanya, eh si nanay ang isa sa mga dahilan kung bakit nagsusumikap akong magtagumpay dito sa disyerto. At balang araw makakaganti rin ako sa lahat ng bagay na ginawa nya sa akin. Si NANAY ata ang tagapagtanggol, tagapayo, tagapagpasaya at inspirasyon ko. At habambuhay akong magpapasalamat sa kanya dahil sa pagiging isang mabuti at mabait na nanay sa buong mundo. At kahit mabuhay pa ako ng 100 beses, sya pa rin ang pipiliin kong maging nanay ng 200 beses, at di ko sya ipagpapalit kahit kanino.

Kaya ang tangi ko lang masasabi sa kanya ay “ NANAY, I LAB U”, gagawin ko ang lahat para maging masaya kayo.

Yun lang po at maraming salamat sa pagbasa!!


Adlesirc's picture

haha

nakakaaliw yung terminologies ng nanay mo ah.hehehe

 

nanay ko din masakit mangurot dati. pinong-pino. =)

spike_west's picture

Hahahah!!

Marami pa yan, hayaan mo baka next year maglabas na ako ng dictionary ng nanay ko.  

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

dyeppri's picture

Nakakaaliw ka SpikeW. Promis!

                                                                                                         Libog at Pagkauhaw-------->

 

Ibang klase talaga ito at nakakatuwa. Astig ka pre. Sana ako rin malapit na umuwi. (Inggit ako!)Undecided 

                           http://dyeppri.wordpress.com/

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

spike_west's picture

Wahhhh, Umuwi ka na kasi

Bro, umuwi ka na kasi. Grand Eb natin yun bro, eh ikaw daw ang inaabangan nila. Gusto daw nilang makakkita ng artista!! Nice.

Ano pre gusto mo hanap pa kita ng booking eh, business class ba?

Ingat tol, umuwi ka na bro!! 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

dyeppri's picture

Hindi nga pwede...

                                                                                                            libog at pagkauhaw----->

kasi baka kapagnag-apply ako ng leave ay termination ang aprubahan, alam mo naman na sige ang pagbabawas nila ng mga gastusin.Frown

                           http://dyeppri.wordpress.com/

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

Rom's picture

.

nakakaaliw naman nanay mo spike hehe...kaya pala ganyan ka may pinagmanahan. nalala ko din nung kabataan ko sobrang dami din ng kalokohan ko at naalala ko reaksyon ng nanay ko nung pinana ko sa ulo yung pato ng kapit bahay namin hehe...

 

 

logo button 1

dyeppri's picture

Ako...

                                                                                                        libog at pagkauhaw------>

 

Ako 'yung kapitbahay ko mismo ang pinana ko. Sapul!Undecided 

                           http://dyeppri.wordpress.com/

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

spike_west's picture

Ganun ba bro

Naku sa dami ng kagaguhang pinaggagawa ko nung bata eh talagang mauubos ang dugo ng nanay ko. Tulad ng ginawa ko tirador yung garter ng panty ni nanay. Tapos nung ginawa kong kotse yung upuan at kumot namin kaya nagkagasgas gasgas ang sahig namin. Marami pa, sobra.

Rom kelan ba ang exact date ng grand eb natin???  

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

.

 exact date? e depende yan kung kelan ka available pagkadating mo. announce mo dito kung nasa pinas ka na tapos mag reply kami kung kelan availability namin para marami makadalo. request ni Kislap sana daw early April para makadalo sya kasi may Grand Event siyang dadaluhan middle ng April e.

kami naman ni Teena basta ba weekend lang oks na Jamming tayo dadalhin ko gitara ko bahala na kayo sa kanta hehe... 

 

 

logo button 1

spike_west's picture

Bro, uwi ko ng April 9

Kahit mga April 18 (sabado) ano pwede ba yun? Teka ano ba yung Grand Event na yun ni Bok Kislap, baka naman kasal nya yun!hahhaha!!

 Ano pwede kaya yun? any suggestions?

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

kislapalitaptap's picture

wagggg!

