ANG PAG-IBIG ALINSUNOD SA PAKETE NG TIDE ULTRA

aireen's picture
|

sabi ko
ayaw kong maglaba sa gabi
hindi ko alam kung bakit

siguro’y ayaw kong makitang
nakasungaw ang bituin sa ulap
at pinapanood ang bawat kong kusot

pero hindi kagabi—
ang totoo
naglaba ako

sinamantala ko ang pangungulimlim
ng bituin sa nangingilid na ulap

at natitiyak ko
maputi ang aking nilabhan
sinunod ko yata ang bawat instruksyon
sa likod ng pakete ng tide ultra:

1. kunin sa timba ang damdaming
matagal nang ibinabad

2. kusutin nang mabuti
pabulain
pabulain upang matiyak na
natatakpan na ng bula
ang mga salitang noon pa sana sinabi

3. at dahil nahuli na sa sikat ng araw
na siyang pagkukulahan,
lagyan na lamang ng clorox
upang kumupas at walang makakita
sa mantsa ni Eros

4. banlawan
maraming banlaw
at tiyaking maisama sa tubig
ang mga sentimiyento
at panghihinayang

5. ibuhos sa kanal ang tubig
upang makapagtago sa burak
ang mga pagsinta

6. isampay sa mahanging lugar
ang nilabhang damdamin
pabayaan itong makahinga
matagal na rin namang
naikubli ito sa baul

Pagmumuni pagkatapos…

napigaan ko na ang damit
mariin
nakalimutan ko nga lamang
pigaan ang tubig sa aking mata

paalam muna
samantala’y magpapatuyo muna ako—
ng damit
ng mata

sana’y walang makakita

salamat sa pakete ng tide ultra

Gilbert M. Sape

Share ko lang po... medyo emo yung Poem.. but i liked it! 

Everytime nireread ko sya naaalala ko yung prof. ko sa Dominican College  7 years ago (ang tagal na!! )..He's the one who introduced this poem  para pag-aralan! ang galing lang...

At ang galing ng writer.. ASTIG !!!

Baka sakaling may makarelate.. hehehehehehe


jonsdmur's picture

Tama ka.. maganda ang

Tama ka.. maganda ang tula... nakakawala ng pagod... unique ang pagkakalikha...

Noong una kala ko kaw na gumawa bibigyan na sana kita ng medalya hihihihi wagi ang tula... para sa akin kakaiba ang tulang ito...

Aking natuklasan

ang sabong gamit

ay may chalk na halo

hindi puro ang pagmamahal

na kanyang ibinigay

 

sorry hindi ako magaling sa tula hiihhihihi.. maganda ang mensahe ng tula... ang ganda ng kwento ng tula... Smile

 

ganda...

alam mo very cute yong paggawa ng tula cute na may sense... gusto ko siya..whoever made this poem ang galing niya ha...

laht tayo ay may karanasan sa buhay na hindi malilimutan but we also have to think to move on...past is past...we should look forward for our future....

well hope other people can read this short article and relate....

jonsdmur's picture

Tama ka frend.. sayo ako

Tama ka frend.. sayo ako natuto ng past s past.. kaya ako limot ko na ang past ko.. uy malapit ko na i post ang love story ko dito...

Happy talaga ako at nakita kita dito... di ko expect na magbibigay ka pa ng koment at magbabasa pa....

Tama ka maganda ang tula... kakaiba ang pagkakalikha... may kulay...

aireen's picture

tama ka may sense nga ang

tama ka may sense nga ang tula... unique sya kung tutuusin... sana marami ang mkabasa nito... salamat sa pagdaan mo joylyn.. Smile

Adlesirc's picture

love it!

emo nga pero ang ganda =) astig talaga!

aireen's picture

hehehehe nakakatouch d ba???

hehehehe nakakatouch d ba??? salamat sa komento mo adlesirc Smile

dyeppri's picture

ang masasabi ko lang...

ang masasabi ko lang sa tula ay SANA AKO ANG NAKAISIP NITO!!! 

