Ang Pagbabalik

1. 

Na miss ko ang pagsusulat dito. Na miss ko ang site na 'to. Ang tagal ko palang nagpahinga. Ang tagal kong naglibang para sa ibang bagay. Muntik ko ng makalimutan na sa kaibuturan ng aking puso, andoon pa rin ang munting hangarin na magsulat. Muntik ko na rin tuloy hindi makilala ang sarili ko. *Buntung hininga*

 2. 

Isang sorpresa ito para sa akin. Talagang nagulat ako sa bumungad sa akin sa site na ito.  Marahil nasanay lng siguro ako na mga ipis, langgam, at mumunting abo ang nagpapasasa sa aking mga sulatin. Hindi ko akalain na pwede rin pala itong pagtuunan ng pansin ng ibang tao. Pangit man o maganda ang puna, puna pa rin itong matatawag. Ang mahalaga, may nagbigay ng kaunting oras para sa aking abang akda. At ano pa nga ba ang aking masasabi? Wala na kundi ang wagas na pasasalamat mula sa aking puso...

3.

Para sa aking "Wikang Filipino", salamat sa mga nagkomento. Salamat sa mga nagpatuloy ng usapin sa kabila ng kawalan ng aking presensya. Napakamakapangyarihan  pala talaga ng mga salita, ng bawat komposisyon, ng bawat ideyang inilalabas....

 Nais ko lamang linawin, sinulta ko ang bagay na ito, hindi para tuligsain ang mga kapwa ko Pilipinong wikang Ingles ang ginagamit na bala sa pagsusulat. Sa katunayan, hanga ako sa inyong kakayahan. Isa ako sa hindi pinalad na magkaroon ng malawak na bokabularyo pagdating sa banyagang wika na iyan. Kaya sa tuwing makakabasa ako ng mga akdang Ingles na Pinoy ang may likha, talaga namang di ko mapigilan ang humanga. Isa iyang talento na ibinigay sa inyo at dapat ninyong alagaan at pagyamanin. 

Ang pinupunto ko lamang sa sanaysay na aking sinulat, sana habang patuloy kayong nagpapakadalubhasa sa pagsusulat gamit ang wikang banyaga, sana'y huwag ninyong kalilimutan ang wikang inyong pinagmulan... Iyon lamang at wala ng iba... Salamt ulit sa mga puna...

 4. 

Sa mga nagpadala sa akin ng mensahe at sumagot sa aking mga ipinadalang mensahe, salamat sa inyo. Sana'y ito ang maging simula ng walang hanggan nating ugnayan at pagkakaibigan. Alam ko lahat kayo ay may malaking papel na gagampanan upang ako'y maging isang ganap na manunulat.... 

 5.

 Napakasarap talaga sa pakiramdam kapag nakakapagsulat. Mabuhay kayong mga manunulat!

 


jonsdmur's picture

welcome back again.... happy

welcome back again.... happy kami sa iyong pagbabalik.... teka, nawala ka ba? pansin ko sikat na sikat ang wikang pilipino mo.... hehehe

keep on writing

si jonsdmur ay nagpropromote ng Ako si Cocoy at ang kanyang parating na LA traidora...jonsdmur

Salamat sa pag Welcome

Salamat sa muling pagtanggap. Medyo nagpahinga ako sa pagsusulat upang harapin ang ibang bagay. Unti unti n kasi ako nawawalan ng pag-asa sa larangang ito. Naisip ko wala naman itong patutunguhan. Kaya inuna ko na lang mga kelangang kong gawin sa skul at ang pag ieenjoy kasama ng barkada. Kaya nga laking gulat ko ng mag check ako ng email at nkitang ang daming thread subscription ng aking iniwang sanaysay. Pangit man o maganda ang dating sa mga nakabasa, natutuwa ako kasi may nakapnsin na din sa akin. Sa wakas. Kaya ito, muli na naman, nabuhayan ng loob. Sa totoo lang ignorante talaga ako sa bagay na ito. Wala akong pundasyon. Isa lamang itong libangan para sa akin. Pero ng maglaon, naging parte na ng buhay ko ang pasusulat kahit na nga walang pumapansin. Dito ko nailalabas ang mga damdaming hindi ko mailabas labas. Kaya nga kahit nangangapa, pinipilit kong palawakin ang aking kaisipan. Pilit kong tinitipa ang bawat letra at bumubuo ng mga salitang, bagama't kadalasang nababasa at naririnig ay nag-iiwan naman ng kakaibang musika sa mga nagbibigay ng kanilang panahon. Sana.... Hehe....