....wag naman April 18! tiyak yun di ako makakadalo! hahaha!

pwede pagkatapos ng April 18? hahahaha!

basta wag 18! next saturday o sunday  pagkatapos ng 18! hahaha! wag sa april 18!

wag po!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

spike_west's picture

Sige next saturday nun

April 25 na lang!! Ano pwede na yun bok? Tingin ko ookay yun sa lahat. Ano hanggang umaga na ba yun. Hehehhe!!  

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

daya sama ako.

eh birthday ni kislap sa  april 16 . hala. balak ko pa manding umalis dito ng april 15 para punta baguio hanggang 18 lang ako. daya, nag april 25 na kau. hehehe 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

kislapalitaptap's picture

baka...

...kailangan niyo ng master initiator para sa pag-aayos ng initiation. pwede ako. basta pagawa kayo ng paddle! hahahaha!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

Rom's picture

.

 

 april 18--->oks ako jan weekend naman e. venue na lang

 

logo button 1

spike_west's picture

Rom

Di raw pwede si Bok Kislap sa April 18 (kasal nya ata yun). Ako pwede naman ng weekdays, kaso alam kong may mga pasok kayo. Eh april 25  na lang Rom, ano tingin  mo? 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

april 25

oks ako dun kahit sa april 25. gawa ka ng bagong post dito tungkol dun para naman yung mga sasagot e magbigay ng availability schedule nila, at para makapag haggle na rin kung kelan mas oks ang lahat-->kasama na pati venue

 

 

logo button 1

spike_west's picture

Sige gawa ka ng Post Rom

Sige hanap tayo ng Venue. Uhmmmmm san ba magandang magvenue? sabagay ilang oras lang naman yun, sige ako na bahala sa rental fee (kung meron man) ng venue basta mura lang ha! Tapos magkape na lang tayo kung gusto nyo pagkatapos!!

Rom isip ka nga venue? Yung masarap din ang pagkain. Masarap dun sa Italian Resto sa ibaba ng Trinoma? Pwede tayo dun. maganda rin yung place.

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

.

 aba kung ako ang tatanungin nyo mas gusto ko sa Laguna. dito sa Los Baños andaming private pool na marerentahan pwedeng overnight ang presyo from 2k to 4k buong magdamag na yun yung pagkain naman pwedeng magpaluto o kaya order tayo. kaso di ko alam kung feasible ang location sa inyo 2 hours ride ng bus mula cubao station tuloy-tuloy naman ang byahe. kung gustong mag overnight private naman yung pool so may mga rooms (bahay kasi yun) na pwedeng magamit. Pwede rin namang beach tapos rent ng rooms/cottage magdala o bumili na lang ng food.

 

 

logo button 1

spike_west's picture

Walang problema sa akin sa Laguna

Sige walang problema sa akin. Kaso yung iba kasi malalayong lugar. Eh sana okay sila. Ako na ang bahala sa fee yakang yaka na yan. Magdadala rin ako ng pagkain para oks na oks.

Eh sana maraming dumalo, eh kasi baka 3 or 4 lang tayong pumunta sayang naman!!hahahah!!

Basta gawa ka ng post at kung ano ang magandang suggestion nila for the venue. Then dun na natin planuhin lahat-lahat. Parang unang  get to together party natin yun. Tapos magplano tayo kung ano ang next step natin.

Ano rom? 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

.

 

 oks cge ako na gagawa ng post hehe. para makakuha na din suggestion kung saan feasible na venue

 

logo button 1

dyeppri's picture

napakaganda niyan...

Tang-na. Inggit na talaga ako. Last time na nagbakasyon ako kuya ay nasa los banos ako. P4,500 lang ang renta at over night pool iyon na may small house pwede siyang magihaw at luto. Ayus. Sarap!

sarap d'yan...Laughing hot spring.

 

                           http://dyeppri.wordpress.com/

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

spike_west's picture

ito ba yun?