(para siyang babaeng nakipaghiwalay na sa asawa niya!Cry)

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

jonsdmur's picture

akala ko dati di u totoong

akala ko dati di u totoong may asawa... totoo pala... mukha ka kasing teenager pa hihihihihihi di halatang may anak na....

Kung ikaw pa ang naka isip nito baka bigyan na kita ng medalya hahahahaha Laughing

dyeppri's picture

nag-iisip...

nag-iisip bata lang jonds kasi tumatanda na 'ata ako ng paurong. Memory gap na! ahihihiWink (ayaw kasi ng gatas ng kalabaw at ang gusto ay gatas ni kuwan na iinumin ng walang straw o bote man lamang...nyiks!) 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

aireen's picture

ang masasabi ko lang sa tula

ang masasabi ko lang sa tula ay SANA AKO ANG NAKAISIP NITO!!! 

(para siyang babaeng nakipaghiwalay na sa asawa niya!Cry)------

hmmmmmm.... ano ang ibig sabihin nito.>>>??? hehehehe

aireen's picture

sa lahat ng nakabasa at

sa lahat ng nakabasa at nagkomento maraming salamat!!! Smile

baby star's picture

ang galing-galing...

ang galing-galing nga po ng tula na 'yan at sana rin po ako na lamang din ang nakaisip ng temang 'yan. Gagawa na lamang po ako ng ganyan ang pamantayan. salamat po   X:o)

aireen's picture

hehehehe alam mo ba may

hehehehe alam mo ba may ginawa din me na tula na kahawig ng tulang yan... tungkol naman yun sa pagluluto.. hihihii...

salamat sa komento mo baby star... Smile

baby star's picture

walang anuman po..

sige ate at babasahin ko po...may bago po akong gawa at pakibasa na rin at ng maturuan nyo rin ako sa tamang pagtutula upang magamit ko sa school at sa kapatid ko rin. nagpapasalamat po ako sa site na ito at nalilinang ko ang tamang paggamit ng sariling sining at literatura natin. salamat po. X:o)

talulot's picture

gusto ko ng tide ultra

"kusut ng kusot akala'y puputi ang mga gusot!!!

malinis magtrabaho ang tide, lahat nagugulat 

pumuputi na ang burak

dahil sa luha ang laman."

 

ang galing nga ng writer na ito. salamat sa pagshishare.!!! 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

aireen's picture

walang anuman talulot..

walang anuman talulot.. maganda kasi ang tula kaya di na ako nagdalawang isip na ibahagi sa inyo... Laughing

Tungkol sa Tide Ultra

Wow, tagal ko nang ginagamit ang tulang ito ni Gilbert M. Sape. Mabuti naman at napasok sa site. I know, winner ang poem na ito sa isang poetry contest.  Ginamit ko rin kasi ang tulang ito sa isa kong aklat para sa mga mag-aaral sa kolehiyo, at talaga namang makakakutulong sa isipan ng mga writers na bumuo din ng ganitong uri ng tula. Salamat, sulat lang tayo nang sulat at basa lang tayo nang basa, para naman lalong mabuhay ang larangan ng literatura sa ating bansa. MABUHAY ANG MANUNULAT NA PILIPINO! (wala yatang sumagot?) MABUHAY ANG MANUNULAT NA PILIPINO!,  mabuhay!

aireen's picture

Tama po kayo nagwagi nga po

Tama po kayo nagwagi nga po ang tulang ito sa isang poetry contest..

Salamat po sa pagbasa.. Smile

 

 MABUHAY ANG MANUNULAT NA PILIPINO! (wala yatang sumagot?) MABUHAY ANG MANUNULAT NA PILIPINO!,  mabuhay!

 

Mabuhay! mabuhay! Laughing

ang ganda nman, mdyo

ang ganda nman,

mdyo nka-relate ako dun ah

jejeje.......

thnx for posting this poem.

aireen's picture

salamat sa pagbasa bong...

salamat sa pagbasa bong... :)