Ang Pag-iisang dibdib

Dap-ay Sapata's picture
|

 

Ang Pag-iisang dibdib

 

ni Dap-ay Sapata

26 December 2004

CPP 36th Founding anniversary

Kasal sa Partido nina Ka Alon at Ka ID

 

Binabalot ng ligalig ang buong daigdig

Kahirapan ay tanawin sa lahat ng panig

Kaapihan ay laganap sa lipunan

Karahasan ng digmaan, panangis sa kawalan

 

Sumibol ang aking pag-ibig sa’yo

Sa saliw ng maka-uring digma

Ang makita at makapiling ka

Ang hangarin sa twina

 

Kasabay ng mga awit, alingawngaw ng mga punglo

Ang mga tula ng pakikibaka ng mithiing paglaya

Ay sumusulat sa aking gunita

Singilin ng dugo ang pasistang kaaway

 

Sa pusod ng kagubatan ng kanayunan

Umusbong ang dakilang pag-iibigan

Danasin man ay pasaki’t sa ating digmaan

Ang ating pag-ibig sa bayan ay alay

 

Sa araw ng ating pag-iisang dibdib

Sa piling ng masa at mga kasama ay walang kapalit

Ito’y payak na kasaysayan ng ating buhay

Sa ningning at patnubay ng Partido ng proletaryado

Ang ating pag-ibig ay maglilingkod sa tagumpay ng Digmang Bayan.#

 

Dap-ay Sapata