Ito ba yung pool na may hot spring!! Wow ganda naman pala dyan eh!!Pwedeng pwede hehehhe!! Ano pareng dyep umuwi ka na kasi, kahit isang linggo lang!! 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

kislapalitaptap's picture

Wag pooooo!

pwede siguro sa baguio!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

Yiennarda's picture

Pwedeng sumama sa pag uwi?

 Miss na miss ko na rin ang Pinas, 3 years nakong di umuuwi, open invitation ba ito?  Kahit sino pwede sumama hehehe?

 

 

 

-an empty bucket

http://wattuduyanie.blogspot.com/

spike_west's picture

Yup

basta membr k ng FW pwedeng sumama. Meet and mingle lang.hehhehe!at least mayroon din balikbayan tulad mo.

Sige you are welcome to join

Ingat

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Yiennarda's picture

Shukran

Naku, maraming salamat po!  Sana makauwi na nga!  Pero kahit na hindi matuloy, sana kahit dito man lang sa middle east makapag mingle din tayo...

 

-an empty bucket

http://wattuduyanie.blogspot.com/

aireen's picture

kuya spikey.. natawa at

kuya spikey..

natawa at naluha naman ako sa kwento mo...

touched pati ako sa lab mo para kay inay...Laughing

 

cheers!

aireen

kislapalitaptap's picture

yung nanay...

...namin dati, literal na binugbog kami ng makita niya kami ng kapatid ko na nasa  pAlengke, hindi pumasok sa klase at naglalaro ng Game and Watch. asteeg! dugo ang ilong ko nun.

iba-iba talaga ang mga nanay!

kuya spike, di ba pwede agahan mo ang paguwi dito, para sa Grand EB? may big event kc akong dadaluhan sa April eh. ask mo si Kuya Rom kung ano yun, pero PM ha. di pwede ipagkalat sa ngayon.

gusto ko rin kasi makadalo eh. kung gawin na lang kaya sa Baguio? hanap tayo ng asteeg na place! hahaha!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

spike_west's picture

Teka busy ka ba ng buong April??

Bok, wag mong sabihing busing busy ang buong buwan mo ng April. Baka naman may teyping at TV guestings ka lang.heheheh

Teka Basta any date ng April, pwede ako. Isang araw lang naman yun bok, kaya luwas ka na ng Manila.

Ayaw mo nun makikita mo uli si AIREEN!!!! Oo nga pala Ai, salamat sa komento, magkikita kita din tayo sa finals.

Ingat sa inyo AI at Bok (teka parang labtim lang ah)

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

aireen's picture

"Ayaw mo nun makikita mo uli

"Ayaw mo nun makikita mo uli si AIREEN!!!! Oo nga pala Ai"

"Ingat sa inyo AI at Bok (teka parang labtim lang ah)"

----> ano naman eto kuya spikey.. ikaw tlaga intrigero!!!

nyahahahha

 

basta libre mo ang get together.. ayos yun!!!

bwahahaha

cheers!

aireen

spike_west's picture

Oo naman, ikaw pa

Syempre ako ng bahala dun basta siguraduhin mo lang na pupunta ka dun Ai, sympre di kumpleto ang FW kung walang ka dun. Nice may ganun!!hahah

Ingat uli! 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

aireen's picture

basta ba oks ang venue at

basta ba oks ang venue at walang ibang lakad bakit hindi... Laughing

Parang namang importante ako sa EB na yan kuya spikey... nyahahaha

Bahala na si batman kuya...

ingats din...

 

cheers!

aireen

jonsdmur's picture

Nalulungkot ako!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

nalulungkot ako.. kasi feeling ko hindi ko naranasan yan.... parang naiingit ako huhuhuhuhuhu! Frown

Pero naaliw ako sa pagkakasulat mo...

Ayos!

jonsdmur

dyeppri's picture

Okey lang 'yun...

