Ang Pag-Ibig
Ang larawan mo'y lumipas na gunita
timyas ng gintong
kay rikit kay ganda
limutin mang pilit sa ala-ala
ay sumisiit na ningas
kay pusok kay saya.
Duklay na pag-ibig noong nakalipas
ay impit na sibat
na sa puso'y natarak
pag'di pa kusang sa pusong napabihag
ang di sumangguni'y
luoy na rosas.
Kaya kung inrog ay rosal na mabini
sa hardin ay amor
ng paru-parong lunggati
ay diba't halimuyak na sa pagkakakandili
ay namumukadkad
sa pagkakakimi.
Halintulad din sa buhay ng tao
kung ang inibig
ay ibong matayog
kundi ka sanay na maghintay ng tyempo
ay uuwi kang
gasgas yaring puso.
Ngunit dapat pagkatandaan
ang ginto ma't
brilyanteng makinang
na sa mata'y bubulag at iilandang
ay walang halaga
kung bulok ang laman.
At kung kamtan man, gintong hagilap
ay pagyamanin
pagka ingatan
pagkat iyan'y ibong sa kawalan ng malay
ay 'di dapat sa hawla
hikbing nakaratay.
lalim dude!
isa kang makata. isa kang dalubhasa. =)
Agree ako sa kanila.. ang
Agree ako sa kanila.. ang galing mo... halos lahat ng tula mo magagandang salita ang ginagamit mo... saka makatang makata...
sana marami ka pang
sana marami ka pang ma.iinspire..mahusay ka talaga. Very deep and sensitive. Keep it up.
thanks
wow salamat po sa mga nag comment.
sana patuloy tayong sibluan ng panibagong sigla sa tuwing tayoy
gagawa ng tula .
salamat
Mi amigo
guau! qué usted puede llamar una obra maestra. Gran trabajo, más energía kai. 







napakagandang tula, kai.
napakagandang tula, kai. napakahusay mo!