                                                                                               libog at pagkauhaw--------->

 

may paraan pa para makaramdam ka din nito. Binata ka naman. So try mo magGF ng mas may-edad sayo. May GF ka na at may Nanay ka pa. Wahahaha!Laughing 

                           http://dyeppri.wordpress.com/

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

spike_west's picture

Kilala ko sino pwede kay Jons

Pareng Jons, bat di mo ligawan si MADAM AURING, ayaw mo nun may gerlpren ka na, may nanay ka , at LOLA ka pa. Joke, hehheh!!

Nice! 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

dyeppri's picture

Matagal ko na ngang iniisip kung sino kamukha nya...

 

Matagal ko na ngang iniisip kung sino kamukha ni Jondsmur eh. Mukhang artistahin talaga ang dating mo Jonds kaya pwede ka sa bahay ni Big Brother. Sapul! nakuha mo ang kamukha nya Pareng Spike. Si Archie nga pala. Tamang-tama at hiwalay na sya kay Madam Auring. Laughing

                           http://dyeppri.wordpress.com/

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

spike_west's picture

Ahahahhaha!!!!

Hoy hidni naman si Archie, sobra ka naman. hahahah!! Mukhang poodle si Archie.

Si jons kmukha nya si John Llyod! Pwamis yun. Kaya pwedeng pwede sya sa Bahay ni Kuya.

Ikaw talaga, siguro may nakaraan kayo ni Madam Auring!!

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

anakngfaraon's picture

   ha! ha!   kailangan ko

 

 ha! ha!

 

kailangan ko pala ng glossary of terms kung sakaling makausap ko ang nanay mo spike! ay master spike pala. hi hi.

 

 

spike_west's picture

HAhahah!! Itodo na natin ang ating Frat

Naku minsan nagsasalita ng ALIEN ang nanay ko, kat. Baka magulat ka!hehehhe!!

Ano may narecruit ka na bang bago sa ating frat????

Ingat Kat

Spikey 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

spike, tama sa baguio na

spike, tama sa baguio na lang. sige na heheheh

lakas ko magsabi wala pa nga ako ticket hehehe. ang mahal kasi.... 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

aireen's picture

hi sani...   dito na lng sa

hi sani...

 

dito na lng sa manila...

pag sa baguio tiyak walang makakarating.. hehehehe

cge na .. join ka.... Laughing

 

cheers!

aireen

spike_west's picture

Sani Orange este Sanilyn

Mukhang enjoy mo ang ICON ah!! Sige tingnan ko yung pix. Siguro okay ka na kasi nabago na yung date ng April 25, kasi April 18 e kasal ni Bok Kislap este may commitment daw sya. hahah

Basta attend ka ha!intay kita dun, hehee!! 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Melanie Quilla's picture

the best talaga ang mga ina

kahit pa napapagalitan tayo ng ating ina, kahit pa minsan nagkakatampuhan, hindi nating pwedeng itanggi na iba talaga ang pagmamahal ng isang ina...
kung bakit magulo ang buhol-buhol na takbo ng bangag kong utak, ang nanay ko lang ang dahilan... sa kanya ako nagmana sa mga hirit na pang-ibang planeta... hehehe...
kung ang nanay mo kuya ay may sariling dictionary, ang nanay ko naman mahilig gumawa ng sariling lyrics ng kanta... hehehe... at wag ka, kakanta talaga siya ng buong puso. pero mali ang lyrics niya... at minsan may mga padaleng inglish-spokening dolar ung nanay ko na matatawa ka na lang talaga...

Ex: Melay, i-BP mo nga ang tatay mo at baka ma-strokening strokening na naman iyan!
Uwi ka ng maaga anak at magwa-washy washy tayo ng damit sa laundry area! (sosyal, di ba?)

pero ha, degree holder ang nanay ko, may pagka-lukring lang madalas... hehehe...

Ingatski,
melay

spike,   ang kyut nito

spike,

 

ang kyut nito hehehe. nga pala the pix nasa facebook ko po hehehe. check mo lang. 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

mae chama's picture

puedeng stand up

 

 

kaenjoy! puedeng pyesa sa stand up comedy... kailangan ganyang mga tema kasi cleanfun at nakakatuwa!  

 

isa pa koya!